Naging abala ako nang sumunod na mga araw dahil sa pag-aayos ng gamit at ilang tinapos na exam bago ang pagtatapos ng first sem. Mabuti at pumayag si Sir Avery na medyo mahuli ako dahil nasa Singapore naman daw siya ng dalawang linggo. Meron ding branch doon ang ABEV.
"Anak, makakaabot ka pa kaya ng fiesta?"
"Opo, naman, 'Tay. Lumipad pa-Singapore iyong boss ko kaya sa isang linggo pa po ako papasok," maligaya kong sagot.
Isang malapad na ngiti ay sumilay sa labi ng aking ama.
"Salamat naman. Tayo ay maghahanda nang kaunti. Nakuha kasi akong magkakatay ng baboy diyan sa may ampunan. Sabi ni Doc Red ay bibigyan ako ng limang kilo."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Palagi naman kaming may handa tuwing pyesta dahil isa iyon sa pasasalamat namin sa mahal na patron ng bayan. Ngunit madalas ay saktong ulam, kanin, at kakanin lang ang aming handa dahil kami lang naman nina Tatay at iyong isa niyang matalik na kaibigan. Ako naman ay si Keira lamang ang bisita. Bago ngayon iyong limang kilong baboy na handa dahil madalas ay luto na ang ipinadadala sa amin ng mga Dominguez.
"Talaga ba, 'Tay? Ang dami naman noon. Sana ay pinabawasan ninyo, dalawa lang naman tayo."
Winsiwas niya ang kamay. "Naku, hindi na. Iyon ay regalo sa'yo nina Ma'am Gwen at Doc Red dahil sa napagtagumpayan mong makapasok sa ojt mo. At dapat lang na damihan ang handa dahil pinagpala ang ating taon ngayon. Malapit ka nang magtapos ng pag-aaral. Dininig ng mahal na ina ang ating dalangin."
Napakabait talaga ng pamilya Dominguez sa amin. I will be forever grateful not only with the friendship of me and Kate have but also with their whole family.
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Tatay. Pwede namang i-freezer iyong matitirang ulam. Magma-marinate din ako para pulutan ni Tatay at kaibigan niya. Siguradong mag-iinom iyon. Mahina lang naman uminom si Tatay. Kahit paano ay deserve niya ang mag-chill din minsan.
"Siya, sige ho. Mag-menudo tayo at shanghai 'Tay, ha? Excited na po ako!"
Sumapit ay bisperas ay naging abala na ang buong bayan ng Naic. Mabilis lang naman si Tatay sa may katayan. Hapon ay nasa bahay na rin siya at dala na ang bagong katay na panghanda.
Masaya niya iying inabot sa akin. Hindi maiwasang lumobo ng puso ko sa tuwa sa tuwing nakikita siyang natutuwa. Simple lang naman ang kaligayahan ni Tatay, ang maibigay sa akin ang mundo na hindi niya kayang pasanin lahat. Pero wala naman iyon sa akin. Pareho naming papasanin ang mundo, hindi ko kailanman siya hahayaang saluhin ang lahat.
"Aba, at tapos nang maggayat ng rekado ha?" Nakatutok ang mga mata ni Tatay sa mga gulay na gayat na sa mesa.
"Syempre naman, 'Tay. Ikaw na nga lang ang hinihintay ko. Pero bago 'yan ay magpalit muna kayo ng damit at maghugas ng kamay. Handa na ang higaan. Umidlip muna kayo."
"Naku, hindi na. Tayo ay magumpisa na."
"Naku, 'Tay, huwag na makulit. Ang balakang ninyo baka sumakit na naman. Kayo rin, hindi ko kayo papayagan uminom bukas." Hamon ko sa kanya, taas pa ang isang kilay. Napakamot siya ng ulo.
"Sabi ko nga at ako ay iidlip muna. Teka, si Kate ba ang nariyan? Nand'yan na ang mga kapatid ng Papa niya. Hindi ko siya napansin."
"Binuksan ko ang plywood na pinto ng aking silid upang masilip niya si Kate. Hayun at ang himbing ng tulog."
"Alam niyo naman na ilag 'yan sa mga kamag-anak. Kanina pa iyang umaga rito."
Tumango na lang si Tatay at iniwan na kami. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ilag si Kate sa kahit anong kamag-anak ng mga magulang niya. Ilan kasi rito ay hindi pa rin siya tanggap. Ano naman kayang problema nila eh, sa gustong ampunin ng mag-asawang Dominguez ang kaibigan ko? Mabait naman si Kate at hindi sayang ang paaral, matalino, at higit sa lahat mapagmahal na kapatid at anak.
Sabay-sabay na kaming kumain kinahapunan. Pagkatapos noon ay nagbalot na kami ni Kate ng pang-lumpiang shanghai at si Tatay naman ang nagsakutya ng menudo. Ayos na iyon, laman tiyan na. Paniguradong taob ang kaldero. Minsan lang naman kasi kami makakain ng karne, sa mahal ba naman ng kilo ng baboy ngayon.
"'Tatay Apen, ako eh, uuwi na, busog na po ako, eh," humahagikhik na sabi ni Kate bago magmano kay Tatay.
"Hala, sige. Eh, teka, nariyan na ba ang Kuya Junnie mo? Ihahatid na kita kung wala pa, i-text mo na lang."
"Nariyan na po, 'Tay. Dala iyong tricycle."
Lumabas kami ni Tatay at parehong nagpaalam sa magkapatid.
KINABUKASAN ay maaga kaming nagising ni Tatay para sa misa. Namili kami ng punda ng unan pagkatapos. Sinasamantala ko talaga ang pamimili ng punda sa tuwing pista dahil wholesale ang presyuhan. Pumapatak na sampung piso lang ang isa. Makalipas ang pista ay ibebenta ko sila ng bente pesos, ayos na pandagdag sa gastusin.
Sobrang nag-enjoy ako sa pamamasyal namin ni Tatay. Mari kasing tiangge. Naibili ko nga siya ng short at sando.
"'Tay, mainit na po. Uwi na tayo," sabi ko.
"Siya tara na. Pero bago ang lahat, ibibili muna kita ng milk tea," nakangiting sabi ni Tatay.
"Wow. Yaman ng Tatay ko ngayon, ah."
"Syempre naman," mayabang niyang sabi. "Libre ko 'yan sa'yo."
"Sige na nga, tara na, 'Tay ibili mo na ako para malaman ko ang lasa ng milk tea na 'yan."
Sarado ang tulay ng Saluysoy kaya naglakad lang kami. Malapit lang naman papuntang bukid kaya ayos lang.
Pagdating namin doon ay saktong pagdating ni Kate, kasama niya si Kuya Junnie.
"Happy fiesta po," masayang bati ng gwapong doktor. Saglit akong natulala. Crush ko kasi talaga si Kuya Junnie. Gustong-gusto ko iyong sense of humor niya. Hindi gaya noong ni Sir Avery na parang pinagsakluban ng bilao ang ugali. Pinilig ko ang ulo ko. Bakit ko ba iniisip ang boss ko?
"Happy fiesta rin, Doc Junnie," si Tatay. Binati ko rin sila.
"May dala kaming hipon, bes. Dinamihan ko na dahil dito ako magtatambay. Walang titigil ng kain hanggat walang ina-allergy," magiliw na sambit ni Kate. Napailing ako.
"Kain muna, Doc Junnie," aya ko sa kanya.
"Pasensiya na Keira, 'Tay Apen, kung tatanggi ho ako ngayon. Nauumay na ho kasi ako sa karne." Napakamot ito ng ulo sabay ngiwi.
Natawa si Tatay sa sinabi niya.
"Siya sige. Ay teka, bago ka umalis ay padadalhan kita ng suman."
"Yown! Masarap sa kape 'yan, 'Tay!Tanggal umay pa."
Sampung tao ang naging bisita namin dahil kasa-kasama ng mga kaibigan niya ang buong pamilya ng mga 'yon.
Masaya ang naging maghapon namin dahil kahit kami ni Kate ay nakisali sa kwentuhan. Aliw din kaming nakipagkwentuhan sa mga dalagita nitong anak.
Pagsapit ng ala sais ay sabay-sabay silang umuwi. Masaya ako na masaya si Tatay kasama ang mga kaibigan niya.
Gaya ng inaasahan ay hindi naman siya nalasing at nilansing lang niya ang mga kasama sa inuman.
"Anak, kayo ay mamasyal ni Kate sa bayan. Ako na ang bahala rito. Magwawalis na lang naman at naiurong niyo na ang hugasan," ani Tatay na nakapagpatigil sa aking pagwawalis.
"Sure ka ba, 'Tay?"
"Oo, lakad na kayo at manuod sa plasa. Balita ko ay may mga artista roon sa jamboree."
Iyon nga ang ginawa namin. Nauna ang prusisyon, sumunod ang palma, at panghuli ang jamboree. Hindi magkamayaw ang mga kabataan nang may dumating na artista. Si Diane Page ang naroon, ang nababalitang artista na sasabak din sa Miss Universe.
"Bes, omg, ang ganda niya!" Tili ni Kate sa aking tabi. Tumango ako bilang pagsangayon. Maganda talaga siya at magaling din sumayaw.
Bumaba ang enerhiya ng mga manunuod nang umalis na si Diane. Maging kami ni Kate ay tinamad na rin kaya napagpasyahan naming bumili ng makakain sa isang convenience store.
"Boring ng pagkain natin, bes. Sana pala nagbaon tayo ng kanin at ulam." Napapalatak si Kate.
"Oo nga, eh. Nakakagutom pala magtitili. Kain na lang tayo pag-uwi. Pero doon muna sa amin, ha? Papahatid na lang tayo kay Kuya Junnie para sa pag-uwi mo."
"Sige, may hipon pa ba? Gusto ko iyon, eh." Hindi na ako nahiyang magtanong. Alam naman kasi ni Kate na paborito ko ang hipon.
"Oo, meron pa iyon. Sabi ko kay Mommy ay magtira...Hala!"
Awtomatikong lumipat ang direksyon ng mga mata ko sa dako kung saan naroon ang kanyang hintuturo. Nanlaki rin ang mga mata ko. Anong ginagawa ng lalaking ito rito?
"'Di ba si Sir Avery 'yun?" taka niyang tanong. The man was in his car, siya lang mag-isa at tila ba may hinihintay.
"Oo nga, baka may date," ani ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumayo. Lakas loob akong lumapit kay Sir Avery. Hindi naman nakasara ang bintana niya kaya agad na nagtagpo ang aming mga mata. Ang madilim niyang tingin ay naghatid na naman ang tingin sa akin na tila ba may malaki akong kasalanan.
"You done?"
Naumid ang dila ko nang siya ang naunang magtanong sa akin.
"P-po?" Ang tanging naisagot ko. "Hinihintay niyo ako?"
"Hop in," malamig niyang turan. Ayan na naman siya sa mga banat niyang basta na. Binuhay niya na ang makina pero nanatili pa rin akong nakatayo lang, nagtatagisang kami ng tingin. "Keira, I'm starving. Get the hell in."
"Teka lang, Sir. Sabihin mo muna sa akin kung bakit ka narito." Akala mo kung sinong Diyos itong mag-utos. Pinamaywangan ko siya at binigyan ng inis na tingin.
"I had a meeting with your university dean. Now, can I eat? It's fiesta, right? Okay lang bang makikain?" Gusto manlaki ng mga mata ko nang bigla siyang ngumiti, ibang-iba sa awra niya noong una kaming magkita at sa interview ko.
Nahihiwagan pa rin pero nakuha ko nang tumango. Reasonable naman dahil sa ibang barangay naman nakatira 'yung school dean.
Muntik ko nang isipin na ako ang sadya niya talaga at may lihim siyang pagtingin sa akin.
Sinabay na namin si Kate pauwi. Inaya niya si Sir sa bahay nila pero magalang na tumanggi ang huli dahil nakapangako na raw siya na sa bahay namin kakain.
Ako iyong naunang bumaba. Kumatok ako ng dalawa sa pinto at mabilis na binuksan iyon ni Tatay.
"Oh? Ang aga mo naman. Sinong naghatid..." Natigil si Tatay sa pagsasalita nang tumagos ang tingin sa aking likuran. Siguradong nakita na niya si Sir Avery.
"Magandang gabi po," bati ng boss ko kay Tatay.
Bumalik ang tingin sa akin ng aking ama.
"'Tay, si Sir Avery po, boss ko po siya. Galing po siya sa bahay ng dean ng school dahil may meeting sila. Nakita ko po siya sa bayan. Minabuti ko pong anyayahan na rito sa bahay para kumain."
"Ay, oo, naman. Magandang gabi, Sir. Masyado ho naman na kayong ginabi."
Hindi magkandaugaga si Tatay sa pagestima sa aking bisita. Maigi na lang at hindi pa nailalagay sa ref ang mga putahe kaya madaling naiinit. Bagong saing din dahil alam ni Tatay na gutom ako pag-uwi.
Pinaghain ko si Sir Avery, menudo at kaunting hipon na lang ang natira.
"Pasensya na, Sir, kaunti na lang ang natira." Hinging paumanhin ko.
"No worries. This dish is so good. Kumain ka na ba?"
Kanina, nagugutom talaga ako sa kanin. Pero ngayon na nakikita ko siyang kumakain ay nawalan na ako ng gana. Mas nangibabaw kasi ang kuryusidad ng inaakto niya.
"Sir, okay ka lang?"
Siya naman iyong natigilan. Nilunok niya muna ang pagkain bago magsalita.
"What?" Salubong na ang kilay, pero gwapo pa rin. Bakit nga ba ako nagtatanong? Baka naman ganoon lang siya dahil kakakilala pa lang namin? Sige na nga, tatahimik na lang ako.
"I mean, juice? Softdrinks?"
"No, water is fine."
Napalingon ako kay Tatay nang makitang presentable na ng kanyng suot. Nahiya siguro kay Sir Avery dahil butas na tshirt ang kanyang suot kanina. Presko kasi iyong pantulog.
Sila iyong mas naghuntahan, nagtanong-tanong si Tatay tungkol sa kung may kilala siyang iba rito bukod sa dean. Tiga rito raw iyong isa sa matalik niyang kaibigan, tiga Bucana kung saan siya nanunuluyan tuwing nagagawa rito.
Habang tumatagal ay namumula na si Sir Avery. Halata na ang pagkalasing niya dahil tumatawa na siya. Ilang beses ba akong sosorpresahin ng lalaking ito?
"Sir, mukhang lasing ka na po," ani ko. Nilingon ko si Tatay. "'Tay, tama na 'yan, matulog na tayo."
Kahit si Tatay ay nagulat nang makita ang oras. Inabot na kasi sila ng alas tres.
"Aba'y oo nga. Sir, dito na kayo matulog. Delikado na ho sa inyo magmaneho."
Susuray-suray na rin si Tatay, kaya hinatid ko na siya sa kanyang silid. Maglalatag na lang ako ng banig sa bandang ibaba ng kama ni Tatay tapos doon na lang si Sir Avery sa may silid ko. Nakakahiya naman kung sa papag sa sala ko siya pahihigain. Bukod sa matigas iyon ay hindi siya kasya.
Paglabas ko ay agad na nagsalubong ang mga mata namin ni Sir Avery. May kung anong poot akong nabasa na agad din namang napalis.
"S-sir, okay lang po ba kayo?" May kaba kong tanong.
Isang ngisi ay sinagot niya sa akin. "You had a good life despite of your life status, don't you?" he answered instead. Kung pagiging mahirap namin ang tinutukoy niya ay wala namang kaso sa akin iyon, at tama naman siya na maayos ang buhay namin at masaya kahit na hirap minsan.
"Oo naman, Sir. Kahit minsan kinakapos ay masaya kami ni Tatay. Lahat ng bagay na makakagaan sa buhay namin ay gagawin ko. Kaya nga po laking pasalamat ko na tinanggap niyo po ako sa trabaho."
Tipid siyang tumango. Nagbaba siya ng tingin na tila ba hulog sa malalim na pag-iisip.
"Sir, sa kwarto ko na po kayo matulog."
"And where do you sleep?" Kunot na naman iyong noo niya. Ang madilim niyang mga mata ay kababakasan ng pagkainis.
"Sa silid po ni Tatay. May extra naman pong higaan doon."
"Alright, thanks."
Inalalayan ko si Sir papasok ng silid dahil pagewang-gewang na siya talaga. Buti na lang at kaunting hakbang lang ay narating agad namin ang kama. Ang bigat ni Sir. Matangkad kasi siya tapos hanggang balikat niya lang ako.
Napangiwi ako nang pabagsak siyang napahiga. He groaned in pain. "S-sorry po, naku, ang bigat niyo kasi." Hindi ganoon kalambutan ang aking kama kaya alam kong nasaktan siya. Laging ginhawa ko nang kalaunan ay kumalma na ang kanyang paghinga. Mukhang tulog na.
Ngunit iyon ang akala ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"You're distracting me, Keira," he murmured with his eyes close.
Wala na akong narinig na kasunod pa noon at bumagsak nang muli ang kanyang kamay. Tuluyan nang hinila ng antok. Malalim akong napabuntonghininga at binalewala na lang ang huli niyang nasambit.