Kulang na lang ay malaglag ang panga ko sa sinabi ng lalaki. Siya? As in siya ang CEO? Iyong lalaki na tumulong sa akin? Like for real?
"Hey." He snapped at my face. Nakakunot iyong noo niya.
"S-Sorry, Sir. Ikaw pala...I mean. Good morning po." Yumukod ako nang kaunti tanda ng paggalang. Parang gusto kong bumuka ang sahig talaga at lamunin na lang ako. Promise, 'di ako magrereklamo, willing akong sasama.
Tumango siya sa akin bago damputin ang folder na nasa kanyang harapan kung saan naroon ang resume ko.
Hindi ko maiwasan 'di pakatitigan ang nakakunot niyang noo. Ang ganda talaga ng makakapal niyang kilay. Makapal din naman iyong kilay ko, pero iyong kilay niya ay kakaiba. Kilay pa lang nakakahipnotismo na. Lalo pa noong dumako ang paningin ko sa kanyang labi. He was biting it while reading my resume. Parang ang sarap-sarap din makikagat doon.
"So, tell me about yourself," he suddenly asked me. Nakatingin pa rin ako sa mga labi niya.
"Masarap po," sagot ko.
"What?" Iyong inis niya sa boses ang nakapagbalik sa akin sa ulirat.
"S-Sorry, Sir..."
"You said it twice this minute, Miss Jomarie. If you're not dedicated to this job, you can leave my office, now. Stop waisting my time."
Naalarma ako sa narinig. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. There's no way I can say sorry again dahil nagalit na nga siya. Bakas ang pagtitimpi sa kanyang gwapong mukha dahil pulang-pula iyon.
"I'm Keira Jomarie Gonzales, 21 years old. Currently studying Hotel and Restaurant Management at Naic State University."
"So, you were a working student. Why is that?" Interesante niyang tanong.
"My father can't support fully my studies the past sem because of the effect of typhoon Omeng. He's a farmer and all of our crops were destroyed by the typhoon." Mukhang na-impress siya dahil tumaas ang sulok ng kanyang labi. Ganoon pala siya kapag natutuwa, maloko ang ngiti.
"What was your task on the fast food restaurant where you came from?"
"My job title was cashier but we need to be versatile in times of peak hours. Sometimes, I stationed at the pantry and saute area."
"So, you somehow handled some guess complaints?"
"Yes, Sir."
"And how did you do it?"
"I made a habit to talk to the customer and looked at them with sincerity, say sorry, and offered something that would uplift them depends on their concern. It is also better to address their complaint carefully to avoid misunderstanding."
The rest of his questions were all situational. Hindi ko alam kung gusto niya ba iyong mga sagot ko dahil ganoon pa rin iyong mukha niya. Buong durasyon ng interview ay naka-serious emoji iyong face niya.
He even asked questions from the book. The table set up, international cuisine, about tourism and hospitality industry. So, hindi ko alam kung bakit niya ako ilalagay bilang secretary niya. Sure, it's better if I have knowledge about the industry he was with. Pero kapag inisip mo talaga, ang layo, eh.
Sobrang layo roon sa expectation ko na kailan kong humarap sa mga guest araw-araw. Alam ko namang nakaka-inspire iyong kagwapuhan niya. Kung sa trabaho rin lang ay nakakagana kung ang gwapo niyang mukha ang makikita. Pero biglang sekretarya niya? Napangiwi ako sa isipan. Tatango-tango lang ako ngayon pero kapag alam kong nasa katwiran ako kay pumapalag ako. Feeling ko, araw-araw kaming mag-aaway.
"S-Secretary niyo po?" Paniniguro ko.
"Twenty thousand a month with health card, including the government benefits. Your duty will be monday to friday, 8am to 2pm."
"B-But, Sir, may klase po ako..."
"I already arranged it to Misis Cruz. You will credit the subject itself in a modular way. That would be an advantage to you dahil on the job mismo ang magiging performance mo since nasa hotel ka naman na. " He cut me off. "We need your skills and perseverance here. I am impressed with your grades and your work performance at your recent job, as well as your school. I want you to be part of ABEV Royal Inc. Are you in?"
Iyon actually ang pinaghahandaan ko, ang magiging set-up ng schedule ko kung sakali. Pero ito na, nilatag na lahat sa akin ni Sir Avery. At hindi lang allowance ang ibibigay sa akin. The offer was tempting.
"Y-You mean...I am totally employed?" hindi sigurado kong tanong.
"Yes, if you'll accept it."
Imbis na sumagot ay hikbi ang lumabas sa aking labi. Kinapa ko ang dibdib na bahagyang nakaramdam ng kirot.
"W-What is happening to you?" tanong niya na may haling pagkataranta. Tumayo siya at hinagod ang aking likod. Napahagulgol ako na ako nang tuluyan nang maisip si Tatay. Makakatulong na ako. Hindi na sasakit ang balakang at likod niya. Mapapa-general check-up ko na rin siya.
"A-Ano po... Thank you po, Sir," ani ko habang umiiyak. Maraming salamat po, malaking tulong po ito sa amin ni Tatay. Tumayo ako at saka paulit-ulit na yumukod habang walang sawang nagpapasalamat.
Inayos agad ng hr ang ang kontrata ko. Nagbilin ng mga bagay gaya na hindi dapat makarating sa iba iyong offer sa akin dahil baka isipin ng iba na unfair ang ABEV sa ibang ojt and don't ever discuss about my salary. Next week ay mag-uumpisa na agad ako. Libre na iyong medical ko at ang kulang na requirements ay pumayag na to follow na lang.
Kailangan ko lang kunin iyong modules ko at magpapasalamat na rin dahil pumayag si Misis Cruz.
Habang iniisa-isa ang nakasulat sa kontrata ay hindi ko mapigilang mangiti. Bukod sa transportation allowance ay free meal din ako. Halos load na lang pala ang gagastusin ko. Paniguradong malaki ang maipapadala ko kay Tatay. Saka isa pa, madalas akong makakauwi. Agad kong pinirmahan ang kontrata matapos ang masusing pagbubusisi.
Para akong sinilihan ng pwet nang makalabas ng hr. Sinadya ko talaga ang cr at doon nagtitili at pinangisay-ngisay ang katawan sa tuwa at kilig dahil sa magandang balita na nangyari sa aking buhay ngayong araw.
"Omg! Omg!" Kinikilig na sambit ko na may patalon-talon pa. Sumayaw-sayaw pa ako sa harap ng salamin habang masayang nagme-make face. Kaya lang, naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin kaya natigilan ako. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita si Sir Avery na lumabas mula sa men's cr. Magkatapat lang kasi ang pinto.
Ang ngiti ko ay naging ngiwi tapos ay kiming inayos ang nakabalukot na katawan.
"S-Sir," nahihiya kong ani bago yumukod. Umiling lang ang huli at walang salitang umalis. Siguro, isip-isip niya, nababaliw na ako.
Medyo natagalan iyong paghihintay ko kay Kate dahil marami raw applicants from other schools kaya nagtambay muna ako sa may convenience store malapit.
Bumili ako ng juice na nasa tetra pack at isang biscuit. Medyo nakakagutom iyong ginawa ko sa harap ng salamin.
"Pwedeng makiupo? Uhh...kung wala kang kasama?" Biglang tanong ng isang lalaki. Naka-long sleeve siyang puti at itim na pants. Pormal na pormal. Siguro ay sa opisina siya nagta-trabaho.
"Sige po, okay lang po," magalang kong sabi. Umisod ako nang kunti. Narinig ko siyang tumawa kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.
"Grabe naman iyong "po," hindi pa naman ako matanda," aniya sa aliw na tinig. Nahihiya akong ngumiti. "I'm King, by the way. Sorry, if I made you feel comfortable. It's just a joke."
Iniumang niya ang kanyang kamay pero hindi ko iyon tinanggap.
"Ouch," may pag-arte niyang sabi bago binawi ang kamay. Hindi naman ako maarte, bilin lang talaga sa akin ni Tatay na huwag makikipagkilala kung kani-kanino dahil likas na mapaglinlang ang mga tao. "Right," muli niyang wika bago nakangiting binaling na ang sarili sa kinakain.
Medyo nakunsensya naman ako sa inasal ko kaya pinili ko na lang na umalis na. Sa may katapat na mall ko na lang siguro ako maghihintay.
I was about to walk on the pedestrian lane when I saw a familiar man staring at me. It was Sir Avery. Nakasandal siya sa may plant box ng katapat na banko, katabi lang din ng store. Bukas iyong dalawang butones ng polo niya at nakataas ang dalawang sleeves. Break time na siguro niya.
Kung hindi ko lang siya boss, iisipin ko na sinusundan niya ako. Pero syempre, imposible naman 'yun dahil natural lang na lagi ko siyang makita dahil near the hotel vicinity lang naman ang lugar na madalas kami magtagpo.
Yumukod ako sa kanya bago tuluyang tumawid.
Nagikot-ikot lang ako sa loob ng mall at nangarap ng gising na kapag sumahod ako ay bibilhin ko iyong bagay na nais.
Pasado alas kwatro na si Keira natapos. Masaya niyang binalita sa akin na natanggap siya at receptionist nga siya sa isang restaurant.
"Bes, grabe iyong interview ang intense! Medyo may kasungitan at ma-realtalk iyong general manager ng hotel," aniya sabay himas sa dalawang braso. "Ikaw ba? Kumusta ang interview mo? Gwapo nga ang ceo?" Iyon agad ang una niyang tanong.
"Oo. Saka bata pa siya. Mahaba ang pilikmata, malamlam at parang inaantok ang mga mata niya, itim ang buhok, mapupula ang mga labi..."
"Hala. Accurate talaga, Bes? Type mo 'no?" nanunuya niyang tanong. She even wiggled her brows. Napanguso ako at inirapan siya.
"Naku hindi! Ang sungit kaya niya tapos parang ang sama-sama lagi ng loob sa akin."
"Baka type ka rin!"
"Eh, hindi ko nga siya type! Tara na nga!"
Hinila ko na siya palabas ng mall bago pa lalong lumawak ang imahinasyon niya.
Habang naglalakad papuntang condo ay inusisa ko si Kate tungkol doon sa interview niya. Ganoon din siya sa akin. Gulat na gulat siya nang malamang magiging secretary ako ng CEO.
"Ang galing mo naman, Bes. Siguradong malaki ang allowance mo dahil ceo iyon. At ang schedule mo office hours, sana all na lang talaga."
Syempre, hindi ko sinabi na empleyado na talaga ako at hindi basta ojt lang. Kahit naman best friend ko siya, kailangan ko pa ring maging professional. May pinirmahan akong kontrata kaya kailangan kong i-honor 'yun. Sigurado naman akong ma-aabsorb si Kate sa hotel dahil magaling siya. Sa aming dalawa kasi ay siya iyong magaling mag-entertain ng guest at mag-upsell.
"Kinakabahan nga ako, Bes, eh. Kasi mukhang masungit talaga si Sir Avery tapos medyo pikon siya," sabi ko.
"Ano ka ba. Ganoon talaga dahil lahat ng stress ay nasa kanya na. Ikaw ba naman maging CEO ng pinakasikat na hotel, sino ang hindi susungit? Marami iyong iniisip at siguradong puro trabaho kaya aburido. Tingnan mo si Kuya Janus, mula noong nagkaroon ng bagong clinic ay lagi nang parang nireregla. Siya na kasi ang nagma-manage ng lahat, bukod pa iyong mga pasyente niya."
Nagkibit ako ng balikat. May punto siya roon.
"So, kailangan ko siyang pagpasensyahan araw-araw?" tanong ko. "Para kasing ang hirap niyang kasama at kausap. Kinakabahan ako na kaunting pagkakamali ay tanggalin ako."
"You'll get used to it, Bes. Makakabisado mo rin ang ugali ni Sir Avery."
Tinatak ko na lang sa isip ang pagiging positibo. Ang importante ngayon ay may trabaho na ako at matutulungan ko na si Tatay.
Agad kong niyakap si Tatay nang makarating sa condo ni Kuya Junnie. Nanunuod sila ng basketball ni Kuya Janus at mukhang nagkakatuwaan. Parehong nagkakape ang dalawa at may biskocho sa center table. Sa klase ay mukhang kakagising lang ni Kuya Janus.
"We made it guys!" Masayang anunsyo ni Kate sa dalawa. Tumango ako kay Tatay at nginitian din siya. Pinipigilan ko ang emosyon ko dahil kapag nilabas ko iyon ay madudulas ako sa mga nangyari sa akin kanina. Sa bahay ko na lang sasabihin sa kanya ang lahat.
"Masaya ako para sa'yo, anak. Proud na proud sa'yo si Tatay."
"Thank you, Tatay. Para sa'yo po 'yun. Pangako po, gagalingan ko," sambit ko na punong-puno ng pagmamahal sa kanya.
Kuya Janus treat us dinner sa labas kaya hindi na namin nakain iyong baon naming pagkain. Ibibigay na lang daw ni Tatay kina Kate ang ulam tanda ng pasasalamat sa paghatid sa akin at sa matutuluyan ko. Ang kanin naman ay nasa thermal jag kaya hindi mapapanis. Isasangag ko na lang bukas.
Hindi maalis ang mga mata ko kay Tatay dahil tuwang-tuwa siya sa nakikita. Bago sa kanya ang makapunta sa ganitong kalaking mall. Though, may mall naman sa amin sa Trece pero maliit lang iyon.
"Tatay, kapag sumahod ako, babalik tayo rito. Ipapasyal kita at ibibili ng bagong damit," masayang sambit ko.
"Anak, unahin mo ang iyong sarili. Basta maayos ka rito at masaya na si Tatay."
"Gusto ko rin naman na ipasyal ka rito, 'Tay, hindi iyong puro ka po trabaho."
Nailing si Tatay habang nakangiti. Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan sa noo.
"Siya hala. Kung anong nais ng dalaga ko."
Sa isang buffet filipino restaurant kami pumunta kaya tuwang-tuwa si Tatay. Magana siyang kumain talaga at tinikman halos lahat ng putahe roon.
"Ano, 'Tay Apen? Nabusog ka ba?" tanong ni Kuya Janus. Napakamot sa pisngi si Tatay, tila nahihiya. Ngayon pa siya talaga nahiya eh, nakailang balik siya sa buffet station. Actually, silang dalawa ni Kuya Janus. Contest sila sa pagbalik-balik at laging nagtatanungan kung natikman na ba nila kung ano man ang naroon.
"Wala nang paglagyan, Doc. Sana lang ay hindi ma-empacho. Klase eh, kailangang inuman ng tsaa pag-uwi ng bahay," natatawang sagot ni Tatay.
Mabilis lang ang naging byahe namin pauwi dahil lipas na ang rush hour. Si Tatay ay nakatulog sa byahe samantalang kami ni Keira ay nagkuringgian at nagkwentuhan lang sa back seat. Hindi na rin ako nahilo sa byahe dahil pirming nakabukas ang bintana pagkarating ng cavitex.
Pagkababa sa tapat ng aming bahay ay binigay agad ni Tatay ang ulam kay Kuya Janus. Tuwang-tuwa sila nang malamang adobong native na manok iyon.
"Salamat po ulit, Doc," si Tatay.
"Salamat po Kuya Janus, bye, Bes. Ingat kayo."
Habang naghuhubad ng sapatos si Tatay ay hindi ko maiwasang mapatingin doon. Pudpod na kasi iyong swelas noon. Ang t-shirt niya ay luma na at ang pantalon ay kupas na.
Bigla akong nangarap sa mga bagay na nais kong magkaroon siya. Maibibili ko na siya ng bagong damit at sapatos. Kapag nakaluwag-luwag ay ibibili ko siya ng tricycle. Pangarap niya kasi 'yun.
"O? B-Bakit ka umiiyak? Biglang tanong ni Tatay. Nag-aalala niya akong nilapitan, tapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang braso.
"Tatay, hindi po talaga ako nakuhang ojt." I sobbed. Kulang ang nagulat sa naging ekspresyon ni Tatay sa sinabi ko. "Akala ko ba..." He sighed. "Eh, okay lang naman 'yon, anak. Sasamahan ka ni Tatay na maghanap ng mapapasukan. At saka magaling ka naman..."
"'Tay, may trabaho na po ako. Hindi lang po ako basta ojt lang doon. Regular na po iyong magiging trabaho ako at sasahod po ako ng bente mil sa isang buwan."
"H-Ha?" Tinitigan ako ni Tatay na para bang isang malaking joke iyong sinabi ko. Noong una rin akala ko joke, eh. Pero noong nilahad na ang kontrata ay naniwala rin ako kalaunan. "I-Ibig sabihin may trabaho ka na at ganoong kalaki ang sahod mo?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
"Hindi lang iyon, 'Tay. Naalala mo iyong sinabi ko na may health card na benepisyo kaya gusto ko talaga roon? Meron na rin po ako noon, 'Tay! Regular na kitang mapapatingnan sa doktor."
Mukhang nag-sink in naman na iyong mga sinabi ko dahil unti-unti niya siyang ngumiti. Kinabig niya ako at niyakap nang mahigpit.
"Ang galing talaga ng anak ko. Proud na proud ako sa'yo, anak."
"Syempre naman, 'Tay. Mana ako sa inyo ni Nanay, eh."
"Ay teka..." Bahagya akong tinulak ni Tatay para maharap. "Paano naman ang pag-aaral mo? 'Di ba kamo ay may naiwan kang isang subject? Baka naman mahirapan kang pagsabayin. Paano iyon? Paroot parine ka? Aba'y nakakapagod naman yata 'yun, anak. Baka ika'y magkasakit."
"Modular iyong lessons ko 'Tay. Bale iyong mga lessons ko po ay sa bahay ko na lang aaralin. Papasok lang po ako kapag exam," masusi kong paliwanag.
Hindi pa natapos doon ang usapan namin ni Tatay. Naunawaan ko naman kung bakit marami siyang tanong kaya inisa-isa ko iyong nakalagay sa kontrata ko at pinaliwanag ko sa kanya. Kahit na masaya siya para sa akin ay ramdam ko pa rin ang pag-aalala niya.
Tunay naman na sadyang himala sa buhay namin ang naganap ngayong araw.
"Pasensya ka na, anak kung marami akong tanong. Pero okay ka ba roon? Sigurado ka na ba?"
"Naku si Tatay, nagmamanya na agad," tudyo ko sa kanya. Nakangit siyang nag-iwas ng tingin. "Hayaan mo, 'Tay, palagi naman akong uuwi. Kapag na-regular ako ay kukuha na rin ako ng bahay doon na bukod para lagi na kitang maisasama."
"Siya, sige. Nakakalungkot lang na malalayo ka sa akin. Pero syempre, higit na matimbang ang saya dahil makakamit mo na ang mga pangarap mo." Ngumit ako sa kanya at hinilig ang ulo sa kanyang balikat.
"Pangarap natin, 'Tay. Ito na ang umpisa ng magandang buhay natin."