"Anak, hindi ba si Charles iyon?" Biglang tanong ni Tatay, nakaturo roon sa may bandang plaza. Pinanliitan ko ng mga mata ang direksyon na sinabi niya dahil nalimutan kong suotin ang aking salamin. Bumalik sa ayos ang naniningkit kong mga mata nang mapagtantong si Charles nga iyon. "Siya nga, 'Tay!" Ako man ay napaturo rin. "Teka lang ho at pupuntahan ko sandali," paalam ko kay Tatay. "Siya hala, ako na ang maghihintay mabalot itong pinamili natin." Malayo pa lang ang kumaway na ako at madali naman akong nakita ni Charles. He smiled at me and got back to the man he was talking with, mukhang nagpaalam lang dahil umalis na rin siya agad sa harap ng kausap. "Hey, what's up? Anong oras ka nahatid ni boyfriend?" mapanukso niyang tanong. Imbis na kiligan ay napairap lang ako sa hangin s

