Matalim ang tinapon niyang tingin sa akin na tila ba may mali na naman akong nasabi. Tinapatan ko iyon at tinaasan siya ng kilay. "Ano? Bakit hindi ka makasagot?" Inis kong tanong. "Bakit kausap mo 'yong adik na 'yon?" He rolled my eyes on me. "You're being too nosy, Keira. Walang kinalaman iyon sa'yo," aniya bago buhayin ang makina ng sasakyan. "Eh, ano nga? Sagutin mo na lang para makatulog ako nang mahimbing mamaya." Totoo iyong sinabi ko. Talagang hindi ako makakatulog kapag hindi niya sinabi ang dahilan kung bakit siya nakipagkita sa lalaking iyon. Umaandar na iyong kotse pero hindi pa rin siya sumasagot. Hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng aming bahay. "Hindi ka pa ba bababa? Dito ka na lang?" Kapagkuwan ay tanong niya, pilosopo. Nang-iinis talaga 'tong isang ito. W

