"Pwede bang ihatid mo na lang ako sa Dreame Café?" kunot-noong napalingon sa akin si Nicholai. Bakas sa mukha nito ang pagkadisgusto sa sinabi ko.
"I already said that I'm coming with you," sagot nito.
"But I don't want you to come with me. It's a girl talk. Isa pa ang lapit lang ng Dreame Café sa South Ridge. Masyado kang oa," napapailing na sabi ko.
I heard him sighed and said, "Fine. You win."
After my check up and knowing that the baby was healthy, Nicholai dropped me at Dreame Café. He also said that he'd be the one to buy my vitamins and milk and I'd just enjoy my day with Cheni.
Nakita ko agad si Cheni na kumakaway sa gawi ko pagpasok ko pa lang sa Café. Medyo konti ang tayo at marami pang bakanteng mesa. Napakunot-noo ako ng bumaling ang mata ko sa counter. The girl looked really familiar. Bumagsak ang mata ko sa nameplate sa dibdib niya.
Alondra
Oh! I remember! Siya din 'yung nag-serve sa akin sa Stary Hub. So she was also working here. Napakasipag naman niya. Lumingon siya sa gawi ko kaya naman binigyan ko siya ng matamis na ngiti saka ako nagpatulog ng lakad patungo sa pwesto ni Cheni.
"Dosh! I miss you!" Cheni hugged me right away when I got in front of him.
"I miss you too, dosh. Sorry talaga. Peace na tayo, okay?" I grinned and sat on the chair in front of her.
"Fine. I didn't order your usual drink. Alam ko na bawal ang coffee sa buntis, di ba?"
"Hindi naman sa bawal. Pwede naman pero hindi lang gawing daily or three times a day," natatawang sabi ko.
"Sorry ah? Hindi ko pa na-try magbuntis eh," nakasimangot na sabi nito. "Milkshake na lang inorder ko tapos isang slice lang ng chocolate cake. Bawal din daw laging kumakain ng matamis ang buntis. Ayaw ko na mabuntis. Daming bawal."
Napatawa kaming dalawa sa kanyang sinabi.
"I'm really curious. Ang alam ko kasi mahal mo si Philip tapos malalaman ko na lang na kasal ka na pala kay Nicholai. Alam mo yung shock ko? Abot hanggang talampakan."
"Sira!" natatawang sabi ko. "Well... It's a long story, dosh."
"Edi e-summarize mo. Kaloka 'to."
"Fine!" I told her everything. Kung saan nagmula at kung bakit andito ako sa situation ko ngayon.
"What the hell! Naaawa ako kay Philip. Tangna! May paraan naman siguro. Kung sinabi mo siguro sa akin baka makatulong pa ako."
"How can you help me then?" nakataas na kilay na tanong ko.
"Well... Pwede kong pikutin si Nicholai para sayo," sabi nito sabay tawa. Gaga 'to. May pagnanasa pa ata kay Nicholai.
"Umamin ka nga. May gusto ka ba kay Nicholai?" Nginisihan ako ng gaga.
"You can't blame me. Nicholai is ruthlessly hot."
"Gaga ka talaga," natatawang sabi ko.
"Ano? Daks ba?" Namula ako bigla sa tanong niya. "Puta! Daks noh? Halata naman," nakangising dagdag nito.
"Ewan ko sayo, dosh."
"s**t! Si Philip yan di ba?" Napatingin agad ako kung saan nakatingin si Cheni.
Nanlaki ang mata ko nang makita si Philip sa harap ng counter. At dahil ang lakas ng boses nang gagang Cheni. Lumingon sa gawi namin si Philip. He was also shocked when he saw me. Lalo na nang makita ang tiyan ko na medyo malaki na.
"Philip!" Pinandilatan ko nang mata si Cheni nang biglang tinawag niya pa ito at inimbitahan sa mesa namin.
"What are you doing, Cheni?" mahinang sabi ko sa kanya. Kinindatan lang ako ng gaga. Ano ba ang binabalak niya?
I saw in my peripheral vision that Philip was walking towards our table while holding a cup of coffee.
"Long time no see? Sit down here, Philip," sabi ni Cheni na nakangiti.
"Yeah," sabi ni Philip sabay upo sa upuan na nasa gilid ko at ni Cheni.
"Congratulations. You are pregnant." Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
I tried to calm myself. I didn't want him to feel that I was affected by his presence.
"Thank you," maikli sabi ko. Napalingon ako kay Cheni nang bigla siyang tumayo sa pagkakaupo.
"Comfort room lang muna ako, guys." Bago ko pa siya mapigilan ay naglakad na ito papunta paalis ng aming mesa.
Damn! Cheni!
Napaka-awkward naming dalawa sa mesa. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. I shivered when I felt that someone was staring at me. I scanned the whole café pero wala namang kakaiba.
"How are you?" Philip broke the silence. My eyes darted towards him.
I smiled at him and said, "I'm good." Kinuha ko ang phone ko sa mesa at nagpanggap na may binabasa saka ako tumayo. "I got to go, Phil. It was nice seeing." I didn't wait for him to answer me. I walked fast and went out of the café.
Sumakay agad ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin sa South Ridge.
Naabutan ko si Nicholai na nakatayo sa malapit sa may pinto.
"Hey—" I stopped when I saw him. Naka-igting ang panga nito at parang galit na nakatingin sa akin. "What's wrong with you?"
"Nothing. Did you enjoy your chat with Cheni?" Bakit parang iba ata ang tono nang pagkakatanong niya o sadyang mali lang ako ng dinig?
"I did." I heard him scoff from what I said and I saw him clenched his fist. My brows furrowed while looking at him.
"May problema ba?" I was confused as to why he was acting like that.
"Mayroon ba?" pabalik na tanong nito. I pursed my lips. He was acting weird.
"Wala," sagot ko at napabuntong-hininga na lang.
"As you say so." Napakunot-noo ako sa sagot niya. I was about to say something when he cut me off. "I'm going out. Manang Linda cooked you something for lunch. And don't forget to take your vitamins and milk," diri-diretsong sabi niya sabay labas ng bahay.
He was really acting weird. I just shrugged it off. Siguro problema lang sa office.
I walked towards the dining area and saw Manang Linda preparing the foods on the table.
"Ma'am, kain na po. Asan na po si Sir?"
"Hindi pa siya kumain nang tanghalian?"
"Hindi pa po, Ma'am. Sabi niya po ay hihintayin niya po kayo para sabay na kayo," sabi nito sabay lagay nang isang pitsel ng juice sa mesa.
Kung hinintay naman niya pala ako bakit bigla na lang siyang umalis pagkadating ko?
"He went out manang. Baka may emergency sa office," sabi ko na lang at umupo na sa mesa para kumain.