"Kaninong bahay 'to?" kunot-noong tanong ko nang bigla huminto ang kotse namin sa tapat ng gate ng isang magarbong bahay.
Maganda at moderno ang disenyo nito. The glass itself made it more classy. At kitang-kita ko din na may rooftop sa taas. Sa labas naman ay may mga magagandang halaman at ang berdeng bermuda grass ay napakalinis tingnan.
"It's our new house," nakangiting sagot ni Nicholai bago ibaba ang bintana nito at inilabas nang kaunti ang kanyang ulo.
Napatigil ako nang biglang bumukas ang gate.
"It's automatic. Bumukas ito pagkakita nang camera sa mukha ko."
I nodded and looked at the house. "You know you don't have to do this, right? We can stay in my condo or yours."
"Magkakaanak na tayo. I want a big place for him or her to play around. At pinaayos ko na din ang baby room. I'll tour you around the house. You'll gonna love it. May pool sa likod. I know you always love to swim." He maneuvered the car inside and parked it in the garage.
"Bakit mo ba 'to ginagawa, Nic? If you think doing this will make us a happy family. You're wrong." Bumaba agad ako pag-park ng kotse sa garahe at iniwan si Nicholai.
If he thought that I could easily forget what he did by doing all of these things. He was really wrong.
"Denima Cris!" tawag nito sa pangalan ko habang nakasunod sa akin. Napatigil ako ng hablutin nito ang kamay ko. "Damn it! For once, can we have a truce and think what is the best for our baby? Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan sa sitwasyon natin?" tiim-bagang na sabi nito. Hinaklit ko ang aking kamay sa kanyang pagkakawak at tiningnan siya ng masama.
"Kung nahihirapan ka pala, 'di sana hindi mo na lang ako pinilit na pakasalan ka! You know that this will not really work, Nicholai. Ikaw lang ang nag-iisip na magiging okay tayo!"
"f**k!" mura nito sabay hilamos ng kamay sa kanyang mukha.
Napatigil ako nang tiningnan niya ako na parang nagmamakaawa. "Can we just work things out? Kahit para sa baby na lang. Is it really that hard?" I looked away. Ayokong tingnan ang mga mata niya. Kasi iba ang nakikita ko. Nakikita ko na nasasaktan din siya sa trato ko sa kanya. At yun ang ayaw kong makita. Baka pinapakita niya lang na nasasaktan siya pero hindi pala talaga. At hindi siya dapat masaktan. Siya ang may gusto nito. Hindi ako.
"I'll think about it," malamig na sagot ko sa kanya at nauna nang pumanhik sa loob ng bahay. I was glad that the door was open.
"Magandang hapon po ma'am." Halos napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita. Kunot-noong pinagmasdan ko ang isang may edad na babae na nakasuot ng pangkatulong na damit. "Ipagpaumanhin niyo po, ma'am. Ako nga po pala si Linda, ang iyong katulong sa bahay," nakangiting sabi nito.
I smiled at her. Mabuti naman at may iba pa kaming kasama bukod sa aming dalawa ni Nicholai.
"Hi, Linda. Ako nga pala si Denima Cris. Asawa po ni Nicholai." Asawa? Gusto kong ngumiwi sa aking sinabi. "Pwede niyo po ba akong samahan sa kwarto ko? I want to rest."
"Sige po ma'am. Dito po." Naunang itong naglakad habang nakasunod naman ako.
I heard the car's engine. I bet Nicholai was leaving. Napabuntong-hininga ako.
Pagkatapos ng kasal namin ay pinilit kong umuwi agad. I felt so guilty. My family thought that we married each other because we were in love. Ang saya nila. While I felt the opposite.
Matapos akong ihatid ni Linda sa aking kwarto ay iniwan ako nito para maghanda ng aming hapunan.
I was about to lie down on the bed when I heard my phone ring. Kinuha ko ito sa shoulder bag ko at tiningnan ko sino ang tumatawag. My heart hammered when I saw who was calling.
It was Philip.
"H-hello," pikit-mata kong sinagot ang tawag.
[Totoo ba?] galit na bungad agad nito sa kabilang linya.
"W-What are you talking about?" bigla akong kinabahan. Alam na ba niya?
[I'm in front of your house.] Nanlaki ang mata ko sa sinabi niiya.
"Wala ako sa bahay, Philip. Uma—"
[I'm in front of your f*****g new house, Cris! The one in South Ridge!] Napasinghap ako sa sinabi niya at dali-daling lumabas ng kwarto nang pinutol nito ang tawag.
"Linda. Saang village tayo?" Hindi ko alam kung saan ang bahay na ito. I was not looking when we entered the village.
"Sa South Ridge Village po ito ma'am." Hindi ko na nasagot si Linda dahil nagmamadali na akong maglakad palabas ng bahay.
There was no way that he knew where we live. Unless... Unless nakita niya kami galing sa bahay at sinundan.
Nanlaki ang mata ko nang makita sa harap ng bahay si Philip. He was pacing back and forth. And he looked so stressed. He looked at my way when the gate suddenly opened.
"What are you doing here?" I went out and he met me halfway.
"You married him!" he said in gritted teeth. His eyes were also bloodshot. And I could smell liquor on him. So he knew it already.
"Who told you?"
"You are not denying it! Kailan pa?" I saw how his jaw clenched. "Kailan niyo pa ako ginagago?!" Ramdam na ramdam ko ang sakit sa binitawan niyang salita.
I looked away. Hindi ko kayang tingnan ang nag-aakusa niyang tingin.
"Damn it! Answer me!" I flinched when he shouted at me. I didn't know what to say.
My chest started to constrict. Ang sakit na makita siyang ganito. Mas doble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nasasaktan siya. But I didn't have a choice. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Kahit masakit.
Maybe we were not really meant to be. Because if we were, we would never be in this situation.
Sabay kaming napalingon nang may bumusina ng malakas.
Shit! It was Nicholai.
Lumabas ito ng sasakyan na masama ang tingin sa aming dalawa ni Philip. Malalaki at mabibigat na hakbang ang galaw nito papunta sa aming direksyon. My eyes widened when Philip met him half way and punched him straight in the face.