Edited po pala ang prologue. May denelete po akong medyo mahaba. Hahah. Sa mga nakabasa na. This scene is actually the same with the prologue, but edited. E-popost ko na lang para consistent yung flow ng story. Double update na din after month. Hahahaha. ???
Enjoy! Charot!???
***
"Manang Linda, aalis muna ako. May bibilhin lang sa Dreame Café," mahinang sabi ko sa katulong namin habang hawak ang aking shoulder bag. I was already at the door, ready to leave. Suot ang makapal na shades, para takpan ang namumugtong mata at cap para hindi ako makikila agad kung may makakakita sa akin.
"Ma'am naman. Baka po dumating bigla si Sir at wala kayo. Masisisanti po ako," may pagmamakaawa nasabi nito dala ang walis. She's cleaning the house when I interrupted her.
I sighed heavily.
"I got you, Linda. Don't worry. He will not fire you. At tsaka nandito lang naman sa loob nang South Ridge Village yung Café. I'll be back before he knows it," I said before I hurriedly left the house using the car that my husband bought for me.
I'm really going to the Café, but not just to buy something. I'm going there to talk to my friend, Cheni.
My heart was beating so fast while driving towards the Café. I'm planning to tell her about my situation. About what my husband was doing to me. I couldn't take it anymore. I wanted to end it with him. Kasi kapag hindi, I will be dead before others know it.
I texted her that I'm already in front of the cafe. I parked my car in the parking lot and went out of the vehicle. Nagawi na naman ang mata ko sa logo nang Café sa taas nito. Kunot-noong pinagmasdan ko ito. Confused, bakit unicorn ang logo. Napapailing na lang akong pumasok sa loob.
Amoy ko agad ang bango ng kape pagpasok ko. Medyo kaunti lang ang tao kasi maaga pa. It was still past eight in morning. Usually, sa gabi mas madami ang tao dito.
Naghanap ako nang table na medyo hindi kita at malayo sa iba. Nang may makita akong bakante sa may dulo na natatabunan nang halaman sa labas, agad akong naglakad at naupo dito.
I tried to relax habang hinihintay si Cheni. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi niya sinasagot. Mga ilang minuto ang lumipas. Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Susubukan ko na sanang tawagan ulit si Cheni nang may biglang may lalaking umupo sa harap ko.
I was looking at him with a confused expression. Hindi ko kilala yung lalaki. Pero hindi ko pinagkakaila na may dating ito. Nakangiti itong inilahad ang kamay sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"I'm Hale. You're Denima, right?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Makikita mo sa pagkakangiti nito na isa itong mapaglarong lalaki. Na kahit sinong makitang maganda ay hindi papalagpasin nito.
"How did you know my name?" I asked while my brows furrowed. Sa di malamang kadahilanan, mas dumoble pa ang tahip ng dibdib ko. Asan na ba si Cheni?
His smile faded, and he looked at me while his brows furrowed.
"What—" biglang naputol ang sasabihan niya nang biglang tumunog ang phone ko. "Answer it first," he said, looking at me intently while playing with his lower lip. Naiilang ako sa titig niya. I looked away and answered the call. It was Cheni.
"Hey. Where are you?"
[Sorry, friend. Something came up, kasi. It's very important. Hindi ako makakapunta. How about tonight? I'll visit you. Okay? Bye! Mwaah!] Nagmamadaling sabi niya sabay baba ng tawag. She didn't even let me talk after.
I sighed and bit my lower lip. I better go home right now.
Tumayo ako at nagmamadaling naglakad palabas ng Café. Tinawag ako nung lalaki pero hindi ko ito pinansin at dire-diretsong naglakad papunta sa kotse ko at pumasok doon.
Tumunog ulit ang phone ko at kamuntik ko na itong mabitawan nang makita kung sino ang tumatawag.
It was Nicholai.
Fear crept inside me, making my body tremble. Kung kanina doble na yung kaba ko. Mas dumoble pa ito.
Hindi ko sinagot ang tawag. Pinaandar ko agad ang kotse gamit ang nanginginig na kamay at pinaharurot ito pabalik nang bahay.
Blood drained from my face when I saw Nicholai's car in the garage.
Bakit siya nandito? He was supposed to be in the office, working.
I parked my car beside his car and hurriedly got out and went inside our house.
Nakita ko agad si Nicholai na nakaupo sa couch habang nakatingin sa phone niya pagkapasok ko pa lang nang bahay.
"N-Nic? Napaaga ka ata?" I stuttered. I held my bag tightly to stop my hands from trembling.
He turned in my direction and looked at me with an angry expression. Napalunok ako. He was mad. And I knew right there what would happen next.
"Who told you to get out of the house?!" he growled, making me flinched.
"I-I'm just in the Dreame Café to buy something—"
"To buy something?!" he shouted angrily. "Asan na ang binili mo?! Stop lying to me, Denima!" Napaigtad ulit ako.
"Who are you with?" Tumayo siya at nag-umpisang naglakad palapit sa akin.
Nanlalaki ang matang napaatras ako. Nagsimula na namang manginig ang katawan ko sa takot.
Please! Not again.
"A-Ako lang mag-isa," nanginginig na sabi ko. My eyes started to water when I saw his expression. He looked like a devil, ready to kill me.
"You liar!" He fumed.
"I-I swear! Ako lang talaga mag-isa Nicholai. Hindi ako nagsisinungaling!" Pagpapaliwanag ko dito. But I know he would never believe me. Lagi naman.
"Come here," he said while smiling, that smile that said danger. And I know what's going to happen if I go near him.
Masasaktan na naman ako.
Umatras ako umiling.
No! Ayoko na! Please! Someone help me!
"Don't make me more furious Denima Cris!" may diin na sabi niya.
"Ayoko. Please, Nicholai. Believe me. Hindi ako nagsisinungaling. I wouldn't do that to you." Isa-isa nang pumatok ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Okay. Okay. I believe you. Just come here. Hmm?" Biglang nag-iba ang tono niya at biglang lumambing. Pati na rin ang expression ng mukha niya.
Even if I'm hesitant. I stepped forward and walked towards his direction, trembling.
Nang abot kamay na niya ako, hinaklit niya ang braso ko madiin itong hinawakan.
"Nicholai! Nasasaktan ako," sigaw ko sa sakit.
"Masakit?" Pagak na tawa niya. "Bagay yan sa katulad mong malandi!" galit na sigaw nito. Nawala na ang malambing na tono nito pati ang maamong mukha nito. Napalitan na naman ito nang galit at nakangisi na parang demonyo.
"W-What are you talking about?" naguguluhang sabi ko. Malandi? Ano ba ang pinasasabi niya.
Binitawan niya ang braso ko na padarag at kinuha ang phone niya. Tiningnan ko ang braso ko. Magkakapasa na naman ito panigurado. Kagat-labing napatingin ako dito.
Napasigaw ako nang bigla niyang hinaklit ang leeg ko at pinaharap sa kanyang cellphone. Halos maduling ako sa lapit. Kulang nalang ay ihampas niya sa mukha ko ang aparato.
"Now lie to me and tell me that you're alone at the Café while looking at this picture of you and your f*****g man!" galit na galit na sigaw nito.
Tinitigan ko ang picture na sinasabi niya. My eyes widened upon seeing the picture. It was me in the Café sitting in front of a man. Yung lalaking nagpakilala sa akin kanina sa Cafe.
Paanong—-Pinasundan niya ba ako? Did he hire someone to stalk me whenever I go? s**t! How could I forget what he was capable of doing?
"H-Hindi ko kilala ang lalaking iyan, Nicholai. You have to believe me. Bigla na lang—-Ahh! Nasasaktan ako, Nicholai. Stop!" sigaw ko ko nang bigla niya'ng hinaklit ng malakas ang buhok.
Napaigik ako sa sakit. Parang matatanggal na ang lahat nang buhok ko sa sakit.
"You s**t! Stop lying to me!" Binitawan niya ang buhok ko at sinampal ako nang malakas.
Hilong nasalampak ako sa malamig na sahig habang sapo ang aking pisngi. Nalalasahan ko pa ang dugo sa gilid nang aking labi.
"Ang lakas nang loob mong lumabas at makipagkita sa lalaki mo! Tingnan natin kung makakalabas ka pa nang bahay sa gagawin ko sayo!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
No! Help me!
Kahit hilo, pinilit kong gumapang palayo sa kanya.
"Saan ka pupunta?!" sigaw nito at inisang hakbang lang ang distansya namin. He pulled my feet at halos mabalian ako nang buto sa pagkakakapit niya sa akin.
"Bitawan mo ko!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Not until I'm done with you!" he growled at hinila ako palapit sa kanya gamit ang isang kamay. His other hand was on her belt, taking it off.
Mas napahagulgol ako. Pinilit kong makawala sa kaniya. I squirmed and tried to kick him. Dahil nga isang kamay lang ang gamit niya dahil busy ang isa sa pagtanggal niya, nabitawan niya ang paa ko.
I hurriedly stood up and ran towards the kitchen.
Nasaan na ba si Manang Linda?
I was looking around the kitchen hoping that Linda will appear and help me.
"If you're looking at Linda, bad news. I made her leave before you arrive," sabi niya habang nakangiti na parang demonyo. "Do you think you can run away from me?" he looked at me with a devilish smile.
Unti-unti siyang lumapit papunta sa akin na habang hawak ang belt nito.
"I haven't tried tying you with this belt while f*****g you senselessly. Let me try it now, honey and I will forgive you in an instant." He was looking at me with l**t while l*****g his lower lip.
My eyes widened from what he said.
No! No! No! Nanginig ang katawan ko sa takot.
"W-Wag kang lalapit!" nanginginig na sigaw ko sa kaniya.
"Don't make me furious, Denima. Just come here," he said while smiling like a devil again. Humakbang ulit siya palapit sa akin at napaatras ulit ako hanggang sa napasandal na ako fridge.
Nahagip ng mata ko ang kutsilyo sa tabi at mabilis na kinuha iyon at tinutok kanya.
"S-Sige. Lumapit ka at isasaksak ko to sa iyo," sigaw ko hawak ang kutsilyo habang nanginginig ang kamay.
He looked at me and laughed as if I'm saying ridiculous things.
"Sa tingin mo kaya mo iyong gawin sa akin?" Humakbang ulit siya palapit sa akin. Nanlaki ang mata ko sa takot.
"Sabi nang wag lang lumapit sa akin!" Iniumang ko ulit ang kutsilyo sa kanya.
He laughed again at humakbang ulit. "Go ahead. Stab me if you can." Inisang hakbang niya ulit ang distansya namin at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
I just saw my hands with the knife full of blood while Nicholas was on the floor lying. Blood was visible on his shirt on the chest part, and he was unconscious.