Aimee "Okay ka na ba? Kalimutan mo na 'yung nangyari kanina. Para hindi ka na matakot. Si Ryle nga pala 'toh." Nakatanggap siya ng text message mula kay Ryle. Hiningi kasi nito ang kaniyang number kanina. Hindi naman siya nagdalawang isip na ibigay ang kaniyang cellphone number. Mabait naman si Ryle. At iniligtas pa siya kanina mula sa lasing na lalaki. Aimee: Okay na 'ko. Thank you talaga, Ryle. Utang na loob ko sa 'yo ang buhay ko. Kung hindi pa dumating ang lalaki ay napahamak na siya. Hanggang ngayon ay may kaba at takot pa rin siyang nararamdaman dahil sa nangyari. Ryle: Wala 'yun. Kahit sino naman hindi magdadalawang isip na tulungan ka kapag nakita ka sa gano'ng sitwasyon. Napapangiti na lang siya habang binabasa ang text ni Ryle sa kaniya. Damang-dama niya ang pagiging concer

