Ryle "Kuya!" sigaw ng kaniyang kapatid na si Maddie. Bakas sa mukha nito ang tuwa ng makita siya. Madelaine Allison talaga ang buong pangalan nito. Ito ang kaniyang nakababatang kapatid na pitong-taong gulang pa lamang. Nag-iisa niya itong kapatid. Nandito siya ngayon sa bahay ng kaniyang ina sa may BF Homes Paranaque. Dito lang din siya nakatira pero sa poder ng kaniyang lolo at lola sa mother side. "O, bakit?" tanong niya rito. Kagagaling niya lamang sa eskuwelahan. Naisipan niyang bisitahin ang kaniyang ina at kapatid na si Maddie. "Wala lang. Na-miss lang kita, kuya. Hindi ka kasi umuwi kahapon, eh," anito at ngumuso pa. Sa tropa niya kasing si Noah siya natulog kahapon. Tinulungan niya pa ang kaniyang kaibigan sa homeworks nito. Siya kasi ang nilalapitan ng mga barkada niya kap

