Aimee
Dear diary,
Nakita ko na naman si crush kanina sa school. Gosh! Ang gwapo niya talaga. He's super hot too. Kaso may girlfriend na, eh. Huhu. Kelangan ng mag-move on ng lola mo. Saklap lang. Pinagtapo pero hindi itinadhana. Ouch. Parang kanta lang, eh. Haays.
Mahilig siyang magsulat sa kaniyang diary notebook. Sa pamamagitan kasi nito ay na-e-express niya ang kaniyang emosyon at nararamdaman. Wala lang. Gusto niya lang talagang magsulat. Kung minsan ay ang pagko-color naman ng mga drawing ang paborito niyang gawin. Saka may hidden talent din siya sa pagdo-drawing. Marami na siyang naiguhit na mga anime characters. Gusto niya nga ring iguhit ang crush niya.
Crush na crush niya kasi si Warren Ryle A. Galvez. Ang midfielder ng football team ng kanilang school.
Bakit ba kasi ang guwapo niya at ang hot? Nagkakasala tuloy siya.
Mariing ipinilig niya ang kaniyang ulo.
May girlfriend na siya! Hindi pwede. Tama na ang pag-i-ilusyon, Aimee! Kastigo niya sa kaniyang sarili.
Eh, bakit? Crush lang naman, ah. Wala naman akong balak agawin ang lalaking iyon sa girlfriend niya. Hindi pa siya nahihibang. Never pa siyang nang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend. Bakit kaya sa dinami-dami ng lalake sa kanilang school ay 'yung taken pa ang naging crush na crush niya?
"May program pala mamayang hapon sa school," ani ng kaniyang kaklase na si Jenna.
"Ah, kaya pala inaayos na 'yung sound system," tugon niya kay Jenna.
"Oo. Kakanta mamaya 'yung banda nina Ryle. Yiee. Makikita ko na naman si crush," anito na hindi na talaga maitago ang kilig na nararamdaman. "Kamukha niya talaga 'yung lead vocalist ng The Vamps. No. Hindi lang kamukha, kaboses pa," kinikilig na wika nito.
Hindi lang siya ang may crush kay Ryle. Majority nga siguro ng girls sa kanilang school ay crush ito. Napaka-talented kasi ng lalaki. Magaling na sa sports, sa academic, at pati na rin sa pagkanta. Ang swerte-swerte talaga ng girlfriend nito. Naka-jackpot ng isang gwapo, hot, matalino, athletic, at magaling pang kumanta. Parang 'yung kanta lang na Nasayo na ang lahat. Napapa-sana all na lang siya. Actually, taga sana all na lang talaga siya.
"Kinikilig ka na naman d'yang bruha ka," aniya kay Jenna habang naglalakad sila patungong canteen.
Matakaw kasi itong si Jenna. Lagi na lang nagugutom. Pero mahilig naman itong ilibre siya. Kaya kahit magpabalik-balik sila sa canteen ay okay lang sa kaniya. Libre, eh. Nagtataka nga siya kung bakit ang sexy pa rin ng katawan ni Jenna kahit malakas itong kumain. Hini tulad niya na kapag kumain ng marami, kapansin-pansin na agad ang pagdagdag niya ng timbang. Inaasar nga siya ng kaniyang kapatid na para na raw panglalaki ang kaniyang mga braso.
Natawa si Jenna sa sinabi niya.
"Sino ba namang hindi kikiligin sa lalaking iyon? Ang swerte naman ng girlfriend niya. Kahit 'di kagandahan, eh, na-fall si Ryle."
"Grabe ka. 'Pag nalaman-laman ng jowa mo na patay na patay ka kay Ryle, yari ka," biro niya sa kaklase.
"Bahala siya sa buhay niya. Naiinis na ako do'n," napasimangot ito. "Wala ng ginawa kung 'di magselos," iritadong wika nito. "Buti ba kung kasing guwapo niya si Ryle. Eh, 'di sana natutuwa pa ako sa kakaselos niya," ngumuso ito.
"Grabe ka sa jowa mo," aniya na natatawa sa sinabi nito.
"Eh, talaga naman. Kakarita na," napairap ito.
Napapailing na lang siya rito. Napapansin nga niya na may pagka-possessive ang boyfriend ng kaniyang kaklase. Ni hindi nga ito makasama sa kanila kapag niyayaya nila itong gumala kasama ang iba pa niyang mga kaklase.
"Pero hawig nga talaga ng crush mo si Bradley Simpson. Na may pagka-Tom Holland," komento niya.
"Sinabi mo pa! Pero teka, ano'ng crush ko lang?" tumaas ang kilay nito. "Ang sabi nila crush mo rin siya. Gwapong-gwapo ka nga raw, eh," kantyaw nito sa kaniya.
"Hindi, ah. Sino'ng may sabi sa 'yo?" maang-maangan niya.
Ayaw niyang aminin kay Jenna. Dahil baka ipagkalat niya pa iyon at makarating kay Ryle. Isa kasi ito sa mga chismosa niyang kaklase. Sobrang daldal nito at hindi marunong magtago ng sikreto. Kapag may sinabi ka kasi rito, makakarating iyon sa iba.
"Naku, Aimee. Ako pa ba? Walang chismis dito sa school natin na hindi nakakarating sa 'kin."
Natawa naman siya sa sinabi nito. Dakilang tsismosa talaga itong si Jenna.
"Oo na. Crush ko nga si Ryle. Pero huwag kang maingay," aniya kahit na alam niyang malabong manahimik ito.
"Yiee. Ang pabebe mo talaga Aimee. Kaloka ka."
Hindi nila namalayan na papalapit na sa kanila ang mga football players na palabas na sa pintuan ng canteen.
Hindi na napigilan ni Jenna ang mapatili. Sinaway niya naman agad ito.
Itong babaitang kulot na 'to. Masyadong pa-obvious. Uunatin niya ang buhok nito, eh.
Napailing siya.
"Hi, girls," nakangiting wika ng dalawang football player na sina Kaden at Spencer nang makasalubong nila ang mga ito.
"Hello mga pogi," ani Jenna na kaylawak ng pagkakangiti. Ngiting abot hanggang langit.
May pagpapa-cute pa itong nalalaman. Inipit nito ang ilang hibla ng buhok na hinangin sa kaniyang tainga.
Ang sarap tuloy unatin ng buhok nito. Sobrang landi mo, gurl!
Kaya nga pinaiklian nito ang kaniyang paldang uniporme para makapagpa-cute sa mga lalaki. Sakto pa naman sa standard na haba ng kanilang unipormeng palda. Pero dati kasi masyadong mahaba ang palda nito. Saka dati-rati hindi ito palaayos. Ngayon kada-breaktime nila. Pulbos na ang hawak nito. Kahit nagmumukha na itong multo minsan sa dami ng polbong ipinapahid sa mukha. Hindi na pantay sa morenang balat nito.
"Ahmm...Hi, Ryle," bati ni Jenna kay Ryle na nasa likod nina Kaden at Spencer.
Abala ang lalaki sa pagse-cellphone. Nang marinig nito ang pangalan nito ay nag-angat ito ng tingin kay Jenna saka tumango. Seryoso ang itsura ng lalaki. Ni hindi man lang ngumiti. Parang wala itong interes sa ipinapakitang pagpapa-cute ni Jenna rito.
Nagtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Nginitian siya nito na hindi niya inaasahan. Nahihiyang ngumiti rin siya sa lalaki. Agad naman siyang nagbawi ng tingin dito. Ayaw niyang magpahalata na may crush siya rito. Saka baka ibuking siya ni Jenna sa lalaki. Mahilig pa namang manukso si Jenna ng wala sa oras.
"Hi, Aimee," bati sa kaniya ng babaerong si Spencer.
Tumango naman siya rito at ngumiti.
"Hello," aniya sa lalaki.
"Buo na talaga ang araw ko ngayon. Nakita na kita, eh," ani Spencer na may papungay-pungay pa ng mata.
Ngiti lang ang itinugon niya rito. Naiilang kasi siya kay Spencer sa tuwing lumalapit ito sa kaniya. Iba kasi itong makatitig sa kaniya. Ang lagkit kasi ng tingin nito sa kaniyang boobs. Parang hinuhubaran siya nito sa kaniyang isipan. Ang dumi talaga ng isip ng mga lalaki tulad nitong si Spencer. Hinding-hindi siya bibigay sa lalaking ito na sanay nakukuha ang gusto. Dinadaan kasi nito sa kaguwapuhan ang mga babaeng natitipuhan nito sa campus. He's disgusting as hell!
Buti pa ang kaniyang crush. Tahimik lang sa likuran nina Spencer at Kaden. Mukhang isa ito sa mga matitino sa football team. And he seems mysterious. Abala pa rin ang lalaki sa pag-te-text sa hawak nitong cellphone.
Habang tuloy sa pakikipaglandian si Jenna kay Spencer ay umuna na siya rito patungong canteen. Napapa-tsk siya sa kalandian ng kaniyang kaklase kahit na may boyfriend na ito na senior student sa kanilang school.
Habang nakapila na siya para bumili ng palamig sa canteen, nakita niyang nakalapit na si Jenna sa kaniya. Nagtititili ang bruha.
"Huy, maghunos dili ka, gurl!" saway niya rito.
Napapasayaw pa ito. Napapatingin tuloy sa kaniya ang ilang mga estudyante na nakapila. Nababaliw na talaga ang babaeng ito.
"Kinuha ni Spencer ang number ko," kilig na kilig nitong wika. "Niyayaya niya akong mag-date. Oh My God. Aimee kurutin mo nga ako! Baka nanaginip lang kasi ako, eh."
"Tumigil ka nga d'yan, gurl. Nababaliw ka na," saway niya rito habang walang tigil ito sa pagyugyog sa kaniyang balikat.
"Sige na, Aimee. Baka kasi imagination ko lang 'to. Gusto kong makasiguro na totoo nga ang lahat. 'Pag ginawa mo 'yun, kahit ano'ng gusto mong kainin ako ng bahalang magbayad."
Mabilis pa sa alas-kwatro niya itong kinurot sa pisngi para matauhan.
"Aray naman, Aimee. Ang sakit naman!"
Napahawak pa ito sa pisnging kinurot niya. Diniinan niya kasi iyon kaya nasaktan ito.
Natawa siya sa reaksyon nito.
"Ikaw kasi," tatawa-tawa niyang wika. "Nabuang ka na. Kinuha lang ni Spencer ang number mo."
"Diniinan mo kasi masyado. Ang sakit tuloy. Mamaya magbago pa isip ni Spencer dahil sinira mo na ang beauty ko. Tiyak na magkakapasa ito."
"Sorry na, gurl. Ang landi mo kasi," tatawa-tawa niyang wika.
"Ewan ko sa 'yo, Aimee. Ililibre pa sana kita ng shawarma. Pero huwag na lang. Ang sakit mo kasing mangurot," anito na dinadama pa rin ng palad nito ang pisngi na kinurot niya.
"Hala. Ang daya. Kaya nga kita sinamahan sa canteen para ilibre mo 'ko, eh. Tsk."
"O, siya. Sige na. Dahil masyado 'kong masaya ngayong araw. Ililibre na talaga kita ng shawarma. Samahan mo pa ng coke. Tig-isa tayo."
"Ang lakas ko talaga sa 'yo, gurl. Thank you, ah," nakangiti niyang wika.
Bumili na siya sa tindera sa canteen ng dalawang shawarma at dalawang coke mismo.
"Alam ko na ang susuotin ko sa sabado. Bibili ako ng mini-skirt saka crop-top. Daan tayo sa mall mamaya nina Lyle," anito na excited na excited habang naglalakad sila pabalik sa kanilang classroom.
"Sobrang daring naman nu'n. Kaloka ka talaga, gurl," aniya habang kumakain ng shawarma. That's not a good idea for a first date. Lalo pa at tulad ni Spencer ang makaka-date nito. Hindi man niya lubos na kilala ang lalaking iyon, eh, sa tingin niya ay ito ang tipo ng hindi gagawa ng maganda.
"Alam mo naman, daanin na lang sa kaseksihan kung 'di naman kagandahan," anito.
Natawa siya sa sinabi nito. Sexy naman talaga si Jenna. Tulad niya ay malaki rin ang hinaharap nito. Matambok ang pang-upo at maganda ang kurba ng katawan.
Hindi man kagandahan si Jenna ay sobrang taas ng confidence level nito. Tulad niya, wala rin itong pake tungkol sa opinyon ng ibang tao. Kaya naman mabilis silang nagkasundo nito.
Sinabi nito na makikipaghiwalay na raw ito sa boyfriend nito.
"Sigurado ka na ba d'yan sa desisyon mo? Huwag kang padalus-dalos, gurl. Baka pagsisihan mo 'yan. Mahal na mahal ka pa naman ng boyfriend mo. Tapos iiwan mo lang para maka-date si Spencer."
Matagal na rin kasi nitong type na type si Spencer. Si Spencer at Ryle talaga ang crush na crush nito sa mga football player sa kanilang school. Eh, ang kaso mo, may girlfriend na kasi si Ryle kaya hindi ito makalapit sa lalaki na bantay-sarado ng girlfriend nito. Kaya si Spencer ang apple of the eye ni Jenna ngayon. Kung hindi man daw nito maaagaw si Ryle sa gifriend nito, eh, si Spencer na lang. Tutal hindi naman daw ito lugi. Dahil gwapo rin si Spencer. Chick boy nga lang talaga. Pero okay lang naman 'yon kay Jenna. Ang mga tipo talaga ni Jenna ay katulad ni Spencer na playboy. Mga heartbreaker. Tingnan na lang natin kung hindi ito iiyak kapag nangyari rito ang naranasan ng ibang mga kababaihan dahil kay Spencer. 'Yung tipong akala mo ay mahal ka pero may iba pala.
She knows that Spencer is a cheater. Kalat naman na 'yun sa kanilang eskuwelahan. Bulag lang talaga ang iba katulad ni Jenna. Nasisilaw ang mga ito sa pisikal na itsura.
"Siguradong-sigurado na 'ko, gurl. Ayoko na talaga sa kaniya. Hinding-hindi mo na ako mapipigilan."
"Wala naman akong balak na pigilan ka. Ang akin lang, baka mamaya magsisi ka. Mabait naman kasi ang boyfriend mo. Maalaga pa sa 'yo. Suwerte mo nga, eh," aniya na para bang naghihinayang siya sa relasyon ng dalawa.
Kilala niya kasi 'yong boyfriend nito. Kapatid ng kaklase ni Evan, ang nakababatang kapatid ng boyfriend ni Jenna. Mabait ang lalaki at hindi gumagawa ng kalokohan. Saka stick to one. Aanhin nito ang guwapo kung babaero naman, eh, may boyfriend naman ito na loyal dito. Ewan ba niya, masyadong nabubulag sa mga guwapo itong si Jenna.
Na-cut ang klase nila dahil sa program sa kanilang eskuwelahan. Nag-uunahan na silang bumaba sa stage dahil magsisimula na ang naturang program. Science department pala ang may pa-program ngayon. Mr. Kalikasan ang tema.
Ang balita niya ay kasali ang ilan sa mga player ng football at basketball sa naturang programa.
Nagsimula na ang program. Ipinakilala na ang mga kalahok sa Mr. Kalikasan. Ang mga nagguguwapuhang estudyante ng kanilang eskuwelahan. Kaya naman wagas makatili ang mga estudyanteng babae sa likuran niya.
Sa unahan sila malapit sa stage naupo ni Lyle at Jenna. Napaggigitnaan siya ng mga ito. Ayaw kasing tumabi ng kaniyang kaibigan na si Lyle kay Jenna. Naaartehan daw kasi ang kaniyang kaibigan kay Jenna. Hindi raw nito gusto ang ugali ng babae.
May question and answer portion din na patungkol sa kalikasan.
"Bilang estudyante at bilang isang mamayan sa lipunan. Ano'ng gagawin mo para mapanatili ang ganda at ayos ng kalikasan?" tanong ng gurong babae na nagsilbing host sa naturang programa sa isang lalaking contestant na isang third year student.
"Magiging isang responsableng estudyante at mamayan po ako na may malasakit sa kalikasan. Halimbawa na lang po ay ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan. Ang pag-re-recycle ng mga basura na pwede pang mapakinabangan. Sa mga simpleng bagay na iyon ay malaking bagay na para sa pagpapanatili ng ganda ng kalikasan," sagot ni contestant number 1.
Pinalakpakan naman ito ng mga estudyante.
"Wow. What a great answer contestant number 1," ani ng host. "Dumako na po tayo sa contestant number 2."
Pagkatapos ng Q and A ay eto na ang pinakahihintay ng lahat. Ang tumugtog ang bandang kinabibilangan ni Ryle.
Nagtilian ang mga babaeng estudyante nang umakyat na ang limang kalalakihan sa stage. Si Ryle ang lead vocalist ng grupo. Si Spencer ang drummer ng banda. Ang tatlo pa sa grupo ay hindi niya kilala. Parang mga junior at senior student ang mga ito. Binubuo ng limang miyembro ang naturang banda.
"Go Ryle!" sigaw ng mga babaeng estudyante na nasa gilid nila.
Nag-mic test muna ang bokalistang si Ryle bago nagsimula na itong kumanta.
"1, 2, 3."
M-m-m-m-m-my more than meets the eye
To tell the truth you be a liar
I saw her out on Friday night, misunderstood...
Ang ganda talaga ng boses ng lalaki. Buong-buo. Kung gugustuhin man nitong sumali sa isang Pinoy boyband, tiyak na makukuha ito sa audition.
Balita niya ay aktibo ito sa church na kinabibilangan nito. At kabilang ito sa choir. Kaya naman mas lalo pa siyang humanga sa lalaki.
She lets me down
Then gets me high
Oh I don't know why
She's just my type...
Nagtama ang kanilang mga mata. Napigilan niya ang kaniyang paghinga nang tumaas ang sulok ng bibig nito. Ilang segundo rin itong nakatitig sa kaniya bago ito nag-iwas ng tingin.
Matapos kumanta ng banda ay malakas na palakpakan ang ginawad ng mga audience.
"I love you, Ryle! Anakan mo 'ko!" napatingin siya sa babaeng sumigaw noon.
Some teachers glared at the student who shouted that line.
"Oh no, iha. Bata ka pa. Magtapos muna ng pag-aaral bago ang landi," ani ng guro na host sa naturang program. "Nasa high school ka pa lang. Hindi 'yan maganda. Babae ka pa naman."
Siya ang nahiya para sa babae na ngayon ay pulang-pula ang mukha. Dahil napagtawanan ito ng mga estudyante. At napagalitan pa sa harap ng mga teachers at students na naroon.
Tuwing lunes ay may flag ceremony sila. Ang kaniyang classmate na si Jenna ay kadalasang maagang pumapasok sa kanilang eskuwelahan. Pero ngayon ay kung kailan malapit ng mag-bell saka ito dumating.
"Huy, bakit late ka na? Nakipag-date ka lang kahapon kay Spencer, eh, late ka ng pumasok ngayon," aniya sa classmate.
Nag-text kasi ito sa kaniya kahapon na hindi raw natuloy si Jenna at Spencer na mag-date noong Saturday. Kaya naman kahapon ang mga ito nagkita. Mahabang tsikahan na naman ang mangyayari mamaya kapag nag-recess na sila.
Napansin niyang umaakyat ito ng hagdanan na parang hirap na hirap. Paika-ika itong naglakad na ipinagtaka niya.
"O, bakit nagkakaganiyan ka? Ano'ng nagyari?" nag-aalala niyang tanong sa kaklase.
"Wala 'to. Na-ano lang ako....Na...Napadulas sa banyo namin kahapon nu'ng pag-uwi ko," anito na para bang nag-iisip pa ng paliwanag at hindi makatingin ng diretso sa kaniya.
"Sigurado ka? Dapat hindi ka na pumasok. Nagpadala ka na lang sana ng excuse letter sa kapatid mo."
"Hindi na. Kaya ko naman. Medyo masakit lang ang balakang ko at mga binti," sagot nito.
Masakit daw ang katawan nito. Napansin niya rin na may pasa ito sa magkabilang braso. Namamaga rin ang mga labi nito. May mga marka rin ito ng parang mga kagat sa leeg. Namumula pa ang mga iyon.
Hindi kaya...Oh My God? Tama kaya ang hinala 'ko? Tanong niya sa kaniyang sarili. Huwag naman sana. Ayaw niyang pag-isipan ng kung ano-ano si Jenna.
Tahimik lang si Jenna sa buong klase na kaniyang ipinagtaka. Ang madaldal na si Jenna ay bigla na lang tumahimik at ayaw ikuwento ang tungkol sa nangyaring date nito kasama si Spencer.
Ang sabi lang sa kaniya ni Jenna ay kumain lang daw sila sa labas ni Spencer at pagkatapos nu'n ay umuwi na. Hindi na nito idinetalye ang buong pangyayari. Masarap naman daw kasama si Spencer at palabiro raw ito kaya nag-enjoy itong kasama ang lalaki.
Song used: Just My Type by The Vamps