PROLOGUE
MILICENT HALE VALDEZ
MAG-aalas syete na ng umaga nang magising ako, kung gagayak at maliligo pa ako ay siguradong hindi ko na aabutan ang first subject ko, kaya naman napag desisyunan ko na lamang na h'wag nang pumasok sa morning class ko at matulog na lang. Hindi n'yo ako masisisi dahil napuyat ako kakabasa ng ipinahiram na libro sa akin ng ka room mate ko na si Irene. Nagandahan ako sa kwento kaya naman tinapos ko sa loob ng isang gabi lang, speaking of my room mate. Hindi n'ya ako ginising?!
But anyway, theres no point of blaming her. I slept again coz y nut.
ALAS diyes na nang naisipan kong bumangon sa higaan ko, gutom na gutom ako sa totoo lang yun ang dahilan kaya naisipan ko nang bumangon. Naligo na ako at nag bihis ng uniform namin. Hindi ko na isinuot ang blazer dahil nakaka dag-dag sa init lamang iyon.
Nang matapos sa pag hahanda ay nag tungo ako sa cafeteria upang kumain dahil yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako bumangon.
Dormitory School nga pala itong Menestria University every weekend lamang kami maaring makalabas sa university maliban na lamang kung holiday or may emergency.
NANG marating ko ang cafeteria ay may mangilan-ngilan na estudyante ang naroon, hindi pa naman lunch kaya hindi pa dagsa at wala pang pila, malamang ay narito ang ibang estudyante para mag meeting dahil nalalapit na ang foundation week. I ordered two pancakes, pasta and orange juice for my drink. I occupy the two seats table, dahil wala namang pang isahan.
Tahimik lamang akong kumakain nang may bigla na lamang umupo sa harapan ko, I rolled my eyes when I saw who it was.
"What do you want Copper?" I asked him boredly. He's the School Committee President. Well, I don't like his attitude because he's arrogant. He looked at me emotionless
"Tell my brother that I wanted to talk to him," aniya na imbes mag tunog na request ay nag-mukhang utos na kapag hindi ko sinunod ay parurusahan niya ako.
Tinaasan ko siya ng kilay at isinubo na ang natitirang piece ng pancake. He's scary indeed, but I'm not one of those students na nanginginig kapag nakakaharap siya. Nasanay na rin siguro ako sa presensya n'ya dahil tuwing gusto niyang kausapin ang kapatid n'ya -who happens to be friendless at ako lamang ang maituturing na kaibigan- ay ako ang nilalapitan niya.
"Bakit hindi na lang ikaw ang mag sabi?" kuno't noo kong tanong at tumayo na upang umalis na sana ngunit hinawakan niya ang braso ko ng napaka higpit! Parang mababali na iyon.
"Aray!" asik ko ngunit mas hinigpitan lamang niya ang hawak ron. Wala akong nagawa kundi maupo muli at pakinggan ang walang kwentang sasabihin niya. Nakatingin lamang samin ang ibang mga estudyante ngunit walang nag tangkang lumapit, sino ba naman ang mag tatangkang kalabanin ang hari-harian ng school?
"3:00 P.M, Committee office. I'll be waiting Milicent," walang emosyong aniya at iniwan na lamang ako basta ro'n. Every time na tinatawag niya ako sa pangalan ko ay kinikilabutan ako!
His brother who happens to be, sabihin na nating kaibigan ko, kagaya niya ay tahimik at madalang mag salita. Mahilig itong mag solve ng cases kaya naman naging famous siya sa school na ito, and I am his-so-called assistant. And he's self proclaimed high school detective and disciple of Sherlock Holmes.
NANG maka recover ay nag tungo ako sa library, kung saan alam kong naroon si Tungsten. Mayroong secret room do'n na tinatawag niyang hideout namin kung saan nag tutungo ang mga students kung kailangan nila ng tulong namin. Nang marating ko iyon ay tama nga ako, naroon si Tungsten at nag babasa ng libro, kung hindi ako nag kakamali ay ito ang Valley of Fear by Sir Arthur Conan Doyle.
"Wu." pag tawag ko sa kaniyang pansin dahil mukhang hindi niya namalayan na pumasok ako. Nag taas siya ng tingin sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. Minsan ay nakakairita din palang makita ang pag mumukha nilang dalawang mag kapatid sa isang araw.
"Committee office, 3:00 P.M. He'll be waiting," sambit ko at alam kong kahit hindi ako nag sabi ng pangalan ay alam na niya kung sino ang tinutukoy ko, dahil sa pag iiba ng ekspresyon niya. He hate his brother so much, hindi ko siya masisisi.
"I won't go." pinal na sabi niya na nakapag pa-facepalm sa akin. Alam ko naman na hindi sya papayag pero alam ko din na ako ang kukulitin ng pauli-ulit ni Copper.
"But-" he cut my words off by glaring at me!
"I won't go. That's final, don't worry Hale hindi ka kukulitin ni Copper," he said like he was so sure.
Ngumiwi ako at itinaas ang braso ko na namumula pa rin hanggang ngayon! Bumakat ro'n ang kamay ng lalaking yon.
Tiningnan nya iyon at agad na kumuno't ang kaniyang noo.
"Who did that?" kuno't noo niyang tanong. Ngumiwi ulit ako dahil sa tanong niya, hindi ba obvious?
"Your brother," pabuntong hininga kong sabi at umupo sa bakanteng upuan. Nagulat ako nang bigla na lamang siya tumayo at isinara ang libro niya. Kuno't noo akong nag angat ng tingin sa kaniya. "Where are you going?" tanong ko ngunit hindi niya iyon sinagot sa halip ay mabigat ang aura na lumabas siya ng secret room.
Tumayo rin ako at sumunod sa kaniya palabas ng library, hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng library ay hinarap niya ako.
"Don't follow me, may klase ka pa 'di ba?" parang kuyang aniya na i-kinataka ko pa lalo, dati rati ay siya itong lagi akong pina-pasunod sa kaniya. Maybe he want to be alone.
Hindi na ako nag pumilit pa at tumango na lamang. Nag tungo ako sa room at mabuti na lamang ay mas nauna akong pumasok kaysa sa teacher namin sa math.
"Psst, hindi ka pumasok sa tatlong subject?" bulong sa akin ng katabi ko na si Christelle. She barely talks to other students because she's a loner like me, well except for the fact that I have Irene and Tungsten.
"Mm." tango ko na lamang dahil nag iingat rin akong mapalabas ng strict na math teacher namin. Hindi na rin naman na ako kinausap pa ni Christelle, typical her.
Nag simula ang klase ngunit wala ro'n ang isip ko, iniisip ko kung saan nga ba nag punta si Wu. Wala naman siyang ibang kaibigan sa school kung hindi ako. Hindi rin siya madalas pumasok sa morning class like me.
I doubt na may naka-ka-date sya dahil kahit babae pa ang manligaw sa kaniya ay hindi nya sasagutin ng batong "oo" iyon sa halip ay baka insultuhin pa nga niya.
"Miss Valdez!" umalingawngaw ang sigaw ni Ms. Viv, our math teacher. Nanlalaki ang mga mata kong sinalubong ang nag liliyab na tingin ni Ms. Viv sa akin.
Oh no.
"Ma'am?" I asked nervously.
"Get out!" galit na galit niyang muling sigaw kaya naman mabilis akong tumayo dala ang bag ko at lumabas ng room.
"Damn it."
H'wag sana akong mahuli ng Committee, dahil baka hindi lang suspension ang makuha kong parusa.
Bakit ba kasi spaced out ako?! Kasalanan to ni Tungsten eh. Asan ba kasi ang lalaking yon?
_______________________________________________________________________________________________________________________________________
Writers recommendation:
@Pinkishrose02
@Myst_Deathday
@Binibining_Lunaa
@Iwaswiththestars