Chapter 1

1115 Words
“Sino ka?!” “Ay p**e ko!” gulat na sabi ni Analyn ng sa gitna ng nakakabinging katahimikan ay nakarinig siya bigla ng malakas na boses ng lalaki. Dahil sa kakapusan sa panggastos ay kailangan magtrabaho ni Analyn para may pantustos din sa pang araw-araw na gastos ng kanyang pamilya na tanging pagbubungkal lang ng lupa sa hacienda Lozano ang kinabubuhay. At malas pa nga na nagkaroon ng malalang aksidente ang kanyang tatay dahilan para mabali ang buto nito sa binti kaya naman hindi na ito makapagtrabaho ng mabuti. Ang nanay at bundong kapatid naman ni Analyn ay parehong sakitin dahil sa pareho rin na may hika kaya hindi pwedeng sa trabahong mabigat. Kaya naman ng may maghanap ng katulong na umabot sa kanyang kaalaman ay agad niyang pinuntahan si Aling Chedeng at nakiusap na siya na lang ang ipasok na kasambahay. Noong una ay ayaw pumayag ni Aling Chedeng na siya ang ipasok na katulong dahil baka agad raw siyang ma-homesick at umuwi na lang bigla. Ngunit dahil desidido si Analyn na makuha ang trabaho na may malaki rin na sahod kung tutuusin ay hindi niya tinantanan si Aling Chedeng na siya na lang ang ipasok bilang kasambahay.. Hindi nga nagbago ang isip ni Analyn kahit pa sinabi na ni Aling Chedeng na iba ang ugali ni Damian Altmareno. Madalas daw nakasigaw ang lalaki lalo pa at kung hindi nagustuhan ang gawa. Para kasi kay Analyn ay ano pa bang hindi niya kayang gawin at tiisin? Kaya niya ngang magbungkal ng lupa para magtanim. Kayang magtabas ng mga halamang aanihin. Kayang umakyat ng puno ng niyog o ang maglinis pa ng mga kwadra ng kabayo. Walang hindi kakayanin si Analyn lalo pa at para sa kanyang pamilya. Ayaw niyang walang gawin para hindi magutom ang mga ito kaya kahit wala siyang narinig na magandang ugali ng isang Damian Altamerano ay nagtuloy pa rin siya para maging kasambahay nito. Nagpunta pa nga sa matalik niyang kaibigan na si Bel para magpaalam na mamasukan siyang kasambahay. Baka kasi umuwi ang kaibigan at malaman na wala siya ay magtampo ito kaya kahit malayo ay pinagtiyagaan niyang sumakay ng kabayo para puntahan lamang ito. At nalaman niya pa nga niya mula sa kaibigan na ninong pala ng mag-asawang bagong kasal si Damian Altamerano na tiyuhin din pala ni Jude Altamerano. Bitbit ang iilang pirasong damit ay matiyaga na ngang naglakad lamang si Analyn para makapunta na sa bahay ng kanya ng paglilingkuran. Wala naman kasi silang sasakyan para magamit niya o maihatid siya. Wala rin naman kasi siyang pamasahe at wala rin naman siyang mahihiraman ng pera. Nahihiy na siyang manghiram sa mga kakilala dahil marami na siyang utang at hindi pa nga niya mabayaran. Kaya umaga pa lang ay sinimulan na lang maglakad ni Analyn at nagbaon ng bungang halaman panlaman tiyan at tubig para inumin kapag nauhaw. Kailangan na makarating siya agad sa bahay ni Damian Altmareno bago lumubog ang araw. “Sino ka?! Bakit pasilip-silip ka sa loob ng bakuran ko?” madiin na mg tanong ng isang lalaki na binuksan na ang malaking gate. Malaking tao ang lalaki na may mahabang buhok na nakatali. Matangos ang ilong habang ang mga mata ay bilog ngunit nanlilisik na nakatingin kay Analyn. Nakarating na kasi si Analyn sa barangay kung saan niya matatagpuan ang malaking bahay ni Damian Altamerano. At ang bahay kung saan siya sumisilip ay ang saktong bahay base sa itsura na sinabi ni Aling Chedeng. “Bingi ka ba o pipi? Kanina pa ako nagtatanong kung sino ka pero hindi ka nagsasalita! Anong ginagawa mo at sumisilip ka sa bakuran ko? Magnanakaw ka ano?!” pambibintang pa ng lalaki kay Analyn na hindi makapagsalita dahil sa pagkabigla. “Hindi po! Hindi po ako magnanakaw!” sagot na ni Analyn sabay yakap sa kanyang lumang bag na naglalaman ng kanyang ilang pirasong damit. “Sinungaling! Kanina pa kita pinagmamasdan simula ng dumating ka at wala kang ginawa kung hindi ang sumilip ng sumilip na parang may hinahanap ka sa loob ng bakuran ko gayong hindi naman kita kilala. Kaya umamin ka ng magnanakaw ka,” patuloy na giit at tanong ng lalaki kay Analyn. “Hindi po talaga ako magnanakaw. Kaya po ako sumisilip sa bakuran niyo ay may hinahanap po ako. Hinahanap ko po si Aling Chedeng. Base po kasi sa mga sinabi niyang itsura ng bahay na dapat kong puntahan ay ito pong bahay niyo ang malapit sa paglalarawan ni Aling Chedeng,” paliwanag na ni Analyn sa lalaking salubong pa rin ang kilay at nanlilisik pa rin ang mga mata. “Kung ganun ay bakit hindi ka nagsasalita? Bakit hindi ka tumawag? Hindi ka magpatao po o kaya naman ay tawagin ang pangalan ni Aling Chedeng para marinig ka niya?” sunod-sunod pang tanong ng lalaki kay Analyn. “Kabilin-bilinan po kasi ni Aling Chedeng sa akin na bawal raw pong mag ingay dito. Ayaw na ayaw daw po ng amo niya. Kaya po silip-silipin ko na lang daw po siya kapag po nakarating na ako,” katwiran pa ni Analyn. “Analyn, nariyan ka na pala?” ang natatarantang tanong ni Aling Chedeng ng makita si Analyn sa labas ng gate ng bahay na kanyang pinapasukan. “Kung ganun ay kilala mo pala talaga ang babaeng yan, Aling Chedeng?” tanong ng lalaking may mahabang sa matandang babae na agad tinabihan si Analyn. “Opo, sir. Siya po si Analyn. Siya po ang ipapasok kong kasambahay niyo Sir Damian.” Gulantang si Analyn sa narinig kay Aling Chedeng. Hindi niya akalain na ang lalaking kaharap na pala si Damian Altamerano na kanyang magiging amo. Ang alam kasi ni Analyn ay may edad na ang lalaki kaya hindi siya makapaniwala na bata pa pala ito gaya ng sabi ni Bel. “Magandang gabi po, Sir Damian,” halos mataranta pa sa pagbati si Analyn. Tumingin naman si Damian mula ulo hanggang sa mga paa ni Analyn na nababalot ng alikabok dahil nakasuot lamang siya ng manipis at lumang-luma ng tsinelas. “Hindi ako tumatanggap ng menor de edad, Aling Chedeng,” bigkas ni Damian Altamerano. “Sir, labing-walong taong gulang na po ako. Narito po ang birthcertificate ko kahit tingnan niyo pa po,” sabay bukas pa ni Analyn sa kanyang lumang bag para kunin ang kanyang birthcertificate. “Hindi na kailangan. Basta tatandaan mo lang na ayoko ng maingay dahil pinuputol ko ang dila ng mga madaldal,” wika ni Damian Altamerano at saka na tumalikod at pumasok ng muli sa kanyang bakuran. “Grabe, nakakatakot pala talaga ang amo ko,” bulong sa isip ni Analyn na nagdadalawang isip na kung mamasukan nga ba sa isang Damian Altamerano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD