“Natandaan mo na ba ang lahat ng mga bilin ko sayo, Analyn? Lagi mong tatandaan ang mga bawal na gawin sa bahay ni Sir Damian at baka mapaalis kang agad, ha?” paalala ni Aling Chedeng kay Analyn para magtagal ito sa trabaho.
“Opo, Aling Chedeng. Natatandaan ko po lalong-lalo na po ang bawal mag-ingay,” sagot ni Analyn sa matandang babae na kanyang papalitan bilang katulong sa babay ni Damian Altamerano.
“Oo, ayaw na ayaw ni Sir Damiang ang maingay. Ayaw niya rin ng masyadong maliwanag kaya huwag na huwag kang masyadong magbubukas ng mga ilaw lalo na sa sala o kaya ay sa itaas ng bahay. Sa kusina lang ang buksan mo at sa kwarto mo.” Muling paalala pa ni Aling Chedeng.
“Bakit po, Aling Chedeng. Naiintindihan ko po ang bawal mag ingay pero bakit ang pagbubukas ng ilaw ay bawal? Nagtitipid mo ba si Sir?” usisa pa ni Analyn.
“Husmiyo, Analyn. Hindi ba bawal din ang masyadong matanong? Ang masyadong madaldal? Anong sabi sayo ni Sir Damian? Hindi ba at pinuputol niya ang dila ng madaldal?”
Sa narinig ay napatakip ng bibig si Analyn dahil naalala ang sinabi sa kanya ng bagong amo tungkol sa pagiging madaldal.
“Oonga po pala. Pasensya na po, Aling Chedeng. Salamat din po pala sa mga recipe ng mga ulam na sinulat niyo pa. Salamat po,” pasasalamat pa ni Analyn sa matandang kahit hirap na pagsulat at malabo na ang mga mata ay nag abala para may kopya si Analyn at hindi mahirapan sa pagluluto.
“Basta gawin mo lang ang mga dapat gawin lalo na ang pagpapanatiling malinis at tahimik ang bahay, Analyn. Bihira lang naman na narito sa bahay ang amo natin dahil nga may trabaho siya. Kapag naman nasa bahay si sir Damian ay nasa loob lang siya ng kanyang silid o kaya naman sa kanyang library.
Nang marinig ni Analyn ang salitang library ay para ba siyang na excite dahil mahilig talaga siyang magbasa at pangarap ni Analyn ang makapasok sa isang library.
May library sa bahay ng kaibigan si Bel ngunit bawal naman siyang pumasok dahil bawal talagang magpapasok sa bahay nila Bel ng ibang tao.
“Marami ho bang libro sa library ni Sir Damian? Pwede po kaya akong magbasa roon?” mga tanong ni Bel.
“Natural na maraming libro dahil nga library. Pwede ka naman sigurong magbasa basta tapos ka na sa mga gawaing bahay mo,” sagot ni Aling Chedeng na paalis na sa bahay at iiwan na ngang mag-isa si Analyn.
Sinamahan ni Analyn si Aling Chedeng na magbitbit ng mga gamit nito palabas ng gate ng bahay dahil bawal pumasok ang anak nitong may dalang motor para sunduin ang nanay.
“Paano, Analyn? Maiiwan na kita dito ha? Pagbutihan mo ang pagtatrabaho mo.” Bilin ulit ni Aling Chedeng.
“Makakaasa po kayo, Aling Chedeng. Kayo na lang din po ang bahalang mamili ng pagkain para sa pamilya ko. At pakisabi po na okay na okay po ang kalagayan ko dito,” bilin din naman ni Analyn.
Bumali na siya ng dalawang libong piso para ipambili ng pagkain ng pamilya niya. Pinasuyo na lang din kay Aling Chedeng ang mga dapat bilhin para hindi na mapagod ang kanyang nanay sa pagpunta pa sa bayan.
“Oo, Analyn. At ibibigay ko rin itong ibang mga ulam na dala ko galing diyan sa ref para may ulam na ang pamilya mo. Kaya mag-iingat ka na lang rito at mag-isa ka na lang.”
Waring nais na maiyak ni Analyn dahil iiwan na nga siya ni Aling Chedeng ngunit kailangan niya ng lakas ng loob at labanan ang lungkot kung hindi ay pare pareho silang mamanatay sa gutom at walang ipambibili ng gamot ang kanyang pamilya para sa mga maintenance.
Kahit wala na sa paningin ni Analyn ang motor na sinakyan ni Aling Chedeng ay hindi pa rin siya makaalis alis sa harap ng gate.
“Naiwan na lang akong mag-isa. Sana lang ay maging maayos ang lahat. Sana nga ay matustusan ko ang gamutan ng pamilya ko hanggang maging maayos silang lahat,” hiling ni Analyn at pumatak na ang kanyang mga luha.
“Ang hirap maging mahirap. Wala ka ng makain ay kailangan mo pang magsakripisyo at lumayo sa pamilya mo para lang huwag kayong pare parehong magutom,” ani pa ni Analyn ng maalala na naman ang sitwasyon ng kanyang kinalalagyan.
Kung hindi nga lang kay Bel na kanyang matalik na kaibigan ay hindi na siya makakatapos ng kahit high school man lang.
Mas pinili na rin kasi ni Bel na mag aral sa public school hindi dahil sa nahihirapan ito sa private kung hindi dahil na rin sa kanya.
Si Bel ang nagbibigay sa kanya ng baon at nakikihati siya sa pananghalian at pagkain nito. Kaya naging maayos naman ang pag-aaral ni Analyn at sabay silang nagtapos ni Bel.
Iyon nga lang ay mayroon siyang karangalan habang ang kaibigan ay wala dahil nga hindi niya malaman kung bakit hindi makapag pokus si Bel para makakuha ng matataas na marka.
Pinapakopya nga ito ngunit ang kaibigan ang tumatanggi dahil ayaw daw nitong gagawa sila ng masama para lang sa mataas na grades. Kaya naman mas napahanga si Analyn sa kabaitan ni Bel.
“Sabagay, si Bel nga anak mayaman pero hindi naman maganda ang turing sa kanya ng pamilya niya. Napakabait ng kaibigan ko kaya sana naman ay maging mabait din sa kanya ang asawa niya,” hiling ni Analyn para sa kaibigan na kailan lang ay ikinasal sa isang lalaking hindi naman nito mahal.
“Ako kaya? Makahanap kaya ako ng lalaking mayaman gaya ng napangasawa ni Bel?” ani ng dalaga sa sarili.
“Hoy! Analyn! Anong asawa ang iniisip mo, ha? Mabuti pa ay pumasok ka na sa loob ng bahay at maglinis. Hindi iyong asawa ang iniisip mo. Si Bel mayaman kaya nakapag asawa ng mayaman. Kaya huwag kang mangarap ng gising,” sabi ni Bel sa mismong sarili para magising na siya sariling panagip.
“Kaya hindi na lang ako mag-aasawa kung mahirap lang din naman na tulad ko ang mapapangasawa ko. Idadamay ko lang ang mga magiging anak ko sa kahirapan.”