“WHAT happened?” tanong ni Patrick nang pumasok ng kubo si Alpha na umiiyak at tila namumutla. Sinubukan niya itong pigilan sa braso pero tinabig lang siya nito at dire-diretso nang pumanhik ng bahay. Narinig pa niya ang pag-iyak nito bago nito tuluyang isinara ang pinto ng silid. Mabilis siyang lumabas nang marinig ang ugong ng sasakyan na marahil ay naghatid kay Alpha. Tama ang hinala niya; saktong papaibis ng sasakyan ang lalaking naghatid sa kaniyang asawa. Malalaki ang mga hakbang na sinalubong niya ito at inundayan ng suntok sa mukha. Sumadsad ito sa lupa at marahas na napatingin sa kaniya. Sakto naman ang pagdating ng humahangos na si Ross. Mabilis itong lumapit at yumakap upang pigilan siya. “Saan kayo galing ng asawa ko at ano ang ginawa mo sa kaniya?!” nanggugulumaiti niyang ta

