bc

Out of League

book_age16+
681
FOLLOW
1.4K
READ
one-night stand
opposites attract
second chance
arrogant
dominant
sweet
bxg
lighthearted
first love
lies
like
intro-logo
Blurb

“Wala na sa kalendaryo ang edad mo, Alpha.”

Again. Again and again. Sawang-sawa na si Alpha sa linyang iyon. That was actually an exaggeration because the last time she checked her memory, she’d only be turning twenty-five on her upcoming birthday.”

Madalas mang marinig ay kung bakit hindi pa rin niya makasanayan ang panunuksong iyon. Every passing day without a boyfriend is a torment; every birthday is a curse for her. At the age of twenty four, she’s already losing her hope of having the right person to spend her life with. But despite this, everything seemed to be okay. Normal ang lahat para sa kanya and her everyday routines have been all set - until Hunter. This man was her exact opposite! A tease to her simple but well-managed life. Is it possible for her to fall for Hunter despite his rugged personality, something that was way out of her league?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FIVE quarter. Natapos na naman ang maghapon ni Alpha nang hindi namamalayan. Same routines—klase, lesson plan, class record at evaluation tests. Ganito ang buhay niya sa maghapon—limang araw sa loob ng isang linggo; checking of quizzes naman sa araw ng Sabado at saka pa lamang siya mamamahinga sa araw ng Lingo. That’s how she dearly loved her work. Others used to hate her especially her friends and close relatives when it came to her work. Ang Mamang lang niya ang nakakaunawa sa lahat ng aktibidades niya pero ang lahat ay kontra. Why, she’ not getting any younger! She’d be turning twenty-five just a few months from now pero hanggang ngayon ay wala pa siyang nagiging seryosong relasyon. She had boyfriends before, two gorgeous boyfriends actually, pero hindi man lamang naglipat-buwan at tapos na ang relasyon niya sa una. Ang ikalawa naman na umabot sa limang buwan ay hindi niya maubos-maisip na ipinagpalit siya dahil lang sa hindi napagbigyang manood ng sine. Nainis kasi siya noon dahil pakiwari niya ay sinasadya nitong dalhin siya sa madilim na bahagi ng sinehan kaya nang muli itong magyaya ay nagdahilan na siya ng kung anu-ano. Hanggang nagulat na lang siya isang araw na nakita itong may kasamang ibang babae at nang makasalubong ay buong kapreskuhan pa nitong ipinakilala sa kanya ang bago nitong nobya. Nasaktan ang pride niya, but never her heart kaya naman mula noon ay hinayaan na lamang niyang umikot sa pamilya at pagtuturo ang buhay niya. Tumayo siya at kinuha ang eraser sa chalk box na dala saka maingat na binura ang mga nakasulat sa blackboard. Napalingon siya sa pinto nang bumukas iyon at nabigla siya sa nakitang kaibigan na nakasungaw doon. “Alpha, girl!” tili ng babaeng papalapit sa kanya. Siya naman ay tila naestatwa sa matinding pagkabigla. Ang dumating ay walang iba kung hindi ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Maureen. “Oh my God, is that really you?!” bulalas niya sabay ganti ng yakap dito. “Yes, yes kumusta ka na? Oh jeez, it’s been a long, long time since we last saw each other, bestfriend!” Excited ang tinig ni Maureen at gayundin naman siya. “Maayos naman ako. Ikaw, kumusta ka na? Halika nga at maupo tayo.” Iginiya niya ang kaibigan sa monobloc chair na nasa harap ng table niya. Napataas ang kilay nito sa ginawa niya. “Alpha, you haven’t changed a bit! Ano ako, pasyente at ikaw ang doktor?” pagpapakuwela nito na nagpatawa ng malakas sa kanya. “Pasensiya ka na, Mau...” “Ops, it’s no longer Mau. Call me Yuri!” Muli ay napatawa siya. “Pasensiya ka na. Wala namang ibang tanggapan ng bisita dito, Yuri.” Sa pagkakataong iyon ay idiniin niya ang pagkakabigkas sa pangalan nito. “Ipupusta ko ang Chanel kong bag, sister, maya-maya ay tatawag ka na ng estudyanteng naririto pa sa school at magpapabili ka ng softdrinks, am I right?” “Perfect guess! What do you want to have aside from cola, gusto mo ba ng donut o banana cue sa kanto...” “Oh, stop it!” tila diring-diri naming sabi nito. Napakunot-noo siya sa iginawi nito. Dati naman nilang pinagsasaluhang magkaibigan iyon. Ano ang masama roon? “Yes, of course, I still love banana cue and donut, Aleya Patricia, but this is our first time to see each other after five long years! Baka naman puwedeng maiba?” natatawa nitong sabi. Hindi siya nainis sa sinabi nito at sa halip ay tila lalong na-miss ang kaibigan. Ilang araw na nga ba siyang hindi tumatawa nang malakas? Matagal na rin yata. Na-miss niya ang makipag-usap dito. Dati-rati, nauubos ang oras nilang dalawa sa pagkukuwentuhan pero masaya sila. Napahugot siya ng malalim na hininga. “O, para saan naman iyan? Aayain lang naman kitang mag-comedy bar tonight, napapabuntong-hininga ka na diyan!” Mabilis ang naging pag-iling niya sa narinig na iyon. Hindi pa siya nakaranas pumasok sa mga ganoong klaseng lugar at isipin lang ang senaryo sa loob niyon ay tila sasakitan na siya ng ulo. “I won’t take no for an answer, friend. Five years tayong hindi nagkita and granting this one favor won’t harm your image, girl.” Napaisip siya. Kung hindi siya sasama, ano ba ang gagawin niya sa bahay? Lahat ng trabaho sa school ay tapos na niya. Maging ang mga susunod na summative tests ay mayroon na rin siya. Panahon na lamang ang hinihintay niya upang magamit ang mga iyon. Wala namang masama kung minsan niyang pagbigyan ang kaibigan para naman wala rin itong masabi sa kanya. Isa pa, may bahagya rin siyang curiosity sa dibdib na nais niyang pagbigyan nang mga sandaling iyon. Nang muling magtanong si Maureen ay bahagya siyang tumango na ikinatili na nito. NANG makauwi ng bahay ay madaling nag-ayos ng sarili si Alpha. Mahigpit ang bilin ni Yuri na alas-siyete ng gabi ay susunduin siya ng mga ito para sa lakad nila nang gabing iyon. Hindi naman siya nahirapang magpaalam sa mga magulang at sa halip ay natuwa pa nga ang mga ito nang malamang lalabas siya kasama ng mga kababata. Gaya nang inaasahan ni Alpha, masayang-masaya ang lima pa nilang kaibigan ni Maureen nang makita siya ng mga ito. Kaklase rin nila at kababata si Carol maging ang mga pinsan nitong sina Sarah at Ronalin. Naroon rin ang magkapatid na sina Julie at Lyra na kapwa kagrupo rin nila. Sa isang maingay na kapaligiran ng isang bar sila humantong na pito. Ang halu-halong ingay ng paligid, amoy ng alak at sigarilyo ang bumungad sa kanila. Sa entrance door pa lang ay ibig na niyang magbago ng isip at magpaalam sa mga kasamang uuwi pero namalayan niyang mahigpit na nakahawak pala sa kanyang braso si Lyra. Tila alam nito ang nasa isip niya. Napabuntong-hininga na lamang siya at napahinuhod nang hatakin ng kaibigan sa mesang nasa harap ng entablado. Sa isip ay tinanggap na lang niyang naroon na siya at ang mas mahalaga ay ma-enjoy na lang niya ang gabing iyon. Isang lalaking nasa katanghalian ang edad ang kasalukuyang kumakanta sa stage at sa bawat pagtatapos ng mga awit nito ay pumapalakpak ang mga tao. Nakatatlong palit din ito ng kanta at kahit paano ay nalilibang naman siya. Iyon nga lang, hindi niya maiwasan ang antukin dahil sa lamig ng boses nito. Pakiwari niya ay inihehele siya sa duyan nang mga sandaling iyon. Napatingin siya sa katabing si Yuri nang maramdaman ang pagdunggol nito sa braso niya. “Nakakatulog ka na, girl. Grabe, ang boring mo.” “Sorry,” aniya. Hindi niya tiyak kung narinig nito iyon dahil sa lakas ng tugtog na pumapailanlang sa kabuuan ng bar. Isa pa’y madali rin nitong ibinalik ang tingin sa stage. Inayos na lang niya ang pagkakaupo at sinikap na ituon ang pansin kaharap na entablado. Kasabay ng pag-angat ng paningin ni Alpha ay ang pag-iiba ng tugtog. Nang pumailanlang ang isang malamyos na awitin ay bahagya siyang napatigil at kusang napatingala sa maliit na entabladong nasa harapan. Pamilyar ang kantang iyon sa kanya at ang totoo, isa iyon sa kanyang mga paboritong lumang kanta. Nasa simula pa lang ang awitin at hindi niya maaninag ang anyo ng lalaking nagtatanghal. Nakaupo ito na ang isang paa ay nakatapak sa sahig at ang isa naman ay nakatukod sa ilalim ng inuupuan nitong mataas na stool. Hindi niya naiwasan ang mapahugot ng malalim na paghinga habang nakikinig sa awiting iyon. Tila nagmistulang totoong si Kenny Rogers ang kumakanta sa stage. Kung hindi siya nagkakamali ay ‘We’ve Got Tonight’ ang title niyon. Muli niyang nahagod ng tingin ang nakayukong singer. Ang pang-itaas nitong kulay puting kamisetang hapit ay humakab sa matipuno nitong dibdib. Sa munting ikot ng spotlight ay kitang-kita niyang maganda ang pangangatawan ng mang-aawit. Nakayuko ito habang kumakanta at ang may kahabaang buhok na tumatabing sa mukha ay bahagyang naghatid sa kanya ng antisipasyong masilayan ito. Sa tindig nito ay hindi malayong nasa anim na talampakan ang taas ng lalaki at ang suot nitong leather boots ay nagdagdag pa sa taas na iyon. Sa leeg ay isang mahabang bolt and cord necklace ang nakasukbit at sa magkabilang braso nito ay may silver leather na bracelet. Sa ikalawang bahagi ng awitin ay hindi naiwasan ni Alpha ang mapapikit—hindi dahil sa antok kundi dahil humahaplos sa kanyang puso ang bawat liriko ng kanta. Dalang-dala siya at pakiwari niya ay may ibang mensaheng nagtatago sa likod ng buong-buo at malamig na tinig na iyon. Nang maabot ng singer ang mataas na bahagi ng kanta ay hindi niya napigilan ang curiosity at tiningala ang mang-aawit, ngunit laking gulat niya nang mapansing tila sa kanya rin nakatutok ang paningin nito. Napatda siya habang nakatitig sa lalaki. Ang magandang boses nito ay tila walang sinabi sa nakikita niyang anyo nito. Katunayan ay hindi halos niya magawang ilayo ang paningin mula rito. Pakiwari niya ay nanunuot sa kanyang kaluluwa ang uri ng tinging ipinupukol ng singer. Nang matauhan ay pilit niyang inilayo ang tingin mula rito at mabilis na inisang lagok ang inuming nasa harapan. Narinig niyang napasinghap si Yuri sa ginawa niya pero inignora niya iyon. Agad niyang naramdaman ang init na nilikha ng likido sa kanyang lalamunan. Nang ibalik niya ang tingin sa entablado ay nakapikit nang umaawit ang lalaki. “We’ve got tonight…who needs tomorrow… we’ve got tonight, babe…why don’t we stay?” Bigla’y nanuot sa kaloob-looban niya ang bahaging iyon ng kanta. Bakit nga ba niya iintindihin pa ang bukas gayong hindi naman tiyak ng sino man kung darating pa iyon? Ang mahalaga nga naman ay ang ngayon lalo na ang mga sandaling iyon kung saan sa simpleng pagtitig sa anyo ng lalaking umaawit ay tila nahipnotismo na siya. Nang magmulat ng mata ang lalaki ay muling lumipad ang tingin nito sa kanya. Nangalog ang tuhod niya sa magkahalong pananabik at pagkapahiya subalit tila may mahikang dulot ang alak na nainom niya at nakipagtitigan pa siya rito. Nang nasa huling bahagi na ito ng awitin ay lalo na siyang nanlambot. Sadyang napakaganda ng boses nito. Kasabay ng pagtatapos ng awitin ay ang madamdaming tingin nito na muli ay nakasentro sa kanya. Nagulat pa siya nang magpalakpakan ang mga tao sa paligid hudyat ng pagtatapos ng kanta. Naramdaman niya ang bahagyang pagsiko ni Yuri sa bandang kanan niya at nang iniabot nito ang maliit na baso ng alak ay mabilis niyang kinuha iyon at inisang lagok sa pagkamangha na naman ng mga kaibigan. Ilang awitin pa ang sumunod matapos iyon subalit ni anino ng lalaki ay hindi na niya muling nakita. Marahil ay isang beses lang ang pagtatanghal nito sa gabing iyon at posibleng nakauwi na ito. Sa isip ay may isang bahagi ng dibdib niya ang tumatanggi. Pasimple siyang bumulong kay Sarah na noon ay papatayo upang magsayaw. Naparami na rin ang nainom niya at nakaramdam siya ng pangangailangang manubig. Dire-diretso siyang lumigid sa isang madilim na bahagi ng disco house upang tunguhin ang ladies room. Malapit na siya sa pinto niyon nang may malakas na tikhim siyang narinig sa kanyang likuran. Sa biglang paglingon ay nahilo siya at bumuway ang kanyang pagkakatayo. Namalayan na lamang niyang ang likod at mga braso niya ay hawak ng isang estrangherong nasa kanyang likuran. “Miss, okay ka lang ba?” narinig niyang tanong nito pero hindi niya nagawang magmulat ng mga mata. Sa halip ay napapikit pa siyang lalo dahil sa labis na pagkahilo. Hinayaan na lamang niyang igiya siya ng lalaking nagmagandang loob sa kung saang lugar na komportable. Ang sumunod niyang naramdaman ay nakaupo na siya sa isang malambot na upuan. Nang makasandal roon ay agad niyang tiningnan ang lalaking katabi at nang makilala ito ay tila lalong tumindi ang hilong nararamdaman niya. “Are you okay?” tanong nito sa pinakalambing na tinig na narinig niya. Tumango siya at tila napapikit nang maramdaman ang braso nitong pumulupot sa kanya at pumatong sa kaliwa niyang balikat. “How do you want me to call you, sweetheart?” Sinalakay ng kaba ang dibdib niya sa narinig buhat dito pero hindi niya kayang magsalita at magpaliwanag nang mahaba sa lalaki. Bigla ay naramdaman din niya ang init na lumukob sa kanyang buong katawan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sanhi kaya ng alak? “Alpha…” aniya. Saglit itong natahimik at muli ay nagtanong. Bahagya niyang naramdaman ang pagpisil nito sa kanyang balikat at hindi niya maunawaan ang tila kuryenteng gumapang sa kanyang katawan sa simpleng haplos na iyon. “Do you wanna go somewhere, Alpha?” muli ay tanong nito. “I wanna be alone…somewhere private and...” Tuluyan na siyang nahilo at tinakasan ng ulirat matapos niyang masabi ang mga katagang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook