Story By Sophia Anika Milson
author-avatar

Sophia Anika Milson

ABOUTquote
An author from Milan, Italy, and currently a full-time mom to three angels. I have had this interest in writing since I was in high school but this is my only second time to try to publish my works online. Hope everything works well with Stary.
bc
Out of League
Updated at Mar 3, 2022, 02:19
“Wala na sa kalendaryo ang edad mo, Alpha.” Again. Again and again. Sawang-sawa na si Alpha sa linyang iyon. That was actually an exaggeration because the last time she checked her memory, she’d only be turning twenty-five on her upcoming birthday.” Madalas mang marinig ay kung bakit hindi pa rin niya makasanayan ang panunuksong iyon. Every passing day without a boyfriend is a torment; every birthday is a curse for her. At the age of twenty four, she’s already losing her hope of having the right person to spend her life with. But despite this, everything seemed to be okay. Normal ang lahat para sa kanya and her everyday routines have been all set - until Hunter. This man was her exact opposite! A tease to her simple but well-managed life. Is it possible for her to fall for Hunter despite his rugged personality, something that was way out of her league?
like
bc
Walang Hanggang Pag-ibig
Updated at Feb 22, 2022, 06:28
Isang misteryosong lalaki ang dadalaw sa panaginip ni Maristela. Ang lalaking ito, diumano, ay kaniyang nobyo, at ang mansiyon ng Villa Helena ang saksi sa masasaya nilang araw bilang magkasintahan. Nang magsunod-sunod ang mga kababalaghang nararanasan ng dalaga ay nagdesisyon itong umuwi sa probinsiya nito sa Bulacan, at magpagamot sa isang faith healer na si Apo Baste. Mula noon ay hindi na natahimik pa ang dalaga. Hindi na ito halos makakain at makatulog, kaiisip sa Villa Helena. Pakiramdam ng dalaga ay may kailangan siyang tuklasin at mayroon siyang misyong dapat isagawa upang magkaroon ng kapayapaan ng loob. Isang araw ay maiisipan niyang dumaan sa Ilaya, ang lugar na ipinagbabawal sa kanilang bayan, dahil sa matandang kuwentong ito raw ay tahanan ng mga maligno at ligaw na kaluluwa noon pang 1970s. Laking gulat niya nang makita ang isang mansion na nasa tuktok ng isang burol, walang iba kundi ang Villa Helena sa kaniyang mga panaginip!
like
bc
Ada's Point of View
Updated at Feb 3, 2022, 10:48
Adelaida ‘Ada’ Concordia comes from a family of doctors and nurses. Buong pamilya niya, maging mga pinsan ay konektado sa Medisina ang mga kursong tinapos. Tanging siya lamang ang naiiba dahil Journalism ang kursong kinuha niya, siyang dahilan kung bakit palagi na lamang siyang tampulan ng tukso. Lumaki siyang halos ipamukha sa kaniya ng lahat sa paligid na isa siyang batik sa pamilya ng mga Concordia. Dahil sa kagustuhang mapatunayan ang sarili, agad na bumukod ng tirahan si Ada nang maka-graduate. Sinikap niyang gumawa ng landas patungo sa kaniyang pangarap na maging isang broadcaster. Ngunit palagi na lang siyang pumapalpak. Nauutal siya sa harap ng camera, at kung ano-anong ang mga nasasabi niya na hindi naman dapat. Dumagdag pa ang mapambuksang childhood friend at masugid na manliligaw ng bestfriend niyang si Shenina na si Sultan, na naging instant crush niya sa una pa lamang nilang pagkikita nito. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay lalo nang bumaba ang tiwala at tingin ni Ada sa sarili. May mga pagkakataong gusto na niya halos sumuko, kung hindi dahil sa suporta ni Shenina. Soon, she realized that her heart is not really into broadcasting. Gusto lang niyang makita sa TV at sumikat para may maipamukha sa lahat ng nangungutya sa kaniya, pero ang totoo, ang puso niya ay nasa pagsusulat. So she started to write romance stories, which later on give her satisfaction and feeling of supremacy. Pero sapat ba ang kasiyahan at kakontentuhan ni Ada sa pagsusulat para mapatunayan ang sarili sa kaniyang pamilya? Will they all look at her as a better person now that she’s into writing? What is the real basis of success for them to accept her, as what she is?
like