Chapter 2

1416 Words
MASAKIT ang ulo ni Alpha. Tinangka niyang dumilat pero lalong tumindi ang kirot sa kanyang magkabilang sintido. Bahagya niyang iginalaw ang katawan at kahit nakapikit ay pilit na hinagilap ang alarm clock sa sidetable. Nang hindi makapa ang hinahanap ay napadilat siya. Laking pagkagulat niya nang unang dumako ang tingin niya sa bedside table kung saan may lamp shade na hindi niya kilala. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at takot sa pagbaha ng realisasyon. Nasaan siya? Lumipad ang kanyang tingin sa sariling katawan na nababalutan ng kumot. Napatili siya nang makitang wala siyang pang-itaas na suot. Bigla ay may kumalabog sa kanang bahagi ng kamang kinahihigaan niya. Nang tumayo ang taong nahulog pala sa sahig ay dobleng lakas ang naging pagtili niya. “Hey, shut up!” tila inis na sigaw ng lalaki. Nakahubad-baro ito at tanging boxer shorts lang ang suot. “Sino ka?!” gimbal na tanong niya rito. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya maalala kung paano siyang napunta roon at kasama nito sa iisang silid—at iisang kama! “I’m Hunter, remember? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ako kaagad.” Ngumiti ito nang buong kapilyuhan, tila balewala ang takot na nakarehistro sa mukha niya. “Paanong...sino ang…ano’ng nangyari?” litong-litong tanong niya. Bahagyang natigilan si Hunter sa nakitang kalituhang nasa mukha ni Alpha. Paanong hindi nito natatandaan samantalang nang nagdaang gabi ay agresibong-agresibo pa ang babae sa pakikipag-usap sa kanya? “You know what, I don’t have time for this. Are you trying to put me on a trap, lady?” “Anong trap ang pinagsasasabi mo diyan? Paano akong napunta rito at ano ang ginawa mo sa akin? Nasaan ang damit ko?” Napahagulgol ng iyak ang dalaga dahil sa magkahalong pagkapahiya at takot. Sa mga oras na iyon ay dapat na nasa silid-aralan siya at nagtuturo sa kanyang mga mag-aaral pero hayun at naroon siya, hubad at kasama ng lalaking ni hindi niya kilala. “Okay, uulitin ko ang senaryo para maliwanagan ka. You were drunk last night and asked to be with me in a private room, so—” Hindi na nito natapos ang sasabihin nang ihagis ng babae ang isang unan sa mukha nito. “Hey!” sigaw nito. “Drunk or not, I will never say that! Sinungaling ka! Paano akong nakarating dito?” Ibinalot nito ng kumot ang buong katawan at nang maalalang walang damit panloob ay dagling namula ang mga pisngi ng dalaga. Napabulalas na lang ito ng iyak sa matinding kahihiyan. “Pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko kagabi! Sinamantala mong wala ako sa sarili ko! You r***d me!” sigaw nito habang umiiyak. Hindi naiwasan ni Hunter ang mapasimangot. Sa lahat ng ayaw niya ay ang pinagbibintangan ng bagay na hindi niya ginawa. “Hoy, Alpha...Alpha nga ba ang totoong pangalan mo? Hindi kaya Karina? Trixie? Bella? Ano ba ang gamit mong pangalan ‘pag Biyernes, Miss Beautiful?” Hindi na nito natapos ang huling salitang sasabihin nang mabilis siyang tumayo at ubod-lakas na sampalin ito. “How dare you! Im not the kind of person you’re thinking I am! Matino akong tao at hindi mo alam kung anong klaseng disgrasya ang pinasok mo sa ginawa mong ito sa akin!” Ang lalaking hindi agad nakahuma ay ipinilig-pilig ang pisnging tinamaan ng malakas na atake ni Alpha. “Nasaan ako?” makaraan ang ilang sandali ay tanong ng dalaga. Bigla ay hindi niya nagawang salubungin ang titig ng lalaking kasalalukuyan pang hinihimas ang pisngi nitong nasaktan. “Narito ka pa rin sa Eezy Point. Dito kita dinala sa itaas nang sabihin mong gusto mong mapag-isa kasama ko.” Muli ay lumipad ang tingin ng babae kay Hunter sa sinabi nito. “Kahit ano pa ang sabihin mo, wala akong maalalang sinabi ko ang mga ‘yan! So if you’ll excuse me, please give me back my clothes because I need to get out of here as soon as possible! As in now!” malakas na sigaw nito na halos ay ikatulig ng tainga niya. “Let me call for help.” Akma nitong dadamputin ang telepono sa gilid ng mesita nang pigilan niya. “Ano ang gagawin mo? Hindi ka puwedeng tumawag sa ibaba. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao rito ‘pag nakita nilang magkasama tayo sa iisang silid?” “Ano pa nga ba eh di may nangyari na sa atin!” walang gatol na sagot ng lalaki. Siya naman ay napatakip ng bibig sa sinabi nito. Tinitigan niya ito nang masama at halos ay maiiyak na naman nang magsalita ito. “Okay, okay! Ano ang gusto mong gawin ngayon? Paano kang bababa dito nang hindi ka nakikita ng mga tauhan ng bar?” “Bigyan mo ‘ko ng damit at ako ang bahala,” masungit na utos nito. “YES, you won’t believe it, Pare!” Sa lakas ng tawa ni Hunter ay hindi mapigilan ng mga taong nasa paligid ang mapalingon. Nasa isang sulok sila ng Eezy Point ng gabing iyon habang ikinukuwento sa drummer ng grupo ang kamalasang napala niya nang nagdaang gabi. “Paanong nangyari iyon? Dumaan siya sa restroom para lang hindi makita ng mga tauhan ng bar?” “You heard it right, dude. I don’t understand that woman either; she’s very unpredictable! Now, she’s giving in and in just a snap, she’d change her mind!” inisang lagok nito ang huling laman ng beer in can na hawak. “But you have managed to take her clothes off, does that mean...” “Ano pa nga ba, Pare? You know me very well!” Ngiting-ngiti ito habang sinasabi iyon. Lingid dito ay nasa isang table sa malapit lamang ang nakatalikod sa pagkakaupong si Alpha. Sa isip ay isinusumpa ang lalaking nasa likuran niya at gumagawa ng kanyang kasiraan. Mahigit isang oras na siyang naroon. Nagpunta siyang mag-isa dahil ibig niyang kausapin nang masinsinan ang lalaking nakasama sa magdamag sa iisang silid pero iyon ang tagpong inabutan niya. “Ano nga ulit ang pangalan niya, Pare?” narinig niyang tanong ng lalaking kausap nito na tinawag nitong Joey. “Hmmm...Al...Alva yata, Pare! Hindi ko na rin tinandaan dahil for sure, it was not her name. Anyway, name doesn’t matter!” muli ay tawanan ang maririnig sa mga ito. ‘Alva pala ha! Hudas ka, ginawa mo pa akong hostess!’ “Anyway, Pare, hindi pa ‘ko tapos sa babaeng iyon. Huwag kaming magkikitang muli at makikita niya kung sino ang kinalaban niya!” Bahagyang napangiti si Alpha nang maalala ang ikinagagalit nito. Tinangay lang naman niya ang mga damit nito na nakitang nakasampay sa settee. Sa gayong paraan man lang ay makaganti siya sa kalokohan nito. “Ano’ng damit ang hihiramin mo sa’kin? Wala akong ibang baon liban diyan sa mga damit ko,” anito at inginuso pa ang kamiseta at pantalon nitong nakasampay sa couch na naroon. Naalala niyang ang mga iyon nga ang suot ng lalaki nang nagdaang gabi. Nasa isang sulok pa ang mga boots nito. “Saglit lang ha,” anito sa kanya nang tumunog ang cellphone nitong nasa isang sulok ng silid. “May tawag lang ako; I’ll be back in a minute.” Tumalikod na ito at nagpunta sa verandah. Sa halip na maghintay ay dali-dali niyang isinuot ang pang-itaas nitong nasa settee. Tangay ang pantalon at panloob ng lalaki ay walang kilatis na tinungo niya ang palikuran. Kalahating katawan na niya ang nakasuot sa malaking butas sa itaas na bahagi ng men’s room nang marinig ang tawag ng humahabol na si Hunter. Bakit ba siya nangingiti? Hindi ba mas dapat na magalit siya sa ginagawa nitong pambabastos sa kanya? Oo nga at hindi nito natukoy ang pangalan niya pero siya pa rin ang pinag-uusapan ng mga ito. Kasiraan pa rin niya ang ipinagpaparangalan nito. “Natandaan mo ba ang hitsura ng bebot, Pare?” Pinagbuti ni Alpha ang pakikinig sa pag-uusap ng dalawang lalaki sa likuran. “Hindi ko sigurado pero malamang ay mamukhaan ko ‘pag nakita ko siya, Pare. Isang bagay lang ang titiyakin ko sa’yo, pagsisisihan ng babaeng iyon ang ginawa niya sa akin.” Dahil sa malakas na tawanan ng dalawa ay natigatig siya. Kung gagawin niya ang plano, tiyak na mapapahiya lang siya. ‘Huwag ko na lang kaya siyang kausapin? Hindi naman siguro niya ako matatandaan pa. Ano ba’ng mapapala ko sa kumag na ‘to!’ Dahil doon ay maingat na lang siyang tumayo at tuluy-tuloy na lumabas ng Eezy Point.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD