chapter three

4901 Words
"Lusalor Wañez" Lily NINGISIHAN AKO ni Avan, I showed a slight reaction but it seemed enough to feed his confidence. "I see you've heard of Lusalor Wañez, the Lusalor Wañez would be glad to hear that." Umupo kami sa isang russet colored na sofa that is made of leather that goes well with the nude colored carpet. The lamps near the desk are dimmed at hindi nakakasilaw ang lights inside, with a glass colored covering the fluorescent bulb. Maya-maya ay may pumasok na babae na naka-uniporme ng black pencil skirt matched with blazer of the same color at saka white blouse na may shoelace ang porma at may pendant sa gitna nito. "Nancy, hi. Pakikuha ako ng coffee, please. Anong gusto mo, Lily?" "Tubig lang sakin." Tumango naman si Nancy at agad na umalis. "Oh come one, I thought you would've ordered something other than water, I would've been glad to give that to you." "I don't accept free lunches, but thank you for the offer." "You accept the dinner last time." Taka niyang sabi. "As you've said, that was dinner." Parang hindi makapaniwala si Avan sa kanyang narinig at napabungisngis ng mahina. Bumalik si Nancy after knocking, giving us the beverages and putting it gently on the table bago siya umalis. Uminom naman si Avan sa kanyang beverage kaya nagsalita na ako. "Why are we here?" "I need some time off, class is near pero parang mamamatay na ako dahil ang dami ko nang ginawa this week. Well, there'll be probably be more in the future, when class starts, kaya I would like to unwind muna." "I see." Sabi ko at tiningnan ang malaking window na nasa likod niya. The afternoon light passed the window, with the orange hue reflected on him, emphasizing his silhouette and making him look surreal. His messy hair and strands becomes almost transparent because of the sunlight. I would hate to admit that right now, he looks like an angel. An arrogant one, yes. Tumayo siya kaya sumunod ako, in this big office, there exists three doors in total, one for I think the bathroom, one for the entrance and exit, and now one for this door we are heading on to. Oak pa rin ang wood na ginamit dito, with same color and shade as the one on the entrance. He lazily opened the door, shoulders slumped, just looking at his back lets me know how tired he is, unlike what I expect a door that leads from the office would be, it's a room with five large beds, and a curtain that separates the one on the other side na I think am bunk beds, hindi ako masyadong sigurado dahil sa bahagyang nakahagwi sa kurtina. Tumalon siya sa isang kama na nasa pinaka-gitna at agad na niyakap ang unan at saka kumot sa kanyang katawan at nag-curl. He moaned at saka kinamot ang kanyang ulo, "Lily.." "Yes?" Matagal-tagal pa bago niya ako nasagot. "Wake me up when it's 4:30." Hindi na niya hinintay ang aking sagot at agad na nakatulog. Inabala ko ang aking sarili sa pag-assemble ng aking mga kagamitan. My loaded guns and daggers, and shuriken. Limit lang na armas ang aking dinala dahil may tago naman ako sa lugar na madalas na pinupuntahan ni Avan. Habang pinapatalas ko ang aking mga armas ay nagvibrate ang aking cellphone kaya sinagot ko ito habang dahan-dahan na tinatago ang aking dagger. "Evans' phone." "Hi Lily." "Hello po, Tita Lucy." Nilingon ko si Avan na tahimik at maaliwalas na natutulog. "How's Avan?" "Natutulog 'ho siya ngayon." Narinig kong napatawa si Tita Lucy. "Haha, ganon ba? Gusto ko lang sanang sabihin na pinapa-move ni Mrs. Dail yung schedule ng classes since may changes sa system sa school. School will be two days from now on. Pakisabi nalang ako kay Avan since he's probably the only one who doesn't know about this except for you, Lily." "Sige po." "Take care." Sabi ni Tita Lucy saka binaba ang telepono. Two days? Napabuntong hinga ako nang maisip ang gagawin ko muna bago ako makapag-prepare sa start ng school. It has been 10 years since I've been in a public school, or a school in general. Wala kasi akong oras at hindi rin ako pinayagan na pumunta ng pampublikong eskwelahan. Ang organisasyon din namin ay nagbibigay ng edukasyon para sa amin and at the same time ginagabayan kami para sa aming trabaho. Although ngayon pwede na mag-aral sa isang eskwelahan dahil mas disiplinado na ang mga tine-train ngayon compared to my batch before. Strikto pa rin naman ang pagtuturo, pero hindi gaano karahas ang mga tinuturuan ngayon kumpara noon. One should obey the rules kasi dun sa'min, if you don't follow, you'll never know what happens tomorrow. Kaya hindi ako masyadong maalam sa kung ano ang ginagawa ng mga kaparehas ko ng edad, I heard from my friend, Kian, that I behave in a strange way, which made me curious in what's exactly is 'normal'. Ginising ko na agad si Avan dahil isang minuto nalang bago mag 4:30 at ipaalam ang sinabi sa akin ni Tita Lucy. "Avan, wake up." Nagising naman agad siya at agad kong sinabi ang sinabi sa akin ni Tita Lucy. Bakas sa kanya ang gulat at ang pagkataranta. Or what he calls, 'calm-ik' na nag iibig sabihin na calm siya in the middle of being panicked. He's drivelling, pero pinabayaan ko nalang siya. Time passed fast, bumili siya ng kagamitan niya sa school, he insisted of him buying things for me, pero I told him that it's crazy, no employer would ever buy their employee stuff for free. He was astounded and said that his friends actually told him the opposite, so he has been giving them stuff for free because of this. I'm starting to think he's sort of an idiot, but kept it to myself. On top of him being somewhat panicked in the middle of buying necessities, he was also being playful. Quoting words from the book he had read and what he read on the internet, he told all sorts of stuff regarding his book craze tsaka kung ano ang gusto niyang mabasa. "It's useless telling me books you want to read, hindi naman ako nagsusulat." Despite me saying that, he still went on to talk about what he loves about the books he had read. When asked how many books he had read, he started listing off the books he'd read bago siya nawala saka sinabi na madami-dami. A day and a half passed and there's only hours left before the class starts. I readied my gear and things that are allowed to bring in school and talked to Tita Lucy who gave me introductions and papers of the people that will be around Avan during the school year. Umakyat na agad ako sa kwarto ko at humiga. Kinuha ko ang papel na binigay ni Tita Lucy tsaka binasa ito. A familiar last name caught my eye at napatawa ako. 'The world is indeed small.' To think all of my clients' children in this country and some from the other countries will be attending the school. The principal himself was my regular client, a scary man to be enemies with, that's for sure. Nagbabad muna ako sa internet, nalaman ko kasi na ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga social media kaya naisipan kong gumawa rin ng aking account para sa f*******: at i********:. Pagkatapos ng ilang mga failed attempts, nakagawa rin ako sa wakas ng accounts at agad hinanap ang account ni Avan. Tiningnan ko ang kanyang sss at puno ito ng mga litrato na may text, may mga 'reactions' ito na kulay dilaw at marami-rami ang nagreact nito. Nalaman ko ang mga ito dahil sa pagre-research sa internet sa isang article na 'Social media for the boomers'. Kahit na gamit na gamit ko ang internet, hindi ko naisipan ang mga ganito dahil na rin sa waste of time lamang ito. Pero to avoid suspicion narin, ginawa ko na ito. Nag-upload ako ng mga litrato ng mga pinuntahan na lugar namin ni Avan, noon ko pa kasing gustong gumawa ng social media account, kaso nga lang ay nakulangan sa oras dahil madaming pinupuntahan na ngayon si Avan dahil malapit na ang eskwela. Tiningnan ko ang orasan, 00:13. Napabuntong hinga ako at inilagay ang aking cellphone sa night stand. Lumabas muna ako at uminom ng tubig habang sinusuri ang mga paligid if may nakasulpot ba. Mas maluwag ang aking security pag kasama ni Avan ang kanyang kaibigan dahil marami silang bodyguards na nakatago sa paligid na nagbabantay. Pero pansin pa rin na may nakakalusot sa kanilang security, I'm going to guess that they are more focused on close-ranged attacks rather than both long and close range, kaya may hole sa kanilang defense. Naglakad ako pataas at bumalik ulit sa aking kwarto at humiga. Tiningnan ko ang kisame at pinikit ang aking mata. Napakuyom ako ng kamay nang naalala ako ng mga ala-alang ayaw kong bumalik, kahit broken ang mga memoryang naaalala ko, pinagsama ito ng aking utak kaya mas naalala ko ang nangyari. Umupo ako at nagpasya na kunin ang sleeping pill na nasa isang drawer ng night stand ko at ininom ito. - "Ma, alis na kami." Sabi ni Avan saka nagpaunang umalis. "Alis na po kami, Tita Lucy." Sabi ko sa kanya at tinanguan niya naman ako. "Mag-ingat kayo, and I hope your first day would not be an eventful one, Lily." "Yes po." Sabi ko bago tuluyang umalis. Sinundan ko si Avan na nakasandal kanina sa wall at ngayon ay naglalakad patungo sa isang kotse. "Should I drive?" Nilingon niya ako at nakita kong kumislap ang kaniyang mata pero agad din itong nawala. "That would be nice, yes. Pero sabi ni mommy na two weeks later pa bago tayo makamaneho ng kotse. Although I wouldn't mind breaking the rules, I don't think I can avoid any consequences." Sabi niya at pumasok kami sa backseat, kinuha niya ang kanyang bag at pinatong ito sa kanyang lap, tumabi naman ako sa kanya pagkatapos kong tingnan ang sasakyan dahil baka na tap. "I'm Lily Evans, you are?" Tanong ko sa driver, I already did background checks on the drivers, maids, cooks, and even to people who frequently visits and walks by here often, so I know his name already, but just in case, I wanna know what answer he's gonna give. "Juan ang pangalan ko, naku, mayroon na namang isang nagi-ingles dito, parang nahihilo ako kaka-ingles ninyo jusko." Biro niya. Tumango naman ako nang nakompirma kong tama yung sinabi niya. Nagdrive na siya at sumandal ako sa headrest ng upuan. "Alam mo ba kung ano ang gagawin mo pag nakarating na tayo sa school?" Lito ko siyang tiningnan. "What do you mean? Don't we just go and take classes?" Napasampal naman siya sa kanyang noo. What's wrong with what I said? That was what I saw on movies so I was certain that was the case. "Hindi noh, may proseso pa 'yan kaya sundan mo nalang ako." Proud niyang sabi kaya nakakunot noo ko siyang tiningnan. "Sure." Sabi ko nalang at ngumiti naman siya. Tiningnan ko ang tanawin sa window, malapit ko nang masaulo ang daanan at ang lugar dito kaya medyo pamiliar na sa akin ang nakikita ko. "Huminto muna tayo sa isang convenience store, Lily. May bibilhin lang sana ako." Tumango naman ako sa kanyang sinabi at nakita ko siyang nagsuklay ng kanyang buhok. Medyo flat na ang kanyang buhok at diin itong nakadikit sa kanyang ulo, napangiwi naman ako pero hindi nagsalita. Napansin niya naman ang reaksyon ko. "Oh? Ba't ganyan reaksyon mo? Bagay ba?" "Hindi." Tiyempo namang huminto ang sasakyan kaya nagpauna akong lumabas at hinintay si Avan bago pa niya ako matanungan sa kotse, nakita ko kasing pinipigilan ni Aleng Juan ang kanyang tawa kaya ayaw kong pilitin niya akong tanong sa kanyang istilo. Pero bigo ako nang tiningnan niya ako nang may curious na mukha. "What? Ba't hindi bagay? Sabi ni mommy bagay daw." Hindi ako nagsalita at pumasok kami sa isang convenience store kaya bumili narin ako ng pagkain. "Lilyy." Tanong niya ulit sa gilid ko nang namimili ako. Napabuntong hininga naman ako. "Hawakan mo." Sabi ko at inabot ang mga bibilhin ko sa kanyang kamay. Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang ulo at napangiwi sa gel na dumikit sa aking kamay. 'Jusko!' Napaisip ko at inayos ang kanyang buhok pabalik sa mas normal na hairstyle. Kumuha ako ng isang box nang tissue at binukas ito. Napasinghap naman si Avan. "Huy, hindi pa yan bayad!" Malakas niyang sabi kaya nilingon kami ng mga namimili. "Babayaran ko naman." Sabi ko at kumuha ng tissue saka pinahawak sa kanya at pinunasan ang aking kamay bago ang kanyang buhok na may madaming excess gel. Hindi natanggal ang lahat ng gel pero mas better na ang kanyang itsura ngayon kumpara kanina. "Ano bang nakain mo at ganito ang dating mo?" Tanong ko habang iniipon ang mga used tissue at binalot sa loob ng isa pang tissue saka pumunta sa counter. Sumunod naman siya sa akin. "Well, I thought it would look cool and proper." Tahimik niyang sabi. "It certainly looked proper." Asar ko at sa kanya at napa-'tsk' naman siya sa aking sinabi at sabay kaming lumabas ng convenience store dala-dala ang pinamili namin. Tinapon ko naman sa basurahan ang used tissue at pinasok ang mga pinamili ko sa bag ko. In-expect ko na nasa labas pa ang kotse kaya medyo nagulat ako nang makita kong wala ito rito. "San yung kotse?" "Pinauwi ko na si Juan, maglakad-lakad nalang tayo para malaman mo rin ang mga daanan." "Okay." Sabi ko at sabay kaming naglakad, sinusuri ko rin ang paligid habang kami ay naglalakad dahil baka may biglang sumulpot kung saan-saan. "Ayos lang ba yung outfit ko?" I squined my eyes, teasing him became one of my favorite hobby this days. "Hmm." Sabi ko saka nagpa-ikot sa kanya na para bang hindi ako sure. He looked nervous. "Ayos lang naman." Nakahinga naman siya ng maluwag. "Why? Are you dressing up for Ariel?" Asar ko at nakita ko siyang namula at nags-stutter. "H-Hindi no!" Sabi niya at bilis na nagpauna ng lakad, napatawa naman akong sumunod sa kanya pero napalingon ako sa gilid nang may naramdaman akong sumusunod sa amin. Hinanda ko naman ang aking baril na may silencer at knife in case. Nilingon ko ang kanan ko at mabilis na lumapit kay Avan. "Malapit na ba tayo?" Tanong ko kay Avan habang binabantayan ang palapit sa amin. Mayroong tatlong tao ang nasa likod ng isang alley ng isang building na malapit na naming malalampasan. Mahigpit kong hinawakan ang aking baril habang nag-uusap kay Avan para hindi nila malaman na nakahalata na ako. "Oo, yun lang oh." Sabi niya at tinuro ang nasa harap, hindi ko ito nilingon at tumango lamang. Habang palapit kami ay pinalayo ko bahagya si Avan sa alley ng building at nagpauna ako bahagya. Patuloy naman si Avan sa kanyang pagsasalita and I stealthily untied both of his shoes near the said alley kaya agad siyang yumuko at tinali ito. Kinuha ko itong time upang kunin ang aking baril at i-point ito sa tatlong nagtatago sa alley. Nagulat naman ang tatlo at mabilis na tinaas ang kanilang mga kamay. I flipped my wrist at pinaluhod sila, sumunod naman agad sila sa takot na mabaril. Kinuha ko ang aking cellphone and took a photo of them three. Students sila ng skwelahan ni Avan kaya ko ito ginawa, killing a student would be troublesome, afterall. Nang matapos si Avan sa pagtali ng kanyang sintas ay agad kong binaba ang aking baril at itinago itong muli. Mabilis na kumaripas ng takbo naman ang tatlo at naglakad kami ulit ni Avan. Napalingon naman agad si Avan nang marinig niya ang pagtatakbo ng tatlo. "Kilala mo sila?" Nagsquint siya at napa-isip. "Hindi ako sigurado, hindi ko kasi nakita ang kanilang mga mukha." Kinuha ko naman ang aking cellphone at pinakita ito sa kanya, zin-oom in ko ito sa kanilang mga mukha. "Eto?" Taka naman niya akong tiningnan pero nagsalita din naman. "Ah, yes. Previous classmates ko sila. We weren't on good terms tho." Sabi niya at umiwas ng tingin. "I see." I should've pulled the trigger then. "I'll take care of them next time nalang, then." "Ha?!" Napalingon ako dahil sa lakas ng kanyang tinig. "Anong 'take care'? Is it what I think it is?" Hindi ako nakasagot nang nakita ko ang mga kaibigan ni Avan na naglalakad patungo sa amin. Nagtanguan naman sila at tinanguan ako kaya tinanguan ko rin pabalik. Sabay silang lima na naglakad at nasa likod akong sumabay sa kanila. Nilingon naman agad ako ni Jordan at sinabayan ang pace ko. "Hey, Lily." "Hey." Sabi ko nang hindi siya nilingon kaya narinig ko siyang tumawa. "So how was it?" "How was what?" "Being here, I heard you haven't been here since you were a child." "Is that so." Sabi ko at nagpaunang maglakad. Sin-urvey ko ang paligid at nagmasid-masid. May mga tumitingin sa amin pero wala namang lumapit sa amin kaya tiningnan ko na lamang sila, nang magtama ang aming mga tinig, ay agad silang naglayo ng tingin at nagbulungan. Tahimik na sumabay sa paglakad ko si Jordan, silang apat naman ay abala sa pagsasalita sa isa't isa. "Here." Taka kong kinuha ang inabot sa akin ni Jordan, isa itong rectangle box na gawa ng metal. "Open it." "Wala bang lalabas ng arrow or clown dito?" Naalala ko nang nagshopping kami ni Avan, when we went to this one section, may mga pumpkin faces kaming nakita and may box na mukhang weird-looking kaya binuksan niya, and it was a clown. It's not that I'm scared, just shocked that people make money out of such ridiculous things, and plus, narinig ko that it's popular kaya mahirap na. "Haha, no. Galing ka siguro sa Halloween station last time, they have some creepy weird stuff there. That's just a normal box, unfortunately." Kinuha ko ang box at agad itong binuksan. Like he said, it was indeed normal. Ang laman nito ay ballpen, pencil, and eraser. "What's this for? May ballpen na akong binili last time." "Ah, ganon ba? Extra ko kasi 'yan, I figured you'd want it kasi madami kaming nabili last time." Tumango-tango naman ako at pinasok ito sa aking bag. "Thank you." Sabi ko at ningitian niya ako, tinanguan ko naman siya at pumasok kami sa isang gym. Lumapit naman ako kay Avan dahil madami ang taong nandirito. "Avan." Sabi ko at lumingon naman siya sa akin, kinuha ko itong chance para mas lumapit sa kanya at sabay na naglakad papasok. "Ano 'yon?" "Nothing." Sabi ko at umupo sila sa seats na naroon sa middle ng gymnasium, maraming students na nagkumpulan sa sides at marami-rami din sa middle. Sumabay naman agad ako sa kanila at tiningnan ng masama ang isang lalaking estudyante na dapat ay tatabi kay Avan. May lalaking nagpakita sa harap ng stage, making people talk more than earlier. He tapped the microphone two times then the students and - I guess teachers? - quieted down. "Ehem. Mic check, mic check." Bumungisngis naman ang mga estudyante ng ginawa niya ito, napakunot nalang ako ng noo at hindi nagsalita. "Welcome, students of the Cabrius Academy! I am your principal, Hale Jerome, and..." Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi because I dozed off. "He's our principal, Hale Jerome. He's seems goofy and he is goofy, but most of the time, he's scary kaya hindi siya medyo ina-approach ng mga students." "I see." Sabi ko at tumango tango sa sinabi ni Avan. Nilingon ko siya nang may napansin ako. "You're not listening to him? The principal?" Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Of course not, no one does. Nakikinig kami sa first half pero before we know it, hindi na kami nakikinig. The students even jokes about that all over campus, so it's widely known." "That's quite sad.." Tiningnan niya naman ako. "But understandable." Napatawa naman siya ng malakas sa dinagdag ko at muntik nang mahulog kaya mabilis kaming napahawak sa kanyang upuan. "Crazy." Bulong ko sa kanya pero hindi niya ako narinig at patuloy lang sa pagtawa. Natuon ang atensyon sa amin at napangiwi nalang ako, kahit ang atensyon ay nasa amin, exception si Hale at patuloy pa rin sa pagsasalita. "Oh, gosh, that was a good one." Sabi ni Avan pagkatapos niyang mag calm down, pero may continuous chuckle pa rin. Napailing na lang ako and before we knew it, the speech was over. Needless to say, and napasok lang sa utak ko from what the principal said was his name, his awful joke, and his professionalism. Oh and his sweet goodbye, I didn't know I would look forward to such thing until I came here. "Nakakahiya ka kanina." Sabi nila Lein, at tumango naman silang tatlo in unison. "Oh come on, this isn't even a fraction to what happened to you last- hmph." Mabilis na tinabunan nila Lein ang kanyang bibig at hindi na ako nag abala pang hintuin ito dahil hindi naman ito hostile, and maraming taong nakatitig sa amin. "Where to next?" Tiningnan nila ako and introduced me to the blueprint of the school, well they just told me the places all over, it probably took hours for them to finish the tour and sabay sabay silang napaupo sa isang mesa sa cafeteria. "Oh, God, that was exhausting! Remind me to NEVER tour again, 'di ko alam ganito pala kalaki yung school." Tamad na sabi ni Lloyd. "I agree, pero I wouldn't mind if it was a girl." Tamad, pero natatawang sabi ni Kenneth, nagngisihan silang tatlo kasama si Lloyd. "Yes! That'd be amazing. Just imagining it.." Tumingala naman agad si Jordan habang nagi-imagine. "You guys have this crazy eyes on." Sabi ni Lein saka nag gesture sa kanyang mukha at itinuro ang mata saka sa kanila. "Tigang-tiga na ba?" Birong tanong ni Avan, hindi nakasalita silang tatlo dahil may pumuntang babaeng nakablack pencil skirt, black blazer, at blue blouse. Almost similar to the uniform from that I saw last time when I was at the VIP street. "Hello, Mr. Wild, Lustre, Ibañez, Ordon, and Salba, and Ms. Evans. Please proceed to the Principal's Office, Mr. Jerome is waiting for you in his office." Sabi niya at nagpaunang naglakad. Lito naman kaming sumunod. "You too? Why?" I shrugged at Avan's question dahil kahit ako hindi ko rin alam. "Baka pinagalitan ka dahil kanina at nadamay ako." Asar ko at napakagat naman agad siya sa kanyang kuko. Tahimik kaming naglakad patungo sa Principal's Office, maraming tumitingin pero hindi nila iyon napansin dahil sa kaba. Napailing lang ako at nagtingin tingin in case. Nang makarating ay agad kaming pumasok and was greeted by Mr. Jerome, sitting in his desk, arms and legs crossed. Napakunot ako dahil nakita kong nanginginig ang kanyang paa dahil sa posisyon niya. "Hello Mr. Jerome." Malumanay na bati nilang lima at umupo, it doesn't seem like their first time based on their reactions and how they're familiar with the place. "Hello boys, and lady. I'll introduce myself once more, I am your principal, Hale Jerome." Nilingon ko ang limang walang interesado at tiningnan ulit si Hale. Umayos siya ng tayo at may kinuha sa kanyang drawer. "Now, I recommend you four to finish the ceremony last time before going home, you guys forgot this." Tinapon niya sa kanilang lima ang medals, nakuha nilang apat ang medals pero ako ang sumalo nang kay Avan. "Here." "Thanks." Kinuha niya ito at sinuot kagaya ng apat. "And here." Inabot ni Hale ang isang award kay Avan at lito pero masaya itong kinuha ni Avan. "Thank you..?" Hindi niya siguradong sabi kaya napatawa silang lima. "Para san po 'to?" Mangha niyang tiningnan ang trophy, his lips somewhat lifting on one side. "Hah. Nice of you to forget na ikaw ang nanalo sa competition last month sa writing contest. Hinanap ka ng council and mga staff, even the contestants, looked for you para magbigay ka ng speech, pero you were away so we had no choice but to give it to you this day. Anyway, congratulations." Pinalakpakan naman nila si Avan at sumali na rin ako at nagbow naman si Avan. "Thank you! Thank you!" Natatawa niyang sabi sabay bow saming lahat. Nag usap-usap sila ng ilang minuto bago sila natapos at naisipan nang umalis. "Ah. I'd like to speak with the new students, so you all should either just head home or wait outside." Tumango naman sila at umalis, aangal na sana si Avan pero hinila siya ng mga kaibigan niya. Nang kaming dalawa nalang ni Hale ang nasa room ay umupo siya sa kanyang upuan sa harap ng desk at tiningnan ako na para bang sinusuri. Napahawak siya sa kanyang chin at tiningnan ako at sumandal naman ako sa upuan para mas maging komportable ako ng upo. Nang lumisan ang ilang oras ng hindi siya nagsalita ay tiningnan ko siya at napabuntong hininga. "Kung wala po kayong sasabihin, ay aalis na ho ak.." "Teka, upo ka." Umupo naman ako at ipinagkrus ang aking braso. "Nagdadalawang isip ako kung ikaw nga ba 'yan, Evans, pero now I can certainly say it's you. Ba't ka naparito? Should I be worried?" If may ibang nakarinig sa amin ay mapapaisip sila na baka sa akin siya nag aalala, pero maling mali iyon, sa kanyang sarili siya nag aalala dahil baka mapahamak ang kanyang buhay. "No need to be. Umalis na ako sa trabaho, so no need to worry about your neck, for now." "For now? Does that mean someone is after me?" "Who wouldn't?" Hale Jerome is a ruthless man, he's someone you wouldn't want to be up against since he goes by the saying, 'an eye for an eye, a tooth for a tooth' but rearranged it for his own way, 'an eye for a neck, a tooth for a clan'. Which means that if someone messed with him, he would pay it back way worse. Napatawa naman siya at napasandal sa kanyang upuan. "Then bakit ka nandito?" "I'm doing my last job." "Last job? Akala ko umalis ka na sa trabaho?" "It doesn't matter. Bakit mo ako pinigilang umalis?" "Nothing, it's just that I wanna warn you to keep your mouth shut. I know you aren't the type to let your mouth run, but I want to be sure." "You should worry about your own people, I heard your wife found out about your affairs? It would hurt your reputation if everything unfolds to the world, Mr. Jerome." Nakangiti kong sabi. "Hah, as what would expect from that company, your skills in gathering information still dominate the others. Hindi na ako magpapaligoy pa, I want you out of here." "That's interesting, I haven't even been here, yet. Besides, as I said, this is a job matter. Unless you do something to me, to an acquaintance, or to my client, you will never even know I'm here." I shrugged at parang napaisip naman siya. It doesn't really matter what he'll think since he can't kick me out of here, and even if he did, I have some cards up my sleeves that will persuade him to let me stay. "Fine. I'll let you stay. Stay out of trouble as much as you can, it doesn't matter how good you're behaving, magnet ka ng trouble itself so I'd want you away if possible. But anyways, that's all. You can go." Ngisi akong umalis. "Bye, Mr. Jerome." Sabi ko at tumayo at lumabas. Nang binuksan ko ang pinto ay nakita kong muntik nang mahulog sila Avan dahil sumandal sila sa pintuan. "Sorry." Sabay nilang sabi at tumayo ng maayos. "We- I mean Kenneth thought you guys were doing spicy stuff." Napakunot ko namang tiningnan si Jordan at nakita kong tumango silang lahat maliban kay Kenneth at Avan sa kanyang sinabi. "He meant s*x. You didn't, right?" Sabi ni Avan at napabuntong hininga nalang ako. Maybe it'll be better to take the ticket in getting away from here instead of doing this job. Since there's actually no reason for me to keep my word and Mr. Loef does not really mind me not finishing the job since it's my choice on whether I should continue it or not. Naglakad lang kami at tuloy parin sila sa pagaasaran. "Sa canteen muna tayo pumunta, Avan. Gutom na kami. We're hungry." Hinawakan nila ang kanilang belly at nagmove as if nagsasalita ito. Wow. "Okay. Ayos lang ba 'yan sayo?" Tanong sa akin ni Avan at tumango naman ako. "Sure." Naglakad kami and stopped at a double door made of wood. The door was open and the room inside was filled with students eating and talking, all are mostly same age or older than Avan. "Should I say the line? Aaa, I'm tempted." Bulong ni Avan sa kanyang kaibigan. Tumango naman sila ng marahan at sumang ayon na sabihin ito ni Avan. "Okay, teka, magpe-prepare muna ako. Whoo." He was jumping up and down with a nervous yet excited expression. "Okay, haha. Welcome-" Napahinto siya ng mag c***k ang kanyang voice which resulted in a huge outburst of laughing from the others and him also. "What the f**k, Avan." Natatawang sabi ni Lein at tumango tango naman sila. "Okay, totoo na talaga ito." Tiningnan niya ako. "Welcome to school..?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD