Ang pakikipagsapalaran sa buhay
Episode 1
Mainit ang sikat ng araw sa bayan ng San Rafael. Sa gilid ng maliit na kubo na yari sa pawid, abala si Anika Reyes, isang dalagang ka gagraduate lang sa kursong Bachelor of Elementary Education.
Sa bawat hampas ng hangin, sumasabay ang mahabang buhok niya — payak pero napakaganda, may lambing ang mga mata at laging may ngiti sa labi kahit pagod na.
“’Nay, tapos ko na po labhan ‘yung mga damit ni Tatay,” sigaw niya mula sa labas.
Lumabas si Aling Marites, ang ina niya, dala ang gamot ng ama. Halata ang pag-aalala sa mukha nito.
“Salamat, ‘nak. Si tatay mo kasi, nilagnat na naman kagabi. Sabi ng albularyo, kailangan na raw ipatingin sa doktor.”
Napayuko si Anika. Alam niyang wala silang pera para sa pang ospital ng ama niya. Lahat ng naipon niya sa pagtuturo ng mga bata sa barangay ay nauubos sa gamot.
“’Nay,” mahina niyang sabi, “may nagsabi po sa’kin kahapon… naghahanap daw ng kasambahay sa Maynila.”
Napatingin si Aling Marites, halatang nagulat. “Kasambahay? Anika, anak, kagagraduate mo lang! Diba gusto mong magturo?”
Tumango si Anika, pero pilit na ngumiti. “Oo, Nay. Pero kailangan natin ng pera. Si tatay, kailangan niyang mapatingnan sa doctor upang malaman natin ang kaniyang sakit. Wala pa naman akong lisensya nay, kaya hindi pa ako makapagturo. Baka ‘yun na lang po muna.”Tahimik ang ina, bago ito napabuntong-hininga. “Anak, mahirap sa Maynila. Iba ‘ron. Pero… kung ‘yan ang desisyon mo, susuportahan ka namin. Basta mag-ingat ka.”
Ngumiti si Anika, pilit pinapatatag ang loob. “Opo, Nay. Para ito kay Tatay.”
Ang amoy ng usok at ingay ng mga sasakyan ay kabaligtaran sa katahimikan ng San Rafael ang kinalakhang lugar ni Anika. Habang nakasakay sa jeep, hawak ni Anika ang maliit na bag na naglalaman ng lahat ng pag-aari niya — ilang pirasong damit, diploma, at litrato ng pamilya.
“Manila…” bulong niya sa sarili, may halong kaba at pangarap. “Sana, kayanin ko.”
Pagdating niya sa gate ng Dela Verde Mansion, halos mapanganga siya. Isang napakalaking bahay, may marble na hagdan, hardin na parang parke ang lawak, at mga sasakyang hindi niya man lang alam ang brand.
“Dito ako magtatrabaho?” napabulong siya. “Parang sa teleserye lang.”
Binuksan ng matandang butler ang gate.
“Ikaw ba si Anika Reyes?”
“Opo, sir.”
“Ako si Mang Ben, tagapangasiwa dito. Halika, ipapakilala kita kay Doña Maria Dela Verde.”
Habang naglalakad sa hallway, halos hindi makapaniwala si Anika sa mga chandeliers at mamahaling painting na nakasabit sa dingding. Ang mansion ay kumikislap sa karangyaan --- makintab na marmol na may gintong ukit. Sa bawat detalye, dama mo ang yaman at kapangyarihan ng pamilya Dela Verde, na para bang mismong mga dingding ay mayabang na ipinagmamalaki kung sino ang tunay na may-ari ng mala-palasyong tahanan.
Pagdating nila sa veranda, naroon si Doña Maria, nakaupo at nagkakape.
“Good morning po, Ma’am,” mahinang bati ni Anika.
Tumingin si Doña Maria ky Anika, ang kaniyanv mga matang matalim na tila sinisiyasat ang bawat hibla ng buhok ng dalaga.
“Ikaw ang pinadala ni Pasing?” malamig na tanong ng Donya.
Sophisticated ang kilos ni Doña Maria, ngunit sa bawat tingin niya, ramdam ni Anika ang bigat ng isang tingin.
“Opo.” Mahinang sagot ni Anika.
“mabuti” Mas masipag ang mga galing probinsya.
Simula ngayon, ikaw ang mag-aasikaso ng kuwarto ng anak kong si Nick. Wala pa siya ngayon — nasa abroad. Pero gusto ko, pag-uwi niya, maayos lahat. At ayaw ko sa lahat ay tatanga-tanga at tatamad-tamad sa trabaho---naintindihan mo?”
Napayuko si Anika. “Opo, Ma’am. Makakaasa po kayo na pagbubutihan ko ang trabaho ko .”
Nagpasalamat si Anika. Sa puso niya, may kunting kaba ngunit nanaig and determinasyon na maibigay ang pangangailan ng pamilya at maipagamot ang kaniyang ama.
Lumipas ang ilang linggo, naging parte na si Anika ng pamilya Dela Verde bilang isang katulong — tahimik siyang nagtatrabaho, hindi nagrereklamo, laging maayos. Naging malapit siya kay Mang Ben na hardinero sa Mansyon at Manang Nena, ang mayordoma na parang nanay na rin niya at parang anak ang turing sa kaniya.
“Anika, halika rito,” tawag ni Manang Nena isang hapon. “May balita ako! Uuwi na raw si Sir Nick bukas!”
Napataas ang kilay ni Anika. “’Yung anak ni Doña Maria?”
“Oo! Aba, gwapo ‘yon at sobrang yaman. Pero ingat ka, iha. Marami raw babae ang naiiyak sa kanya.”
Napatawa si Anika. “Wala po akong plano, manang. Trabaho po ang nasa isip ko upang makapagpadala ng pera sa magulang ko.”
“Sabagay,” sagot ni Manang, “pero alam mo naman ang tadhana, mahilig magbiro.”
Narinig ni Anika ang pagdating ng isang mamahaling sasakyan. Bumaba si Nick Dela Verde — matangkad, mestizo, naka-suit, ngunit nakakunot ang noo, na sa unang tingin mo ay matatakot ka.
Napasinghap si Anika ng may isang bulto ng tao ang pumasok sa mansyon.
“Greek God” ang unang pumasok sa isip niya mabuti na lang at hindi namutawi sa kaniyang bibig ang dalawang salitang iyon. Natulala siya sa pagkatitig sa bagong dating.
“hmmmmmmm” biglang tikhim ni Nick na nagpagising sa diwa ni Ani