“H-harlet…” She smiled genuinely. Animo’y isang anghel na hinulog ng langit habang suot pa ang school uniform. Hindi ko maitatangging nainis ako nang kaunti sa kaniya ngunit mabilis iyong naglaho nang makita ko ang ngiti niya. Tumingin lang ako sa kaniya ay parang naglaho na ang pagod ko at iyon ang labis kong hindi maunawaan. I get it, na kaya nararamdaman ko ‘to ay dahil ipinapakita niya ang pag-aalala niya. She’s now a friend to me and now I’m friend to her. Liban sa hindi siya masyadong nakikihalubilo sa school, napapansin kong hindi siya palakaibigan. Kinakausap lang niya kapag kinakailangan at kung parte iyon ng group activities, projects, o ‘di kaya’y assignment. Siyempre hindi ko maiwasang manibago dahil parang madali na lang sa kaniya ang lumapit sa akin at mukhang kumportable

