Chapter 42

2654 Words

Pagsapit ng umaga, hindi na ako pinansin ni Jaslo.   Oo, naiinis ako. Naiinis ako hindi dahil sa kaniya kundi dahil sa sarili ko. Kung nagawa ko lang sana itong sabihin sa kaniya noong nakaraan, mas mainam pa kung inunti-unti ko na.   “Anak,” tawag ko sa kaniya pero ayaw sumagot. Patuloy niyang itinuon ang pansin kay Tweety nang hindi man lamang tumitingin sa akin.   “Anong nangyari bro?” sabat bigla ni Denver sa likod ko. Hindi gaya ko, hindi pa siya tapos sa paghahanda. Isa-isa pa niyang inaasikaso ang butones upang maisara nang tuluyan ang kapaplantsang uniporme.   Mula sa pagkakatalungko sa sahig, tumayo ako at dumiretso sa kusina. Tahimik kong inihanda ang umagahan, tanghalian, at miryenda na sana’y kainin mamaya ng bata. Kaysa naman ipagpilitan ko siyang kausapin ako, batid k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD