Doon siya napatingin sa asawa. "A-at b-bakit?" Kumunot ang noo nito. "And why not?" "Napanood ko na 'yan, eh. Papalapitin mo ako sa 'yo, tapos papaupuin mo ako sa kandungan mo, pagkatapos hahalikan mo ako, tapos may mangyayari na sa atin, 'di ba? O, 'di ba tama ako?" Saglit siyang nag-pause. "Sinasabi ko na nga ba, hindi totoong walang epek sa 'yo ang alindog ko. May gusto ka nga talaga sa 'kin dinaan-daan mo lang ako sa proposal kuno." Nahinto si Chas sa pagsasalita nang tumayo si Denver sa pagkakaupo sa kama at walang salitang lumapit sa kanya. Nag-panic naman pati ang kaluluwa niya. Napaatras siya, natakot bigla. Baka puwersahin ni Denver ang sarili sa kanya. Sisigaw ba siya? O titili sa kilig? "I-iibahin mo ba 'yong style para makahalik?" Halo-halo ang emosyon sa dibdib niya. Lama

