Nagsalubong ang mga kilay nito. Tumuwid sa pagkakatayo. "Bawiin mo muna 'yong sinabi mo dati na walang shape ang katawan ko at hindi ako attractive." "It's just a kiss, Chastity. And it's for our son." May diin ang pagkakasabi ni Denver sa huling pangungusap. Parang ipinapaalala na bayad siya at ginagawa nila iyon para kay Ryley. Sumimangot siya. "Nakakailang halik kana sa akin pero hindi naman pala ako attractive sa paningin mo? Ano kaya 'yon?" Humalukipkip siya at inirapan ito. Sinulyapan naman ni Denver ang anak na ngingiti-ngiting nakatingin sa kanila bago muling itinuon sa kanya ang mga mata. "I'm taking back my words," umpisa nito. Nakatitig sa mga labi niyang bahagyang kumikibot sa pagpipigil ng ngiti. "You are gorgeous with all the curves in the right places, Chastity. Enough

