Maybe Not Tonight

1043 Words

"Saan ka nanggaling?" bungad ni Denver pagpasok na pagpasok ni Chas sa loob ng bahay pag-uwi niya nang gabing iyon. Dumaan pa siya sa inuupahan nilang bahay sa Pembo para bisitahin ang mga magulang. Nakahalukipkip si Denver habang nakatingala naman dito si Ryley. Hinalikan niya sa noo ang bata at inakay papunta sa kuwarto nito. Sumunod si Denver sa pag-akyat nila sa hagdan. "Bakit, hinihintay mo ba ako?" tanong niya. "Of course. I am your husband and I'm worried about you. Dis-oras na ng gabi, nasa kalsada ka pa." Ngumuso si Chas at palihim na umismid. "Plastic." Nandiyan kasi si Ryley kaya worried kuno sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay ni Denver. "What did you say?" "She said plastic, Dad." Nanlaki ang mga mata niya. "Ryley!" saway niya sa bata. "So did you meet Angelo there?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD