Hindi ito sumagot, may nakaguhit na ngiti sa mga labi. "Chas..." "Yes?" kinikilig na sagot niya. Ang sarap lang pakinggan ng paraan ng pagkakabanggit ni Denver sa palayaw niya. For the second time, hindi na buong Chastity ang itinawag nito sa kanya. Pero teka, mag-uumpisa na ba ang "molesting part" para maihanda na niya ang sarili? "Nakipagkita ka ba kay Angelo Berrico?" Disappointed si Chas sa narinig. Akala pa naman niya ay magpapaalam si Denver na halikan siya. Gusto niyang mapailing nang ma-realize ang iniisip. Siya lang yata ang babaeng hindi na nga momolestiyahin, nalungkot pa. "Nagseselos ka ba sa kanya?" "I just want to know," defensive na sagot nito. "Eh, nagseselos ka nga," giit niya. "Amin ka na kasi, tayo-tayo lang naman, eh." Napailing si Denver. "You're crazy, real

