Rekindle The Old Flame

1570 Words

Kabababa lang ni Chas ng sasakyan nang makita si Angelo. Kausap nito ang pinsan niyang si Odel. Nag-iwas ng mga mata si Angelo kay Denver at sa kanya lang ito tumingin. Mukhang maaliwalas ang mukha ng kaibigan ko ngayon. "Angelo," bati niya. "Hindi ko alam na umuwi ka rin. "Nauna lang ako sa inyo nang ilang araw. Pabalik na rin naman ako sa Maynila mamayang gabi dahil may meeting pa ako kinabukasan. Nakasalubong ko rin kasi si Odel, nabanggit niyang nandito kayo ng asawa mo kaya pumunta na rin ako para bumisita." "Ah. Mag-isa ka lang? Hindi mo kasama ang misis mong si Cathy?" "Niyaya ko siyang sumama pero hindi ko napilit. Baka susunod na pag-uwi ko dito sa 'tin na lang, kasama ko na siguro siya." "Sana sinama mo, para makapasyal naman siya dito kahit papaano. Teka, kumain ka na ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD