Six years later
"Wala ka pa bang nakukuhang yaya para sa apo ko, Denver?" Ang mama ni Denver ang nagtanong.
Magkasabay silang nagdi-dinner sa isang restaurant sa Makati. Kasama sa dinner si Ryley, ang apat na taong gulang niyang anak na lalaki.
Abala si Denver sa pagtingin sa isang pares na kapapasok pa lang sa loob ng restaurant. Naupo ang mga ito sa pandalawang mesa malapit sa kanila. Kilala niya ang lalaki, si Angelo Berrico. Asawa ito ng nag-iisang tagapagmana ng isang malaking lending company sa Pilipinas.
Pakiramdam niya ay nakita na dati ang babaeng kasama ni Angelo. Hindi lang niya maalala kung saan.
Those almond-shaped eyes and kissable pink lips were familar. Kulot ang buhok at may-kaputian ang babae. Maliit lang ito, mga five feet lang siguro ang height. Simpleng polo shirt at maong na pantalon na punit pa ang bandang tuhod at hita ang suot ng babae.
"Ipinapaasikaso ko na kay Timothy, 'Ma, don’t worry about it." sagot niya, inalis na ang tingin sa dalawa.
"Bakit ba kasi hindi ka pa mag-asawa, Denver? Para naman may titingin-tingin sa apo ko. Isa pa, ilang buwan na lang, beinte-nuwebe ka na. Tumatanda ka na.
"Hindi madaling maghanap ng mapapangasawa, 'Ma," sagot niya, hindi na umalma sa huling sinabi ng ina. He was twenty-nine but he didn't consider himself old.
"Ano'ng hindi madali doon? Maghahanap ka lang ng babaeng magmamahal sa anak mo nang totoo. Mahirap ba 'yon?"
"Hindi mo magugustuhan kung sakaling si Sandra ang yayain ko ng kasal, 'di ba?"
"Hindi ako makikialam kung sino ang babaeng gusto mong iharap sa altar, Denver. Nasa tamang edad ka na para magdesisyon. Pero kung si Sandra ang napipisil mong pakasalan, isipin mo nang isang libong beses bago mo ituloy."
Napailing si Denver. Nagpaalam ang kanyang ina na pupunta muna ito at si sa restroom. May punto naman ang mama niya. Bata pa si Ryley at kailangan nito ng pag-aaruga ng isang ina.
Namatay si Rosalie, ang mama ni Ryley pagkatapos ipanganak ang bata. Nagkaroon ng komplikasyon ang panganganak nito. She suffered from eclampsia.
Natuon ang pansin ni Denver sa pinto ng restaurant. Agaw-atensiyon kasi ang pagpasok ng isang matangkad at blonde na babae sa loob ng kainan. Ngumisi siya. Nag-aamoy away kung pagbabasehan ang hitsura ng bagong dating.
Si Cathy Berrico, ang asawa ni Angelo Berrico. Nabalitaan niya ang pagpapakasal ng dalawa ilang taon na rin ang nakalilipas. He also heard that their marriage was on the rocks.
Nag-iingay ang takong ng kulay-pulang stiletto ni Cathy. Nakakamatay ang titig nito na nakatuon sa babaeng kasama ni Angelo.
Dinampot ni Cathy ang may lamang water goblet sa nadaanang mesa at bung panggigigil na ibinuhos ang laman sa ulo ng babaeng hindi agad nakahuma.
Dinig ni Denver ang malakas na singhap ng babaeng nabasa, hindi inaasahan ang ginawa ni Cathy. Napatayo si Angelo. Hindi makapagdesisyon kung sino ang lalapitan sa dalawa. Ang babaeng bagong dating o ang babaeng binuhusan ng tubig.
"Matagal ko nang alam ang relasyon mo sa babaeng 'yan, Angelo! Kaya pala ikaw pa mismo ang nag-approve ng loan ng walanghiyang 'yan kahit alam mong wala siyang ipambabayad!" kahit galit ay mangiyak-ngiyak na sigaw ni Cathy.
"Cathy, huwag kang mag-eskandalo dito." Lalapit sana si Angelo pero umatras si Cathy.
"Eskandalo? Ako pa ngayon ang nag-eeskandalo, gano'n? Eh, 'di ba mas malaking eskandalo ang ginawa ng babaeng 'yan nang patulan ka niya?"
Napailing si Denver. Para siyang nanonood ng drama sa TV. Paulit-ulit lang ang linya.
"Ang kapal ng mukha mo!" baling ni Cathy sa babaeng wala pa ring kibo habang nakaupo.
"You will pay for this, I will make sure of it.”
"Stop it, Cathy! Hindi mo alam ang sinasabi mo---"
Malakas na sampal ang sagot ni Cathy kay Angelo. "How dare you! How dare you, Angelo! Ipinagpalit mo ako sa babaeng walang pinag-aralan!Nakakainsulto ka!"
Napangiwi ang babaeng binuhusan ng tubig. Nakita ni Denver na dahan-dahan itong tumayo sa kinauupuan.
"Excuse me, exit lang ako. Kayo na lang siguro ang mag-usap."
"'Wag mo akong tinatalikuran! Sino ka ba sa akala mo, ha?!" Hahablutin sana ni Cathy ang babae pero pumagitna si Angelo.
Nagpapalag naman si Cathy. Sapilitan itong inilabas ni Angelo ng restaurant nang lumapit na ang dalawang security. Wala na ang mag-asawa pero nanatili pa rin sa pagkakatayo ang babe. Nagtama ang mga mata nila nang mapatingin ito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nito at unti-unting namula ang mga pisngi habang naglalakad sa direksiyon ng restroom.
Tumaas ang isang kilay ni Denver nang ngumiti ang babae, sinisikap na huwag ipahalata ang pagkapahiya.
Hindi malaman ni Chas kung paano nakarating sa restroom ng restaurant na iyon nang hindi bumibigay ang kanyang mga tuhod. Pak na pak ang eksena nila ni Cathy.
Kulang na lang ay humiling siya kanina ng himala na maglaho na lang sana siya na parang bula para hindi na niya kailangang harapin ang ganoong klaseng kahihiyan at eskandalo.
Halos lahat ng cell phone ng mga customer sa restaurant ay sa kanya nakatutok habang inaaway siyang asawa ni Angelo. Galit na galit ito. Halatang-halata. Paulit-ulit ang 'How dare you' nito, eh. Hindi na magtataka si Chas kung magte-trending sa f*******: o Twitter ang eksena nila ni Cathy. Kung kagandahan sana ang pinag-awayan nila, walang problema. Kaso, eskandalo pa. Hindi basta-bastang eskandalo dahil sa sinasabi nitong pang-aagaw ng asawa ng may asawa.
Dehado pa siya.
Pinagmasdan ni Chas ang sarili sa salamin sa loob ng restroom. Basa ang ulo at buhok niya. Kahit ang suot na damit, basa rin dahil sa tubig na ibinuhos ni Cathy.
Daig pa niya ang basang-sisiw. Binabangungot lang sana siya at hindi totoong nangyari ang nangyari kanina. Nasa isip pa rin kasi niya ang guwapong mukha ng lalaking saglit na nakatitigan.
Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Denver Roi Rebollado? Matangkad, simpatiko, ngiti pa lang ulam na, at laman pa lang ng bulsa, magbubuhay reyna ka na.
Ang nag-iisang lalaki na pantasya niya mapaumaga man o gabi. Ito ang dahilan kung bakit nalaman niya ang totoong kahulugan ng wet dreams.
Dina-download ni Chas ang mga picture ni Denver sa social media at inipon sa kanyang mumurahing cell phone na may camera. Sa nakalipas na anim na taon, nagkaroon din naman siya ng ibang crush pero si Denver lang yata ang crush na hindi niya kayang pagsawaan.
Dahil siguro ito ang epitome ng kanyang dream man. Ganoon siya katas mangarap. Pero hindi bale, pangarap lang naman. Bukas naman siya sa mga manliligaw, pero hindi pa lang siguro talaga dumarating ang lalaki na karapat-dapat sa kanya. Iyong magpaparamdam sa kanya ng kakaibang kilig kagaya ng pagpapakilig ni Denver sa kanya, hind man nito sinasadya. Iyong lalaki na magpapabilis sa t***k ng kanyang puso matanaw pa lang niya. Kagaya ng nangyari noon at kanina kapag malapit lang si Denver.
Pabuntong-hiningang sumandal si Chas sa sink. Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha. Nakakahiya talaga na nasaksihan ni Denver ang ginawang pagsugod sa kanya ni Cathy. Ano na lang ang iisipin nito?
'Wag kang O.A, Chastity. Hindi ka niya personal na kilala, sita ng isang bahagi ng isip niya. Baka nga hindi ka na niya natatandaan. Oo nga. Pero paano kung magkrus uli ang mga landas nila at maalala ni Denver ang nangyari kanina?
Hindi naman ganoon kalaki ang mundo. Kita mo nga at pagkatapos ng anim na taon, nagkita uli sila. Ipinikit ni Chastity ang mga mata. Ilusyon lang naman ang meron siya at alam niyang walang pag-asang magkagusto sa kanya ang kagaya ni Denver Roi Rebollado. Kumbaga sa kuko, siya ang ingrown sa kanya. Hindi magugustuhan kahit kailan.
"Sakit ba ulo mo?" Iyon ang malit na boses na nagpadilat sa kanya.
Isang batang lalaki ang nasa harap ni Chas. Worried itong nakatitig sa kanya. Nasa apat hanggang limang taong gulang, may dimple sa kaliwang pisngi at agaw-pansin ang nunal sa itaas ng kanang kilay. Poging bata... at pamilyar sa kanya.
Nginitian niya ito. "Hindi po. Ano' ng pangalan mo? Nasaan ang kasama mo?"
"Ryley?" tawag ng boses ng isang babae. Kinabahan siya.
Ryley? As in Ryley Rebollado?
Napalingon sila ng bata sa pinanggalingan ng boses.