Twenty-four

3077 Words
SAM'S POV "SAM, congratulations..." masayang bati sa akin ng kaklase ko. Ngumiti lang ako sa kanya at nag thank you. Kaka-anounce lang kasi kung sino ang top 10 sa batch namin at kung sinu-sino ang Valedictorian, Salutatorian, First honorable mention at so on so forth. Kaya nga kino-congratulate ako ng mga plastick kong kaklase dahil first honourable ako. Peste lang talaga 'tong mga kaklase ko, ang plastic-plastick! Nung sinabi sa akin ng teacher ko na first honorable ako pero tentative pa lang, ini-etchapwera ako pero ngayon.... Hayssst! Ewan! "Sino ang magsasabit ng medal sa 'yo?" tanong ng isang kaklase ko. Nawala ang ngiti sa labi ko sa tinanong niya. Wala sa sariling lumapit ako sa kanya at tinaas ko ang isang kamay. Sinampal ko siya ng sobrang lakas sa mukha niya. Napatulala siya sa ginawa ko. "What the hell?!" galit na tanong niya sa akin. Nagsilapitan ang mga kaibigan niya at dinaluhan siya. Tinulungan nilang makatayo si Ann. Pangalan ng pesteng classmate ko. Masamang tumingin sila sa akin. "Bakit ka ba biglang nanampal?" tanong sa akin ni Ann. Walang kaemosyong-emosyong tumingin ako sa kanya. "Gusto ko eh..." sabi ko sa kanya sabay talikod sa kanila. Naglakad na ako palayo sa kanila. Ayokong i-waste ang time ko sa kanila! "Tsk! Tingnan mo nga 'tong isang 'to..." rinig kong sabi ni Ann. Hindi ko siya liningonan dahil parang alam ko na ang sunod na sasabihin niya. Mabilis na naglakad ako dahil hindi ako martyr at baka mapaaway lang ako. "Siguro walang pupunta sa kanya sa graduation..." rinig kong sabi ng kaibigan niya. Naikuyom ko ang dalawang kamay ko. s**t! Napatigil ako sa paglalakad. Damn it! Bakit ako tumigil sa paglalakad? Gagalang Sam?! Dapat hindi kamagpa-apekto sa mga losers na 'yan! Dapat dumiretso na lang ako papuntang dorm. So what kung may multo dun? May holy water naman akong dala-dala na ninakaw ko sa chapel! Pwede ko namang ipanlaban sa mga pesteng multo na 'yun! "Siguro nga..." mataray na sabi ni Ann. Lumingon ako sa kanila na nakataas ang isang kilay ko. "Eh wala namang dumadalaw sa kanya tuwing visiting day eh..." nakangiting sabi niya at tumawa 'yung mga kaibigan niya. Sige! Pagatawanan niyo lang ako mga inggitera! "Kawawa naman..." sabay na sabi nila sa akin. Tsk! Ang lame nilang mambully ha! Atsaka, bakit ang lakas ng mga hinayupak na 'to na i-bully ako?! Pwera ba wala 'yung mga siga kong kaibigan dahil busy sa pagpa-pirma ng form sa guidance counselor namin para maka-graduate sila. Tsk! Turuan ko nga 'to ng leksyon! Na 'wag na! Totoo naman kasi eh... "Hoy Ann..." tawag ko sa kanya. Tumigl sila kaka-chika dun at tumingin silang lahat sa akin. "Ano?" tanong niya. "Ano naman kong walang kapamilya o kapuso ang darating para sabitan ako ng medalya? May problema ba dun?" inosenteng tanong ko sa kanya Wala namang masama dun diba?! Kasi sanay naman ako! Tuwing closing, walang nagsasabit sa akin na kapamilya ko ng medalya sa akin kaya dapat lang talaga na masanay ako! Dapat masanay ako na si sister Lea na naman ang magsasabit ng mga medalya ko!! Nanahimik silang lahat sa tinanong ko na para bang wala silang masagot gaya ng ginagawa nila tuwing tinanong sila ng teacher namin tungkol sa branches of science."Kayo!" sigaw ko sa kanila sabay turo ko sa kanila. "Gusto niyo ang medal ko ano?" Ngumiti ako sa kanila ng hindi sila ulit makasagot sa tanong ko. "Mag-aral kasi kayo, 'wag puro mga make-up ang laman ng utak! Kasi alam niyo, kahit baliktarin niyo man ang pangyayari, ako madaming medals kayo, may ribbon lang ng graduate at parent 'tapos may garlan...." nang-uuyam na sabi ko sa kanila. "Di bale, sa graduation, ipapahiram ko sa inyo ang mga medals ko para ma-feel niyo ang ibig sabihin ng 'matalino'..." I smirk at them and flip my hair at tinalikuran ko sila. Hah! Mamatay kayo sa inggit! Wala pa namang cure sa pagiging insecure! Hahahaha! Naglakad ako papunta sa may Science Garden. Dun kasi ang paborito kong lugar sa school na 'to. Hindi na dun sa taas ng malaking puno malapit sa gymnasium... Ang bansot na kasi dun. Iniihian nung aso ng Dean namin. Kainis! Umupo ako sa may dun sa may bermuda. Hayssst! Kinuha ko 'yung cellphone ko. Oo, may cellphone na ako. 'Yung ka-dorm mate ko kasi mayaman at binigyan ako ng cellphone para i-contact ang tito ko kaso walang reply. As in wala! Eh ang nasa inbox ko lang naman ay ang text ng mga school na pinasaran ko sa entrance exam. Aish... Binalik ko na lang ulit 'yung cellphone ko sa bulsa at kinuha ko 'yung sketch pad ko. Buti pa gawin ko na lang ang pinapagawa sa akin ni Alicia. Oo, 'yung Aliciang O.A. na classmate ko. Kung maka-emo, wagas! And no! Hindi kami friends! Customer ko siya! Siya kasi ang number 1 client ko sa buong school na 'to! Yup may business ako! At ang business ko, siyempre, tungkol sa drawing. Nagpapa-drawing sila sa akin ng kung anu-ano! For example, mga anime character o 'di kaya naman mga poject o assignment sa MAPEH o 'di kaya nagpapagawa ng project sa TLE at siyempre, hindi naman ako tanga ano, nagpapabayad ako sa kanila. Ang pinakamaliit kong nakita sa negosyo ko ay 50 pesos at ang pinakalaking nakita ko sa pagda-drawing ko ay 10, 000 pesos. Ang laki no, siyempre, bigtime ang kliyente ko nun, walang iba ang Dean namin. Painting kasi 'yung pinagawa niya sa akin –Oil to be exact! Mahirap kaya 'yun 'tapos ang laki pa. The Last Supper pala 'yung pinaggawa niya at naka-display 'yun sa Dean's office! Hayssst! Kinuha ko 'yung lapis ko at binuklat ko 'yung sketch pad ko. Nag-start akong mag drawing ng mga linya dun. Ganyan kasi ako kapag nag-iisip kung ano ang ida-drawing ko kaya minsan, ang dami kong papel na nauubos! Peste din kasi 'tong si Alicia, nang tinanong ko kung ano ang gusto niyang ipa-drawing sa akin na para sa nanay niya, sabi niya ako lang daw ang bahala. Peste talaga! Ito ang ayaw ko sa mga peste kong mga kliyente! 'Yung ako ang pinapa-decide kong ano ang ida-drawing ko para sa kanila! Nakakasakit sa ulo! Peste! Sabi ni Alicia para sa nanay niya! So kung ako si Alicia at ang nanay niya ay ang nanay ko... Well, ang nanay ko, she loves red roses! Lahat ba ng nanay gusto ang bulaklak na 'to? Tsk! Dagdag pa ni Alicia, ang drawing ko dapat pang graduation gift sa nanay niya... Peste lang talaga! Diba dapat ang mga magulang ang nagbibigay ng graduation gift? Bakit siya? Tsk! Kinuha ko ulit 'yung cellphone ko! Sasabihin ko na lang sa kanya na wala akong maisip na drawing para sa nanay niya. I dialled her number... Maya-maya lang ang may sumagot nun. "Hello..." nanigas ang buong kalamnan ko ng marinig ko ang boses niya. Dahang-dahang inlayo ko ang cellphone ko at tinitigan ang number na nasa screen. 'Alicia' Alicia naman ang nakasulat dun ha... Kaya bakit... Boses niya? Kahit naguguluhan ako sa nangyayari, binalik ko ulit sa may tenga ko ang cellphone ko... "Hello..." ulit na sabi dun sa kabilang linya. Napalunok ako at pinikit ang mata ko. Impossible! Baka mali ang pag type ko sa pangalan ni Alicia sa contacts ko! Baka nagkapalit lang si mama ng pangalan. Tama! Baka nga! Atsaka, siguro gumawa ng paraan si Lord na matawagan ko si mama para imbitahan siya sa graduation ko. I never contacted her ng mag-aral na ako rito. Puro lang kasi ako tito eh, kaya ayan, nasasaktan ako palagi! Kasi ang mokong na 'yun, hindi man lang nagpaparamdam kahit sana ngayong graduation ko lang naman sana. Siya kasi ang kasa-kasama ko sa pagbuo ko ng pangarap 'tapos ano, wala siya sa mahalagang araw ko?! Tinatamad na kaya akong mag-aaral! Wala nga akong planong mag high school eh! Maghahanap na ang ako ng trabaho. Sabi naman ng kaibigan ko, tutulungan daw nila ako. Pupunta daw kami ng Recto, at ihohokus pukos ng mga taong nandoon ang mga papeles ko at viola, makakapagtrabaho na daw ako. Matangkad naman daw kasi ako at kunting lipstick na pula lang at sobrang make-up, mapagkakamalan na dalaging-ging na ako na pwede ng mag trabaho! Diba ang supportive ng mga kaibigan ko?! "Sino to?" tanong ng nasa kabilang linya. Huminga ako ng malalim. Ito na... "Ma..." sagot ko. Biglang tumahimik sa kabilang linya. Napakunot ang nook o. Hindi ko nga rin marinig ang paghinga niya eh... Maya-maya lamang ay binaba niya ang ceelphone at tottotot na lang ang narinig ko. Napatingin ako sa cellphone ko. Call Ended! Galit ba siya sa akin? Nagmamadaling tinawagan ko ulit ang number ni Alicia pero cannot be reached na. Damn it! Nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit ko. Pupunta ako ng dorm para makahiram ng telepono dun. Tatawagan ko 'yung number na iniwan ni tito noon sa landlady namin... Number daw kasi ni mama 'yun eh! "KAILAN NIYO KUKUNIN ANG MGA 'to?" tanong sa amin nung matandang lalaki. Mabilis na nagdugtong ang kilay ko. Kukunin? Narinig na ba niya akong umu-oo?! "Manong, hindi pa po namin nakikita ang gawa niyo..." singit ko sa usapan nila. Siniko naman ako ni Andrew. Inis na tumingin ako sa kanya. "Gawin mo ulit 'yun at uupakan na talaga kita!" matapang na sabi ko sa kanya. Nagulat siya sa sinabi ko at narinig kung suminghap ang mga kalalakihan na nasa harapan namin. Kanina pa kasi siya eh! Alam ko na dapat akong magpasalamat sa kanya dahil tinutulungan niya ako sa pesteng giveaways na 'to pero kasi! Siya ang nag de-decide kung ano ang dapat gawin sa mga pesteng giveaways na 'to! Ako kaya ang nagpakahirap mag-isip ng design 'tapos ano?! Ano?! Anong ginagawa niya?! Kung makaasta siya parang siya ang gumawa?! Asar! Nakakainis! Nakakabanas! Ang sarap niyang isako at itapon sa Bermuda Triangle! "Ako ang gumawa ng design na 'yan kaya ako mag de-desisyon kong dito ako magpapagawa o hindi, Andrew!" madiin na sabi ko sa kaniya. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatitig lang sa akin. Sorry, Andrew but it just like, wala akong tulog, dahil natataranta na ako dahil malapit na ang pesteng binyag ni Andy at hindi pa ako nakakapagawa ng giveaways! Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ni Alicia? Irresponsable ako?! 'Yung mga kabigan ni mama at papa- I mean mommy at daddy pala... Ah peste! Matagal ko na kasing hindi nasasambit ang mga katagang 'yan kaya nakalimutan ko na kong ano ang dapat i-tawag sa kanila! Humarap ako kina Arman-kaibigan ni Andrew at 'yung mga katropa niya na gumagawa ng giveaways. "Hindi po ako nagmamaldita dito o 'di kaya nag-iinarte, gusto ko lang talaga na maging okay ang lahat kasi po ito po ang unang beses..." nakagat ko ang ibabang labi ko. Nag da-drama na naman ako! Bakit ba dumadalas ang pag se-senti ko?! Huminga ako ng malalim. "Ito po kasi ang unang beses after 10 years na humingi ng tulong ang loser –I mean, kapatid ko sa akin and I don't wanna disappoint her..." dugtong ko. There. Nasabi ko na! Yeah! Naamin ko na rin sa sarili ko. I'm such a selfish girl! And a bad girl! Ang totoo, wala naman talaga kasi akong pakialam sa binyag ni Andy. Ang gusto ko lang ay itayo ang sarili ko at isampal sa mga kapatid ko na may isang bagay na may nagagawa akong mabuti, 'yung tipong hindi kamalasan ang dala ko, gaya ng sinasabi nila sa akin! Kaya humanda sila sa akin! Ipapakain ko sa kanila ang keychain ko! Humanda talaga sila sa akin! Sawang-sawa na ako sa sinasabi nila na wala akong kwenta! Bakit, anong tingin niyo na sa bawat na pagtulong nila sa akin, hindi ako nakakatanggap na litanya mula sa kanila. Eh! Namumuro na nga sila sa akin eh! Kesyo daw pinapahiya ko ang pamilya namin! Tsk! 'Wag nila akong dinadamay! Guevarra ang apelyido ko! At sila.... Mendoza! Kaya ang kapamilya ko lang ay ang tito ko at si mama sila lang at wala ng iba! Nakita kong huminga ng malalim 'yung matandang kausap ni Andrew kanina at tumango. "Okay..." sagot niya. "Just wait for 20 minutes..." dugtong niya. Napangiti ako. Mabilis na lumapit ako sa kanya at yinakap siya. "Thank you po manong..." masayang sabi ko sa kanya. Tinapik lang niya ang balikat ko. "Thank you din hija, pero pwede ba tigilan na natin ang plastikan..." napakunot ang noo ko sa sinabi ni manong. Mabilis na lumayo ako sa kanya para malaman kong ano ang pinagsasabi niya. "Ho?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang si manong at tumalikod sa amin. Napangiwi na lang ako. Minsan talaga ang weird ng mga taong nakikilala ko. "Ang weird niyo manong..." nakangiwing sabi ko sa kanya. Tumingin lang sa akin si manong at ngumiti. Ehhhhhhhh!!! Ang creepy niya! Tumingin siya kay Andrew at hinampas ang balikat ng mokong. "Tsk! Tsk! Andrew iba na lang yata ang pagtripan mo..." nanunuksong sabi ni manong. "Huh?" naguguluhang tanong ni Andrew kay manong. Ngumiti lang si manong sa kanya. Lumapit ako sa kanila dahil feeling ko ako ang pinag-uusapan nila. Pumagitna ako sa kanilang dalawa at masamang tinitigan si manong. Tumingin si manong sa akin. "Sige, maiwan ko na kayo, gagwin ko pa 'tong pinapagawa ni miss maganda..." nakangiting sabi niya 'tapos tumalikod siya sa akin at umalis sa harapan namin. Pumunta siya dun sa working room nila para masimulan na siguro niying pinapagawa ko. Naitaas ko ang isang kilay ko at humarap kay Andrew. "Alam mo, marami ng nagsabi sa akin na maganda ako at palagi akong napapangiti pero ngayon, kinalabutan ako ng bongga-bongga!" kinikilabutang sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa akin. "Maybe, dahil mukha siyang manyakis..." napangiti ako sa sinabi niya. "Ang sama ng ugali mo ano..." nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti lang din siya. "Nagsalita ang hindi..." nakangiting sabi niya. Napatawa ako sa sinabi niya. Huminga ng malalim si Andrew. "Tara! Dun tayo sa labas maghintay..." sabi niya. Tumango lang ako sa kanya. Mabilis na umupo ako doon sa duyan na nasa pagitan ng dalawang manga. Kanina ko pa gustong umupo ditto eh! Ang cool kasi! Gawa sa lubid ang duyan nila! Umupo naman sa isang kawayang upuan si Andrew na malapit sa akin pero sakto namang hindi siya natatamaan tuwing nagduduyan ako! Nang mapagod ako sa kakaduyan. Humiga ako dun at tumingin sa mga bungang mangga na nasa taas ng puno. Aishhhh! May favorite fruit! Kaso hilaw pa eh... Bumalik kaya ako dito next week baka sakaling may hinog na. Naramdaman kong may nagduduyan sa akin kaya bigla akong napahikab. Damn it! Dahil sa stress at kulang sa tulog, kunting duyan lang, inaantok na ako! Crap! Hindi ako pwede matulog dito, baka ma-r**e ako! "Don't get me wrong, Sam..." basag ni Andrew sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya. Sumilip lang pala. Nakayuko siya habang dinuduyan niya ang duyan ko. Nice! Mas lumalala ang antok ko sa ginagawa niya. Ang sarap batukan ng lalaking 'to! "Hmmm..." sabi ko sa kanya sabay laban sa antok ko. "You know what akala ko you are just a happy go lucky girl pero ngayon..." tumingin siya sa akin at ngumiti. "Napakaseryoso mo... Anong nakain mo?" Napatitig ako sa kanya at umupo sa duyan. Seryoso ang mukhang tumingin sa kanya. "I love art kaya anumang bagay na may koneksyon dun, sineseryoso ko..." sabi ko sa kanya. Asa!!!!!! Hindi ko sasabihin sa kanya ang totoong rason ko no! Madami na akong nasabing secret sa kanya at kapag umisa pa ako, quo-quota na ako! "Really?" naniniguradong tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Aba't ang mokong na 'to! "Hey, wala ka bang bilib sa akin?!" inis na tanong ko sa kanya. Well, kunsabagay, hindi nga ako naniniwala na mag do-doctor siya kaya quits lang kami ano! "FYI Andrew, noong elementary ako, nakaipon ako ng 50, 000 pesos sa pagda-drawing at noong higschool ako 100, 000! Kaya nga nagka-condo ako dahil sa perang 'yun eh!" mayabang na sabi ko sa kanya! Well, hindi naman sa pagmamayabang nakaipon naman talaga ako ng ganung pera o mas malaki pa! Sino ba kasing hindi makakaipon ng ganun! Sa isang Catholic school ako nag-elementary at higschool, kung saan hindi ko pinoproblema ang pera dahil pino-provide naman sa akin ang lahat ng gusto ko atsaka higit sa lahat, preso kami sa school na 'yun. Hindi kami pwedeng lumalabas ng campus. Lagi lang kami nasa dorm! Kaya 'yung perang baon mo, hindi mo magagastos! No time for shopping at lakwatsa! Kasi ang sabi ng Dean namin nun, 'yung mga oras na ginagastos namin sa internet o sa lakwatsa, gamitin na lang namin sa pagdarasal kaya ako, memorize ko 'yang 'Our Father' mapa-Latin, English, French o Filipino. Ikasampung beses ko na nga nabasa ang Bible mapa-Old o New testament man at higit sa lahat, muntikan na akong maging madre dahil sa pag le-lead ng novena tuwing 'Rosary Month'. Kaya kailangan mo talagang gumawa ng mga bagay na hindi makakabagot sa 'yo sa school naming or else masisiraan ka ng bait dahil sa sobrang boring at stressful ng school namin at ang sa dami pang rumu-roaming na multo dun! Kaya nga siguro nahasa ang pag da-drawing ko kasi drawing lang ako ng drawing sa dorm nun! Ang rami ko na ngang sketch pad sa Condo ko kaya tumigil na nga ako sa pag da-drawing eh, kasi sumasakit ang mata ko tuwing nakikita ko ang sketch pad ko! "I won't buy it..." mahinang sabi ni Andrew. Tinaas ko na lang ang isang kilay ko. Gusto ko sana siyang sagutin ng 'I'm not selling anything' ng makita ko si manong na may dalang box. Mabilis na tumayo ako sa duyan at tumakbong lumapit sa kanya! "Manong 'tapos na!" masayang sabi ko sa kanya. Tumango lang siya! "Asan na?! Asan na?! ASAAAAAAAANNNNNNN NAAAA?!" excited na tanong ko sa kanya. Tinitigan muna ako ni manong bago ngumiwi. Tinapat niya sa mukha ko 'yung box at binuksan 'yun... Nanlaki ang mat ako sa nakita. Wow.... Ang ganda! Mabilis na kinuha ko 'yun at pinakita kay Andrew. "Hoy, Andrew ako ang may gawa nito!" masayang sabi ko sa kanya. Nasa likuran ko na kasi siya eh! Sinundan ako, malamang! "Ang ganda no?" pagmamayabang ko pa. Ganito talaga ako ka-proud sa mga gawa ko! Feeling ko kasi ako ang pinakamagaling sa lahat! Ang umepal, mamatay sana! Tinitigan lang niya ako at ngumiti. "Yup, ang ganda..." buong paghangang sabi niya. Nawala ang ngiti sa labi ko. Teka lang.... Ang keychain ba ang maganda o ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD