Define graduation?
According to my experience, ang graduation ay araw ng mga plastick!
Bakit?
Dahil sa pagkakatanda ko, lima lang ang kaibigan ko pero ngayong araw, dumami! Marami ang nagpapa-picture sa akin kahit hindi ko naman sila close at 'yung mga guro kong lagi akong minumura, nakikipagngitian sa akin at nagtatanong kung saan ako mag hi-higschool?! Ano close kami? Neknek nila noh! Damn! I hate graduation!
Bakit ba naimbento 'to? Gastos lang 'to eh! May pa soli-soli pa silang nalalaman pero ang totoo kami rin naman ang mmakakabayad sa mga pesteng solicitation nila! Kainis talaga! Nabawasan tuloy ang ipon ko! Oo ako ang nagbayad! Kasi kung aasa pa ako sa nanay at tito ko, baka hindi pa ako maka-graduate! At ang galing din talaga ang tito ko, kahit anino hindi ko nakita sa pesteng araw na 'to! Kapag nakita ko talaga ang mokong na 'yun, masasakal ko siya!
"Sammy baby!" mabilis na lumingon ako sa likuran ng marinig ko 'yun!
"Shin!" sigaw ko sabay tulak sa mga ka-klase kong nagpapapicue sa akin! Tumakbo ako palapit sa kanya at mahigpit na yinakap ko siya!
"Bes, I'm so proud of you!" parang timang na sabi niya. Natawa lang tuloy ako sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa mukha niya. "ikaw lang ang na-honor sa barkada natin..." nakangiting sabi niya.
Tumawa lang ako ng mahina sa sinabi niya. "Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Proud din ako sa 'yo bes, akalain mo, nakalausot ka sa graduation..." natatwang sabi ko. Tumawa lang siya sa akin.
"Saan 'yung ibang kaibigan natin?" tanong ko sa kanila. "Nakita ko sila kanina eh, pero pagkatapos na makapa-picture sa akin, iniwan ako..." nagrereklamong sabi ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Eh? may ganung reaksyon? Pina-powertrip na naman nila ako ha...
"Sila Carla, Lea at Sarah, umuwi na sila." Huh? Teka lang. Parang may mali. Sila Carla, Lea at Sarah ay nakatira sa Maynila. Sabi nila. Pagkatapos ng graduation, pupunta kami sa capital, dun kami mag hi-higschool. Hahanap kami ng boarding house, ako ang magluluto, si Carla ang maglalaba ng mga damit, si Lea ang gigising sa amin sa umaga, si Sarah ang mamalantsa ng mga uniform namin 'tapos si Shin, siya ang gastos sa bahay at mga gawaing bahay. Tumingin siya sa akin. "Sam, may sasabihin ako sa 'yo..." nakagat ko ang ibabang labi ko. Parang alam ko yata ang mangyayari pero baka... Baka sana mali ang hinala ko.
"Ano?" nahihirapang tanong ko sa kaniya.
"Sam, sa Davao ako mag hi-higschool..."
"Ano?" mahinang tanong ko sa kanya. Hindi puwede! Paano ako? Nakapagdecide na nga ako na mag-aaral ako pero bakit? Iiwan nila ako? Akala ko ba walag iwanan? Pinigilan ko ang sarili na 'wag umiyak. Not now. Dapat magpakatatag ako.
"Sabi niyo... Sinungaling kayo. Akala ko ba walang iwanan?" galit na tanong ko sa kanila. Tulad lang din naman pala sila ng nanay at tito ko. Sa una, bibigyan ako ng hopes 'tapos ano sisirain nila! Bwisit!
"Sam, ano kasi si mama at papa... Naghiwalay... kaya si mama uuwi sa Davao kasama ako." para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya.
"So ano pa ba ang ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kanya at tinalikuran siya.
"Sam..." tawag niya sa pangalan ko. Alam ko na nahahalata niyang galit ako sa kanya. Showy naman kasi akong tao. Pag galit ako. Galit ako. Pag ayaw ko sa tao, pinapakita ko talaga at alam nila ang ugaling kong 'yun. Kaibigan ko sila ng ilang taon eh! "Ano ka ba Sam, syempre nandito ako para--
"Magpaalam?" tanong ko sa kanya kaya naputol ang sasabihin niya.
"Sam!" sigaw na tawag niya sa pangalan ko. Tsk! Totoo naman diba? Naghintay ako na magsabi siya ng hindi pero hindi ko 'yun narinig. Tsk! Tama ako! Kung ganun, mag-isa na naman ako. s**t! Bakit ba kasi ang tanga ko? Bakit umaasa ako na balang araw may tao akong makakasama habang buhay? Eh sarili kong kadugo ayaw sa akin, sila pa ba na ibang tao? 'Yan, Sam! Tanga ka kasi! Lagi ka na lang nasasaktan! Dapat naglagay na lang ako ng malaking wall sa pagitan ko at ng mga kaibigan ko para hindi sila makapasok sa buhay ko kaya okay lang na umalis sila at iwan ako! Tanga! Tanga! Ang tanga ko! I deserved this kasi ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko!
Tumakbo na lang ako palayo sa kanya. Graduation? Peste! Araw rin pala 'to ng mga sawi! Tsk! Ayoko na! Hindi ko alam kong saan ako papunta? Kasi kung kay tito ako pupunta. Hindi ko alam kong saan banda sa Cebu si tito nakatambay 'tapos si mama, ewan kong nasaan siya. Baka pinatay na din ng mga taga-ISIS! Nakakainis! May tito ako na lakwatsero na ewan ko kong mahal ba ako at may nanay akong walang pakialam sa akin! Sana kung nasaan man sila ngayon, sana, sana, dinadanas din nila ang dinadanas ko! Mamatay sana silang dalawa!
********
Napatingin ako sa cellphone ko. Philippine Science. Sabi nila libre daw ang school na 'to kapag nakapasa ako sa entrance nila and luckily naman napasa ko ang entrance exam nila. Tsk! Ang saya naman! Kapag dito daw ako nag highschool pwede akong mag-apply sa DOST ng scholarship pagka-college. 'Tapos I will take genetic engineering at pwedeng sa abroad ako mag-aaral. Galing! Galing ng plano ko!
Pero...
Asa!
Hindi ako mag-aaral!
Para san pa? Sa kinabukasan ko? Wala akong kinabukasan! Kasi kung meron man... Naikuyom ko ang kamay ko. Diba dapat mahal ako ng mga kaibigan ko atsaka ng magulang ko pati ng tito ko. Pero iniwan nila ako?! Ganun naman 'yun diba? Iniiwan ka nila dahil wala kang future. Dun kasi sila kumakapit sa may pag-asa sa buhay. Para maambonan sila pag yumaman na 'yung taong kinakapitan nila!
Che!
So naisip ko, magiging writer na lang ako. Nag ** ako sa w*****d kagabi, magsusulat na lang ako dun. Okay pa dun, feeling ko kasi walang problema ang mga tao dun-ay meron pala pero kunti lang. Pero kasi... I love drawing. Aish!
Sige na nga! Sasali na lang ako sa mga workshop na makikita ko sa net na affordable ha!
Hindi ako gaga! Hindi rin ako siraulo para kalimutan ang pangarap ko. Oo! Inaamin ko. Galit ako sa mundo. Ayaw ko ng mag-aral pero hinding-hindi ko iiwan ang first love. Ang pag da-drawing. Ang bagay lang kasing 'to ang bagay na hindi ako iiwanan. Kaya bahala sila. Bahala silang maiggit sa akin! Magiging sikat akong mangguguhit! Oh, ang lalim ng Filipino ko noh?!
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla 'yung mag vibrate. Naitaas ko ang isang kilay ko ng makita ko ang isang unknown number. Tumigil ito sa pag vi-vibrate. Tawag kasi 'yun eh.
Tsk!
Wala akong balak sagutin 'yan! May lakad kaya ako ngayon! Yup may lakad ako at 'wag kayo-business 'to! Pupuntahan ko si Alicia ngayon ang aking dedicated na customer at ang gaga, nagpapaturo sa akin! Okay naman ang mga drawing ni Alicia 'yun nga lang mas maganda lang talaga sa akin at wala akong taong naiisip na pwedeng ihanay sa kakayahan ko. Pang international kaya ang gawa ko! DIba ang yabang lang?
Tumayo na lang ako sa pagkakaupo at inayos ang mukha ko. Dapat maging presentable ako! Sabi kasi ni Alicia, magkikita daw kami sa isang restaurant! Tsk! Pagmayaman ka nga naman! Napailing na lang ako.
*************
"SAM!" masayang salubong sa akin ni Alicia. Kumaway lang ako sa kanya. "Halika..." sabi niya sabay guide sa akin papasok sa restaurant! Adik din 'to eh! Sa labas talaga ako hinintay!
"May kasama ka?" nakangiting tanong ko sa kanya. Plastick alert! Customer ko kaya siya kaya dapat akong maging mabait sa kanya.
"Yup! Nanay ko!" nakangiting sabi niya sabay tingin sa akin. "Alam mo bang nagandahan ang nanay ko sa gawa mo?" masayang tanong niya.
Well, walang kaduda-duda! Magaling ako eh! 'Yun sana ang isasagot ko pero dahil dedicated customer ko si Alicia. Ngumiti na lang ako.
"Talaga?" nakangiting tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.
"Oo nga eh, kaya nung sinabi kong magpapaturo ako kung paano mag paint ay ikaw ang sinuggest niya!" Wow! Papasalamatan ko 'tong nanay ni Alicia mamaya!
"Hindi ko alam ang sasabihin ko..." Ew! Yuck! Nakakasuka! Jusko! Ano bang pinagsasabi ko?! Ngumiti lang sa akin si Alcia.
Binitawan niya ang kamay ko at umunang naglakad. Tsk! Nahalata niya bang nakikipagplastikan lang ako sa kanya? Hindi naman siguro!
"Ma..." rinig kong tawag niya. Hinanda ko ang sarili ko at ini-on ang plastick mode ko. Taas noong tumingin ako sa harapan ko at hinanda ang aking 'angelic smile'. Bwahahaha!
Nawala ang ngiti ko ng makita ko kong saan nagpunta si Alicia at kung sino ang nilapitan niya!
ASDFGHJKL!
Hindi 'to totoo! Wala siya sa Pinas eh! Nasa Canada siya! Ganun ko na ba siya ka-miss kaya nag ha-hallucinate ako sa kanya.
Para akong pinagsukluban ng lupa at langit ng lumapit si Alicia sa kanya at nakangiting tumingin din siya kay Alicia 'tapos nagyakapan sila!
Hell!
Nagmamadaling lumapit ako sa kanila!
Peste siya!
"Nandito na ba ang kaklase mo?" rinig kong tanong niya. Wow! Ang lambing niya ha! Pero kapag ako, ang tigas nya! Peste siya!
"Yeah..." masayang sagot ni Alicia. Nasa likuran ako ni Alicia para may suspense at exciting ang reunion namin ng nanay ko! Yup! Ang magaling kong ina! Hindi ko alam kong ano ang nangyayari-but I have an idea kung ano 'to! Ang g**o ko diba? Well, I watched a lot of teleserye at nakikita ko ang ganitong eksena lalo na kapag OFW ang bida!
"Asan siya?"
Asan ha?
Humanda ka!
Pumunta ako sa harapan ni Alicia at nakataas ang isang kilay na tumingin sa kanya.
"'Sup!" bati ko sa kanya.
Nawala ang masayang ngiti ng nanay ko ng makita ako! Huh! Peste ka!
"Sammy..." gulat niyang bati sa akin. Nakita ko siyang napalunok.
Tsk!
OFW?
Busy sa work?
Work ba ang tawag niya dito?
May work na pala na ang description ay ang maging nanay?!
"Ma, kilala mo si Samantha?" nakita kong na-tense ang magaling kong nanay. Galing lang! Hindi siya sumagot. Lintek! Tumingin sa akin si Alica. "Sam, kilala mo ang nanay ko?" inosenteng tanong niya sa akin.
Nanay ko? Naikuyom ko ang kamay ko.
Tang-ina naman! Nanay ko 'yan eh!
Ilang taon akong walang nanay 'tapos ngayon makikita ko siya na iba na ang anak niya. Bwisit! Dahil nadala siguro ako sa galit ko kaya nasabi ko ang mga salitang hindi ko lubos maisip na masasabi ko. "Oo kilala ko siya. Kilalang-kilala. Customer ko siya noon, pinapainting niya kasi ang portrait ng asawa at anak niyang pinatay ng ISIS..." galit-galit na sabi ko. "Wow, may bago ka na palang pamilya, akala ko kasi nasa Canada ka, nagtatrabaho, hindi pala... Malandi ka!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Sam!" sigaw ni Alicia sa akin. "Wala kang karapatan sigawan ang nanay ko!" inis na sigaw niya. Wala akong karapatan? Ha! Akala mo lang 'yun! Peste ka! Nasa akin lahat ng karapatan para murahin ang babaeng 'to!
Sinamaan ko lang siya ng tingin. "'Wag kang makialam dito Alicia, hindi mo kilala ang babaeng 'yan, isa 'yang sinungaling! Wala siyang kwentang tao, Walang kwentang i--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang sumampal sa pisngi ko. Dahan-dahan akong napalingon sa taong sumampal sa akin. May nakita akong isang lalaki na matanda sa akin ng limang taon. Napakunot ang noo ko. Siya ba ang asawa ng nanay ko? Ang bata naman!
"I'm so disappointed..." puno ng panghihinayang na sabi nung lalaki. Eh? "You are a product of a Catholic School and yet---"
Hindi ko pinatapos sa pagsasalita ang lalaking 'yun dahil lumapit ako sa kanya at sinutok ang mukha niya. How dare him? HOW DARE HIM TO SLAP ME?! Sino ba siya sa inaakala niya?!
"William/Kuya!" sigaw ng magaling kong ina at ni Alicia. Dinaluhan nila 'yung lalaki at ako... Pinagtitinginan ng mga tao. So ako ang masama ngayon? Ako talaga? Lintek na pinagpatung-patong naman oh!
"Disappointed?" nang-uuyam na tanong ko kay William na nakangiwing nakahawak sa baba niya.. Tumingin ako sa nanay ko. "Ako din. I'm so disappointed. So disappointed." madiin na sabi ko. Tumingin ako kay Alicia. "You, 'wag na 'wag kang tatawag ulit sa akin! Peste ka!" inis na sigaw ko sa kanya at nagmamadaling lumabas ako sa restaurant.
Tumakbo ako pagkalabas ko. Tumakbo ako ng mabilis. Peste! Hindi ko siya matawagan. Minsan ko lang siyang makausap. Once in a year ko lang siya nakikita. Hindi ko siya nakakasama sa birthday ko. Wala siya sa graduation ko. Kahit kailan hindi niya ako nasabitan ng medal. Hindi ko mabigay-bigay ang letter kong ginawa para sa Mother's day 'tapos ano 'tong makikita ko?
Pabilis ng pabilis ang takbo ko. Hanggat sa napagod ako at napasandal sa isang puno. Hinayaan kong tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Damn it! Ano bang ginawa kong masama at nasasaktan ako ng ganito?! Life is suck! Sana mamatay na lang ako!