Sam's POV
"Okay ayos na ang lahat, Sam!" masayang sabi ni Andrew. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Kagagaling lang namin dun sa kaibigan niya. Kinuha namin 'yung giveaways para sa binyag ni baby Andi bukas! Ang bilis ng araw noh?! Kainis!
"Salamat Andrew ha..." nakangiting sabi ko. Pwe! Ang hirap maging mabait pero ang kapal naman ng mukha ko kong susungitan ko si Andrew diba? Hindi kami close pero tinutulungan ako ng sirang 'to! Pero-I need to be vigilant!
'Samantha's guide for pagiging mandurugas number 1' Tandaan, lahat ng bagay na hinihingi sa tao ay may kapalit kaya baka may ipapagawa sa akin ang mokong na 'to na hindi katangap-tanggap sa lipunan, mapapatay ko talaga siya!
'Wag niyo ng itanong kong kailan ko naisip ang guide na 'yun, madi-disappoint lang kayo sa akin!
Napatigil kami sa paglalakad dahil may mga pesteng lalaking naka-suit ang lumabas sa simbahan. Anak ng! Mga mafia! Lagot! Inihanda ko ang sarili ko para sa isang madugong pakikipaglaban! Well, nanood kasi kami ni Andrew ng 'My wife is a gangster' kagabi kaya may hang-over pa ako, pasensya na!
Napakunot ang noo ko ng lumabas si Alicia na karga-karga si baby Andi na may dalang pacifier na nakabalot sa cellophane. May nakita din akong papel sa ilalim nung cellophane. Shitttttttttttttttttttttttt! Parang may clue ako sa bagay na 'yun ha! Pero... Napatingin ako kay Alicia! Ang gagang 'to, 'wag niyang sabihin sa akin na may pinagawa siya? Eh ano na lang...
Lumapit ako sa kanya.
Biglang tumingin sa akin si Alicia. Nawala ang ngiti niyang pinapakita dun sa lalaki at nakita ko siyang napalunok!
"'Sup!" bati ko sa kanya. Pinigilan kong mapangiti! I did sound cool right? Hahaha! Ang galing! Ako na talaga! Pero back to reality!
Napalunok ulit siya kaya lumapit ako sa kanya.
"Sino siya?" tanong ko kay Alicia sabay tingin dun sa lalaki. Parang namumukhaan ko ang matandang hukluban na 'to! Parang kamukha niya 'yung sira-ulong lalaking humihingi ng piso sa may Luneta ah!
"Sam..." bati sa akin nung lalaki. Oh! Kilala ako ni matandang hukluban? Oh well, sikat naman talaga ako! "You look good..." nakangiting sabi niya sabay tingin sa akin ulo hanggang paa. Grabe siya oh! May ganun agad! Sipain ko kaya siya! "By the way, Sam, thanks for the effort for the giveaways pero ako na ang bahala dun." sabi niya sabay tingin kay baby Andi. "And Andrea love it!" masayang sabi niya! Parang nablanko ang utak ko sa sinabi niya. Ano daw?
"What?" mahinang tanong ko.
"You heard it kaya please 'wag mo na akong paulitin pa." sabi niya sabay pasok sa kotse niya! Naikuyom ko ang kamay ko. Damn! Kilala ko na ang lalaking 'to. Tsk! Bitter pa rin! Bakit?
Once upon a time, may babaeng shunga-shunga named Samantha Guevara. Lumabas sa isang hotel room na naka-suot ng lingerie dahil naghahanap ng signal para ma-contact ang nanay niyang baka lang 'concern' sa kanya kung nasaan siya 'tapos may isang lalaking m******s siyang nabangga at napagkamalan siyang p****i nito. Tama kayo! Ang lalaking tinutukoy ko ay ang magaling na lalaking 'to! Hindi pa dun nagtatapos ang kwento ko, akala ng lalaking 'to, easy to get si shunga-shunga! Hindi niya alam na black belter ito kaya na-hospital siya nang magpumilit siya at hinarass niya ang shunga-shungang babae. Ang eksidenteng 'yun ay naging usap-usapan dahil lintek na tadhana, kaibigan pala ng tatay ng shunga-shunga ang m******s na binalian niya ng buto! Hindi lang 'yun, hiniwalayan ng misis niya ang m******s na lalaki at ang babaeng shunga-shunga ang naging salarin pero hindi 'yun ang naging isyu! Ang babaeng shunga-shunga na si Samantha ay naagrabyado dahil ayon sa tsismis na kumakalat ay kabit daw sya ng m******s na 'yun!
Peste lang! Hindi ko makakalimutan 'yun!
Bakit naka lingerie ako ng araw na 'yun? Birthday kasi 'yun ng kaibigan ko at ang theme ng birthday niya ay 's*x in the city' And no, walang lalaking nandun! Girls night out 'yun! Trip lang niya! At ang damit namin ay lingerie 'tapos pabungahan pa kaya ako, nag-effort talaga!
Pero, peste lang! Hindi ko alam na magkikita kami ng isang 'to!
Napapikit na ang ako .
Patayin ko kaya siya?
Ipa-salvage?
Ipa-r**e sa mga bading?
Pero 'pag ginawa ko 'yun, ako na naman ang mapapasama! Asar!
Please Lord, pigilan niyo akong kumuha ng bato at ipukpok sa ulo ng matandang 'to! Asar siya ah! . nang marinig kong ini-on niya ang kotse niya at pinaharurot 'yun ay mabilis na humarap ako kay Alicia. Humanda kang peste ka sa akin!
"Sam let me--
"Ano ba talaga ang problema mo?" inis na tanong ko sa kanya. Napalabi lang siya. Peste! Ano, tingin niya maawa ako sa kanya! "Kung may galit ka sa akin sabihin mo!" galit na sigaw ko sa kanya. "P****** naman oh! Namemerwisyo ka ng tao!" inis na sigaw ko sa kanya. Ano?! 'Yung pinaghirapan ko, wala lang 'yun?!
"Samantha!" malakas na sigaw ng taong nasa loob ng simbahan. Napatingin ako sa sumigaw. s**t! Ang pamilya ko plus si Simon at tito. Damn! Nakatingin silang lahat sa akin. Narinig kong umiyak si Andi. Tsk! Late reaction lang? Kumakampi pa talaga sa nanay niya? Bwisit! Lasunin ko kaya ang pesteng batang 'to!
Tumingin ulit ako kay Alicia. Peste siya! Kahit kailan talaga bwisit siya sa buhay ko! "Ako na naman ang kontrabida..." mahinang sabi ko. Napalatak na lang ako. "Lagi naman eh... Kahit ako 'yung naagrabyado. Peste!" inis na sigaw ko sabay alis sa harapan niya! Peste! Peste! Peste! Asar! I need a drink!
"WELCOME to Christian World baby Andi!" masayang sigaw ng magaling kong nanay at tatay. Tumitig lang ako sa kanila. Sa pamilya ko na masayang-masayang nakatingin kay Andy na wala kamuwang-muwang sa mundo. Tss! Sila na! Sila na ang happy family! Edi fine!
"Hoy, bakit hindi ka sumasali sa kanila..." bulong ng epal na lalaki sa tabi ko. Tumingin lang ako at siniko siya! Sira ba siya?! Alam naman niyang bad trip ako sa kanila. Bwisit sila 'tapos 'yung ginawa nila... Asar! Nadagdagan tuloy ang galit ko sa kanila! Punyeta! Kainis!
Nagmumura ako sa loob ng simbahan! Ako na talaga!
"Baliw ka!" inis na bulong ko sa kanya. Ayoko silang pag-usapan kaya. "Baka magmukha lang akong babaeng manghihingi ng donation sa suot ko kapag lumapit ako sa kanila..." tinitigan lang ako ni Andrew ulo hanggang paa.
"You look cute in your dress." naitaas ko ang isang kilay ko sa sinabi niya. Cute? Naka mother butler na damit ako, 'tapos cute?! Sipain ko kaya siya! Feeling ko nga, ano ako, single mother eh! "Hey, I'm telling the truth." dugtong niya.
"Thanks." sabi ko na lang sa kanya. Cute? Tsk! Ang totoo, ayokong tinatawag akong cute! Kasi sa pagkakaalam ko ang salitang cute ay para lang sa mga hayop 'tapos kung sa tao naman siya ia-apply, ano, alanganin daw ang pagiging maganda at gwapo kaya ayokong tinatawag na cute! Because... I'm GORGEOUS! Pero! Sa sitwasyong ko ngayon, ayos na sa akin ang salitang cute! Why? Ang laki ng damit na suot ko. Hindi naman kasi ako ang dapat nandito ngayon! Abrupt ang pagiging mother butler ko ngayong araw! Nice din kasi 'tong tito ko! 'Yung mga minion niya dito sa simbahan, nagsilayasan. Nasa kabilang bayan, nakiki-piyesta at ako na tatanga na may experience sa pagiging alagad ng simbahan kaya ako ang napag-utusan niya.
Tsk! As always, si Simon nasa harapan, kasama ni tito. Si Andrew naman, siya ang guitarista ng choir! Tsk! Nakakainis! Sana sa choir na lang ako! Hoy, 'wag kayo, maganda boses ko! Sample? Maya na!
"Family picture!" sigaw nung pesteng photographer. Mabilis pa sa alas kwatrong naglakad ako papunta sa likod ng simbahan para pumunta sa bahay ni tito. Family picture? I'm not part of the family kaya bakit ako sasali?! Kasi kung part ako sa family, dapat alam nila o inisip ang mararamdaman ko kapag ginawa nila 'yun. Bwisit!
Simon's POV
Nakita ko kong naglakad si Sam palabas ng simbahan ng ini-announce ng photographer na family picture. Sinundan naman siya ni Andrew kaya nakahinga ako ng mabuti. Susundan ko sana siya eh! Sam is not in the mood right now.
"Nasaan si Sam?" tanong nung nanay niya. Buti naman napansin niya si Sam. Hindi ako 'yung taong madaling mainis! Pero ng makita ko ang nanay ni Sam at nakasama siya, hindi ko napigilan ang sarili kong mainis sa nanay niya at sa buong pamilya nila! Sam is working hard pero para sa kanila wala lang! Lalo na dun sa pinapagawa nilang giveaways kay Sam 'tapos ano, hindi matutuloy kasi may nag sponsor! Nakakainis talaga! Kaya nga si Sam, ang lungkot-lungkot! Sino bang hindi, nakikita ko silang dalawa ni Andrew na busing-busy sa bagay na 'yun 'tapos ganun-ganun lang silang makpagsabi na wala na! And I never ever heard na humingi ng pasensya ang Aliciang 'to! Tsk! Galing! Gusto ko tuloy magmura!
"Tsk, paimportante!" mabilis na tumingin ako sa gilid ko ng marinig ko 'yun. Naitaas ko ang isang kilay ko. Asawa ni Harry ang nagsalita. Magsasalita sana ako para turuan ng leksyon ang babaeng 'to ng siniko siya ni Harry. "What?" naiinis na tanong nung babae. Aish! Walang modo!
"Nasa simbahan tayo." madiin na sabi niya.
Nag roll lang ng eyes 'yung babae. Aba't! "Totoo naman eh..." mahinang sabi niya.
"Baka ayaw sumali sa family picture niyo, alam niyo na ayaw makipagplastikan sa inyo..." sagot ni Father sa kanila. Napatingin kaming lahat sa kanya. Tumingin lang siya sa amin. "Para sa kanya kasi 'tapos na ang plastikan." madiin na sabi ni father sabay talikod. "Simon, kapag umalis na sila, pakisirado ang simbahan 'tapos isirado ang gate." utos niya sa akin sabay alis sa harapan namin.
"Grabe naman ang paring 'yun..." rinig kong sabi nung mga kaibigan ni Alicia.
Tsk!
"Diba mabait naman 'yun?"
"Kung ganun, nakikipagplastikan lang din ba siya?"
Asar sila! Kapag nakita ko sila ulit papunta sa simbahan, isisirado ko ang gate ng simbahan! Ganyan talaga ko naiinis!
Naghintay ako na may sabihin ang nanay ni Sam pero hindi siya umimik. Tsk! Pati sarili niyang kapatid parang wala lang sa kanya? Hindi man lang niya matanggol ang kapatid niya? Tsk! Ngayon, alam ko na kung bakit ganun si Sam. Ang tigas ng ulo! Ayaw makinig! Pero! Hindi sa kanila nagmana si Sam sa pagiging matapang!
Napailing na lang ako.
Makaalis na nga lang! Makakasala pa ako sa kanila eh! Inayos ko muna ang atar at binalik 'yung mga gamit na ginamit ni father kanina!
"Ahmm ano, Simon, gusto mong sumama sa amin sa reception?" Napatigil ako sa pag-aarange ng gamit ng tanungin ako ni Alicia. Lumingon ako sa kanila. Napalunok na lang ako. I'm so sorry Lord.
"Sorry, pero busy ako eh..." sagot ko sa kanya sabay talikod sa kanila.
Magdadasal na lang ako mamaya at mangungumpisal!
--------
Andrew's POV
"Hey, Andrew ang tanga ko noh?" tumatawang tanong ni Sam sa akin sabay turo sa sarili niya. Napatingin na lang ako sa kanya. Tinungga niya ang isang beer ng
Nasa isa kaming beer house. Matapos ko kasi siyang sundan at ng mapansin niya ako, tinanong niya sa akin kung may alam ba akong inuman. Tinuro ko na lang 'to sa kanya. Baka mabawasan ang problema niya!
"Ah, hindi naman." sagot ko sa kanya. Actually, hindi naman niya kasalanan kung bakit nagmumukha siyang tanga.
Nakiusap sila, 'tapos ano?!Tsk! I'm talking to Samantha's family. Ang mga pesteng 'yun! Sarap ipa-tosta! Kainis! Alam mo 'yung feeling na 'tapos na 'yung ginagawa mong project sa isang subject 'tapos sasabihin ng guro mo na 'wag niyo na lang tapusin ang project dahil walang lang... trip lang nila. 'Yun ang nararamdaman ko ngayon! Kung ganito na nga ang nararamdaman ko na nakiki-epal lang sa ginawa ni Sam, paano pa kaya si Sam na nagpapakapagod sa pesteng giveaways na 'yun?
Asar!
"Alam mo, hindi ko alam, alam ko naman na walang kwenta ang mga taong 'yun." puno ng galit na sabi niya. Tumungga ulit siya ng alak. "Ayaw nila sa akin! Gusto nilang gawing miserable ang buhay ko kaya bakit ang tanga-tanga ko at naniniwala pa rin ako sa kanila!" inis na sigaw niya sabay bagsak nung beer sa mesa. Napalunok na lang ako. Lagot! Baka magwala 'to dito! Buti na lang talaga at walang masyadong nakikilala sa amin dito at hindi na siya naka-suot ng pag mother butler na damit kaya hindi kami umaagaw ng pansin. Wala pa kasi tao dahil tanghali pa lang!
"Ah, Sam uwi na tayo.." sabi ko sa kanya. Baka nag-aalala na si father sa kanya.
Tumingin lag siya sa akin. "Uwi?" mapaklang tanong niya 'tapos tumawa siya. "Wala akong uuwian!" tumatawang saad niya. "Papalayasin na ako ng bahay na titirahin ko 'tapos ayokong pumunta sa bahay ng nanay ko, kaya..." tumigil siya sa pagsasalita at nawala 'yung ngiti niya sa mukha. "Wala akong lugar na matatawag na home..." malungkot na saad niya. Naitaas ko ang isang kilay ko.
"Anong wala?" inis na tanong ko sa kanya. Dinuro ko ang noo niya. Anong pinagsasabi niya? Walang lugar na matatawag na home? Tsk! Maang na tumingin siya sa akin. "You have us!" kumunit lang ang noo niya. "I mean, ako, si kuya Simon at si father Ismael at ang kumbento! Pwede 'yung tawaging home!" masayang sabi ko sa kanya. Kinuha lang ni Sam ang isang beer na nasa harapan niya. Akala ko iinumin niya 'yun ng bigla siyang tumayo at binuhos sa akin ang laman ng beer!
Napatulala ako sa ginawa niya.
"Tsk!" rinig kong sabi niya. "Gusto ko pa sanang inumin 'yun pero..." hindi niya tinapos ang sasabihin niya kaya dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Bwisit!
"Bakit mo ginawa 'yun?" mahinahong tanong ko sa kanya. Kalma lang Drew! Lasing si Sam kaya baka nagawa niya 'to.
"Why?" tanong niya. "Because I wanted 'to... At isa pa, ayoko lang talaga sa mga taong paasa..." walang kaemosyong-emosyong sabi niya sabay alis sa harapan ko.