Simon's POV
"Simon, nakontak mo na ba 'yang hilaw mong kapatid?" inis na tanong ni father sa akin. Alam kong nag-aalala si father kay Sam kaya pinagwalang bahala ko na lang 'yung inis niya. Huminga na lang ako ng malalim. Andrew, asan ka ba kasi? Saan mo dinala si Sam? Baka ako pa ang mabuntungan ng galit ni father! Napalunok na lang ako at tumingin sa kanya.
"Hindi pa po father eh..." magalang na sagot ko sa kanya.
Napalatak lang siya at inis na tumayo sa pagkakaupo. "Nasan na ba ang dalawang 'yun? Malapit ng gumabi, wala pa sila!" inis na bulalas niya! Tumingin ulit siya sa akin. "Wala ka man lang bang clue kung saan sila pwede magpunta?" tanong niya ulit. Clue? Hindi ko nga alam kong saan sila nagpupunta nitong nakaraang linggo eh. Pero kung iisipin natin ngayon, masama ang loob ni Sam ngayon kaya baka...nag-inuman sila? Napaiwas ako ng tingin kay father at umiling! Lagot! Ang dami kong ginawang hindi maganda ngayong araw! Pero alangan namang sabihin ko kay father ang naiisip ko, baka bigla na lang bumuga ito ng apoy sa sobrang galit!
"Nakakainis na 'tong araw na 'to ha!" galit na sigaw niya sabay punta sa may sala. Naiwan na lang akong problemado. Lagot! Tiningnan ko na lang ulit 'yung cellphone ko. Andrew, humanda ka talaga mamaya sa pag-uwi mo!
Andrew's POV
"Bakit mo ba ako sinusundan?" inis na tanong sa akin ni Sam. Tumitig lang ako sa kanya. Bakit? Dahil baka may mangyaring masama sa kanya at ako pa ang mapagalitan! Hindi ko na lang siya sinagot! Inis pa rin ako sa kanya. Sino ba kasing matinong tao na matutuwa sa ginawa niya?! Asar! Hindi ko pa maintindihan ang sinabi niya! Minsan, ang hirap ispellingin nitong si Samantha eh! Minsan, mabait, madalas mataray! 'Tapos kung malakad siya ha, alam niya ba ang lugar pauwi sa bahay ni father? Ha? Alam niya? Malaking hindi! 'Wag siyang feeling Dora the explorer uy! Wala siyang map na pwedeng tawagin kung mawawala man siya!
Mali kasi ang dinadaanan niya! Gusto ko sana siyang i-correct pero kapag may sasabihin ako bigla na lang rumaratrat! Asar!
Tumigil siya sa paglalakad at biglang napahawak sa bibig niya. Bigla siyang tumakbo papunta sa isang puno at... Yuck! Buti nga sa kanya! Nagsusuka lang naman siya dun! Lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kong matutuwa ako sa nangyayari sa kanya o hindi. Feeling ko kasi nakaganti ako sa ginawa niya sa akin kanina!
Lumapit na lang ako 'yung sobrang lapit talaga sa kanya 'tapos hinaplos ang likod niya. Hindi ako tsumatsansing, kargo ko pa rin ang babaeng 'to. Gusto ko sanang tawagan si kuya para tulungan niya ako sa babaeng 'to pero naubusan ako ng load eh kaya pinatay ko na lang 'yung phone ko na 3% percent na lang ang battery! "Okay ka na?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at nagsusuka.
Tsk! Tsk! Tsk! "Inom pa more..." komento ko.
Tinapik lang niya ang kamay ko at inis na tumingin sa akin. "Pwede ba kung ayaw mong haplusin ang likod ko, edi 'wag! Hindi naman kita inutusan diba?" mataray na tanong niya! Asar! Sarap nitong sapakin! Crush ko pa naman sana siya! Aish! Halikan ko na lang? Nah, 'wag na! Baka malumpo lang ako! Magaling pa naman 'tong mangarate!
"Okay ka na?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya at umakbay sa akin. "I hate this!" sigaw niya. "I really hate this day!" inis na sigaw niya. Napailing na lang ako. Inakbayan ko na lang siya at inilapit sa tenga niya ang bibig ko.
"Me too." bulong ko sa kanya. "I hate this day too." dugtong ko. Napatingin lang sa akin si Sam. Ngumiti lang ako sa kanya. Tumitig siya sa akin kaya natingnan ko ng mabuti ang mukha niya. Sam is pretty. No doubt about that. Dahang-dahang tinaas ni Sam ang kamay niya at hinawakan niya ang ilong ko.
"Andrew..." mahinang tawag niya sa akin.
"Hmmm..." sagot ko na lang. Hinawakan niya ang ilong ko at pinisil niya 'yun ng sobrag diin!
"Aray, Sam!" sigaw ko sa kanya habang pilit na inaalis ang kamay niyang nakapisil sa ilong ko. Anak ng! Ang sakit ha!
"Peste ka! 'Wag kang ume-epal ha! Moment ko 'to!" sigaw lang ni Sam sa akin sabay kagat ng braso ko!
"Aray!" mahabang sigaw ko. Letche! Letche! Letche ka Samantha!
-----
Samantha's POV
"Okay ka na ba talaga?" tanong sa akin ni Andrew. Tumingin lang ako sa kanya 'yung bang kasabay ang buhok ko sa paglingon ko sa kanya sabay ngiti ng sobrang tamis. Ngumiwi lang siya at umiling. "Tingin ko hindi pa..." komento niya. Tumingin siya sa relo niya "Pero dahil pagabi na, kailangan na nating umuwi, baka mapagalitan na tayo nila kuya Simon at father Ismael..." sabi niya.
Tsk!
Ang KJ naman nila!
"Sige na nga! Umuwi na tayo!" napipilitan kong sabi sabay tayo sa pagkakaupo sa may kalsada. Asar! Hindi naman agad ako madaling malasing pero bakit lasing na agad ako ngayon? Dahil ba matagal-tsk! Nasapok ko utak ko. Matagal? Tsk! Nag-inuman pala kami ni tito nung isang-dalawang linggo eh!
Napangiti na lang ako ng maalala ko 'yung inuman namin.
"Asar!" sigaw ko sabay batok sa sarili ko.
"Uy, napano ka?" tanong nung katabi ko.
Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. "Alam mo, tama ka!" sabi ko sa kanya. Naguguluhan ang mukhang tumingin siya sa akin. "Sorry din pala kanina ah." naitaas niya ang isang kilay niya sa sinabi ko. Hmp! Sino bang hindi magtataas ng kilay sa ginagawa ko at pinagsasabi? Kanina, ang taray-taray ko, ngayon ang bait-bait ko! Tanga kasi ako eh! May nakalimutan akong isang bagay!
'Yun ang 'wag maging tanga!
Kaya ngayon ko lang na-realize na naging engot ako kanina.
Eh ano naman ngayon kong hindi gawa ko ang ginawang giveaways nila Alicia, ano naman ngayon? Oo, inaamin ko, nakakainis pero... so what? Tanga kasi ako! Bakit ko ba kasi sineryoso ang bagay na 'yun? Para lang pasikat sa pamilya ko? Tsk! Para saan pa? Eh may bad record na kaya ako sa kanila!
Ang dapat pagtuunan ko ng pansin ang sarili ko at ang taong nag-ce-care sa akin! Si tito... At sige na nga! Isasali ko na lang 'tong dalawang minion niyang sina Andrew at Simon! Napangiti ako. Mahal ako ng tito ko! Mahal niya ako!
{Scene from inuman chapter }
"'To minahal niyo po ako?" tanong ko sa tito ko. Damn! May tama na yata talaga ako dahil nagiging Piolo Pascual na si tito sa paningin ko. Tumigil sa pag-inom si tito at tumingin sa akin.
Kinuha niya ang isang bowl ng happy at tinapon sa mukha ko ang laman nun.
"Baliw ka pala eh!" sigaw niya sa akin. Napatitig ako sa mukha niya. "Kung hindi kita minahal, edi sana pinainom kita ng muriatic acid nung bata ka pa!" Napatulala ako sa sinagot niya. Kung ganun...
Padabog na tumayo ako!
"Eh bakit ka umalis, bakit mo ako iniwan sa pesteng eskwelahan na 'yun?!" tanong ko sa kanya.
"Aba't, Sam, nasaan ang utak mo?!" inis na tanong ni tito. "Alangan namang dalhin kita sa lugar na pag se-seminaristahan ko?!" dugtong niya. "Hindi 'yun play ground!"
"Kahit na!" sigaw ko sa kanya.
"Aba't!" inis na sigaw niya sabay hawak sa kwelyo ng damit ko. Lagot! Kung susuntukin niya ako, sarap i-video! Para matanggal siya sa pagkapari! Biglang nagsitayuan ang dalawa.
"Ahhh.. Father--
"Shut up!" sabay naming sigaw ni tito ng sumingit ang dalawang kutong lupa na nasa harapan namin. Away pamilya 'to kaya 'wag silang makialam! Peste sila! Nagkatinginan ulit kami ng tito ko.
"Lets continue our inuman!" maangas na sabi ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin.
"Yeah..." tumatangong sabi niya.