Sam's POV
"SAMANTHA!" sigaw na salubong sa akin ni tito! Napapikit na lang ako! Okay! Excited siyang makita ako ulit! "Saan ka ba--" mabilis na inilagay ko sa bibig niya ang hintuturo ko.
"'To, okay lang ako!" sabi ko sa kanya. Mabilis na inalis niya ang hintuturo ko sa bibig niya at piningot ang tenga ko.
"Ah ganun, okay ka..." madiin na sabi niya sabay diin dun sa tenga ko. "Ito para hindi ka maging okay..." madiin na sabi niya.
"Aray, 'to!" nasasaktan na saad ko sa kanya. Hindi siya nakinig. Anak ng! "Ang sakit!" sigaw ko sa kanya. Pagmamahal ba ang tawag sa phenomenang 'to?! s**t! Parang hindi naman yata! Parang mas tamang sabihin, CHILD a***e 'to!
Hindi ako nagpatalo, hinila ko ang buhok niya pero dyahe! Ang iksi ng buhok niya! Talo ako!
Kung tinataong niyo kung nasaan si Andrew, ewan! Kinaladkad 'yun ni Simon kanina eh! Baka may pag u-usapang importanteng bagay!
Napatigil kami sa pagpapakita kung gaano namin kamahal ang isa't-isa ng may biglang kumatok. Tumingin ako kay tito. "Don't tell me sila 'yan..." sabi ko sa kanya. Tinutukoy ko ay ang bwisit kong pamilya. Umiling lang siya.
"Hindi naman siguro makapal ang mukha ng nanay mo kong babalik pa siya dito sa lahat ng sinabi ko..."seryosong saad niya. Ahhh. Ano bang sinabi niya? Hindi ko gets eh! MIA kaya ako kanina eh kaya hindi ko alam ang nangyari dito! Nag-eemo kaya ako kanina! Tumango na lang ako kahit wala akong kaalam-alam sa sinasabi ng tito ko.
"Sino kaya ang bisita niyo?" tanong ko na lang sa kanya. Tinitigan lang niya ako.
"Tingnan mo kaya..." sarcastic na sabi niya. Kinagat ko lang ang braso niya sabay layo sa kanya. "Samantha!" tawag niya sa pangalan ko. Binelatan ko lang siya 'tapos tumakbo pumunta sa may pintuan! Hinihingal na napahawak ako sa doorknob.
Napangiti ako habang hawak hawak ang doorknob. s**t! Everything happens for a reason. s**t talaga! Hindi ko alam kung tama ba ang grammar ko pero alam kong tama nga na may rason kung bakit nangyayari ang isang bagay and for me, kung hindi nangyari sa akin 'to ang bagay na 'to, hindi ko mare-realize na ang... tanga ko!
Ang tanga-tanga ko! Kaya ngayon, hindi na ako magpapakatanga at hindi ko na i-te-take for granted ang mga taong nasa paligid ko! Kalimutan na ang bad vibes at mag move-on-move-on din pag may time!
And hindi ko alam papunta ang sinasabi ko!
Napailing na lang ako.
Pinihit ko ang pinto pabukas ang ngumingiting bumati sa aming bisita for tonight! "Good evening p--Tang-***!" nasigaw ko ng mapagbuksan ko ang isang nakapangit na nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko! Ano nga ulit pangalan nito... 'Yung mga hinayupak na binugbog ko nun dun sa malaking bahay na PINUNTAHAN NAMIN ni Andrew! Minus nga lang nung lider nila na may edad! Damn! Ini-stalk ba ako ng mga kutong lupa na 'to? Asar! Iba na talaga 'pag magandang nilalang! Hinahanap ng mga kutong lupang katulad nila! Haysst!
hashtagGANDAPROBLEMS!
hashtagReynaNgKahanginan
"Anong ginagawa niyo dito mga kutong lupa?!" maangas na tanong ko sa kanila. Tinitigan ko sila isa-isa! Aba't ang mga loko-loko, hindi natitinag ha! Naitaas ko ang isang kilay ko ng mapansin kong may kasama silang lalaking naliligaw yata ng landas. Sa graduation ball yata ang punta ng hinayupak eh! Bakit? Naka bow at tie eh, with black suit at slacks 'tapos ang kintab ng silk polo niya ha! galing, kamustahin ko kaya ang mga silk worm na nag produce ng tela ng polo niya! Pero wow ha! Formal attire!
Tsk! Akala niya ga-gwapo siya sa suot niya? Hoy! Maniwala siya sa forever! Maniwala siyang hindi na siya gagwapo, FOREVER na 'yun!
hashtagMAKALAITWAGAS
"Hinahanap namin si Andrew-
"Anong kailangan niyo sa kapatid ko?" singit ng isang nilalang na nasa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko si Simon na mukhang inis na inis! Oh... Galit ang future father niyo!
"Pinsan!" sigaw nung lalaking mataba. Napangiwi na lang ako at nandidiring tumingin sa kanya.
"Kadiri ka!" sigaw ko sa kanya. Tumingin lang ulit ako kay Simon na nasa tabi ko na ngayon. "Kilala mo ang nakakadiring nilalang na 'to?" naniniguradong tanong ko sa kanya. Baka maya-maya FC lang ang mga 'to!
"Unfortunately, yes." parang pinagsakluban ng langit at lupa na sagot niya. Tsk! Tsk! I feel you!
"Grabe ka naman insan!" sabi nung parang nasobrahan sa pagsinghot ng rugby dahil ang payat-payat! Tsk! "PAra binibisita ka lang. Nasaan na baya 'yung hilaw mong kapatid?" nakangising sabi niya.
Uh-oh! Alert! Alert! Ngumisi ang demonyo! I feel something.... something gonna happen and... Tsk! Basta! May masamang mangyayari! Kainis! Pesteng grammar!
"Nasa loob siya, bakit?" seryosong tanong ni Simon.
Mas ngumisi lang 'yung naka-rugby!
"This was our lawyer, Mr. Balo and he wanted to talk to Andrew." sagot niya.
Napangiwi ako. Lintek! Sumakit bigla ang tenga ko sa narinig ko!
"Hoy!" sigaw ko sa kanya. "Peste ka! 'Wag kang umi-English! Wrong grammar ka!" Anak ng! This was? Bwisit! Baka 'this is'! Atsaka 'wanted' Wantedin ko mukha nila! Lintek!
"Tumahimik ka, trip namin 'to!" sigaw niya pabalik sa akin! Aba't!
"Pigilan mo ako, Simon. Pigilan mo ako! Mabubugbog ko ang mga gunggong na 'to!" mahinang sabi ko sa kanya. Umaakting pa ako na parang pinipigilan niya ako kahit hindi naman niya ako hinahawakan! Pero ang lintek, hindi ko narinig nagsalita na 'No, Sam it is bad..." Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. Ang seryoso niya habang nakatingin sa tatlong Charlie's Evil!
"Hoy..." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
"Ano ba ang sasabihin niyo sa kanya?" seryosong tanong niya. Napalunok na lang ako. Uh-oh! Alert! Alert! Hindi ko alam ang nararamdaman ko, tulungan niyo ako! Kinakabahan ako na na e-excite! Signs of pagiging baliw na ba 'to?
"Maniningil kami ng utang sa kanya." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa kanila-Sa mga pangit na nilalang!
"Utang?" rinig kong ulit na tanong ni Simon.
"Oo!" nakangising sagot nung rugby boy! "Ito nga oh, utang niya..." sabi niya sabay bigay nung isang folder. Nakita kong tinanggap niya 'yung folder. Focus kasi ako sa pagtitig sa mga pangit na nilalang na nasa harapan ko. Hinahanda ko kasi ang sarili ko na kapag may ginawa silang kabaliwan, bibigyan ko sila ng Samantha kamehami wave with kick! in short, bubugbogin ko sila hanggang hindi na sila gumagalwa at humihinga! "Pakisabi na rin sa kanya na baka sa kulungan siya hahantug kapag hindi niya kami binayaran.."
"Bwisit..." mabilis na napatingin ako kay Simon ng marinig ko 'yun. Nakita ko siyang tulala na parang gulat din sa nasabi niya. Dahan-dahan na tumingin siya sa akin. "I..." hindi niya natuloy ang sasabihin niya.
"Did you just..."
Mabilis na nag-iwas siya ng tingin sa akin kaya hindi ko na lang inuloy ang sasabihin ko. Halata naman sigurong siya ang nagsalita diba? Itanong pa!
Oh....
Hinawakan ko ang balikat niya at tinap 'yun.
"Congratulations..." sabi ko sa kanya sabay ngiti ng palihim! Hahaha!
Mabilis na nawala ang ngiti ko.
Anong nakakatawa? Nakakabahala kaya 'to! Peste ang mga pangit na nilalang na 'to! Hindi ba nila alam, ako ang mapapasama! Baka masabihan pa nila akong bad influence! Lintek! "Okay lang 'yan, hindi ka mamamatay sa simpleng mura!" sabi ko sa kanya sabay masamang tumingin sa mga Charlie's Evil! Sila! Sila ang mamamatay sa bugbog ko!
"Simon, Sam, ba't ang tagal niyo? Sino ba kasi 'yan?!" parang inis na tanong ni tito. Mabilis na lumapit ako sa kanya. Nasa likuran ko kasi siya.
"Mga bad spirits!" sigaw na sagot ko kay tito. Maang na tumingin siya sa akin. "May mga bad spirits 'to!" ulit na sabi ko.
"Bad spirits?" tanong niya sa akin sabay. Tinuro ko na lang sa kanya ang mga bad evil spirits na sinabi ko. Kunot ang noong tumingin siya sa tinuturo ko. Tumitig si tito sa kanila. Nakita ko ang paglunok nung tatlo. Oh... Takot sila sa tito ko! Gangster kasi 'to dati-Joke lang!
"Lumayas kayo dito mga kampon ni Satanas!" malakas na sigaw ng tito ko at nagsitakbuhan ang mga pangit na nilalang na 'yun!