Sam's POV
"Andrew, ano na naman 'to?" rinig kong tanong ni Simon. Napatingin na lang ako sa salamin na nasa harapan ko.
"Salamin, salamin, sabihin mo sa akin, ano ang dapat gawin sa mga taong walang balak magpatulog sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa?" bored na tanong ko. Utang na loob kasi! Anong oras na, nag-aaway pa sila sa labas! Paano na lang ang beauty sleep ko?! Tsk! Paano kong maka-pimples ako? Ano lang mangyayari sa fans ko? Tiyak, iiyak sila sa balitang 'yun! Ahhh! Anong gagawin ko?
"Kuya naman!" rinig kong sigaw ni Andrew! "*Blah blah blah*..." takte! Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Andrew! Narinig ko namang sumabat si Simon kaya mas lalong uminit ang ulo ko! Sinasabotahe nila ang beauty sleep ko! Gusto nila akong pumangit! Mga walang hiya!
"Argh!" inis na sigaw ko.
Nanlilisik ang matang tumingin ako sa pintuan ko. Kayong mga kumag na kayo, humada kayo sa akin!
"Bakit nga hindi mo sinabi?!" rinig kong sigaw ulit ni Simon!
"Bwisit!" inis na sigaw ko. Nakakainis na talaga sila! Nagmamadaling kinuha ko ang jacket ko-malamang naman na lumabas ako dun na nakasuot lang ng manipis na pantulog, wala pa naman akong b*a! Makasala pa ako! Sinuot ko ang jacket ko at lumabas.
"Hoy!" sigaw ko sa magkapatid na ewan! "Magpatulog naman kayo hoy!" inis na sigaw ko sa kanila. Napatingin silang dalawa sa akin.
"Edi, matulog ka!" sigaw sa akin ni Andrew! Nanlaki ang mata ko. Aba't! Gago ang lalaking 'to ah!
"Sam, 'wag ka ng makisawsaw sa dalawang 'yan..." sabi ng tito ko na nasa gilid ko. Napatingin ako sa kanya. Aba't, gising pa pala 'to! Bakit hindi niya sinasaway ang dalawang 'to?! Hindi ako makatulog! Pati rin ba siya, sinasabotahe ang beauty sleep ko? Ang sasama nila dito!
Gusto ko na talagang umiyak! Kasi naman, inaantok na talaga ako pero ang dalawang 'to, parang mga engot! Kanina pa kasi sila nag-aaway at parang walang katapusan ang away nila eh! Tungkol pa rin 'yun sa utang thing ni Andrew dun sa mga evil spirits! Padabog na kumuha ako ng isang upuan at umupo dun! Kahit wala akong maintindihan sa pinag-aawayan ng dalawang 'to, makikinig na lang ako! Hindi rin naman ako makatulog eh!
"Simon, bakit hindi mo sabihin kay Andrew ang totoo kung bakit nalugi ang negosyo niyo..." napalingon ako kay tito ng marinig ko 'yun.
Totoong rason? Tumingin ako kay Andrew.
"Hey, Andrew diba sabi mo sa akin, nalugi ang negosyo niyo dahil nasiraan ng bait ang ate mo nang malaglalag ang anak niya?" inosenteng tanong ko sa kanya.
Napalingon sa akin si Simon at Andrew.
"Ano Sam?" tanong ulit sa akin ni Simon!
"Samantha!" sigaw sa akin ni Andrew 'tapos pinandilatan ako ng mata. Kumunot lang ang noo ko. Ano? May sinabi akong hindi maganda? Wala naman diba?
"What?" maang na tanong ko kay Andrew. "'Yun naman ang sinabi mo sa akin diba? 'Yung ate Carla mo ang naiwan sa hacienda niyo. Siya ang namahala nito kasi ikaw, mag-aaral ng medisina sa Maynila 'tapos si Simon, magpapari..." sabi ko sa kanya. 'Yun naman talaga ang sinabi niya diba? Minsan parang sira talaga 'tong si Andrew. "Pero may nakilala ang ate mong sira-ulo, pina-inlove siya, binuntis at iniwan 'tapos na-depress ang ate mo kaya---
Mabilis na lumapit sa akin si Andrew at tinakpan ang bibig ko. "Akala ko pa naman, mapagkakatiwalaan kita, bakit mo sinasabi 'yan?!" inis na tanong sa akin. Teka, bakit naiinis sa akin ang lalaking 'to? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ha! Nakakainis na din siya ha! Parang biglang nag-bell sa utak ko ng marealize ko kung bakit parang natataranta ang gago. Tsk! Tingin niya ba na sasabihin ko 'yung tungkol sa laglag? Ano ako sira?!
Inis na kinagat ko ang kamay niya 'tapos ay sinuntok si Andrew sa mata. Ha! Black-eye men! Pero, quits lang kami noh, ang alat kaya ng kamay niya! Yuck! Pinameywangan ko siya!
"Anong tingin mo sa akin, sasabihin ko 'yung tungkol sa pagpapainom mo ng pampalaglag sa ate mo kaya namatay 'yung baby?" inis na tanong ko sa kanya. Huli na para ma-realize ko ang sinabi ko! Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko at dahang-dahang tumingin sa mukha ni Andrew na ngayon ay nanlalalaki din ang mata.
Bwisit!
Perks of inaantok?
"What?" tanong ni Simon.
Oh my God!
Mag baliw-baliwan na lang kaya muna ako?! Para naman--
"Anong sinabi mo, Samantha?" madiin na tanong sa akin ni tito. Napapikit ako. Lagot! Lagot! Lagot!
Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga ko talaga!
"Samantha, anong sinabi mo?" ulit sa akin ni tito. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at tumingin sa kanya.
"Ano... Ano..." naghanap ako ng pwedeng sabihin sa kanya. Ghad! Tulungan niyo po akong magsinungaling! "Ano, ni-r**e po ako ni Simon?" nasabi ko bigla. s**t! Ano?!
"Huh?!" sabay na sigaw ng tatlong kasama ko. Lintek ASDFGHJKL! Bakit 'yun ang nasabi ko? Nababaliw na talaga ko! Tumingin ako kay Andrew.
"Andrew, ikaw na nga ang mag explain, ikaw naman ang may salarin eh!" sinamaan lang ako ng tingin ni Andrew. Oopsie!
"Mali ang naging desisyon ko ng sabihin ko sa 'yo ang bagay na 'yun..." serysong sabi niya. Napalunok na lang ako. Lagot! Galit siya! Pero gaya nga ng sabi ng iba, walang sekretong nabubunyag kaya okay lang siguro na malaman nila ang tungkol sa sekreto ni Andrew. 'Yun nga lang, wrong timing ang pagkakabunyag ng sekreto niya!
---------------
"Andrew, wala kang kasalanan..." simula ni Simon sa kwento niya. "Carla is not ..." hindi niya natapos ang sasabihin niya at tumingin kay Andrew na ngayon ay tulala. Actually, wala akong maintindihan! Matapos ko kasing masabi 'yung sekreto ni Andrew, pinalabas ako ni tito at pina-igib ng limang drum gamit ang maliit na timba! May brown-out daw kasi bukas kaya kailangan akong mag-igib! At may good news ako, hindi na ako inaantok! Imbiyerna na imbiyerna na lang ako! Peste! Nakakapagod! Lintek na Maynilad! Sabi nila maliwanag ang buhay! Maliwanag? Malapit na akong mamatay sa pagod! Ay teka! Mali pala! Linya pala 'yun ng Meralco! Argh! Basta peste silang dalawa! Kumuha na lang ako ng isang basong tubig at uminom!
Nga pala, hindi ako tsismosa, invited ako sa usapang 'to! 'Yun nga lang late ako dahil nagtimba pa ako! Kaya hindi ko alam ang topic nila!
"Hindi mabait si Carla." madiin na sabi ni Simon. Tumingin ako kay Simon. Ah... Revelation? Uminom na lang ako ng tubig! "Hindi mo rin siya kapatid!" nabulunan ako sa sinabi ni Simon.
"Ano?" sabay naming tanong ni Andrew. Hindi sila magkapatid na magandang baliw na 'yun?
Kung ganun, kung hindi sila magkapatid, jowa ba siya ni Simon? Kaya ba --
"Hindi mo siya kapatid dahil adopted lang siya ng mga magulang mo!" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kung ganun, hindi niya pala jowa ang babaeng 'yun. Nagpatuloy na lang ako sa pag-inom!
"Bakit hindi ko alam ang tungkol dun?" tanong ni Andrew.
"Because hindi pinaalam ng mama mo. Knowing you, ibu-bully mo lang si Carla kapag nalaman mo 'yun." Oh! Napatigil ako sa pag-inom at tumingin kay Andrew. Salbahe! "Pero, I realized na mali ang naging desisyon ng mama mo. Dapat nalaman mo ang bagay na 'yun para mabully mo ang babaeng 'yun at maputol mo ang sungay nya!" parang inis na sabi niya.
"You are angry..." sabi ni Andrew kay Simon
"Very angry..." sagot naman ni Simon. Napalunok na lang ako. Nakakatakot siya! Iba talaga kapag ginalit mo ang isang napakabait na tao na tulad niya! "I hate that woman! Pero dahil legal siyang inampon ng mga magulang mo, wala akong magawa tungkol sa kanya. Kasi kapag, sinasabihan ko siya sa mga ginagawa niyang hindi maganda, ako pa ang pinagmumukha niyang masama. Kaya hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya kahit minsan nakakainis na ang ginawa niya..." nakita ko ang pagtangis ng bagang ni Simon sabay talikod kay Andrew. "Andrew, siya ang may kasalanan kung bakit nalugi ang negosyo niyo kaya dapat siya ang sumasalo sa mga problema mo." madiin na sabi niya at puno 'yun ng galit.
"Huh? Bakit?" tanong ni Andrew na sabog! HIndi pa rin siguro na-absorb ang revelation na nalaman niya. Lumingon si Simon.
"Kilala mo naman ang mayordoma natin diba?" tanong ni Simon sa kanya.
Tumango lang si Andrew.
"Ang mayordomang 'yun, ang totoong nanay ni Carla. Lahat ng ari-aran natin, inilipat niya sa pangalan nila at para hindi magmukhang sila ang may sala sa pagkawala ng ari-arian natin, kinontak nila ang mga mukha kong perang kamag-anak at kinutyaba sila." napanganga na lang ako. May pagka-Napoles pala ang mga 'yun! Tsk! Tsk! Atsaka, kamag-anak? 'Yun ba 'yung mga bad spirits?
"Kaya ba sinabi sa akin ni manang na lapitan ko ang kamag-anak mo para tulungan ako pero..." mahinang sabi niya. "s**t!" inis na sigaw ni Andrew! "They tricked me!" galit na sigaw ni Andrew. "Humanda sa akin 'yang Carlang 'yan! Tinuring ko siyang ate 'tapos ano.. Bwisit siya! Humanda siya sa akin!" sigaw ni Andrew. Lumapit si Simon kay Andrew at sinapok ang kapatid niya. Napasinghap ako! Gago oh! Dapat dinadamayan niya 'yung kapatid niya!
"Kuya!" inis na sigaw ni Andrew.
"Mamaya mo na siya resbakan! May gusto pa akong sabihin sa 'yo..." seryosong saad ni Simon sabay talikod kay . "Andrew, si Bernard na boyfriend ni Carla, nakausap ko siya." sabi ni Simon.
"Ano naman ang pakialam ko sa lalaking 'yun?" inis na tanong ni Andrew. Oo nga! Epal lang 'yanng lalaking 'yan eh!
"Tingin niya, hindi baliw si Carla. Nagbabaliw-baliwan lang daw ang babaeng 'yun dahil pinakasuhan niya 'to ng pinalaglag ni Carla ang baby nila."
Napanganga ako. Teka.. Teka lang! Loading! Loading! Ina-absorb ng utak ko lahat ng sinasabi ni Simon. Hindi nalaglag ang baby... Hindi si Andrew ang salarin kaya nawala ang baby. Kung ganun, nag da-dramahan lang ang babaeng 'yun? Ganun?! Wow! Tinalo niya ako sa artehan? Ganun? Mas maganda na nga siya, mas magaling pa siyang umarte sa akin? f**k her!
"Kung ganun....Nag-a-artehan lang siya nung ..." tumango lang si Simon. "Lintek!"galit na sigaw ni Andrew. Whoo! Parang incredible hulk yata ang isang 'to.
Pero...
Hindi siya baliw! Hindi baliw ang magadang babaeng 'yun! Nilinglang niya ako! Alam niya bang naghinayang ako sa kagandahan niya? Pero.. Inuto niya ako! Ginago niya ako kaya humanda siya sa akin! Pero, kung hindi siya baliw...
"Pwede niyo pang mabawi ang ari-arian niyo..." singit ko. Tumingin sila sa akin. Tama naman siba? Pwede nilang mabawi lahat ng meron sila! Hindi ko nga alam panu pero may kakilala akong alam 'yun. Ang kuya ko, malamang! Abogado 'yun eh! Tinitigan nila ako ng ilang segundo. Okay... Bibigyan ko sila na libreng viewing sa maganda kong mukha! Nagkatitigan ang dalawa na para bang na-realize na tama ako! Tama naman talaga ako, mga shunga! "Hindi lang 'yun, pwede niyo pang mabayaran ang utang ni Andrew..." dugtong ko pa. Pero hindi pa ako tapos. May gusto pa akong gawin! Pero, mamaya na 'yun. Ay tsk! Ngayon ko na nga lang sabihin eh! "Pero kailangan niyo munang turuan ng leksyon ang babaeng 'yun..." nakangiting sabi ko. Tumingin ulit sa akin. Ngisihan ko sila 'tapos tinaasan ng isang kilay. "Tuturuan ko siya ng leksyon sa pag-uto sa akin!" nakangising sabi ko! Humanda siya! Gaga siya! Inuto niya ako! 'Tapos, inapi-api niya pa si Simon noon! Lagot ka sa akin! Babae laban sa babae!