Twenty-two

2280 Words
Sam's POV "SO, saan mo gustong pumunta?!" tanong sa akin ni Andrew ng makalabas kami sa hospital. Tumingin lang ako sa kanya. Tanga lang?! Alam ko ba ang mga lugar dito! Kabilang bayan lang ang alam ko at 'yung shrine na... Aish! Basta! Dayo lang kaya ako! Nag roll lang ako ng eyes sa kanya. "Oh I forgot! You're a tourist!" sarcastic na sabi niya sa akin sabay talikod sa akin. Nice! Ang nice talaga ng ugali ni Andrew! Nag roll lang ako ng mata. Nakita ko siyang umupo siya sa may... Ano nga tawag dun sa may banitang na humahati sa lawn ng naglalakad at sa kalsada. Aish! Basta siya dun sa may baitang. Umupo na lang din ako sa may tabi niya. Walang nagsalita sa amin. At dahil sa hindi ako sanay sa tahimik, I need to talk! "Alam mo, Andrew, sayang ang ate mo, ang ganda-ganda niya..." sabi ko sabay tingin sa kanya. Boring na tiningnan niya ako sabay tingin sa may kalsada. "Gwapo kasi lahi namin..." mayabang na sabi niya. Pinigilan ko ang sarili ko na sakalin siya dahil sa pagiging mahangin niya. Pero, may ipagmamayabang naman siya! At totoo naman talaga na gwapo siya... Tsk! Landi lang Sam?! Napangiti na lang ako 'tapos ay napailing. Hay naku, Andrew! "But why she end up like that?" puno ng hinayang na tanong ko sa kanya. Kasi naman, ang ganda niya talaga. Siguro kong isasali siya sa mga beauty contest, tiyak na mananalo 'yun. O 'di kaya kung mag-momodel siya, tiyak na sisikat ang babaeng 'yun. Kaya bakit?! "I was a coward..." puno ng kalungkutan na sabi niya. Napakunot ang noo ko. Why... Bakit nag-iba yata ang boses niya? Atsaka, anong connect ng pagiging duwag niya sa pagiging baliw ng ate niya? Napatingin ako sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. "Tingin ko nga hanggang ngayon duwag ako..." mahinang dugtong niya na sapat lang na marinig ko. Teka... Teka lang... Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Bakit bigla na lang siyang naging ganito?! "Masaya ang pamilya naming even though kami na lang tatlo nila kuya Simon, Ate Carla at ako..." ngumiti siya ng mapakla at tumingin sa may haraan namin. Napatingin na lang din ako sa tinitingnan niya. "Bata pa lang ako sinabihan na kami ni kuya na magpapari siya, si Ate naman sinabi niya na siya na lang bahala sa negosyo namin kasi alam niya naman na wala akong hilig dun..." sabi pa niya. Lihim na napanguso ako sa sinabi niya. Yeah right! Magligtas ng tao ang gusto mo! Superman to be exact! Hindi na lang ako nagsalita at nakinig na lang ako sa kwento niya! Sa maala-MMK na kwento ng buhay niya. "Kaya after graduation sa high school, umalis ako dito sa San Vicente, lumuwas ako ng Manila to pursue my dreams. I took up Med Tech for my prep. I was busy studying kaya hindi ko na nakakamusta si ate and then one day, nagpadala ang mayordoma namin sa bahay ng sulat sa akin. She said my sister met this guy name Alfonso. Naging magkasintahan sila but this Alfonso is a d**k! Binuntis niya ang ate ko 'tapos iniwan niya 'to. Ang nakakainis pa, na-depressed ang ate ko nun..." galit na galit na sabi niya. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Parang biglang may kumurot sa damdamin ko ng makita ko ang itsura niya. Makikita mo ang pain sa mukha niya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at tumingin ulit sa may kalsada. "Umuwi ako agad nun ng matanggap ko ang sulat na 'yun at nakita ko kong gaano kalaki ang ginawang kasamaan ng lalaking 'yun sa ate ko. She used to be a happy woman, full of life pero ang nadatnan ko dito, tulala 'tapos bigla na lang umiiyak. I was 18 at that time kaya hindi ko alam ang gagawin ko kasi hindi ko kayang magpakalalaki para sa ate ko, I always depend to my kuya Simon na wala dahil nasa Cebu siya...." tumigil siya sa pagsasalita at narinig ko siyang huminga ng malalim. "Well, pumunta ako sa Cebu para sana makausap siya pero mga bwisit ang mga taong nandoon... Hindi ko daw pwedeng makita si kuya ko kasi nasa stage daw siya kong saan tini-test kung para ba talaga sa kanya ang pagpapari kaya umuwi ako ng frustrated! That's why I made a very bad decision..." walang kaemosyong-emosyong sab niya at naramdaman ko siyang tumingin sa akin. Napalunok ako at dahan-dahang humarap sa kanya. Napalunok ulit ako ng makita ko ang itsura niya. He's so serious at the same time so sad. May ganun ba? Eh sa 'yun ang nakikita ko sa kanya. "Akala ko makakabuti na mawala ang bata sa sinapupunan niya para maka-move-on na siya kaya pinainom ko siya ng gamot na pampalaglag..." bigla akong hindi nakagalaw. Parang nakalimutan kong huminga sa sinabi niya. Napatitig ako sa mukha niya. WHAT THE HELL?! Pinainom ng pampalaglag? Napalunok ako. Dahan-dahan akong napatingin sa kalsada. He's ....a.... killer? "Namatay ang bata sa sinapupunan niya sa Sam..." rinig kong sabi niya. Napapikit ako at napasapo sa dibdib ko. Oh God! Oh God! Oh my God! This is ....Damn it! Hindi ko alam ang sasabihin ko! "Kaya nga siguro tuwing dumadalaw ako dito, sinasabihan niya ako ng demonyo... Serves me right?!" Malungkot na dugtong niya. I don't know.... Hindi ko alam kong tama lang ba sa kanya na sabihan siya na 'Tama lang 'yan sa 'yo!' at sabihan siya ng kung anu-ano dahil sa ginawa niya! Kasi... I don't know! Hindi fuma-fuction utak ko! Napapikit na lang ako. "Did Simon....Alam niya ba 'to?" nakapikit na tanong ko at dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at tumingin sa kanya. Nakita ko siyang umiling. "Ang alam ni kuya, nakunan si ate Clara dahil hindi siya kumakain dala sa stress..." tumingin siya sa akin. "'Yun kasi ang sinabi ko..." malungkot na sabi niya. Napatitig ako sa mukha niya. "I— Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya dahil mabilis na yinakap ko siya. Oh God! Andrew is a pathetic person! I mean... All this time, meron siyang ganitong dinadala sekreto... Damn! And I salute him for being so strong despite of... Huminga na lang ako ng malalim... "Sam...." gulat na sabi niya sa pangalan ko. "You need a hug, idiot!" mahinang sabi ko sa kanya at para akong biglang binuhusan ng malamig na tubig. Damn! Damn! Damn! I'm so stupid! Like, what the hell, Sam?! Bigla ka na lang yumayakap?! Ano na lang ang iisipin niya?! Na-gusto mo siya?! Damn it, Samantha! Hindi ko dapat ginawa 'to?! But, he needs it! He badly needs it! Naramdaman kong huminga siya ng malalim at yinakap ako. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa pangyayaring 'to! Damn! But... "You look stupid, but you are something...." wala sa sariling sabi ko sa kanya. "Something like a killer?" tanong niya bigla. Damn! Binara niya ako brad! 'Yan tuloy, hindi ko alam kong paano ko sasabihin ang mga comforting s***h wisdom words ko para sa kanya. Huminga na lang ako ng malalim. "Hey, Andrew..." sabi ko sa kanya sabay layo ng kaunti sa kanya pero magkayakap pa rin kami. Tumingin ako sa kanya at tumingin rin siya sa akin. "Hmmm..." sabi niya sa akin. "I never good in comforting people because I'm just not good at it...." simula ko. Ngumiti ako sa kanya ng matipid at tuluyan ng kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "But honestly speaking, I think I can relate sa sinabi mo kanina so may sasabihin ako sa 'yo..." well, sligt lang naman! Slight lang ba? Kumunot naman ang noo niya. "Ano? You killed anyone--" "Of course not moron!" putol ko sa kanya. "I didn't kill anyone!" Like, ako, papatay? Damn! Oo inaamin ko na hindi kagandahan ang pag-uugali ko but I'm not like that! I believe in hell at takot akong mapunta doon. "Desperate... " Simula ko. "Dahil sa pagkadesperado mo kaya nagawa mo 'yun sa ate mo and well, I was a desperate before! So Desperate!"malungkot na sabi ko sa kanya. "Desperate?" ulit na tanong niya. "Sa isang lalaki?" nakangiting tanong niya. "No!" mabilis na sagot ko at tumingin ako sa kanya "To find someone..." mahinang sabi ko. "Who?" curious na tanong niya. "Ismael..." nakangiting sagot ko sa kanya at tumingala sa taas. Damn! Ang ganda ng langit! "Marami akong ginawa para magkapera noon, para makaipon at ng may pangpahanap kay tito kasi nang mga panahon na 'yun..." napangiti ako ng mapakla. "I saw my mom...." mabilis na tumingin ako sa kanya kasi baka bigla na lang siyang umepal at hindi ko matapos ang sasabihin ko. It's my time dude! "Nakita ko ang nanay ko kasama ang loser na classmate ko sa graduation namin. She's so happy at that time and I heard my classmate called her 'mom'! Hindi lang ang classmate ko na 'yun ang tumawag sa kanya ng 'mom' pati na rin ng mga kapatid niya 'tapos 'yung daddy ng classmate ko tinawag siyang 'sweatheart'! And alam mo ba 'yung nakakatawa, ang alam ko nasa Canada ang nanay ko!" galit na sabi ko sa kanya. That was my worst graduation ever! May honor ako at may awards but what?! Wala akong pamilyang dumating?! Walang tito, walang mama dumating at ang nakakainis, ang nagbigay sa akin ng award ay ang aking 'pinakapaboritong teacher' na palaging hinihila ang patilla ko tuwing nalilista ako sa noisy! Kaya bwisit lang talaga! "Kaya after graduation, nagtrabaho ako sa isang fast food chain using a fake name, fake biodata at NSO kasi... Like, menor de edad ako kaya sino ang tatanggap sa akin?!" galit na tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya sa akin. Oh kita niyo na, pati siya walang masagot?! "Natakot ba ako ng ginawa ko 'yun?" matapang na tanong ko sa kanya. Tumitig lang siya mukha ko kaya inismiran ko siya "No!" nakangising sabi ko sa kanya. Kasi hindi naman talaga ako natakot! Kasi kong makukulong ako, wala akong pakialam-'Yan ang lagi kong sinasabi kapag tinatanong ako ng iba kung natakot ba ako sa ginawa ko! Huminga muna ako ng malalim. Bwisit! Saan papunta ang sinasabi ko?! Pero, I'm telling my story at WALANG MAKAKAPIGIL SA AKIN! "It was fun!" nakangiting sabi ko sa kanya. Yeah! It was fun! "And I met my best friend Sally..." nakangiting sabi ko. "Si Sally na nagsabi sa akin na hindi ako nakakaawa! Change me for being a stone heart girl to a..." awesome? Napangiti na lang ako. "Sabi niya hindi kawalan ang pamilya ko kasi lost nila ang mawala ang isang tulad ko..." wala sa sariling sabi ko. Napangiti ako ng mapakla. Sally. "Where is she?" tanong ni Andrew sa akin. Napatingin ako sa kanya. "Huh?" tanong ko. "Sally. Where is she?" tanong niya. Where? Napatitig ako sa mukha niya. Nasaan si Sally? Ngumiti lang ako sa kanya ng matipid. "Secret!" nakangiting sagot ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at balak sanang magtanong pa kaya wala sa sariling kinuha ko ang dalawang bagay na 'yun sa bulsa ko at binigay sa kanya. "Ano 'to?" tanong niya sa akin. "Bigay ng sister mo..." nakangiting sagot ko habang tinataas ang isang kanang kilay ko. Naguguluhang tumingin siya sa akin na para bang naguguluhan sa akin, sa mga pinagsasabi ko. I just rolled my eyes 'tapos huminga ng malalim! "Tingin mo ba talaga na hindi ka mahal ng kapatid mo?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot imbes tinitigan lang niya ako. "Well, dude! Mali ka ng iniisip! Mahal ka niya! In fact, nung umalis ka, binigay niya sa akin 'yan." Sabi ko sa kanya sabay turo nung papel at kwintas na bigay ng baliw niyang ate! Binuka niya 'yung nakalukot na papel at nakita kong kumunot ang noo niya. "Hell! Ano 'to, drawing ng isang five years old?!" tanong niya. I just rolled my eyes again! "Hindi, idiot! Sabi ng kapatid mo, 'yang papel, treasure map daw 'yan kaya 'yang mga x, nandyan daw 'yung mga treasures na ubos na...?" tama ba ang pagkakasabi ko sa sinabi ng kapatid niya? Well, tingin ko Oo! Tumingin sa akin si Andrew. "So ano 'tong bilog?" nakakunot ang noong tanong niya sa akin. "Treasure niya!"sagot ko at napalabi pa ako. Napatingin ako sa kwintas niya. Damn! Muntik ko ng makalimutan ang key for the heaven's gate! Peste lang! "At ang susi ng treasure box niya ay 'yang kwintas na 'yan..." dugtong ko pero parang hindi pa rin niya naintindihan. Loading lang ang peg?! "Sabi din pala niya kung hindi mo daw maintindihan 'yang map na ginawa niya, pumunta ka na lang sa kwarto niya at pumunta ka sa book shelf niya 'tapos kunin mo 'yung libro niyang twilight!" Tinaas ni Andrew ang isang kilay niya. "So saan banda ang pagmamahal ni ate Clara sa sinabi mo?" tanong niya sa akin. Asdfghjkl! Asar ka talaga Andrew! "She said..." Damn! Napaisip ako! Saan nga ba?! Aish! Nakalimutan ko! Tama! "Para makatulong sa inyo kasi..." Ano nga ulit 'yun...Napapikit ako! Damn! Sam! Gamitin mo ang pagiging first honourable mention mo sa elementary! Tama! "Sabi niya, inaasahan niya daw na magiging poor kayo at nakakaawa daw si bunso kasi siya ang namamahala sa negosyo nila..." Napatitig siya sa mukha ko. "At naniniwala ka sa sinabi niya na may treasure talaga sa libro niyang twilight, Sam?" manghang tanong niya. "Baliw ang ate ko, Samantha! Atsaka treasure sa loob ng libro, seriously Sam?!" nakangiwing tanong niya. Nanlilisik ang matang tumingin sa kanya at tumayo. Nakakainis na siya ha! I'm trying to comfort him! Bakit hindi na lang siya mag thank you?! "Damn, Andrew! Do you think that naniniwala ako sa kanya?! Use your brain idiot!" inis na sigaw ko sa kanya sabay sabunot ng buhok niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD