Twenty-one

2388 Words
'Welcome to San Vicente Mental Hospital' Napanganga ako sa karatolang nasa harapan ko. San Vicente Mental Hospital. Mental Hospital? Hospital ng mga baliw? Oh God! Papasok kami diyan? Uwi na lang kaya ako? "Tara na, Sam..." mahinang sabi sa akin ni Andrew at hinila niya ako papasok sa mental hospital. Nagpahila na lang ako sa kanya kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi kung aayaw ako, ano na lang ang sasabihin niya? Ako kaya ang sumama sa kanya. Naman oh, pagminamalas ka nga naman! "Andrew, sino ang pupuntahan na'tin dito?" tanong ko sa kanya. Huminto siya sa paglakad pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Humarap siya sa akin at ngumiti. Sasagutin na sana niya ang tanong ko sa kanya ng may biglang lumapit sa amin-akin pala at yinakap ako ng mahigpit. Napatulala na lang ako. Ano 'to?! "Hey!" rinig kong sigaw ni Andrew sa taong yumakap sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya. Oh God! "A...A...An..Drew..." kinakabahang tawag ko sa kanya habang hinihila ang kamay niya. Please alisin niya ang taong nakayakap sa akin. I think, MAMATAY NA AKO SA HIGPIT NG YAKAP NIYA AT KABANG NARARAMDAMAN KO!! Pilit namang inaalis ni Andrew ang pagkakayakap ng kung sinong Ponchio Pilato sa akin. "Bitawan mo siya!" sigaw pa ni Andrew habang pilit na inaalis ang kamay na nasa bewang ko ng taong nakayakap sa akin. God! Ba't ayaw niyang matanggal?! Tuko lang siya?! Wala sa sariling napadasal ako ng Our Father! "Asawa ko!!!" rinig kong sigaw ng taong nakayakap sa akin. Kailan ako nag-asawa? Napaisip ako. Wala akong natatandaang pinakasalan kaya... Nanlaki ang mat ako ng hinaplos niya ang buhok ko 'tapos hinalikan ang buhok ko. Kinilabutan agad ako. s**t na malagkit! "Miss na miss kita asawa ko..." napalunok ako. Oh God! Nasaan na ako sa Our Father?! Atsaka.... 'Yung boses ng lalaking nakayakap sa akin... Mas nanlaki ang mata ko. Oh God no! Sana mali ang nasa isip ko. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "Halika na asawa ko, gawa tayo ng baby..." napasighap ako at kinilabutan ako ng bogga-bongga sa sinabi niya! "Ahhhhhhhhhhhhhhh!" histerikal na sigaw ko at pilit na kumawala sa taong nakayakap sa akin pero mas hinigpitan lang niya ang yakap sa akin. "Oh God! Bitiwan mo ako!" Ginalaw ko ang kamay ko para sana suntukin siya kaso naipit ang kamay ko sa mga braso niyang nakayakap sa akin. No! Ayoko! I dream to walk in the aisle with my virtue on and with my future husband! Kaya no way! Pumiglas ako. Pero bakit hindi matinag-tinag ang lalaking 'to! God! "Andrew, help me! Andrew!" sigaw ko sa kanya. "I'm trying Sam pero ang lakas ni lolo!" sigaw niya sa akin. Napatigil ako sa paglaban ng masamang nilalang na nakayakap sa akin sa sinabi ni Andrew. Lolo? What? May matandang tulad niya ngayon? Oh my gosh! Bumalik ulit ako sa paglaban sa kanya! "Asan na ba kasi ang mga nurses dito?!" rinig kong sigaw niya. "Asawa ko, 'wag ka ng pakipot pa..." malambing na sabi niya sabay halik sa buhok ko. Oh my gosh! "Andrewwwwwwwwwwww!!!!!!!!!!" mahabang sigaw ko! Napapikit ako at pilit na kumakawala! Jusko! Ayoko! Please tulungan niyo ako. May narinig akong lumapit sa amin. Oh my gosh! Nandito na ang katropa niya! Katapusan ko na! Bye-bye virginity! Ahhhhhhhhhhhhhh!!!! Mama! Papa! Kuya!!! Tulong!!! "MA'AM SORRY PO TALAGA..." sinamaan ko lang ng tingin ang nurse. Sorry? Kainin niya ang sorry niya! Muntik na akong ma-r**e ng sira-ulong 'yun! Bwisit! Hindi na lang ako nagsalita kasi baka may masabi pa akong hindi maganda at umabot pa sa tito ko. Ako na naman ang lalabas na masama. Niyakap ko na lang ng mahigpit ang sarili ko. s**t! Muntikan na talaga! Buti na lang talaga dumating ang mga doctor at nurse ng mental hospital na 'to para pigilan si Isko a.k.a. r****t ko na gawin ang masamang bagay na 'yun sa akin. Sabi kasi ng nurse na nasa harapan ko. Nakawala daw si Isko sa kwarto niya at hinanap nila sa buong hospital. Hindi daw nila akalain na aabot sa may entrance si Isko kasi sobrang layo na daw nito sa kwarto ng matanda.... Mga tanga lang! Baka nakakalimutan nila, TAX ng mga mamayang Pilipino ang pinapasuweldo sa kanila kaya umayos sila! Ipa-DOLE ko sila eh! Kainis lang talaga! "Sam, okay ka na ba?" tanong sa akin ni Andrew. Walang kaemosyong-emosyong tinitigan ko siya. Bwisit! "Tingin mo, okay lang ako?" sarcastic na tanong ko sa kanya. Alanganing ngumiti siya sa akin 'tapos nag peace sign. "Hindi..." umiiling na sabi niya. "But, Sam seriously, mukha kang tanga kanina..." panunukso niya pa. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya nag-peace sign lang ulit sa akin si Andrew. Bwisit 'to! Muntikan na nga akong ma-r**e, pinagtitripan pa niya ako! Sira talaga! Inirapan ko na lang siya at tumingin sa dinadaanan namin. Napalunok na lang ako sa mga nakikita ko. Ghad! Paano kaya nasisikmura ng mga empleyado dito ang ganitong trabaho? Kasi ang dumi! May ihi na nagkalat sa sahig lalo na sa mga sahig ng mga kwarto ng mga pasyente nandito. Selda-selda kasi ang kulungan kaya makikita mo 'yung mga ginagawa ng mga pasyente dito. At parang mga ewan lang talaga ang mga pasyente dito! May mga pasyente kasing dinidilaan ang pader, may nagdarasal ng latin, may nagbubulaga, kumakaway 'tapos kapag pinansin mo iiyak! Meron ding normal tingnan pero pag tumatagal bigla na lang nanghahamon ng away sa 'yo, dahil demonyo ka daw at sugo daw siya ng Diyos 'tapos papatayin ka niya! Jusko! Buti hindi nababaliw ang mga empleyado dito! "Andrew, sino ba kasi ang pupuntahan na'tin dito?" tanong ko sa kanya. Hindi pa kasi niya nasagot 'tong tanong na 'to kanina. "Ate ko..." sagot niya sa tanong ko. Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kanya. Teka. Diba napag-usapan nila Simon 'yun kahapon. 'Yung si Clara ba 'yun? "Ito na pala siya eh..." sabi ni Andrew. Napatitig ako sa kanya ng bigla siyang huminto sa isang selda s***h kwarto... Tumingin siya doon at biglang kumaway. Lumapit ako sa kanya. May nakita akong isang babae na nakayuko sa amin... "Hoy, Clara!" sigaw ni Andrew kaya hindi nakakapagtaka na tumingin sa amin 'yung babae. Napanganga ako ng makita ang mukha nung babae. Dude! Define diyosa? CLARA! Grabe! Ang ganda niya! Ang tangos ng ilong, ang pula ng labi kahit wala namang lipstick 'tapos ang kinis-kinis pa niya. Nakaka-insecure! Kasi... 'yung pagkakinis niya, akala mo oily face siya pero hindi Ganun! Grabe! Sana ganya— "Demonyo!" sigaw ni Clara! Napatigil ako sa pag-aapreciate sa kagandahan niya ng sabihin niya 'yun at napatitig sa kanya. Masamang tinitigan niya si Andrew at may kinuha siyang Barbie doll na nasa kama at mahigpit na yinakap 'yun. "Alis! Umalis ka!" utos niya kay Andrew. Damn! "Tsk!" rinig kong sabi ni Andrew. Napatingin ako sa kanya. "She's worst!" inis na sabi niya at may kinuha siya sa bulsa niya. Nakita ko siyang may hawak na susi at pumunta sa may lock ng selda at binuksan 'yun. "Umalis ka dito, demonyo!" sigaw ni Clara at lumapit kay Andrew 'tapos sinutok sa mukha. Napasinghap ako at napahawak sa bibig ko. Damn! Supergirl, ikaw ba 'yan? Bakit baliw ka? "Alis! Alis sabi eh!"paulit-ulit na sabi ni Clara habang sinusuntok si Andrew. Naawa ako bigla kay Andrew. Lumapit ako sa kanila at pipigilan ko na sana si Clara ng biglang magsalita si Andrew. "Clara, shut up!" galit na sigaw ni Andrew. "Nakakainis ka na ha! Buti nga at binibisita kita dito, tapos ano, mag-iinarte ka pa diyan!" galit na dugtong niya. Tumigil naman si Clara sa pagsuntok at tumitig kay Andrew 'tapos umiyak. "Ang sama-sama mo, inaaway mo ako!" sigaw ni Clara sabay belat at iyak! Damn! Nakakabanas na ang babaeng 'to! Kasi! Why? Bakit siya ang binigyan ng magandang mukha pero may tuliling! Sana akin na lang ang ganda niya! Kainis ha! Bwisit! "Damn!" sabi ni Andrew. "Sam, iiwan muna kita dito, pupuntahin ko muna ang nurse niya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "What?!" gulat na tanong ko sa kanya. Sasagot sana ako ng 'no' pero ang gago umalis ng diretsu-diretsu! Anak ng! Bigla akong kinabahan ng bigla niyang inilock ang pituan. s**t!!!!! "Andrew!" pero hindi siya lumingon sa akin. Peste! "Andrew!" mahabang sigaw ko. "Hahahahahaha!" nanigas ako ng tumawa ang babaeng nasa likuran ko. Oh my God! Oh my God! OH MY GOD! Ano ang gagawin ng babaeng 'to sa akin?! Babalatan niya ba ako! Oh my gosh! 'Wag naman sana, hindi ko pa nga na fi-feel ang result ng kojic soap na ginagamit ko 'tapos babalatan pa niya ako! Oh my God! Napapikit ako at naghintay sa gagawin ng babaeng 'yun sa akin. "He's pissed!" Hmm! Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumingin sa kanya. Hindi niya ako babalatan ng buhay? I-to-t*****e? Gagawing punching bag? Oh come on! Anong klaseng baliw siya?! Harmless?! Damn! So ano, hindi totoo ang nakikita ko sa TV?! Na kayang balatan ng buhay ng mga baliw ang isang tao? Napatitig na lang ao sa kanya. Nakaupo siya sa kama at hinahaplos ang mukha ng doll na dala-dala niya. Tumingin siya sa akin 'tapos ngumiti. Napatulala lang ako. Why she's so pretty? Nakakainis na talaga ha! Sana ako na lang siya-minus sa pagiging eng-eng niya! "I hear your name is Sam?" malumanay na tanong niya sa akin. Wow! Speaking English! Wow! Nice! Ang galing! Galing lang talaga! Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya. Mabilis na hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ang magkabilang palad niya sa mukha niya. Wow, ang lambot na pisngi niya. Napatitig rin ako sa mukha niya. Grabe! Ang ganda niya talaga! Naka-tomboy ang kagandahan niya! And this is really, really ahhhhhhhhh nakakainis! Nakakainis na talaga ang penomenang ito eh! Kasi ako kailangan ko pang maglagay ng kung anu-ano para ma-achieve ang ganitong kakinis at ka-smooth na mukha pero siya, bwisit! Magpakulong na lang kaya ako dito para maging katulad niya-KAGANDA! Bwisit! "Nasaan si Andrew?" tanong niya bigla sa akin. Huh? Biglang lumungkot ang mukha niya at binitawan ang kamay ko. "Si Kuya Simon?" tanong niya ulit. "Asan na sila? Today is my birthday pa naman..." malungkot na sabi niya. Napatitig lang ako sa kanya. "Clara..."malumanay na tawag ko sa kanya. Mabilis na tumingin sa akin. s**t! Anong sasabihin ko?! "You know me..." masayang saad niya. "Pinadala ka ba ni Kuya Simon dito?" masayang tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. Tumili siya at yinakap niya ako ng mahigpit. "Sabi ko na nga dadating ang araw na 'to!" masayang sabi niya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako ng mabuti. "May ibibigay ako sa 'yo..." nakangiting sabi niya sabay hawak sa leeg niya. Napakunot ang noo ko ng may nilabas siya doon. Kwintas! Malamang! Ano pa ba ang aasahan mong bagay na pwedeng kunin sa may leegan? Hindi naman siguro oesophagus diba? Napatitig ako sa kwintas niya, hindi ako eksperto pero masasabi kong orig ang gold necklace niya na may susi-Holy sh*t! Mabilis na napahawak ako sa susing nandoon. Ang ganda nito ah! Gold ang color ng susi 'tapos may red gem sa taas na parang tulad sa mga susi na ginagamit sa mga fairytale! Teka lang! Fairytale? Damn! Nababaliw na ba din ba ako? Kung anu-ano ang pinag-iisip ko eh! Asan na ba kasi si Andrew? "Ano 'to?" tanong ko na lang sa kanya. Tumigin lang siya sa akin at ngumiti. "Key for the heaven's gate!" nakangiting sabi niya. Asdfghjk! Peste! Sam, maganda lang siya pero may tuktok siya sa utak niya kaya 'wag kang masyadong ma-starstruck sa kanya at umpisahan mong kolekatahin ang matino mong utak!! God! Normal ka, Sam! 'Wag kang maniwala sa baliw na 'to! "Heaven's gate?!" naiinis na tanong ko sa kanya. Peste lang talaga. 'Pag bumalik si Andrew dito, mababatukan ko siya! Mababaliw na ako! "Yes!" tumatangong sabi niya sabay kuha nung doll at tinggal niya ang ulo nun. Damn it! May pagka-brutal pala ang baliw na 'to! May napansin akong papel sa katawan ng doll. Sa loob! Basta may papel sa loob ng doll. Peste lang kasi! Nakakabanas na! Asan na ba kasi ang mokong na si Andrew?! Kinuha niya 'yung papel at binigay sa akin at ako namang gaga, tinanggap ko. Para matapos na ang pakikipagplastikan ko sa kanya. Binuka ko 'yung papel para makita ko 'yun. May nakita akong mga marka-markang 'x' na nandoon 'tapos may isang malaking markang bilog sa dulo."'Yang x..." sabi ni Clara sa akin sabay turo nung mga marking x, "'Yan ang mga lugar na may laman ng pera, pero tingin ko wala na 'yan kasi ginastos ko sa pagbili ng maraming properties sa Davao eh..." mahinang sabi niya sa akin. "Pero 'yang bilog..." sabi niya sabay turo nun. Napatingin ako sa kanya. Huhulaan ko ang sasabihin ng babaeng 'to, treasure ang nasa marking bilog na 'yun. "Diyan nakatago ang treasure..." Yup! I'm right! Damn it! "Talaga lang ha?" sarcastic na tanong ko sa kanya. "Talagang-talaga! Kung hindi mo naiintindihan ang map na 'yan pumunta ka na lang sa mansion namin at pumunta ka sa kwarto ko. Kapag nakapasok ka na, pumunta ka sa may book shelf ko..." aba! Inutusan niya pa ako?! Galing! Inilapit niya sa akin ang mukha niya yung tipong 1 inch na lang ang layo. "Kapag nakita mo, ang mga librong kong twilight saga, kunin mo 'yun at makikita mo ang treasure box ko..." seryosong dugtong niya! "Oh really?" hindi naniniwalang tanong ko sa kanya. Treasure? Nasa librong twilight? Come on! Asa maniniwala ako sa kanya! "Yes... Nandoon nga din ang laman ng safe ni Kuya Si eh..." nakangiting sabi niya at lumayo sa akin... "Alam mo kasi si bunso, sigurado ako, na nalulungkot 'yun ngayon kasi siya ang namamahala sa mga negosyo namin..." napatigil ako sa pagmamaldita ng sabihin niya 'yun. Oh! Hindi updated ang babaeng 'to! Wala na silang negosyo! Wala na nga silang bahay eh! Sabihin ko kaya sa kanya? Nah! 'Wag na! Baka mas lumala pa ang kalagayan niya! "Wala pa naman 'yung ka-interesado-interesado sa negosyo kasi magligtas ng tao ang gusto nun eh..." sabi pa niya. Eh? Magligtas ng tao? Superman? Gusto niyang maging superhero? Adik lang?! "Kaya tinago ko 'yung pera ko kasi alam kong darating ang panahon na magiging poor kami! Atsaka paki-sabi na rin na mahal ko sila" masayang dugtong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD