Sam's POV
*TOK *TOK *TOK
DAHAN-DAHAN KONG dinilat ang mata ko. OH. MY. GOSH. Mabilis na pinikit ko ang mata ko at kinuha ang unan na nasa tabi ko 'tapos tinakip 'yun sa mga mata kong nakapikit. Ghad! May lindol ba?! Bakit umiikot ang mundo? Ang sakit pa ng ulo ko! Sobrang sakit! Parang binibiyak! Oh God help me! Is this signs of dying? Malapit na ba akong kunin ni Lord? Oh please don't! Hindi pa ako nakaka-kumpisal baka sa hell ako mapunta! Oh gosh! Bumangon ako ng nakapikit. Umupo ako sa kama at dahan-dahan kong dinlat ang mat ako ulit. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na umiikot ang mundo... Asar! Ano ba ang pinag-iisip ko?! Damn hang-over! Biglang napakunot ang nook o ng dahang-dahang bumukas ang pintuan ng kwarto ko...
"Honey, are you alright?" mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto at ng magsalita siya. Damn! Am I dreaming?-Nightmare to be exact?! At para makasigurado...
"Ma?" wala sa sariling saad ko. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. Ngayon ko lang napansin, may dala-dala siyang gamot at tubig.
"Hmmm..." nakangiting sabi niya. Napamaang ako. No way! Mabilis na nanlaki ang mata ko at napatayo sa kama. Damn! Siya lang pala ang gamot sa hang-over ko! Bigla ko kasing nakalimutan eh pero dahil mahal ako ni hang-over, bumabalik na siya ngayon! Damn! Ang sakit ng ulo ko! Bakit ba kasi bigla-bigla akong tumatayo?! Napahawak ako sa ulo ko.
"Sam!" saway niya sa akin at pilit na pinapaupo sa kama 'tapos sinabihan pa niya akong uminom ng gamot para sa hang-over. Umiling lang ako sa kanya 'tapos lumayo ng kaunti sa kanya. Folks, we need space-a big space, like the outer space! Para kasi akong kakapusan ng hangin eh! Okay hindi ko na alam saan patungo ang sinasabi ko! Tumingin ako sa kanya.
"You..." sabi ko sabay turo sa kanya. "Why are you here?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya. Please! Don't tell me na binibisita niya ako?! s**t lang talaga kapag 'yun ang isasagot niya!
Binuka niya ang bibig niya para sana sagutin ang tanong ko ng may biglang nagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Mabilis pa sa alas kwatro na napatingin ako sa may pinto. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko kong sino ang nandoon. Fvck! Friday the thirteen ba ngayon? Bakit, minamalas ako?!
"Mom! How's Sam?!" nakangiting tanong niya sa nanay namin. Napatingin siya sa akin. "Sam!" masayang bati niya sa akin at kumaway pa talaga ang gago! Damn! Close kami? Kailan pa?
"Kuya William..." wala sa sariling saad ko. Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sumunod na nangyari. My kuya Harry, Edward, Darwin.... Biglang silang sumusulpot sa likuran ni kuya Willliam na parang kabute. Oh God! What the hell is happening?! Napapikit ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Oh God! Ang sakit ng ulo ko dahil sa hang-over! 'Tapos nandito pa ang nanay ko kasama ang mga kapatid ko-minus Alicia and dad—
"Mom!" nanlaki ang mata ko ng marinig 'yun habang hawak-hawak ang ulo na nakayuko... Oh God! Don't tell me nandito silang lahat—
"Sweatheart!" napanganga ako. Come on people! Ano 'to, family reunion?!
Please, hang-over, sumakit ka pa, para mahimatay ako at paggising ko, wala na sila!!
----
HINDI ko alam kong ikakatuwa ko ba ang araw na 'to. Ilang beses ako nag-Our Father kanina na sana umalis sila agad pero mas close yata ang mga taong 'to sa taas kaysa sa akin eh! Napatingin ako sa mga taong nasa harapan ko. Si dad, si mom, si kuya Harry, William, Edward, Darwin at Alicia na katabi ang anak niyang nakangiti habang nakatitig sa akin. Alanganing napangiti ako sa bata at ang peste, tumawa. Bwisit! Ano ako, clown?! Tumingin naman sa akin si Alicia kaya mabilis na tumingin ako sa gilid ko kong nasaan nakaupo si Simon katabi niya si tito at si Andrew.... MIA siya! Ewan kong nasaan ang lalaking 'yun!
"You like tita Sam, baby?" rinig kong sabi ni Alicia. Napanguso na lang ako. Like? Tsss! Liken niya mukha niya! Nagpanggap lang ako na hindi ko siya narinig. Kumunot ang noo ko ng humarap sa akin si Simon sa akin 'tapos tinitigan ako. Nanlaki ang mata ko ng bigla na lang siyang ngumiti. Mabilis na humarap ako sa pinggan ko. Damn! What the hell?! Lihim akong napahawak sa dibdib ko, bakit bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko? Sa hang-over pa rin ba 'to? Well, siguro. Nagkibit-balikat na lang ako at kumuha 'ng kutsara at tinidor na gagamitin ko sa pagkain. Kumuha ako ng kanin 'tapos ulam at nagsimula ng kumain.
"So, Alicia, ngayong hapon ang seminar para sa binyag ni baby Andrea kaya siguro mga Sunday, next week ang binyag niya..." rinig kong sabi ni tito. Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Alicia. Nakita ko siyang busying-busy sa pagpapakain sa anak niya. Napangiwi na lang ako. Tingnan mo ang babaeng 'to, parang hindi nakikinig sa tito ko! Aish! Tusukin ko kaya ng tinidor ang mukha niya!
"Dito niyo pabibinyagan si Andrea?" tanong ko habang nakatitig kay Alicia. Tumingin naman sa akin si Alicia at tumango. Napakunot ang noo ko. "Why?" tanong ko sa kanya. Alicia is a socialerang babae kaya marami siyang socialerang mga kaibigan at sa pagkakaalam ko ang mga kaibigan niya, ayaw sa mga lugar na ganito! Kaya ano, hindi niya gagawing ninang at ninong ang mga kaibigan niya? Sino ang gagawin niyang pangalawang magulang ng anak niya? At bakit nakikialam ako?! Tsk! Bahala na nga siya sa buhy niya! Kumuha na lang ulit ako ng kanin at kumain ulit.
Huminga ng malalim si Alicia bago nagsalita. "Ayoko na kasing maraming issue..." malungkot na sabi niya sabay tingin sa anak niya. Kumunot naman ang noo ko. "Kasi alam ko naman na maraming magtatanong kung nasaan ang tatay ni Andrea kaya dito na lang ako magpapabinyag para kaunti lang ang makaalam." Napatigil ako sa pagkain. Ano daw? Hindi ko siya maintindihan! Well, 'wag ko na nga lang siyang intindihin. Sumasakit lang ang ulo ko. May hang-over pa kaya ako!Tsk!
"Ahhhh..." sabi ko na lang habang tumatango.
"Sam..." malambing na tawag sa akin ni Alicia. Napalunok ako 'tapos dahan-dahang napatingin sa kanya.
"Hmmm..." nakangiting sabi ko sa kanya. Plastick pa more Sam! Kaya mo 'yan! KAYA MO YAN!
"Um, pwede bang ikaw na lang ang gumawa ng mga give-aways para sa binyag ni Andy?" nakangiting sabi niya. Nawala ang ngiti ko sa labi ko. Ano daw? Ako? Gagawa? Bigla akong nataranta... "Magaling ka kasi sa art eh..." dugtong niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya Ako? Magaling? Nah! NAgbibiro ba siya?! Magsasalita na sana ako na hindi ko gagawin 'yun kasi what if, pangit ang gawa ko? Ano, tsismis na naman! No way! Mapapaaway lang ako!
"Alicia kasi—
"Alicia, aprub 'yan kay Sam...." biglang singit ng tito ko. Mabilis na napatingin ako sa kanya. Ano daw? Bakit siya ume-epal?! Bakit siya ang nagdedesisyun para sa akin?! Bakit, siya ba ang pagtsitsimisan pag nagkamali siya?! Umbagin ko kaya siya! Asar! Sinamaan ko siya ng tingin. At ang gago! Nakipaglaban sa akin ng samaan ng tingin! "Tutal, wala namang ginagawa si Sam dito eh, puro lakwatsa lang ang ginagawa niya dito..." napamaang ako sa sinabi niya. Ano daw? Peste! Peste! Peste! Peste! Ano bang pinagsasabi ng tito ko? May hang-over ba siya? Kaya kung anu-ano ang pinagsasabi niya! Tang-ina naman oh!
"Thank you Sam..." rinig kong sabi ni Alicia. Oh God! Napatingin ako kay Mama ng bigla siyang ngumiti sa akin.I saw her mouthed 'thank you'. Biglang nag-init ang pisngi ko kaya mabilis na tumingin ako sa pinggan ko at sunud-sunod na sumubo ng kanin! Argh! Kainis siya!
"Sam, gusto mo ng ulam?" napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang tanong na 'yun mula kay Simon. Tinitigan ko ang kutsara ko. Kailan pa ako natutong kumain ng kanin na walang ulam? Damn it! Ano bang nagyayari sa akin?! Kaya pala walang lasa ang pagkain ko kasi walang ulam! Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Simon na nakatingin sa akin nginitian ko lang siya at pinakita sa kanya 'yung kutsara kung may ulam at sinubo ko 'yun sa bibig ko. Tumingin ulit ako sa pinggan ko. Bwisit! Bwisit! I hate this day!
---
"ASAR! Asar! Asaaaaaaaarrrrrr!" paulit-ulit na sabi ko. Nasa likuran ako ng simbahan at inis na nakatingin sa punong manga na nasa harapan ko. Kainis! Hindi ko 'to ine-expect!
"Kuya, aalis na ako!" rinig kong salita sa likuran ko. Napatingin ako sa likuran ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko si Simon at Andrew na magkahawak ang kamay. Mabilis na naitaas ko ang isang kilay ko sa nakita ko. Kung hindi talaga magkaibigan s***h magkapatid ang dalawang 'to, iisipin ko na mag-jowa sila! Nakita kong binigyan ng bag ni Simon si Andrew 'tapos ginulo ni Si ang buhok ni Andrew.
"Ingat ka..." nakangiting sabi ni Simon.
Nagkibit balikat lang si Andrew at tumango. "Okay, aalis na ak—
"Hoy, Andrew!" sigaw ko. Napatingin silang dalawa sa akin. Lumapit naman ako sa kanila.
"Sam..." Simon.
"Sammy..." Andrew
Sabay na sabi nila. Naitaas ko ang kilay ko sa sinabi ni mokong Andrew. Sammy? Saan niya napulot ang endearment na 'yan. Like, my tito used to call me 'Sammy' before lalo na 'pag naglalambing siya. Tapos ngayon, si Andrew... Napailing na lang ako. Er... Kinikilabutan ako ha! "Saan ka pupunta?" tanong ko na lang sa kanya. Ngumiti lang sa akin si Andrew. Sira talaga ang isang 'to!
"Sama ka?" nakangiting tanong niya sa akin. Napatitig ako sa mukha niya at napaisip. Hindi kami magkaibigan ni Andrew at wala akong tiwala sa kanya... Pero, mas gugustuhin ko pang sumama sa kanya kaysa manatili dito at makipagplastikan sa mga pamilya ko. Like, ano ang sasabihin ko kapag ipaglandakan nila ang mga achievements nilang taon?!
"Oo!" sagot ko sa kanya. Nagulat pa siya sa sinabi ko. Magsasalita na sana siya ng bigla kong hinawakan 'yung bag na binigay ni Simon sa kanya at hinila siya palayo doon. "Tara na!" sabi ko sa kanya.
"Sam, teka... Sure ka ba sa sinasabi mo?" tanong niya sa akin at pilit na hinihinto ang lakad namin. "Nandito ang magulang mo..." Huminto ako sa paglakad at inis na humarap sa kanya.
"Oo nga, sasama ako sa 'yo!" inis na sigaw ko sa kanya sabay hawak ulit sa bag at hinila siya. Ano ba sa sasama ako ang hindi niya maintindihan?! Sasama ako sa kanya dahil ayaw kong makasama ang magulang ko, ang mga kapatid ko, at lalung-lalo na ang hilaw na kapatid ko!