Years Ago
'DEAR TITO,
Tito, malapit na ang graduation namin. Mag hi-higschool na ako sa wakas at sobrang excited na ako!'
Napatigil ako sa pagsulat at napangiti. Malapit na ang graduation... Yes! Sa wakas makakalabas na ako sa impyernong eskwelahan na 'to at sisiguruduhin kong hindi na ako sa Catholic school mag-aaral. HAHAHA! Nagsulat ulit ako.-Syempre pa-good girl ang tono ng sulat ko WITH MATCHING HUGOT!!
'Grabe! Alam niyo po tito, ang saya ko. Kasi kaunting pannahon na lang, magiging genetic engineer na ako. May good news din pala ako 'to, third honorable mention ako 'tapos meron pa akong special awards! Yup! Awards! Kasi madami 'to. Meron akong award na hall famer in poster making contest-ako kasi ang palaging nanalo tuwing may poster making sa school. Meron rin akong award na 3rd place feature writing contest in national level, athlete of the year, dahil sa pagiging captain ko sa taekwondo team ng school at higit sa lahat, champion ako sa Math quiz bee na ginanap dito sa school nung second quarter! Akalain mo 'yun?! Kaya ako 'yung pinadala sa district level but... I screwed up in the district level eh. Ika-5 ako 'tapos top 3 lang ang kinuha nila para sa division level! Ang saklap 'to noh? Everyone is disappointed sa naging kalabasan ng quiz bee na 'yun. Kaya pagkatapos nun, hindi nakakapagtaka na binubully ako ng mga kaklase ko dahil naka-tsamba lang daw ako nung ginanap 'yung quiz bee sa school. Kasi sino ba naman ako? Si Samantha Guevara? Naging champion sa math quiz bee? Impossible! Ang bobo ko kaya sa math! Baka nga talaga tama ang mga kaklase ko na tsumamba lang talaga ako. Ikaw 'to, ano sa tingin mo, nakatsamba lang ba ako? Pero, aminin ang galing ko!
Napangiti na lang ako sa sinusulat ko. Okay lang ba 'to? Baka imbes na ma-impress si tito, mayabangan pa siya sa akin. Pero kasi, ito ang gusto kong isulat! Bahala na nga si Batman!
'To, sana makapunta ka sa graduation ko ha? Marami akong medals at gusto ko ikaw ang magsabit nun sa akin. Nga pala, March 24 ang graduation namin. Miss na miss na kita 'to.
Love, Samantha'
Wala sa sarili nayakap ko ang sinulat ko. Pinikit ko ang mata ko at taimtim na nagdasal habang hawak-hawak ko ang kwintas ko. 'Lord sana...sana...sana! Haplusin niyo ang matigas na puso ng tito ko para lumambot at ma-touched siya sa sulat ko 'tapos utusan niyo ang mga angels niyo na papuntahin siya sa araw na 'yun. Kahit lang sa araw na 'yun. Promise, kakalimutan ko ang mga araw na hindi siya sumipot sa visiting day, sa mga na araw gusto ko siyang makausap sa telepono pero wala siya at siyempre sa mga panahon na nagmukha akong tanga sa harapan ng mail box ko kasi wala akong sulat na natanggap mula sa kanya.' Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko.
Tsk! Ang sama ko! Nakikipag-bargain ako sa Kanya! Napangiti ako ng mapakla. Siguro, tama nga ang sabi nila na marami ka talagang magagawa na hindi mo inaasahang kaya mo palang gawin lalo na kong desperado ka na at ako, desperada na ako.
Atsaka, kunting-kunti na lang, gusto ko ng magalit sa Taong nasa Taas. Kasi baka ginagawa lang Niya akong tanga. Hindi naman kasi siguro Siya totoo. Kasi kong totoo Siya, why... Why ... Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nangagalaiting kinuyom ang kamay ko 'tapos huminga ng malalim. Relax, Sam isipin mo lang baka tinitest ang faith mo sa Kanya. Nagbilang na lang ako ng isa hanggang sampu at nang ma-relax ako ay dinilat ko ang mata ko at ngumiti ng matamis. There... Smile Sam even you are hurting inside because no one will ever dare to do this for you. No one will ever help you. Ikaw lang ang tanging makakatulong sa sarili mo kaya dapat maging matatag ka, matapang ka kasi wala kang aasahan. Hindi ang nanay mo, ang tito mo kundi sarili mo lang talaga. At sa mga tao ngayon, tsk! Imbes na tulungan ka, unuwain ka, they will just---
"I hate them! I hate them! I hateeee themmmmmm!" mabilis na napatingin ako sa baba ko-Nasa taas kasi ako. In short nasa puno ako! Bago kasi ako nag-senti kanina may ginagawa ako, comics version ng Florante at Laura. Diba ang adik lang ng mga teacher dito?! Naitaas ko ang isang kilay ko ng makita ko si... Teka! Classmate ko 'to ha! Napatitig ako sa kanya ng mabuti. Ang pagkakaalam ko, normal naman 'tong babaeng 'to, pero bakit niya sinisipa 'yung wrapper ng tobleron. Kasi nagmumukha siyang tanga at sira-ulo sa paningin ko eh. Umupo ako ng maayos sa isang sanga at inilagay 'yung ginawa kong sulat sa sling bag na dala-dala ko. Tumingin ulit ako kay Jane, pangalan ng kaklase kong parang may sayad sa utak dahil sa ginagawa niya. Paano ba naman kasi, 'pag sinisipa niya 'yung wrapper bumabalik lang sa kanya kasi paburol ang lugar 'tapos nasa baba siya at pataas ang sipa niya. Tsk! Tsk!
"May pa-promise-promise pa silang nalalaman pero ano?! Nasaan sila?! Mga P****** ina sila!" nag roll lang ako ng eyes sa sinabi niya. Tsk! Hindi kabigla-bigla ang sinabi niya sa akin. Siguro sa iba, lalo na kong outsider ka, magugulat ka talaga pero dito sa loob, tsk, pambansang salita namin 'yang mga ganyang salita dito!
How ironic diba... Kung titingnan kasi kami para kaming mga anghel, hindi makabasag ng pinggan ikanga ng iba kasi araw-araw nagdarasal kami pero 'wag ka, 75 percent ng estudyante dito walang matinong magawa, 24 percent ang confuse pa kung mabait ba sila o masama o di kaya naman neutral, sabay sa agos ng mga pakulo ng iba pang estudyante at 1 percent lang ang matino sa eskwelahan dito... Siguro nagiging 100 percent mabait lang kaming lahat kapag naglalakad sa hallway ang head director namin.
Napatingin ulit ako sa kaklase ko, tsk! Napabuntong hininga na lang ako. Kailangan ko ng putulin ang pag da-drama ng kaklase ko. Kasi 'pag hindi, baka siya ang ma-drawing ko sa comics ko. Tumingin lang ulit ako sa kanya.
"Hoy Alicia Jane A. Sudalgo!" sigaw ko sa kanya. Bigla siyang nanigas at dahan-dahang siyang tumingala. Kumunot ang noo niya ng makita ako kaya ngumiti lang ako sa kanya.
"Guevara?" napaikot ko ang mata ko ng bigkasin niya ang apelyido ko. Grabe! Ang sagwa talaga pakinggan ng mga salitang may 'r' lalo na 'pag ang bumibigkas ay may brace sa ngipin. Napailing na lang ako at bumaba sa puno. Umatras naman siya ng kaunti. "What are you doing here?" tanong niya sa akin ng makababa ako. Tumingin lang ako sa kanya at nagkibit-balikat. Kumunot naman ang noo niya. "Wala rin bang bibisita sa 'yo ngayon?" tanong niya sa akin. Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kong dense o tanga lang 'tong babaeng 'to! Kung may bibisita man sa akin eh di ba dapat nasa visiting room ako. O diba tumutunog na presinto ang eskwelahan namin? Well, ganyan talaga dito. May visiting day na kung saan pwede mong makausap at makita ang pamilya mo. Kasi dito, bawal ang cellphone at lumabas ng school. Kasi ang patakarang ng school, bakit lalabas pa, kung nandito naman sa loob ang kailangan namin. May dorm kami, libre ang pagkain at tubig at lahat ng pangangailangan namin binibigay ng school. In short, para kaming mga Barbie dolls dito. Puppet. Kasi kontrolado ka ng school-ng mga madre pala! At 'yung sinabi sa akin ni tito nun na hindi daw all girls... Tsk! Tsk! Nagkamali siya! Oo nga hindi all girls dahil may lalaki pero magkaiba ang building namin at sa pagitan ng building namin may napakalaking pader na may sulat. 'Girl's are not allowed in boy's building!' Galing diba? So in short All girls pa rin ang eskwelahan ko. Kasi nagkikita lang ang boys at girls kapag orientation at seminars. Galing talaga no! Pero ang nakalagay sa labas ng school namin, 'Faith Catholic School for Boys and Girls'
"Well..." boring na sabi ko sa kanya "Yes..." walang kabuhay-buhay na dugtong ko.
"What?" hindi makapaniwalang tanong niya at lumapit sa akin. Nanlaki ang mat ako ng bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko. "Why?" tanong niya sa akin.
"Ahhhh....Um..." what the! Ano ba ang sasabihin ko sa babaeng 'to?! Kasi ako? Mag se-share ng kwento sa kanya? No fvcking way! Baka ipagkalat pa niya!"Ewan... Busy...." bigla niyang binitawan ang balikat ko at tumalikod sa akin. Oh?! Ano naman ang kaartehang gagawin ng babaeng 'to?
"That makes both of us kawawa...." sabi niya sabay upo sa damuhan. Naitaas ko ang isang kilay ko sa sinabi niya. Kami? Kawawa? Uy! 'Wag niya akong isama sa kamalasan niya at ikompara sa sarili niya."My dad can't go here too..." Ummm, nagtanong ba ako sa kanya? Wala naman yata. But... Wala naman sigurong masama kong makikipagkwentuhan muna ako sa kanya kaysa bumalik ako sa dorm ko. Katakot kaya dun. May mumu daw dun eh! 100 years na kasi 'tong school namin. Kaya nadaanan na ito ng kung anu-ano! Kaya... Ehhh! Nakakatakot! Umupo na lang ako malapit sa kanya.
"Why?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng mapakla.
"Because his wife is back..." matamlay na sagot niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Bumalik na nanay mo?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Eh ano naman ngayon-Nanlaki ang mata ko. Is she telling me that her mother is a mistress? Kaya malungkot siya? Kasi hindi na sila mabibigyan ng pansin ng tatay niya. Kasi kung ako ang nasa posisyon niya, na balikan ng nanay niya siguro ... matutuwa ako? Ewan! Wala naman kasi akong magandang alaala sa nanay ko at simula ng nag-aral ako dito, wala na akong nabalitaan sa kanya. Siguro may ginawa siyang kagagahan sa ibang bansa kaya nabitay siya o 'di kaya naman may nagpa shoot to kill sa kanya. Kung anuman ang nanyari sa kanya, I REALLY DON'T CARE!
"Nope!" Oh.my.God. I'm right! Fvcking right! "My kuyas' mother..." mabilis na kumunot ang noo ko. What the fvcking hell?! Ano na naman 'to?! Pinagloloko ba niya ako?! Kasi parang sa sinasabi niya, ano ba ang sinasabi niya?! Like duh?! What am I, Sherlock Holmes?! Kaya madali ko lang maanalisa ang mga bagay-bagay! Naguguluhan na ako sa kanya. Tsk! Bakit ba kasi ako nakikipag-usap sa mga loser na tulad niya. Tatayo na sana ako para umalis na pero babasagin ko muna ang trip niya ng magsalita ulit siya.
"Adopted lang ako." Mabilis na napatingin ako sa kanya. Ohhh. That explains everything...Not really! Kailangan niya pang elaborate noh atsaka 'pag boring sa dorm mamaya, i-chi-chika ko 'tong mga sinabi ni Alicia sa mga ka-dormate ko.
Yeah, I'm a bad girl!
But hey folks, Alicia and I are NOT friends. Ngayon lang yata kami nag-usap ng ganito. Kasi, well hindi sa pagmamayabang, isa ako sa mga pinakasikat sa school at si Alicia... well, I really don't care kung ano man siya sa school na 'to! Kaya wala akong pakialam kung ano man ang magiging kalabasan sa gagawin ko. Napangiti ako ng palihim sa gagawin ko. Tinitigan ko ng mabuti si Alicia ng magsalita siya.
"Wala na akong mga magulang. Namatay sila nung 3 years old ako at si ninong..." ngumiti siya sa akin at tumingin sa harapan. Natigilan ako. She? Adopted? Oh... Really? Napatingin rin ako sa harapan. "Na tinatawag kong daddy ngayon, inadapot niya ako. Ina-dopt niya ako kasi naalala niya sa akin ang anak niyang babae. " Wow! May umadopt sa kanya? Sa pangit niyang 'yan? Okay... Siya na ang maswerte! "Nag-away kasi sila ng asawa niya before kaya lumayas 'yung asawa niya at isinaman nung anak niyang babae. Kaya ng magkita sila ulit, dad wants na magbalikan na sila para maging one big happy family..." mahinang sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Bakit? Why does... Nah! Don't you dare feel that thing towards this stupid girl! Napailing ako at tumitig sa kanya. "Kaya ngayon, daddy is busy.. He is busy fixing everything para sa mag-ina niya! Kaya ako, hindi na napapansin!" dugtong niya.
"Nakakaawa ako noh?" nakangiti pero 'yung mukha niya sobrang lungkot ng tinanong niya 'yun sa akin. "I feel..." hindi ko na inabsorb ang iba pa niyang sinabi. Wala akong pakialam! Tsk! Nakakaawa? Saan banda? Eh puro kaartehan lang naman niya 'yun eh! Una sa lahat, wala siyang karapatang mag-inarte! Adopted lang siya!
"No!" matigas na sabi ko. Natigilan siya sa pagsasalita at napatingin sa akin.
"What?" naguguluhang tanong niya sa akin.
"Hindi ka nakakaawa!" matigas na sabi ko sa kanya.
Nakita ko siyang tumingin sa akin ng masama. Wala akong pakialam kung saksakin niya man ako. Kasi totoo naman ang sinabi ko, hindi siya kaawa-awa! Walang ka-emosyong emosyong tumingin ako sa kanya. "Listen to me Alicia Jane A. Sudalgo..." tumayo ako at tinitigan ko siya. "My name is Samantha Guevara. Kung napapansin mo, wala akong middle initial dahil wala akong tatay kaya ang ginagamit kong apelyido ay sa nanay ko. Lumaki ako sa tito ko dahil nag-abroad ang mama ko..." naikuyom ko ang dalawang kamay ko at kinagat ang ibabang labi ko. Sam, don't you ever dare to cry in front of this loser! "Umalis ang tito ko dahil aabutin daw niya ang pangarap niya kaya napilitan akong mag-aral dito, sa paaralang 'to. Sa paaralang pinaparamdam na nag-iisa lang ako, na wala akong pamilya, na walang nagmamahal sa akin tuwing dumadating ang visiting day o kahit na anong pesteng day-day na 'yan na pakulo ng school." Puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya. At bwisit! Naalala ko 'yung nangyari, last year! "Alam mo, tuwing dumadating ang visiting day kung saan pumupunta ang mga guardian o 'di kaya magulang natin para bisitihan tayo, para akong sinaksak na maraming kutsilyo ng paulit-ulit! Kasi ako, nasa gilid lang habang tinitigan ko ang mga kaklase ko at mga ka-doormates ko na masayang nakikipagkwentuhan sa mahal nila. Gusto kong magwala kapag nakita ko ang mga ka-doormates ko na kayakap ang mga magulang nila, tuwing pinapakita nila sa akin ang mga bagay na binigay sa kanila ng mga magulang nila. Heck!" inis na sigaw ko. s**t! Ang pesteng luha ko! Mabilis na tumalikod ako sa kanya at pinahiran 'yun pero hindi ako humarap sa kanya. No way! Ayokong makita niya akong umiiyak-Nah! I'm not crying! Napuwing lang ako! Taas noong tumayo ako sa kanya kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
"Ngayon Sudalgo, nakakaawa ba ako?" tanong ko sa kanya. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi basag ang pagkakasabi ko nun! Hindi ko siya narinig sumagot kaya umiling lang ako. "Oo nakakaawa ako. Sa sobrang pagkaawa ko sa sarili ko, hindi ko na kayang maawa sa iba! Kaya para sa akin hindi ka nakakaawa... At all!" sabi ko sa kanya sabay alis palayo sa kanya. Hindi ko napigilan ang luha ko. Damn! I really hate this! Mabilis na napasandal ako sa pader na malapit sa H.E. building naming at umiiyak doon. Saan ako pupunta? Sa dorm ko na may mumu? O sa visiting room? Pero sino naman ang pupuntahan ko dun! Wala naman akong bisita, ni hindi ko nga alam kong naalala ba ako ng nanay at tito ko. Kasi.... Hindi naman sila nagpaparamdam sa akin! Napatingala ako. May ginawa ba akong masama? Bakit ganito ang buhay ko? Gusto ko lang naman na kahit hindi kami perfect family, maramdaman ko na hindi ako nag-iisa! Na may nagmamahal sa akin pero wala eh!
Inis na pinahid ko ang mga luha ko. Di bale, malapit na akong grumaduate sa higschool, pagkatapos ng higschool, hindi muna ako mag co-college kasi magi-ipon muna ako ng maraming pera kasi 'yun naman ang problema eh, pera! 'Yun ang naging dahilan kong bakit ng OFW si mama 'tapos si tito, hindi ko alam kong bakit siya umalis pero tingin ko pera rin ang dahilan niya. Kaya mag-iipon ako ng maraming pera at ipapakain ko sa kanilang dalawa 'yun! Mga mukhang pera! Mas gugustuhin pang makasama ang pera kaysa sa sariling kamag-anak!
AN:
Again, advance Merry Christmas everyone! Enjoy reading :)