AN: Ang akdang ito ay kathang-isip lang ng malikot na isip ng author kaya kung meron man tumaas ang kilay sa update na 'to... Again, kathang-isip lang po 'to!
"ITO NA PO ANG PINABILI NIYO!" napatulala ako ng binaba ni Andrew ang mga pinamili niya at nakita ko ang laman ng plastic bag na dala niya. Napanganga ako. WHAT.THE.HECK?! Am I dreaming?
"SERIOUSLY?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Napatingin ako kay tito. "'To seryoso?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin kaya napamaang ako sa kanya. Napatingin ulit ako sa mga pinamili ni Andrew.
Walong bote ng San Mig. Dalawang pack ng 'happy' blue at dalawang pack ng eight o'clock. May malaking bote pa ng ... ewan! Hindi ko alam. Pero ang dumi ng bote niya ha. Meron kasing bula 'tapos may itim sa may takip! Pero... Ano 'to?! Bakit? Pwede ba 'to? Pwede bang mag-inuman? O baka naman ipamimigay ni tito sa mga tambay sa labas... Tama! Tama! Kasi mali 'to! Tumingin ako kay tito na ngayon ay nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Oo alam kong feeling close ako sa mga panahong 'to dahil hindi pa kami, war pa kami. Hindi pa kasi siya nagsosorry. "'To, para kanino 'to..." tanong ko sa kanya. HastagPlasticMode
Ngumiti lang siya sa akin. Napatitig ako sa mukha niya. No way! "Atin 'to!" napanganga ako. Amin? As in? Weh?! Napatingin ako sa mga bagay na nasa mesa. Hindi sa umaayaw ako. Dahil kung meron man ang matutuwa sa mga ganitong bagay, ako 'yun. But... Si tito... Diba pari siya? "Andrew, timplahin mo na 'tong juice para makapagsimula na tayo!" sigaw niya kay Andrew na nasa lababo at ewan kong ano ang ginagawa dun. Tumayo naman si tito sa upuan niya at kinuha 'yung pinamili ni Andrew at inilabas ang mga 'yun sa plastic bag. "Si, ikaw na bahala dito..." sigaw ni tito sabay tapon nung happy kay Simon. Sinalo naman 'yun ni Si at tumayo rin sa upuan at pumunta sa may cabinet.
"Father ito na po, hinahanda ko na po 'yung yelo..." rinig kong sagot ni Andrew. Oh, ngayon alam ko na ang ginagawa ni Andrew dun. Pero.. Teka lang... Ano ang nangyayari? Bakit? Aishhhhhhhh! Gusto kong sumigaw dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Pero ayokong magmukhang tanga sa harapan nila noh kaya hindi ko gagawin 'yun. Para akong tanga na nakatulala lang habang ang tatlong lalaking kasama ko a.k.a. Ismael, Andrew at Simon-yup kasama ang lalaking 'yun, busing-busy sa pag bubukas nung beer, pagtimpla ng juice at pagbubukas ng happy at inilalagay sa bowl.
"'Tapos na!" -tito
"Finish!" -Andrew
"Okay na!" –Simon
Sabay na sigaw nila. Natauhan lang ako ng sabay-sabay nilang inilagay ang mga bagay na ginagawa nila sa mesa. Napatingin ako sa kanila. Sabay-sabay na umupo sila sa upuan na nasa harapan ko. Wow! Synchronized ha... Scripted lang?
"Let's start!" masayang anunsyo ni Andrew. Napakunot ang noo ko at napatingin kay Andrew. Nahahalata ko sa ugok na 'to ha, panay ang English! Psh! Yabang! Akala mo kong sino, wrong grammar naman! Wrong grammar ba? Napatingin ako sa mesa ng may naglapag ng kung ano sa baso ko. Hindi na ako nagulat ng may nakita akong baso na nilalagyan ng beer ng kung sino. Dahan-dahang akong tumingin sa harapan ko para makita ko kong sinong Poncho Pilato naglalagay ng beer sa baso ko. Nakita ko si Simon. Aba! Tingnan mo nga! Akala ko...psh! Naalala ko tuloy 'yung kantang...'Maraming nagkakamali sa maling akala'
Nang malagyan niya ang baso naming lahat. Oo kaming talo lang dahil ang gagong si Simon, hindi beer ang inilagay sa baso niya kundi juice! Wow! Ano 'to?! Kami ang tatlong demonyo 'tapos siya anghel?! Wow naman! Mag co-comment sana ako sa kaarthehan nitong si Simon ng biglang tinaas ni tito ang baso niya. Napatingin kaming lahat sa akin. "I know, masyadon ng late but..." dahan-dahang tumingin siya akin kaya napaupo ako ng maayos. "Sam," malambing tawag niya sa akin.
"O...." sagot ko sa kanya. Napalabi lang ako. Tanga! Dapat ho ang sinagot ko. Aish! Ang tanga!
"Welcome... Welcome sa San Vicente..." nakangitng sabi niya. Napatulala lang ako sa sinabi niya. *Loading *Loading
Teka...
Welcome...
Welcome party... Para sa akin? Napangiti ako at kinuha 'yung baso ko at ininom 'yung laman. Hahaha! Ang galing! Binigyan ako ng party ni tito. Kaya isa lang ibig sabihin nito. PARTY-PARTY!
----
"ALAM *HIK NIYO *HIK itong pamangkin kong si Sam..." napatingin ako sa tito ko ng sabihin niya 'yun. Gusto kong matawa sa itsura niya. Ang pula na ng mukha niya. At ngayon ko lang na-relize, mestisahin kasi lahi namin eh! Kaya imbes na magmukha kaming engot sa kalasingan, mas lalong gumaganda at gumagwapo kami. Hahahahahahaha!
Bwisit!
Tingin ko may tama na ako. Yinakap ko lang si tito mahinang sinuntok ang tagiliran niya. Narinig ko siyang umaray 'tapos tumawa. Naramdaman kong ginulo niya ang buhok ko 'tapos hinampas. Napangiti lang ako. Ganyan kami maglambingan guys, nag-uupakan!
"*Hik Ano naman ang itsi-tsismis mo sa akin aber?" lasing na tanong ko sa kanya. Inakbayan ako ni tito at dinikit niya ang mukha ko sa kili-kili niya.. Nagpumiglas ako para makaalis dun. Hindi naman mabaho ang kili-kili niya, nagpabebe lang ako at walang makakapigil sa akin! Gusto ko lang na mas idikit pa niya ang mukha ko para makayakap ako sa kanya. Tutal wala namang malisya. "Tito ano ba!" nandidiring sabi ko. *insert kindat-kindat sa isip with pabebe gesture na pagpag sa mukha. "Nakakadiri ka..." maarteng sabi ko.
" Heh!" saway niya sabay akbay sa akin ulit but this time ay 'yung normal na akbay 'yung akbay na nakikita niyo sa park ng isang mag-amang namamasyal! Parang ganun! "Alam niyo *hik, kung bakit *hik pinayagan ko 'tong uminom ang pamangkin ko kahit mga lalaki ang kasama ko?" tanong niya.
"Oh I know! *hik" mabilis na sagot ni Andrew na nasa harapan namin katabi at si Simon na parang hindi naman yata lasing dahil sa naalala ko hindi naman yata siya uminom ng beer. Nga pala, alam ko na ang laman nung isang bote kanina. 'Yung madumi. Lambanog pala 'yun. And swear, ang sarap. 'Yun kasi ang iniinom namin ngayon kasi naubos namin ang walong beer kanina habang kumakanta ng 'My Way' buti lang talaga walang nabaril sa amin hahahahaha. Napatitig ako kay Andrew! "Pinayagan mo siya dahil alam mong hindi kami gagawa ng masama sa kanya kappa nalasing siya..." nakangiting dugtong ni Andrew.
"Enkkkkk!" sabay naming sagot ni tito kaya nagkatinginan kami ni tito 'tapos tumawa. Yumakap lang ako kay tito at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya 'tapos tumingin ako kay Andrew na nakakunot ang noo. Napangiti na lang ako at kinuha 'yung bote na may lambanog at inilagay sa baso ko. Kumuha rin ako ng happy at kumain ng kaunti 'tapos inom nung lambanog. Pabagsak na nilagay ko sa mesa 'yung baso ko.
"Mali ka, Andrew!" sabi ko sa kanya sabay kuha ng happy at kain nun. Kailangan hindi ako ma knock-out ngayong gabi! Dapat ako ang huling ma knock-out sa kalasingan kasi, I have a plan! A devilish plan. Da-drawingan ko ang mga mukha ng ugok na 'to 'tapos sasabihin kong si Andrew ang may kasalanan! Hehehe! Tingnan lang natin kung ano ang mangyayari sa kolokoy na 'to! *Insert evil laugh! Hahahahahahahahahaha!
"Kasi Andrew, alam ko na 'pag may ginawa kayong 'di maganda sa pamangkin ko..." sabi ni tito sabay turo sa akin. "Patay kayo..." sabi niya with matching guhit ng linya sa may leeg niya. Napangiti lang ako. Wow! Nakaka-proud. Nakaka-boost ng ego! Well... Magaling talaga ako!
"Bakit naman po?" tanong ni Andrew. Napatitig ako sa mukha ng gago ng sabihin niya 'yun. Shet na malagkit! Panira ng moment! Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag itapon sa mukha niya ang baso ko. Kasi ang gago parang hindi naniniwala sa sinabi ni tito ko na kaya ko siyang patayin. 'To i-explain mo sa gago.
"Ito kasing si Sam, black belter 'to sa taekwondo, marunong rin siya ng Wushu, judo, fencing at ng kung fu kaya alam ko na kapag may nantrip sa kanya mapapatay niya!" proud na sabi ni tito. Nawala ang ngiti ko ng sabihin niya 'yun. Bwisit! Okay na ang black belter sinabi pa niya ang iba! Oo maalam ako sa sinabi ni tito. Pero... Aish! Panira 'tong si tito. Kinuha ko na lang 'yung bote ng lambanog at doon na mismo ako uminom. Bahala na magmukha akong lasengga! I want to drink kasi alam ko na ang magiging sunod! Iku-kwento niya ang buhay ko.
"Wow ang galing mo pala Sam..." amaze na sabi ni Andrew. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sige salita pa Andrew! ewan ko lang, pero naiinis ako kay Andrew!
"Shut up!" inis na sabi ko sa kanya sabay rolled ng eyes at uminom ulit ng lambanog. Kinuha pa ni Andrew sa akin 'yung bote pero hindi ko binigay. Kinuha ko 'yung isang bote ng San Mig na hindi inubos ni Simon kanina.
"Saan mo naman natutunan ang lahat ng nun?" tanong ni Andrew. Asdfghjk! Sabi na nga ba! Matatanong talaga ang bagay na 'yan! Peste! Pesteng Andrew! Sarap sakalin!
"I teach her the taekwondo thing 'tapos 'yung iba sa school nila...." napasapo ako sa noo ko. Ghad! Ayokong mapag-usapan ang school na 'yun. Ang school na tinutukoy kasi ni tito ay 'yung school na pinagtansferan ko nung bago siya umalis papunta sa kung saan. Lintek! "Libre kasi –
"'To please stop." Seryosong putol ko sa sasabihin niya. Naramdaman kong tumingin siya sa akin kaya mas lalong yinuko ko ang ulo ko.
"Huh?" naguguluhsng sabi niya. "Bakit naman?"
"Because...." napaisip ako. Ano ba? Sasabihin ko na ba sa kanya lahat? Tsk! As if maniniwala siya! 'Wag na nga lang. Atsaka, lasing ako kaya baka may mga pangyayari na hindi ko masabi. Tapos lasing din si tito, baka malimutan rin niya kinabukasan ang sasabihin ko. At isa pa, ayoko namang mag ala-MMK sa harapan nila Andrew at Simon noh! Baka tuksuhin pa nila ako! Kaya... Isip ng dahilan Sam.... Ano ba... Ano ba ang ginagawa ko at ng kaibigan ko tueing umiinom kami. Tama!
"MAglalaro pa tayo ng truth or dare!" masayang sigaw ko.
"Tch!" mabilis na napatingin ako kay Andrew ng mag react siya. "Truth or dare? Seriously?!" hindi makapaniwalang tanong niya. "Ano tayo teenager?" natatawang tanong niya.
"I'm a teenager, may problema ka ba dun?" matapang na tanong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya.
"Teen ka pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Aba't! Anong tingin niya sa akin, matanda? Sa baby face na meron ako? Sa gandang kong 'to?! Bwisit!
"Oo manong!" inis na sagot ko sa kanya. "Teen pa ako, eighteen to be exact..." diniinan ko talaga ang huling sinabi ko 'tapos nag roll ako ng eyes sa kanya. "Kaya let's play na ..." sabi ko sa kanya sabay kuha nung bote ng San mig na walang laman. Napatingin ako kay Simon na ngayon ay nakatitig lang sa baso niyang may lamang juice. "Hoy Simon, Sali ka ha sa ayaw at sa gusto mo!" inis na sabi ko sa kanya kasi parang nag e-emote siyang lasing siya kahit hindi naman. Ano nalasing siya sa juice? Tumingin lang siya sa akin at tumango. "Good!" tumatangong sabi ko. "Okay...1, 2, 3" at inikot ko na 'yung bote.
"Simon!" sigaw ko ng maituro siya nung bote. "Truth—
"Ano na lang, first four ikot, truth at ang sunod na magiging ikot ay dare na!" suhestyon ni Andrew. Napatingin ako sa kanya. Well, hindi na rin masama.
"Sige!" sabi ko na lang sa kanya at tumingin kay Simon. "So its decided truth na!" sabi ko sa kanya. "So sino ang magtatan-
"Ako!" mabilis na sagot ni Andrew. Napatingin ako sa kanya. Naka-smile siya kaya bigla akong kinilabutan. Kasi 'yung ngiti niya parang 'yung pusa na nasa Alice in the wonderland! God! Nakakatakot!
"Kuya..." tawag niya kay Simon. Tumingin na naman si Simon sa kanya na ngyaon ay pumupungay ang mata. Tsk! Lasing ba ang isang 'to sa juice? Napangiti na lang ako.
"Oh?" rinig kong sabi ni Simon.
"Sam, pahingi ng happy..." sabi ni tito sa tabi ko. Binigay ko sa kanya 'yung limang happy. Kumuha ulit ako ng happy para buksan 'yun at kainin ng biglang magtanong si Andrew.
"Kuya, are you still virgin?" wala sa sariling nabuksan ko ang happy kaya hindi na nakapagtataka na nahulog lahat ng mani ko sa mesa. Dahan-dahang akong napatingin kina Andrew. What the hell? Tama ba ang rinig ko?
And yes tama ang rinig ko! Para kasing sira na nakatitig si Simon kay Andrew at para bang gustong sakalin ang sarili niyang kapatid at sobrang pula ng pisngi.
"Well... Ahm..." simula ni Simon. "Andrew it's something personal, you know..." nahihiyang sabi niya.
"Sagutin mo na kuya..." pilit ni Andrew. "Sige ka, 'pag hindi mo sinagot ang tanong ko, hindi ako mag-aaral ng mabuti..." pananakot pa ni Andrew. Tsk! Ang lame naman ng pananakot niya! Pero ano ha, curious rin ako eh! Kasi, alam niyo na... Basta! Gusto ko rin malaman na hindi!
"Andrew!" nag e-eskandalong sigaw ni Simon
"Sagutin mo na kasi..." nakangising sabi ni Andrew.
"Okay fine!" surrender na sabi ni Simon. Nakita ko siyang huminga ng malalim at dahang-dahang nag-iwas ng tingin. "No..." mahinang sagot niya. Nanlaki ang mat ako. No? As in hindi? Oh my God! Narinig kong nagpalakpak ang katabi ko. Hindi man siya nagsalita at nagpalakpak lang siya, pero why does I feel, he's happy?
"Talaga?" masayang tanong ni Andrew. What the hell? Mabilis na napatingin ako kay Andrew! Bakit Masaya pa siya? "Sino kuya?" curious na tanong niya.
"Diba, one question lang ang itatanong?" inis na tanong ni Simon. Tumawa lang si Andrew at kinuha 'yung bote at inikot 'yun.
"Pikon si kuya pero alam na... Hindi na siya--"
"Shut up, Andrew!" inis na sabi niya at tumawa lang si Andrew. Heck! Ang weird talaga ng mga lalaki. "Humanda ka sa akin 'pag ikaw ang tinuro ng boteng 'yan!" inis na dugtong niya.
At parang dinulog yata ni Simon ang hiling niya, si Andrew nga ang tinuro ng bote. "Well, Andrew..." nakangiting sabi ni Simon. "My question is... Do you find Sam attractive?" nanlaki ang mat ako sa tanong ni Simon.
"What?!" sabay naming tanong nila tito at Andrew pero hindi lang kami pinansin ni Simon. Imbes ay nakatitig lang siya sa baso niyang may juice.
"Answer it, Andrew!" ma-otoridad na utos ni Simon at walang ka-emosyong-emosyong tumingin kay Ansrew.
"Well...." tumingin sa akin si Andrew kaya mabilis na napatingin ako sa kabila ko at yumakap sa tito ko. Letse! Ang init ng pisngi ko. Sam, 'wag kang mamula kung oo siya! Lintek! Lord sana hindi "Oo!" sagot ni Andrew.
Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeettttttttttt!
Hindi ako kinikilig! Hindi! Hindi rin ako namumula! Hindi pramis! Hindi talaga! Wala akong nararamdaman! Peste!!
Bigla namang tumayo ang tito ko kaya hindi nakapagtataka na muntik na akong mahulog sa upuan. NApatingin ako sa tito ko na seryosong nakatingin kay Andrew. Napalunok ako saw ala sa oras. Anong gagawin ni tito?
"Andrew, hanggang attract-attract lang ang maramdaman mo sa pamangkin ko at kung may balak ka mang lumagpas doon, maging doctor ka muna!" seryoso at madiin na sabi ng tito ko. Wait a minute kapeng mainit! Hindi pwedeng tumagal ang penomenang ito. Kinuha ko 'yung bote at sumigaw nang...
"Next!" at inikot 'yung bote. Umupo naman ang tito ko sa upuan kaya nakahinga ako ng maluwag. Good! Bwisit kasi 'tong si Simon, kung anu-anong tinatanong?! Lord sana 'wag ako! Napangiti ako at nakahinga ng maluwag ng hindi sa akin tumapat ang bote ng tumigil ito sa pag-ikot. Sa katabi-Napatingin ako sa tito ko.
"Do the honor Sam...." rinig kong sabi ni Simon. Naguguluhang tumingin ako sa kanya. "Ikaw na ang magtanong..." nakangiting sabi nya.
Tumingin ako sa tito ko. Tanungin siya? Napakagat ako sa labi ko. Kaya ko ban itanong sa kanya 'yun? Kumuwala ako sa yakap niya at umupo ng maayos. Damn! Hindi ko kaya sa ganitong posisyon. Tumayo na lang ako at umatras ng tatlong hakbang palayo sa kaniya.
"Sige na... Ask me..." sabi niya sa akin. Tsk! Inismiran ko lang siya. Ask me? Sige, humanda ka. Walang kaemosyong-emosyong tumingin ako sa kanya. "'To, do you.... I mean.... Minahal mo ba ako?" biglang nanlambot ang itsura niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Ghad! Napakagat ako ulit sa labi ko.' Wag na 'wag kang iiyak babae! Matapang na nakipagtitigan ako sa kanya. "'To sagutin mo ang tanong ko..." ma-owtoridad na utos ko. Napaawang ang labi niya at tumitig sa mukha ko...
"Sam...." mahinang sambit niya sa pangalan ko.
AN: Enjoy reading everyone :)