NAPANGIWI NA LANG ako ng marinig ko ang click na 'yun. Tsk! Ayaw talaga akong kausapin ng pamangkin. Psh! Minsan talaga, pabebe 'tong pamangkin ko. Napabuntong hininga na lang ako. Baka masama pa talaga 'yun loob niya sa akin. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Tumalikod na lang ako sa may pintuan at pumunta sa may kusina. Napaupo lang ako sa upuan sa may malaking mesa na nasa kusina at napangulambaba. Psh! Huminga na lang ako ng malalim. Alam ko, may kasalanan rin naman ako eh. Hindi ko siya pinakinggan and worst, may nasabi at nagawang akong hindi maganda sa kanya.
Kasi naman! Napangunahan ako ng pagkataranta at pag-alala sa kanya kanina. Nang pumunta kasi kami ng palengke ni Simon, may nakausap akong tinder at sinabing na dapat na maging maingat ang pamangkin ko dahil may balak na gumanti si Juan kay Sam. At iyon, nagmadali akong umuwi dito sa bahay 'tapos pagdating ko, nakabukas 'yung pintuan at walang tao. 'Tapos ang nakakainis 'yung washing machine... haysssttt....
Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot sa ulo ko. Matawagan ko nga ang kapatid ko. Baka matulungan ako ng kapatid kong 'yun. Kukunin ko na sana ang cellphone ko ng may naramdaman akong may tao sa likuran ko. Mabilis na napatingin ako sa likuran. "Simon?" gulat na tawag ko sa pangalan niya. Napakunot ang nook o ng makita ko si Andrew sa likuran niya na para bang nagtatago.
"Father..." tawag ni Simon sa akin. Napatingin ako sa mukha niya. Ang seryoso ng mukha niya ah! Umupo ako ng maayos at tumingin sa kanya
"Hmmm..." sabi ko at bigla niyang hinawakan ang braso ni Andrew at pinapunta sa harapan niya.
"May sasabihin ho si Andrew...." seryoso at madiin na saad ni Simon. Napatingin ako kay Andrew na ngayon ay nakayuko at kinakati ang ulo. Minsan, itong si Andrew, napaka-weirdo!
"Anong sasabihin mo, Kyle?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pagkati nung ulo niya. 'Tapos dahan-dahang siyang nag-angat ng tingin at alanganing ngumiti sa akin.
"Ahmmm... Ano... Father kasi..." nahihirapan na sabi niya. Naitaas ko ang isang kilay ko. Wow! Ngayon ko lang nakitang ganito ang batang 'to! Palagi ko kasing nakikita nakangiti itong si Andrew gamit 'yung 'devilish smirk', sabi pa ng mga babaeng humahanga sa kanya!
Si Andrew, masasabi ko na isa ang batang 'to sa pinakasikat na lalaki dito sa buong San Vicente! Paano bang hindi, matalino at gwapo ang lalaking 'to. Hindi lang halata, pero matalino ang batang 'to. Graduate siya ng med tech at c*m laude siya. 'Tapos ngayon nag proceed siya ng medicine. Oo! Mag do-doctor ang lalaking 'to! Buti nga at may scholarship si Andrew kaya kahit... alam niyo na... Nakakapag-aral pa rin siya. 'Yun nga lang tatanga ang lalaking 'to minsan. Isip bata pa kasi kahit 23 na at dependent masyado kay Simon. Akala ko nga nagbago na 'to pero hindi pa pala. Pero ngayon, hindi na siya isip bata... I think... Napabuntong hininga na lang ako. Hay naku... Andrew!
"Andrew, umayos ka..." madiin na sabi ni Simon. Bakit parang tinatakot yata ni Simon 'tong si Andrew. Ang magkapatid talagang 'to!
Mabilis na tumingin siya kay Simon. "Kuya wait lang! Sasabihin ko na! Excited lang?" sabi niya kay Simon 'tapos tumingin sa akin. "Father, I want you to know, Sam is a good girl." napatitig ako sa mukha niya ng sinabi niya 'yun. "She... " Nanlaki ang mata ko sa mga sumunod na sinabi niya. And damn! Ang laki ng kasalanan ko kay Sam!
-----------
Sam's POV
"Tok! Tok! Tok!" napakunot ang noo ko ng marinig ko 'yun. Napakamot ako sa ulo ko at napatingin sa alarm clock na nasa maliit na mesa tabi sa kama ko. 4:30 pm. Nanlaki agad ang mata ko. Damn it! Limang oras pala akong natulog?! Aish! Tinakip ko na lang ulit 'yung unan sa mukha ko. But gusto ko pang matulog! Gosh! Tinamaan na naman ako ng pagiging batugan! Aish! Pinilit kong bumangon pero hindi talaga-Ayoko pa talagang bumangon! Asar! Mapupuyat na naman ako nito! Hindi pa naman cable TV nila tito kaya hindi pang 24 hours 'yun. Tapos wala pa silang wifi rito! Asar! Anong gagawin ko buong magdamag! Kailangan ko na talagang bumangon but ayaw ni 'kama' na pabangunin ako. Pinu-pull niya ako pabalik pahiga. Ghad! Ang kama ko at ako ay matalik na magkaibigan! Sobra kaming close! Kaya ayaw na niya akong pabangunin!
"Tok tok tok! Tao po...." napakunot ako sa narinig ko. Napatingin ako sa may pintuan. Nananaginip ba ako o nababaliw lang talaga ako. Kasi 'tok tok tok, tao po?'. May narinig akong nagbuntong hininga sa labas. "Hay naku, kuya Simon..." rinig kong sabi ng nasa pintuan. Mas lalong napakunot ang noo ko. Si Andrew? Si Andrew, nasa labas ng kwarto ko. Why? Oh... Baka maghihingi ng sorry.
Napangiti na lang ako. Well, well, well, HUMANDA KANG PESTE KA! Akala mo ha. Papakainin muna kita ng bobog bago kita patawarin, gago! Mabilis na bumangon ako sa kama ko at lumapit sa pintuan. Umupo ako sa sahig at hinanda ang tenga ko sa sasabihin ng bwisit na lalaking 'to. "Kuya Simon, tingin ko tulog pa si Sam..." rinig kong sabi niya. "Bakit ba kasi ako ang inutusan?!" reklamo pa niya. Mabilis na napatayo ako sa pagkakaupo sa sinabi niya. Aba't! Anong ibig niyang sabihin? May attitude 'tong si Andrew ah! Attitude ng pagiging sira-ulo! Narinig ko siyang huminga ng malalim. Wow! Kung maka-react ha! Parang natalo siya sa lotto ah! "Mag-iiwan na lang ako ng sulat sa pintuan niya..." naitaas ang kilay ko sa sinabi niya. Tingnan mo ang isang 'to, ang tamad! Bakit hindi niya munang i-try kumatok ulit baka sumagot na ako! Tsk! "Dear Sam, aalis kami kaya kumain ka na....P.S. May bibilh-"
"Andrew!" rinig kong sigaw ng kung sino.
"Damn!" rinig kong sabi ni Andrew. May narinig akong parang napunit at... "Uy! Kuya!" masiglang bati niya. Ohhh. Si Simon lang pala. "I think tulog pa si Sam, kanina pa ako kumakatok pero hindi man lang siya sumasagot..." napamaang ako sa sinabi niya. Sinungaling! Well, oo, hindi ako sumagot pero kasi, aish!! "So tara na kuya!" asiglang dugtong niya.
"Change of plans..." seryosong saad ni Simon. "Hindi tayo aalis..." dugtong niya pa. Napasinghap naman si Andrew.
"What the hell?!" histerikal na sigaw niya.
"Andrew your mouth..." sita ni Simon. Napakunot ang noo ko. What the hell is happening?! Dinikit ko ang tenga ko sa pinto. Okay... Tanong ko lang, tsismosa na ba ako sa lagay na 'to? Hindi naman diba? I'm just a curious...citizen? Or ammm... boarder? Basta! Hindi ko naman kasalanan na dito sila nag-uusap!
"But kuya, today is ate Clara's death anniversary kay—
"Andrew, hindi niya death anniversary ngayon..." putol ni Simon. "It is her... Jusko, Andrew for real?! Sariling birthday ng kapatid mo, hindi mo alam!" inis na sabi niya. Napatitig ako sa pintuan. Wow! Andrew is just... So stupid! But... Alam na alam niya paano inisin ang future father namin ah... Binalik ko ulit ang tenga ko sa pintuan. Well, I'm interested sa pinag-uusapan nila. Baka may malaman ako na pwedeng i-pangblackmail sa mga gagong 'to! "And why palaging mong sinasabi na death anniversary niya, for Pete's sake, hindi pa siya patay..." malakas na napasighap ako sa sinabi ni Simon. Napalunok ako at napatingin sa pinto. Ghad! We... Are... We... The same? Naitaas ang kamay ko at pinagtapat ang dalawang hinlalaki ko. Ako 'tapos si Andrew, magkapareho ng sitwasyon... No way! Mabilis na binaba ko ang kamay ko at tumingin sa pintuan. We're not! Ambisyoso lang siya!
"Yeah... Yeah.. She is just in the mental hospital..." sarcastic na sabi ni Andrew. "And she is just in mental hospital and playing the role of Sisa..."dugtong ni Andrew.Ano daw? Naguguluhan ako. Bwisit kasi 'tong si Andrew eh! Nag-e-English pa! 'Yan tuloy, nabubuang ako dito!
Nag-isip ako.
'Playing the role of Sisa?' Napasinghap ako ng malakas! Alam ko na! Artista ang kapatid niya! Pero ang tanong ko ngayon, bakit sa mental hospital siya nag pe-play? Adik lang?! Ah baka for charity ang event. Tama! Tama!
"Nga pala kuya, I heared Sam is rich..." mabilis na napatingin ako sa pintuan. What the hell?! Ako ba ang Sam na tinutukoy ng ugok na 'to?! Mabilis na nagdugtong ang kilay ko. Kung ako man, lagot ka sa akin Andrew! Binaback stab mo ako ha!
"Sinong Sam?" inosenteng tanong ni Simon. ASDFghjkl!! Napamaang ako sa sinabi ng pesteng seminaristang 'yun. Wow! Nagka-amnesiya na ba siya at nakalimutan ako—Nga naman! Baka hindi ako na Sam ang tinutuloy niya! Ang tanga lang Sam. Tandaan, hindi lang ikaw ang may Sam na pangalan sa mundo!
"'Yung pamangkin ni father..." mabilis na napatayo ako. Confirm!! Ako nga ang pinag-uusapan nila! Oh God! Mabilis na kinuha ko 'yung kahoy na nasa aparador ko. Pinapangako ko sa kahoy na hawak ko, ipapalo ko 'to sa mga gungong na nasa labas ng kwarto ko kapag may sinabi silang masama sa akin!! Peste sila! Wala akong ginagawang masama sa kanila---Wala pala akong natatandaang hindi ginawang mabuti sa kanila!! As in wala!
"Ano naman ang meron kay Sam?" curious na tanong nung isa. Napalunok ako at mas hinigpitan ang hawak sa kahoy na dala ko. Rineady ko ang sarili ko sa pangungutyang sasabihin ng ugok na si Andrew.
"Well, naisip ko lang kagabi, ligawan ko kaya siya 'tapos ---
Hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Andrew dahil nagmamadaling lumabas ako sa kwarto at –
"Aha!" sigaw ni Andrew kaya napatigil ako sa pagsulong sa kanila! Bigla siyang humarap kay Simon na umiiling lang. Napatitig ako sa kanila. What's going on?! "Kuya!" masayang sigaw ni Andrew kay Simon. "I told you! She is awake!" masayang dugtong niya. Napakunot naman ang noo ko. Oo naman. Kanina pa ako gising... Anong problema nun? Naitaas ang kilay ko habang titig na titig kay Andrew na sobrang saya. Para siyang nanalo sa lotto ha. Ano ba talaga ang nangyayari?! Bakit ang saya ng ugok na si Andrew?! And speaking of masaya, kumekembot pa siya na parang si Jollibee sa harapan namin ni Simon. 'Yung totoo, adik ba 'tong si Andrew? Parang high eh! "I'm right! I'm right! Hey I'm right!" paulit-ulit na sigaw niya. Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag hambalusin si Andrew ng kahoy kasi baka malaman na naman ni tito 'to at pagalitan ako. Alam niyo naman ang isang 'yun, masyadong maalam sa bagay na ganito! Baka sermunan na naman ako.
"Andrew enough!" saway sa kanya ni Simon. Tumigil naman sa pagkembot-sayaw yata tawag dun eh, si Andrew! Masamang tumitig siya sa kapatid.
"KJ!" mahinang sabi niya.
"What the hell is happening here?!" inis na tanong ko. Nakakainis na ha! Akala ko nung una, gusto lang akong gisingin ng ugok na si Andrew 'tapos ngayon... 'Yung sinabi niya kanina.... Pinagtitripan ba ako ng magkapatid na 'to?! Kung oo, I.W.I.L.L.K.I.L.L.T.H.E.M. Bwisit sila!!
"Ahmm gigisingin sana kita." Sagot ni Andrew sa tanong ko kaya napatingin ako sa kanya. "But dahil sa nag-iinarte ka, I planned na inisin ka para bumangon ka na sa kama para lumabas ka na." Napakunot naman ang noo ko. Ano daw?
"What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Sinasabi ba niyang kanina lang ako gising at nag-iinarte akong bumangon sa kama? Heck! Saang galing ang kasinungalingan iyan! Ngumiti lang sa akin si Andrew 'tapos kinindatan ako. Mabilis na nanlaki ang mata ko at nandidiring tumingin sa kanya. What the hell?! Crush niya ba ako?! YUCKKKKKKKKKKKKK! Uumbagin ko 'tong kutong lupa na 'to!
"Just don't mind him Sam..." sabad ni Simon kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatitig kay Andrew na umiiling. "Andrew, 'di ba inutusan ka ni father?" tanong niya. Narinig kong napasinghap sig ago. "Bakit hindi ka pa umaalis..." dugtong niya.
"Damn..." rinig kong sabi ni Andrew. Tumingin ako kay Andrew. Ang swerte ng lalaking 'to! Kasi ako 'pag nagmumura, pinapagalitan pero siya, wala lang... "Tama nga pala..." sabi niya pa. "Pero kuya sigurado ka bang 'yun ang gusto ni father?" naniniguradong tanong ng gago.
"Si father ang nag-utos sa 'yo 'yun kaya siya ang tanungin mo kong seryoso siya dun..." seryosong sagot ni Simon. Teka lang... Bakit hindi na nila ako pinapansin! Hindi pa nila sinasagot ang tanong ko sa kanila. Anak ng! Bwisit sila! Nakakadami na ako ng mura sa kanila ha! Mapupunta na talaga ako ng hell nito! Asar! Magtatanong na sana uit ako ng magsalita ulit si Andrew!
"What—
"Andrew, hindi kami Santo. We are just human!" putol ni Simon sa sasabihin ni Andrew kaya napatingin ako sa kanya. Whaaaa! Ano naman kaya ang sinasabi ng lalaking 'to?! Nakakaba ha!
'Hindi kami Santo. We are just human'
Psh! Kinilabutan ako sa sinabi niya.
AN: 3 updates for tonight! Advance Merry Christmas!