Sixteen

2100 Words
Simon's POV "SAAN KAYO GALING?!" sigaw na tanong ni father Ismael sa kanila pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay.. Napatitig na lang ako sa kanilang dalawa. Tsk! Tsk! Nakakaawa silang tingnan. Nakayuko lang sila habang pinapangaralan ni father. At kahit gustuhin ko mang iligtas sila, hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Lalo na at galit na galit si Father sa kanilang dalawa. "Alam niyo ba kanina ko pa kayo pinaghahanap?!" galit na tanong niya. "Pinag-alala niyo kami! Akala na namin may nangyaring masama sa inyo? Kasi bukas 'yung gate ng simbahan 'tapos hindi lock ang pinto ng bahay!" galit na dugtong niya. Napatingin ako kay father. Parang sasabog na 'yung mukha niya. Ang pula na kasi ng mukha niya at may lumalabas na ugat sa leeg niya. Napalunok na lang ako. Galit na galit talaga siya. Baka mabuhatan niya ng kamay sila Sam at Andrew. Speaking of Andrew, ano ba kasi ang ginawa nila o saan ba sila nagpunta?! Makakatikim talaga sa akin ang kapatid kong 'to mamaya. "Atsaka, sinong tanga ang nag-iwan bukas ang washing ma- "Ako 'to!" sabad ni Sam na ikinalaki ng mata ko. Dahan-dahang tumingin ako sa kanya. Anong nagyari sa kanya? Why... Bakit parang galit na galit siya?! May ginawang bang hindi maganda si Andrew sa kanya? "Naiwan kong bukas 'yun, happy ka na?!" inis na tanong niya. Napakunot ang noo ko ng mapatitig ako sa pisngi ni Sam. Bakit ang pula ng isang pisngi niya? Blush-on? Pero diba dapat magkabilang pisngi ang mapula? Bakit isa lang? Kasi uso? Wow! Minsan ang weird talaga ng mga babae! "Anong nangyari sa pisngi mo?!" tanong ni father kay Sam. Hinawakan niya pa ang pisngi ni Sam at tinitigan ng mabuti.. "Sinuntok ka ba? Sinampal? Ano? Atsaka sino?" sunod-sunod na tanong ni father. Napangiti na lang ako. Kahit hindi palaging pinapakita ni father, alam kong concern siya kay Sam kaya naiintindihan ko na kong bakit siya gumaganyan ngayon."Sam sagutin mo ako?!" inalis ni Sam ang kamay ni father sa pagkakahawak sa pisngi niya at umiwas ng tingin dito. "Sinampal ako ng mga hindi ko kilalang lalaki." Mahina pero madiin na sabi niya. Tumingin siya ulit kay father. "'To pwede bang mamaya na lang tayong mag-usap, masakit kasi ang ul-- "Hindi!" madiin na saad ni father. Napatingin ako sa kanya. Oh no... Akala ko ba okay na ang lahat? Para yatang mas lalong nagalit si father. "Samantha, ano bang problema mo?!" frustrated na tanong niya kanya. Lumapit naman sa akin si Andrew na para bang naramdaman din niya ang biglang pagbigat ng atmospera na nakapalibot sa amin. "Kuya..." napatingin ako kay Andrew ng magsalita siya sa gilid ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin paramanahimik siya. May ipapaliwanag pa siya sa akin, baka nakakalimutan niya! Tinikom naman niya ang bibig niya at yumuko. Napatingin ako kina father at Sam. Nakita kong nakatitig si Sam kay father na ngayon ay nakadugtong ang kilay at naniningkit ang matang nakatitig sa kanya. "What do you mean?!" matapang na tanong niya. "Hindi ka naman kasi ganyan dati!" sigaw ni father Ismael. "Napakabait mong bata! Ikaw 'yung klase ng bata, magsasalita lang 'pag tinatanong pero ngayon Sam hindi lang salita ang ginagawa mo, nagmumura ka na. Hindi ka na gumagalang! Sumasagot ka--- "Shut up!" sabad ni Sam kay father. Galit na hinarap ni Sam si father. "Hindi ka naman ganyan dati?" nang-uuyam na sabi niya. 'Tapos tumawa siya ng mapakla."Akala mo lang na hindi mo alam ang nangyari tito, pero alam mo tito!" nagwawalang sabi niya "Alam na alam mo 'to! Atsaka wala? Eh sa dami--*PAK" "Father!" sabay na sigaw namin ni Andrew. Hindi ko inasahan na gagawin niya 'yun! God! Sabay namang tumingin sila father sa amin. "Shut up!" sabay na sigaw nila. Napatikom kami sa sinigaw nila at napatingin kami sa isa't-isa ni Andrew. Okay... Isa lang ang ibig sabihin nun, 'wag sumawsaw sa away nila! "Shut up daw tayo kuya..." mahinang saad ni Andrew. Pinandilatan ko lang siya ng mata. Tsk! Minsan talaga, itong si Andrew aish... Makakapagsabi pa ako ng hindi maganda sa kanya. "Parehong-pareho talaga kayo ng kapatid mo!" galit na sigaw ni Sam kaya napatingin ako sa kanila. "Kung makahusga, wagas! Kung makapangaral, parang dinaig pa ang gurong may titulong Doctor! At higit sa lahat, mga makikitid ang ulo!!" sigaw na sabi niya. Sinampal naman ulit siya ni father kaya napatahimik si Sam. Tulalang napahawak si Sam sa mukha niyang sinampal ni father. I think mas masakit yata ang sampal na 'yun. Napatulala siya eh! "Tingnan mo, pati ako, hindi mo na ginagalang!" mahina pero madiin na sabi niya. "Ano ba talaga ang problema mo?!" malumanay pero seryosong tanong ni father kay Sam. Hinawakan lang ni Sam ang mukha niya at parang hinilot-hilot 'yun at masamang tinitigan si father. "Ang problema ko?!" galit na galit na tanong ni Sam habang tinuro-turo ang sarili niya. "Well, isa lang! I was trying to be a good person but I screwed up!" sigaw na dugtong niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya na para bang may pinipigilan siyang sabihin o gawin... "Dapat kasi hindi na lang ako...." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya at naniningkit ang matang tumingin kay father 'tapos sa akin at huli kay Andrew. Bigla siyang umismid 'tapos ng mapatingin siya kay Andrew 'tapos ay napailing. May tinatago ba silang sekreto? "I'm pathetic!" mahinang sabi niya sabay lakad paalis sa harapan namin na nakayuko. Napakunot naman ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin nun? "Samantha!" sigaw ni father kay Sam pero nagpanggap lang si Sam na walang narinig. "Hindi pa tayo 'tapos mag-usap!" habol niya pero hindi man lang lumingon si Sam. Diretsung-diretsu lang siyang naglakad papunta sa kwarto niya. Narinig kong nag-tsk si father 'tapos pumunta sa may kusina. Napatitig ako kay Sam. Okay naman lahat kanina. Kaya bakit humantong sa ganito. Nakakalungkot naman. Ano ba kasi ang nang- Mabilis na napatingin ako kay Andrew. Baka may alam ang kapatid kong 'to. Naramdaman naman din siguro ni Andrew na tinitigan ko siya kaya dahan-dahang tumingin siya sa akin. "Bakit kuya?" inosenteng tanong niya. "Andrew ano ang nangyari?" seryoso at madiin na tanong ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya at napalunok. May hindi siya sinasabi... Napaiwas siya ng tingin 'tapos ay sumipol-sipol. Napailing na lang ako. Nag-iisip pa siya ng isasagot! Tsk! Tsk! Andrew talaga! "Andrew, sagutin mo ang tanong ko, anong nangyari?"ulit na tanong ko. Pero mas lalong pinaseryoso ko ang boses ko at mas diniinan ang pagkakasabi ko. Nakita ko naman siyang napalunok. "Ahmmm... Ano..." nauutal na sabi niya. "Kasi... k-kuya..." Napabuntong-hininga na lang ako. Kung magpapatuloy siya, magsisinungaling lang siya. Kaya naman.... Walang kaemosyong-emosyong tumingin ulit ako sa kanya na napalunok sa kanya. "Kyle Andre Del Rosario, tatanungin ulit kita, anong nangyari?" mahinahon pero madiin na tanong ko sa kanya. Napatitig lang siya sa mukha ko."'Pag hindi mo sinagot ng seryoso ang tanong ko, I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Mapanganib na dugtong ko. Mabilis na napapahid siya sa noo niya. 'Tapos naging balisa siya. Napangiti ako ng lihim. Good. Alam ko na hindi na siya magsisinungaling pero kailangan kong manigurado. "Alam mo naman ang kaya kung gawin lalo na 'pag galit ako Andrew...." nanakot na dugtong ko. Nakita ko siyang napalunok. "K-k-u-uya...." bulol na saad niya. -------- Sam's POV "ONE, TWO, THREE, FOUR, FIVE, SIX and Seven!" masayang sigaw ko ng matapos ako sa pagbilang ng mga butas sa kisame. Nakahiga kasi ako sa kama ng mapansin ko ang mga butas na iyon na nasa kisame. At dahil sa ayokong magpabebe, inaaliw ko na lang muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbilang sa mga butas na 'yun. At peste lang ha! Ang laki ng mga butas! Ang dami naman ng donation na natatanggap si tito sa mga taong nakatira dito pero bakit hindi niya mapaayos 'tong kisame! Napatigil ako sa pagtingin nung mga butas.. Bwisit! Naalala ko na naman 'yung nangyari kanina! Si tito kasi eh parang sira! Hindi naman niya alam ang buong kwento pero kong maka-react, wagas! 'Yan tuloy nagpalitan kami ng 'sweet words'. I know, 75 percent ay kasalanan ko kong bakit nag-away kami ni tito. Hindi ko kasi hinabaan ang pisi ng pasensya ko at nakipagsagutan ako sa kanya pero kasi... Nakakainis siya! Nag-ra-rant ng mga 'magic words' na para bang babaeng mangkukulam, wala namang alam sa nangyari?! At no way, wala akong balak na makiaayos sa kanya! May kasalanan rin naman siya. 20 percent nga eh! Hindi kasi marunong makinig sa paliwanag! 'Yung isang pangit naman a.k.a. Andrew, may 5 percent na kasalanan sa akin. Oo kasama siya! That bastard! Hindi man lang nagsalita! Hindi ako pinagtanggol kay tito pati na rin dun sa mga pangit na nilalang kanina na akala ay ka-level si Piolo Pascual sa kagwapuhan! Tsk! Mukha nila! Asar! Nakakainis lang kasi talaga! I was expecting na may sumagip sa akin but...Damn! Nakalimutan ko na kaya ko pala ang sarili ko kaya 'wag na lang akong umasa o 'di kaya humingi ng tulong sa iba. May prinsipyo kasi ako at 'yun ay ang; Mas magandang tumulong kaysa ikaw ang humingi ng tulong.... Kaya ito ako ngayon... Mas gustong tumulong na... EWAN! Napangiti na lang ako ng mapait. Tulong? Tsk! Parang mas gumulo pa yata ang sitwasyon eh! Bumalik ulit tayo kay tito. Tsk! Nakaka-offend 'yung sinabi niya kanina ah at alam ko na dapat sa mga oras na 'to, dapat mag-impake na ako para umuwi pa-Maynila pero ayoko! As in no, no, no! Ayokong umuwi! Para ano pa ang pag-uwi ko? Eh wala naman akong uuwian! Ang totoo niyan kasi, limang buwan na akong hindi nakakabayad sa Condo ko kaya sigurado ako na inaantay ako ng kung sino mang kapamilya, kapuso at kapatid nung 'landlady'. Wala rin naman akong balak umuwi sa bahay dahil, ayokong makipagplastikan sa mga kapatid ko at mga magulang ko. Atsaka isa pa, nandito si tito... Ang pinakamamahal kong tito! Napatagilid ako ng higa at napayakap sa unan ko. Tsk! I'm pathetic! Iyan lang ang masasabi ko sa sarili ko ngayon. Pinagsisikan ko kasi ang sarili ko rito eh! Kahit na... Bwisit! Mabilis na pinahid ko ang pesteng luhang bigla na lang lumabas sa mata ko! Bwisit talaga! Hindi ako umiiyak! Napuwing lang ako! Natawa na lang ako sa sarili ko. "Hay... Baliw ka na Sam..." mahinang saad ko sa sarili ko at tinalukbong 'yung kumot sa akin. For almost 8 years... Sa 8 years na paghahanap ko kay tito, sa wakas nakita ko na rin siya! I know, I'm too late! Kasi almost one week na ako rito pero kasi... Gusto kong malaman ng buong mundo na... Miss na miss ko na siya. At sobrang natuwa ako ng malaman ko na siya ang madadatnan ko rito-minus lang 'yung pagiging pari niya! Hindi kasi ako makapaniwala sa revelation na 'yun eh! Gusto ko siyang yakapin at kausapin to catch-up some things! Kaso, nakakahiya! Kasi hindi naman kasi bakasyon ang pakay ko dito-Actually, hindi ako nagbabakasyon, pinatapon kaya ako dito! Pinatapon ako ng nanay ko kaya alam ko na alam na ni tito ang mga hindi magandang ginawa ko, in these past years. Kaya... Bwisit! Bwisit! Sinisiraan ako ng magaling na nanay ko! 'Tapos may mga ganito pang nangyari... Damn! Kung kaya lang talaga ng powers ko... I will bring that sweet Sammy na gustong-gusto niya at 'yung pinagsasabi niya kanina but I just can't. I really can't do it! Ito na ako ngayon eh! Ito na ako... Isang tao na walang alam gawin sa buhay kundi makipag-away! God! Gusto ko ng magbago! I want it so bad na hindi ko alam kong paano magsimula! Gusto ko kasing maging proud ulit sa akin si tito! Kasi siya lang naman ang nag-iisang tao na magiging masaya kapag naging successful ako pero bakit ganun! Hindi kumo-cooperate ang tadhana ko! Kainis! *Toktoktok Mabilis na napabangon ako sa kama ko 'tapos napatingin sa pintuan. "Sino 'yan?" tanong ko pero walang sumagot. Napabuntong hininga na lang ako. Lumapit ako sa pintuan. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng maalala ko ang itsura ni tito at 'yung sinabi niya. Napatitig ako sa pinto. Kung siya lang naman ang nasa pintong 'to, mas mabuting 'wag ko na lang buksan! Kaya imbes na hawakan ang doorknob at pihitin 'yun para bumukas... I push the lock button. Tumalikod agad ako at padapang humiga sa kama ko. Bastos na kong bastos! Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba!Kasi nag e-emote ako dito! Mga peste sila!! AN: Acting? Or not? Hehehe! Enjoy reading everyone :) (08. 12. 2021 A.N. ??) HINDI KO SIYA INI-EDIT HA. FRESH FROM w*****d TO! KAYA PASENSYA SA MGA TYPO AT WRONG GRAMMAR
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD