Fifteen

4015 Words
"PAGKATAPOS MONG WALISIN 'YANG ALTAR, kunin mo 'yung basahan na nakasampay sa likod 'tapos punasan mo 'tong mga upuan at luhuran sa simbahan, Samantha!" napatingin ako kay tito ng sabihin niya 'yun. SERIOUSLY?! Ipapagawa niya sa akin lahat ng 'yun ng mag-isa?! Seryoso? Pinarusahan kasi ako ng magaling kong tito dahil sa ginawa ko kay Andrew at ang parusa ko ay maglinis ng bahay! Pero dahil sa malinis naman ang bahay dahil naglinis ako kanina, dito niya ako sa simbahan pinalinis! Sa sobrang malaking simbahan niya ako pinalinis! Diba ang daya?! Ako ang dapat na kinakampihan niya kasi ako ang kamag-anak niya, pero hindi! Kainis! Inaapi nila ako! Inaalila! Ano?! Ipa-Gabriella ko na sila?! "'Wag mo akong tingnan ng ganyan..." madiin na sabi niya habang pinandidilatan ako. Napa-pout ako sa sinabi niya at nagpa-puppy face! Baka makuha siya sa- "Mukha kang tanga Sam." walang kaemosyon-emosyong sabi niya kaya napatitig ako sa kanya. Wala siyang puso! Naturingang kamag-anak ko pa naman, 'tapos aish! Tumalikod siya sa akin kaya wala sa sariling 'napa-Harlem shake' ako dito at gusto kon g n gumawa ng Tito naman eh! "Pupunta ako sa bayan, dapat pagbalik ko, malinis na ang simbahan..." para akong binagsakan ng langit at lupa ng sabihin niya 'yun. Para akong sira na nakatitig sa pintuang binabagtas ng tito ko. What?! Lilinisin ko 'tong simbahan! Ako lang mag-isa? Come on dude! This is impossible! Napatingin ako sa may pader na malapit sa altar at sumandal doon. Mag wa-walling muna ako! Inilagay ko sa gilid 'yung walis na dala ko. Mamaya na ako magwawalis! Gagayahin ko 'yung sa ano... Basta 'yung babae sa facial wash na commercial! "Bakit ganun..." inilagay ko ang dalawang kamay ko sa pader habang nakatingin sa pintuan. Buti na lang talaga walang tao dito at nakaalis si tito kundi magmumukha akong engot. "Hindi ko naman alam na siya 'yun...." I bend my... Teka una bang nag-bend ng tuhod 'tapos nag walling na 'yung babae sa commercial?! Aish! Gumawa na lang ako ng sarili kong version! Umiliing-iling na dumaos-dos ako pababa sa sahig habang nagsasalita ng "Bakit ako pinagwalis-- "Excuse me..." Nanlaki ang mata ko. Dude may tao! Dahan-dahang inayos ko 'yung tayo ko at binaba ko ang kamay ko 'tapos pasimpleng kinuha 'yung walis na dala ko kanina. Umalis ako sa pader at tumingin sa gilid ko kong saan narinig ko ang salitang excuse me na 'yan.... Napalatak ako sa nakita ko! Si Andrew na naman na may benda siya sa mukha! Naka-chin-up na lumapit ako sa kanya. Akala niya ha! Siya kaya ang may kasalanan kong bakit pinagliliis ako ni tito ngayon dito eh! "Anong ginagawa mo dito?" matapang na tanong ko sa kanya. Parang nagulat siya sa paglapit ko sa kanya dahil namimilog ang matang siyang nakatitig sa akin. Tinitigan niya ako ulo hanggang paa. Nang tumingin siya sa mukha ko ulit, tinaasan ko siya ng isang kilay. Napalunok na lang siya habang nakatingin sa akin. "Ahmm..." nahihiyang wika niya. Yumuko pa siya at napakamot sa ulo niya. Napasapo na lang ako sa noo ko. Kailan kami matatapos sa pag-uusap kong masyado siyang pabobo boy?! Asar! Inis na tumingin ako sa kanya! "Hoy! Ano ba ang kailangan mo?" galit na tanong ko sa kanya. "Kita mong naglilinis ako dito, 'tapos nakikigulo ka pa! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin!" dugtong ko pa sabay pakita sa kanya nung walis na dala ko kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Nag-angat siya ng tingin kaya mas inilapit ko pa sa kanya 'yung dalang walis ko para ma-i-emphasis nga na naglilinis ako! Kasi nga naglilinis naman talaga ako!! Nahihiyang tumingin siya sa akin at huminga ng malalim. "Tutulungan sana kita sa paglilinis..." mahinang sabi niya sa akin. Napatitig naman ako sa kanya. Owsss... Tutulungan niya ako? Di nga? Bakit 'di niya sinabi agad? Matulungin pala ang isang 'to?! "Kasi hindi naman ako bisita dito, makikitira ako... Kaya nakakahiya naman sa 'yo na bisita at pamangkin ni Father Ismael kung hindi ako tutulong sa mga gawain dito sa simbahan pati na rin sa bahay." nakangiting dugtong niya. Okay... "Kaso, parang ayaw mo namang magpatulong, kaya sige sa loob na lang ako maglilinis...." Eh?! What?! Mag-o-offer siya ng tulong 'tapos ... NO WAY! KAILANGAN KO NG TULONG NIYA NOH! ATSAKA MALINIS NA ANG BAHAY KAYA PABAYAAN NA NIYA 'YUN! Tulungan na lang niya ako sa paglilinis dito sa simbahan! Hindi kaya ng powers ko ang maglinis dito! Natataranta ako ng aktong tatalikod na siya... Agad na hinawakan ko ang kamay niya. Kaya napatigil siya at tumingin sa akin. Napangiti ako sa wala sa oras. "I'm sorry..." agad na sabi ko. Hindi ko alam kong bakit 'yun ang nasabi ko. Nasabi ko na eh, kaya pabayaan na natin! Tinitigan lang niya ako na para bang binabasa ang isip ko. Napangiwi na lang ako. Feeling Edward Cullen pala ang isang 'to eh! Tsk! Tsk! Ngumiti lang siya sa akin at kinuha 'yung walis sa akin. "It's okay... Ako nga pala si Kyle, Kyle Andrew Del Rosario..."nakangiting saad niya at inilahad niya ang kamay niya. Napatingin ako sa nakalahad na kamay niya. Hindi ko naman hinihingi ang pangalan niya diba? So.... Bakit niya sinasabi ang pangalan niya sa akin? "What's yours?" nakangiting tanong niya sa akin. And then reality hits me! Damn! Naisahan ako ha! Akala ko walang hidden agenda ang mokong na 'to dahil kapatid-kapatid 'to ni Simon na inosente kaya akala ko inosente din 'to. Tsk! Pwede naman niyang hingin ang pangalan ko sa natural na paraan. May patulong-tulong pa siyang nalalaman ha! Nice one Kyle Andrew! Napailing na lang ako at napangiti. Dahan-dahang napatingin ako sa kanya. "Style mo bulok..." nakangiting saad ko. Kumunot naman ang noo niya... Siguro nga mali ako noon kay Simon at may nagawa akong kasamaan sa pagiging pure niya... Pero ngayon hindi na... Hindi na ako magkakamali! "Huh?" inosenteng tanong niya. Ahhhh. Papanagutan mo talaga ang pagiging inosente ha! Gusto mo talaga 'yan ha! Sige pagbibigyan kita. I flip my hair back and forth, charot! Sinuklay ko lang ang buhok ko at nakangiting tumingin sa kanya. Lumapit ako at hinawakan ang kwelyo niya habang binabasa ang labi ko. Hinila ko ang kwelyo niya para mapalapit sa akin ang mukha niya at--- "Sus! Maryosep! Kayong mga kabataan ngayon!" napatingin ako sa gilid ko ng may biglang sumigaw. Si nanay na nakita ko nung pagdating ko dito sa San Vicente ang nakita ko! Shock na shock ang mukha niya habang pinapaypayan ang sarili niya gamit 'yung novena na dala-dala niya. "Pati ba naman dito sa loob ng simbahan, sa harap mismo ng ng ..." hindi niya matapos-tapos ang sasabihin niya at galit na tiningnan kami. "Sa labas kayo maglumpungan!" ma-awtoridad na sigaw niya sabay duro sa amin. Nagkatinginan kami ni Andrew at sabay na naglakad palayo sa isa't isa. No way! Sabay kaming tumingin kay nanay at sabay sumigaw ng ... "MALI KAYO NG PAGKAKAINTINDI!" sigaw ko "SHE'S GOING TO KISS ME PO!" sigaw ni Andrew. Napamaang ako sa sinigaw niya. Wow! Tinitigan ko siya agad ng masama. "Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ako, hahalikan siya? Nanlambot ang expression ko sa tanong na 'yun. Oo.. Pero akala ko kasi... Aish! Si nanay kasi eh! Panira ng moment! Asar! "Totoo naman eh! Bigla ka na lang manghihila at you..." bigla siyang ngumisi at biglang kumulo ang dugo ko sa ngising 'yun. Para kasing naisahan niya ako! "You like me aren't you?" nakangising tanong niya. Napamaang ulit ako. "NO WAY!" mabilis na sagot ko sa kanya na mas kinalaki ng ngisi niya. Kinuyom ko ang dalawang kamay ko. Bwisit! Lord, habaan niyo pa ang pisi ko, kung hindi masasapak ko ang unggoy na 'to! "Really?" nanuksong tanong niya. Mabilis na tinaas ko ang kamay ko para suntukin sana siya ng biglang nagsalita na naman si nanay. "Tumigil na kayong dalawa!" napatingin ako sa kanya. Siya lahat ng may kasalanan nito eh! "Labas!" utos niya sabay turo sa pintuan ng simbahan. Hinarap ko si nanay! Sino siya para utusan ako? Naglilis ako dito?! "Hindi po pwede maglilinis pa ako ng simbahan..." sagot ko sa kanya. Pinameywangan naman ako ni nanay. "Naglilinis?" tanong niya sa akin sabay tingin ulo hanggang paa 'tapos tumingin kay Andrew. "Pinagloloko niyo ba ako? Eh bakit naglulumpungan kayo kanina?" dugtong na tanong niya sa amin. Aba't ang tigas ng utak ng matandang 'to! Sabi ng hindi kami naglulumpungan eh! Bakit 'di niya ma-gets?! Lumapit si Andrew doon sa matanda at inakbayan si nanay. Tsk! Tingnan mo 'tong isang 'to, feeling close! "Nanay Marina, hindi po kami naglalampungan..." malumanay na sabi niya sa matanda na para bang pinapaintindi niya talaga. "Naglilinis po talaga si dalagang maganda, at dahil sa parang nahihirapan na siya..." parang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Nahihirapan? Hindi kaya! Teka, narinig niya kaya 'yung sinabi ko kanina, nung nag wa-walling ako kaya nasabi niyang nahihirapan ako? "Tinulungan ko siya at bilang pasasalamat, hahalikan niya ako, ganun kasi sa Maynila eh..." Napanganga ako sa sinabi niya. Asar!! So pinaninindigan niya talaga na hahalikan ko siya?! Asar! Mapapatay ko 'tong si Andrew! Naniningkit ang matang tumingin ako sa pesteng lalaking 'yun. At ang peste! Dahang-dahang tumingin sa akin at kinindatan ako! ASARRRRRRRRRRR!!!! ---------- "PESTE! PESTE! PESTE!" inis na sigaw ko habang inilagay sa washing machine 'yung mga tela na ginagamit sa loob ng simbahan! Kainis! Malas ang araw na 'to! Nang mailagay ko na lahat ng mga telang 'yun ay kinuha ko 'yung isang box ng sabon. Binuksan ko 'yun at inilagay ko lahat ng powder doon sa washing machine. Tingnan lang natin kung hindi kayo pumuti mga pesteng tela! Nang matapos ako ay sinirado ko na 'yung washing machine ay ini-on ko na 'yun 'tapos sumandal ako sa pader malapit sa washing machine... Ito na ang pinakalast na trabaho ko ngayong araw! Pagkatapos nito, happy-happy na! Pero hindi ko makakalimutan ang ginawang pang-aalipustang ginawa ng Andrew na 'yun! Sinusumpa ko, balang araw, makakaganti din ako... Matitikman niya ang ganti ng isang taong api!! Uma-Amor powers na ako! Hay... Kainis talaga ang Andrew na 'yan! Kala mo kong sino! Aish! Baka nakakalimutan niya, siya ang may kasalanan kung bakit naghihirap sila! Buti lang talaga, mabait at tanga ang kapatid niya kaya pinag-Aish! Naalala ko na naman 'yun! At tuwing naaalala ko 'yun, kumukulo ang dugo ko dahil doon. Napatawad agad? Sa lahat ng ginawa niya? Tsk! Hindi na pinapatawad ang mga katulad ni Andrew! Dahil sila ang mga tulad ng taong dapat mamatay ng miserable! Hindi siya deserving sa pagpapatawad ni Simon! Tss! And speaking of Simon... Hindi pa sila nakakauwi ni tito! Ang dalawang 'yun, baka nag de-date! Andrew? Nasa loob! Siya ang pinaghugas ko ng platong kinainan namin kanina! "Papunta na ako!" napakunot ang noo ko ng marinig 'yun. Napasilip ako sa may gilid ng pader na sinasandalan ko at nakita ko si Andrew na may kausap sa telepono... At nanglaki ang mata ko sa nakita ko. I-phone ang cellphone niya. Iphone 6's wow! Akala ko ba wala na silang pera? Bakit naka-afford siya ng ganoong cellphone? Bago pa kaya ang model na 'yun. Paano ko nalaman? Ganoon ang cellphone ko eh! Okay... something fishy with this pesteng Andrew... "Okay..." rinig kong sabi niya sabay patay ng cellphone niya at inilagay sa bulsa niya. Napatitig ako sa kanya ng bigla siyang huminga ng malalim at may kinuha sa bulsa ng pantalon niya na nasa likod. Napatulala ako sa nakita ko. May inilabas siyang kwintas doon. Tinitigan niya 'yun 'tapos binalik ulit sa bulsa niya at naglakad palabas ng gate ng simbahan. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinundan si Andrew. Nakita ko siya na may kausap na tambay sa may tindahan kaya tumago ulit ako sa pader ng may gate. Damn it! Humanda ka sa akin Andrew! Kapag nalaman ko nama'y ginagawa kang kapestehan, makikita mo. Napatigil ako sa pag-iisip nang may na-realize ako. Why I'm angry? Bakit ako galit? Kay Andrew actually? Ay s**t! Tama pala! Papatunayan ko kay Simon na hindi deserving si Andrew sa pagpapatawad niya. Andrew is like my family. Katulad siya nina mama, papa at mga kapatid ko. Hihingi ng sorry 'tapos pag nabigyan mo, sasaktan ka nila ng paulit-ulit. Tama! Ganun si Andrew! And Simon is a friend. At ang pinakaayoko sa lahat, nasasaktan ang mga kaibigan ko. Hindi kasi porke't now showing ang 'A second Chance' ngayon, ay makikiuso na rin siya sa pagbibigay ng second chance sa kapatid-kapatid niya! Bwisit! Sinilip ko ulit si Andrew. Nakita ko siyang naglalakad paalis. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinundan siya! Lagot ka sa akin Kyle Andrew del Rosario! ------------------------------ ANDREW'S POV "BUTI NAMAN DUMATING ka na?" nakangising tanong niya sa akin. Naikuyom ko lang ang kamay ko. Tuwing dumadating ang araw na 'to, palagi kong dinarasal na sana namatay na lang ako. Ang tanga ko kasi! Naniwala ako sa kanila! Akala ko dahil sa kadugo sila si kuya Simon, okay na humingi ako ng tulong sa kanila nung pinapatakbo ko ang hacienda at 'yung resort habang nag-aaral ako pero mali ako. Dahil unti-unti nilang inililipat ang mga property namin sa pangalan nila at nagulat na lang ako isang araw na wala na sa amin lahat. Kaya 'yung perang kong natira ay ininvest ko dun nga sa investment scam na 'yun para sana mabawi lahat ng meron kami pero. Hayssst! Kabaliktaran ang nangyari, wala na talagang natira sa amin! Ang nakakainis pa, pinapalabas nilang inubos ko ang pera ko sa mga kaibigan ko. Na sobrang nakakainis, kasi nababaliw na ba sila? Kaibigan? Eh hindi nga alam ng mga kaibigan ko na nangyayari sa akin 'to eh. Hindi nga nila alam na mayaman kami dahil una sa lahat wala naman akong kaibigan na taga-dito! "Narinig kong sa kumbento ka na nakatira?" tanong niya sa akin. Napangiti na lang ako. Matapang na nakipagtitigan ako sa kanya. "Bakit natatakot ka ba na sabihin ko kay kuya Simon lahat?" tinitigan lang niya ako tumawa sa tanong ko. "Andrew 'wag mo na akong takutin pwede..." tumatawang sagot niya. "Alam ko naman na 'pag sinabi mo kay Simon ang lahat, mas pipiliin ni Simon na..." bigla siyang lumapit sa akin at dinuro ang noo ko. "Hindi ituloy ang pagpapari niya para lang maisalba ang ari-arian niyo..." at umakting pa siya na nalulungkot. Damn it! "Alam mo naman ang kapatid mo, masyado siyang mabait." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dulo ng kwelyo ko para mapalapit sa kanya. Inilayo ko na lang ang mukha ko sa kanya. Nakakadiri ang lalaking 'to! Okay lang sana kong babae siya kaya okay na mapalapit ang mukha niya sa akin. At isa pa pala, dapat magandang babae siya kung gagawin man niya 'yun, parang tulad nung babaeng nasa simbahan kanina. Sam yata ang pangalan nun eh. "Mag-aala Superman..." nang-uuyam na dugtong niya at binitiwan ako. Inayos ko na lang ang t-shirt na suot ko at inis na tiningnan ang bwisit na lalaking kaharap ko. Kung wala lang talaga akong utang sa lalaking 'to, kanina ko pa 'to sinuntok eh! Kaso hindi pwede dahil may utang ako sa kanya at baka 'pag ginawa ko pa 'yun, ako pa ang pagalitan ni kuya Simon. Na sobrang nakakainis na realidad! Minsan, natatanong ko sa sarili ko, Is kuya real? Ang dali niya kasing magpatawad ng tao na may kasalanan sa kanya, ang bait niya pa, minsan ko lang siyang makitang magalit at napakaperpekto niya para sa akin bilang kuya ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Kaya nga ginagawa ko 'to ngayon eh. I want to help him because kuya needs money. Hindi man niya sabihin pero kailangan niya ng pera para sa mga gagastusin niya sa anong tawag dun.... Ah basta! Graduation nilang mga taong gustong maging pari! At okay lang sa akin na hindi ko na mabawi ang mansion namin at ang mga negosyo naming kinuha ng mga kapamilya ni kuya Si... Pero kasi 'yun na lang ang alaala na meron ako sa mga magulang ko! "Magkano na lang ang kulang ko?" tanong ko sa kanya. Kailangan kong mabayaran ang utang ko. Oo bukod sa wala na kaming ari-arian! May utang pa ako sa kanya. Nagkasakit kasi ako nung isang buwan at ang pesteng 'to, pinautang ako gamit ang sarili kong pera! BWISIT! At tuwing buwan nag-babayad ako para malamang, mabayaran sila! "500, 000 pesos..." napakunot ang noo ko sa sinagot niya. "Teka lang, bakit parang hindi nababawasan ang utang ko?" tanong ko sa kaniya. Noong isang buwan, ganyan din ang sinagot niya ha... Ano 'to lokohan?! Sasagutin na sana niya ang tanong ko ng may biglang sumigaw sa likuran ko. "BITIWAN NIYO AKONG MGA KUTONG LUPA!" Napalingon ako ng makita ko si.... Damn it! Ano ang ginagawa ni Sam dito?! Diba nasa simbahan siya because she is washing some stuffs? Pilit na kumukuwala siya kay... I mean kina Bobong at Dodong, ang mga pangit na pinsan ni kuya Simon, literally! Yup pangit sila! Ang totoo niyan, si Kuya Simon, nanay at tatay lang ang masasabi mong tao sa buong angkan nila, LITERALLY. Kasi 'yung iba mukhang alien dahil ang papangit ng mukha, ang papandak na parang unano at mga bobo! Atsaka mga demonyo dahil ang sama pa ng ugali! "Isa 'pag hindi niyo ako pinakawalan---- "TAHIMIK!" sigaw ni Bobong sa kanya. 'Yung lalaking matabang nasa kanan ni Sam. Aish! Walang galang sa babae! Napangiwi lang si Sam sa kanya at umaakting na nasusuka. Napatitig ako sa kanya. Ano naman ang gagawin niya? "Ah dude!" sigaw na sabi niya sa dalawa habang nandidiring tinitigan si Dodong, 'yung pangit na nasa kaliwa niya! "Nagkikita ba kayo ni Shower?!" inis na tanong niya na napamaang sa akin. Nakita ko namang napatitig sa isa't isa sila Dodong at Bobong habang nakakunot ang noo. Tumingin ulit sila kay Sam. "Sinong Shower?" tanong nilang dalawa. Napatawa ako sa tinanong nila! Ghad! Ang bobo talaga nila! Tumingin naman sa akin ang tatlo kaya napatigil ako sa pagtawa at dahang-dahang tumayo ng maayos. Pumiksi naman si Sam ulit para makawala sa dalawang engot na 'yun. "Dude ginagawa niyo akong lalaitera!" galit na dugtong ni Sam habang masamang nakatitig sa dalawang engot na nakakahawak sa kanya. "Ano naman ba 'yan Dodong at Bobong bakit dinala niyo na naman ang chicks niyo dito!" inis na tanong sa lalaking nasa likuran ko. Maang na napatingin ako kay Crisanto, ang lalaking nasa likuran ko. "Tiyo, hindi namin chicks ang isang 'to..." nandidiring sagot ni Bobong. WTH?! Napatingin ako sa kanilang dalawa. Chumochoosy pa ang mga engot na pangit na 'to?! Ang pangit kaya nila! 'Tapos ang ganda ng babaeng hawak nila?! WTH?! God! Iba talaga ang dala ng biglaang yaman! Siguro tingin nila, porket mayaman na sila, gwapo na ang tingin ng mga taong katulad nila! HOY HINDIIIIIIIII!!! "Nakita namin 'to sa labas eh...." dugtong ni Dodong! "Hoy Andrew!" napatingin ako kay Sam ng bigla niya akong tinawag. "Wala ka man lang bang sasabihin para pakawalan nila ako dito?!" maanghang na tanong niya sa akin. Napatitig na lang ako sa kanya. Ahmmm... The truth is wala at hindi ko kayang isagot sa kanya 'yun. "They smell horrible dude!" she mouthed na parang diring-diri talaga siya. "Sino siya Andrew?" tanong ni Crisanto. Napapitlag pa ako ng makita ko siya ng lumingon ako sa gilid ko s**t! kailan pa siya nandito?! "Girlfriend ko..." wala sa sariling sagot ko sa kanya. Nataranta kasi ako! Narinig ko namang napasinghap ang mga taong nasa loob ng bahay. "Saan mo siya napulot?" mabilis na tanong ni Crisanto na para bang gulat na gulat. Teka lang... Ano ang gusto nilang palabasin.... Impossible bang maging girlfriend ko si Samantha? "Wala ka pa lang taste 'Drew... " sabi naman ni Bobong. WTF?! Mabilis pa sila kidlat na napatingin ako sa kaniya. Seryoso ba siya sa sinabi niya? "Tsk! Tsk!" dugtong naman ni Bobong at tumingin rin ako sa kanila. ASDFGHJKL! Seriously?! Anong tingin nila sa sarili nila?! "Napulot?" gulat na tanong ni Sam habang tinitigan mula ulo hanggang paa si Crisanto. "Walang taste?" tanong niya rin at tumingin kay Bobong at Dodong 'tapos tinitigan niya rin 'to ulo hanggang paa. Siguro na-offend siya sa tinanong ng mga pangit na kamag-Scratch that! Hindi ko sila kamag-anak! Hindi nila ako tinuring kadugo and damn! Hinding-hindi ko sila ipagmamalaki bilang kamag-anak! They are my enemy! "Baka pwede mong itanong sa sarili mo, matandang hukluban!" sigaw ni Sam kay Crisanto at biglang pumigilas sa pagkakahawak kina Bobong. "Ano ba! Bitiwan niyo ako! Ang baho-baho niyo dude! Naligo ka ba?!" matapang na sigaw niya kay Bobong. Napamaang ako sa sinabi niya. God! Ang tapang ng babaeng 'to! Harap-harapan na niyang sinasabi ang sinabi niya sa akin kanina! Nagulat rin siguro si Bobong sa sinabi ni Sam kaya nabitawan niya ito at nakawala si Sam sa kanila. Galit na tumingin ang dalawa kay Sam. "Anong sabi mo?!" galit na tanong nilang dalawa sa kanya. Hinarap sila ni Sam at nginitian. 'Tapos ay matapang na tinitigan. Oh God! Moment of truth na sa dalawang 'to! "Seriously dude?! Gusto mo talagang ulitin ko ang sinabi ko, mapapahiya ka sa mga taong nandito..." nakangising sabi niya. "Ang sabi ko, ang bah—*PAK!" Napatulala ako sa ginawa ni Bobong! Ghad! He slapped Sam! God! Wala sa sariling napalakad ako palapit sa kanila para sana suntukin ang dalawa pero... "f**k!" rinig kong sabi ni Samantha. Dahan-dahang tumingin si Sam sa dalawa. Napatulala ako. She is mad. Very mad. Matapang na humarap si Sam sa kanila. "You..." galit na galit na sabi niya habang titig na titig kay Bobong. Nagmamadaling lumapit si Sam at biglang sinuntok ang mukha ni Bobong at sinipaan ang 'precious' nito. "Para 'yan sa pagkaladkad sa akin..." matapang na sabi niya. Hinawakan ni Sam ang braso ni Bobong at biglang ewan, hindi ko alam kung paano niya nagawa pero parang binabali ang braso ni Bobong! "Para naman 'yan sa pagsampal sa akin!" sigaw ni Sam. "Babaliin ko 'tong braso mo engot!" dugtong niya pa. "Arayyyyyyy!" malakas sigaw ni Bobong "Bong!" sigaw ni Dodong "Hoy babae!" sigaw naman ni Crisanto at bigla silang tumakbong dalawa para tulungan si Bobong! Nabangga pa ako ni Crisanto sa pagmamadali niya kaya napatumba ako. Bigla naman akong kinabahan. Baka bubugin nila si Sam. Wala pa namang awa ang dalawang 'yan. Napatayo agad ako para tulungan si Sam 'tapos napatingin ako sa kanila. "Samantha.....ah?" manghang tawag ko sa kanya. Napanganga ako sa nakita ko. Anong nangyari? Ang natatandaan ko nadapa ako dahil nabangga ako ni Crisanto pero mabilis din naman akong napatayo dahil nga tutulungan ko si Samantha pero... Hindi naman pala kailangan... Napatingin ako kay Sam na ngayon ay sinsipaan si Crisanto na nakasalampak sa sahig at walang malay. Silang tatlo actually ang nakasalampak sa sahig na para bang walang malay at sobrang nakakaawa ang itsura! Ito ba ang Beast Mode na sinasabi nila? "Blackbelter ako gago!" sigaw niya habang sinisipaan naman si Bobong. Manghang napatingin ako sa kanya. Who the hell is she?! Humarap naman siya sa akin pagkatapos niyang magsawa sa pagsipa kay Bobong at nagmamadaling lumapit sa akin. Napaatras agad ako. Baka sapakin niya ako dahil hindi ko pa naman siya tinulungan kanina. "Sorry..." wala sa sariling sabi ko sa kanya at tumakbo palayo sa kanya. Pero ang bilis niya. Nahawakan niya ang kamay ko at biglang hinila palapit sa kanya 'tapos tinuhod ang likod kaya napatigil ako sa pagtakbo! "Aray!" sigaw ko. Binitawan naman niya ako kaya napahawak ako sa likuran ko. "s**t! Ang sakit!" sigaw ko sa kanya. Bigla namang pumunta sa harapan ko ang pesteng babaeng 'yun. Hindi na ako nagulat na ang sama ng pagkakatingin niya sa akin. "Hindi ko man alam ang nangyayari ngayon pero isa lang ang masasabi ko, humanda ka sa akin..." madiin na sabi niya at tumingin kay Crisanto na ngayon ay pilit na bumabangon sa pagkakahiga sa sahig. "And for you old hag, tandaan mo-niyo ang pangalan ko, my name is Samantha Guevara and I'm going to sue you sa pagsampal sa akin! Hinding-hindi ko kayo mapapatawad!!!!" sigaw niya sabay bato nung sapatos niya kay Crisanto. "Itaga niyo 'yan sa bato mga pangit!" sigaw ni Samantha at hinila niya ako palabas doon sa bahay. AN: ENJOY READING EVERYONE ^___^ Bad Mood si Sam! -__- hahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD