Years Ago
"TITO bakit dito ako mag-aaral?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Tumingin ulit ako sa Total assessment form na hawak ko.
Php 25, 000.00.
Ang laki naman yata nito! 'Tapos narinig ko na sinabi nung babaeng nasa cashier na i-divide ko daw 'to sa apat para malaman ko kung magkano ang babayarin ko kada exam. So, 25,000 divided by 4 equals, something-something! I-imagine niyo na lang na may number sa something na 'yun o 'di kaya, kayo na lang mag-volunteer na i-solve 'yun! Ano ba kasi ang naisip ko at nag co-compute ako dito?! Ano mathe-mathematician ako?! Kaya nagso-solve ako dito?! Eh ang hina ko kaya sa Math!
Napatingin ulit ako sa papel na hawak ko.
Php.25, 000.00. Nakakalula sa sobrang mahal! Katatapos lang namin na magpa-enroll ng tito ko. Oo siya ang kasama ko sa pagpapa-enrol imbes na ang nanay ko, nasa abroad kasi siya eh. Atsaka isa pa, malakas si tito sa school na 'to dahil kaibigan niya ang mga namamahala nito kaya kahit na late ako sa pagpapaenrol dito sa Catholic school na 'to, natanggap pa rin ako. Pinatransfer kasi ako ni mama dito dahil natatakot na siya sa pinagagawa ko, para na daw kasi akong lalaking kumilos at imbes na dolls ang pinaglalaruan ko, b***l-barilan at mga action figure ang nilalaro ko. At isa pa sa pinakareason kong bakit niya ako pinatransfer, wala akong crush na lalaking artista kundi puro babae kaya ayun... Ang lame ng reason niya noh? Catholic school rin naman ang dati kong school 'yun nga lang babae lahat ng estudyante doon.
"Sam," biglang tumigil sa paglalakad ang tito ko kaya napatigil rin ako sa paglalakad. "Napag-usapan na natin 'yan diba?" lumuhod siya sa may harapan ko para maipantay niya ang mga mukha namin.
Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Napag-usapan? Oo napag-usapan na namin 'yun pero hindi ko talaga maintindihan eh! Sabi ni mama, ayaw niya sa mga kaklase ko dahil tinuturuan daw akong maging maton pero noong isang gabi narinig ko sila ni tito na nag-aaway sa telepono at sinabi pa nga ni Tito noon na "Paano naman ako?! May pangarap rin naman ako! Nagpapasalamat nga ako sa Maykapal dahil hanggang ngayon, hinihintay pa rin ako ni Mr. Del Rosaraio eh! Ang mabuti pa Elena, umuwi ka dito! Dito kana magtrabaho sa Pilipinas at harapin mo ang mga responsibilidad mo dito! 'Wag kang feeling single diyan sa Canada! Dahil, ako! Buo na ang desisyon ko! Ililipat ko doon si Samantha dahil may dormitory doon na pwede niyang tirhan!" at iyon hindi ko na alam ang sunod na sinabi ni tito kasi natulog na ako.
"Sam..." tawag ni tito sa akin. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nginitian niya ako ng matipid. "May ibibigay ako sa 'yo..." masayang sabi niya. Tumayo siya at may kinuha na kung ano sa bulsa niya. Nang makuha na niya 'yun, bumalik siya sa pwesto niya kanina at tinitigan ang mukha ko. Kinuha niya 'yung isang kamay kong nakakuyom at binuksan 'yun 'tapos may nilagay siyang kung ano. Napatitig ako doon at ganun na lang ang pagkagulat ko ng may nakita akong magandang necklace 'yung parang nasa mga teleserye! Ano nga ulit tawag nun?!
"Binigay sa akin 'yan ng mama mo last month, pero dahil sa wala tayong pang-ulam last month, nasangla ko at kahapon ko pa lang natubos." Rinig kong sabi ng tito ko.
"Sam, ingatan mo 'yan, pendant ang tawag sa kwintas na iyan at sobrang mahal niyan dahil original 'yan. Alam mo naman siguro na kapag nanay mo ang bumibili ng alahas, orig talaga dahil pag in case of emergency, may mai-isanla siya..." hindi ko inabsorb ang pinagsasabi sa akin ni tito. Amaze na amaze kasi ako sa pagtingin nung necklace ko. Ang galing kasi! Kumikinang 'pag tinatapat siya ng sun! Wow...
"Nga pala Sam, aalis ako..."napatigil ako sa pagtingin nung necklace at napatingin sa kanya. Ano daw? Aalis siya? Tama ba ang narinig ko?
"Saan ka pupunta tito?" malungkot na tanong ko sa kanya at dahan-dahang binaba 'yung kwintas na 'yun. Ngumiti ng matipid ang tito ko bago sagutin 'yung tanong ko.
"Sa malayong lugar..." matamlay na sagot niya. Para akong binagsakan ng lupa ng sabihin niya 'yun. Napakagat ako sa labi ko at dahan-dahang binalik ko sa kanya 'yung kwintas. "'To ayaw ko na ng kwintas na 'yan kung kapalit naman kasi ng pagkakaroon niyan ay ang pag-alis mo, ang mabuti pa isangla mo na lang ulit 'yan...." malungkot na sabi ko.
Kasi naman! Si tito ang ka-kasama ko buong buhay ko! Winiwish ko nga dati na sana siya na lang ang tatay ko kasi wala naman akong ganun. Sabi kasi ni mama, patay na daw tatay ko. Namatay dahil pinatay siya ng mga miyembro ng ISIS!
"Sam ano ka ba..." parang inis na sabi sa akin ni tito. Binalik niya sa akin 'yung kwintas ulit. Huminga siya ng malalim bago kausapin ako ulit. "Sam sa 'yo 'yan..." malumanay na sabi niya sa akin sabay haplos ng buhok ko. Yumuko lang ako at umiling. Ayoko na! Gusto ko ng lumayo dito! "Sam makinig ka..." malambing na utos niya. Umiling lang ako at tinakpan ang tenga ko. Sabi ng ayokong makinig sa sasabihin niya eh! Hindi ba niya na fi-feel 'yun?!
"Sam..." tawag niya ulit sa akin. Inalis niya ang kamay ko sa may tenga ko at iniangat ang mukha ko. Napanguso ako. Bakit ganun ang itsura niya, para siyang nagpapaalam na parang wala na siyang balak na bumalik pa. Parang tulad ni mama! Sabi niya sa akin 3 months lang daw siya sa Canada, pero mag li-limang taon na siya doon!!
TITO! Gusto ko tuloy lumayo sa kanya para hindi marinig ang sasabihin niya sa akin. Ayoko na! Ayoko ng marinig ng ganung mga linya na 'babalik agad ako' 'tandaan mo, mahal kita kaya gagawin ko 'to' 'para sa kinabukasan mo 'to'. Mga linyang ginamit sa akin ni mama noon.
Ayoko na talaga! Dahil nasasaktan ako ng paulit-ulit at umaasa ng paulit-ulit sa mga ganun! "Sam, natatandaan mo ba nung tinanong ko sa 'yo kung ano 'yung gusto mo paglaki mo?" nakangiting tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Oo naman! Matatandaan ko talaga 'yun. Eh nung isang araw niya tinanong sa akin 'yun eh... "Ano nga ulit 'yung sagot mo?" tanong niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.
"Gusto kong maging genetic engineer..." diretsung sagot ko sa kanya. Simula ng ma-encounter ko ang salitang 'yan, 'yan na lang palagi kong sinasagot sa mga teacher ko kung ano ba daw ang gusto ko paglaki ko. 'Yung mga classmate ko nga tingin nila sa akin, weird! Wala naman daw kasing ganun!
"Dahil..." nakangiting saad niya.
"Gusto kong tulungan si Alice sa pagsugpo ng zombies at matalo ang Umbrella Corporation kaya gagawa ako ng maraming anti-virus." inosenteng sagot ko sa kanya.
Narinig kong tumawa si tito sa sinagot ko. Hindi ko naman sya masisisi. Sino ba kasing hindi matatawa? Alice? Umbrella corporation? Anti-virus? Zombie? Ako na talaga ang adik sa Resident Evil. Ang ganda kasi ng larong 'yun 'tapos sobrang cool pa ng movie adaptation niya! Kaya adik na adik ako doon eh.
"Pero tito bakit niyo naman po natanong ulit?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Kasi Sam 'yon ang lalakarin ni tito..." sagot naman niya. Mabilis na napatitig ako sa kanya na may sobrang g**o na expression sa mukha. Tutulungan niya akong maging genetic engineer? Pero paano? Eh grade 5 palang ako. Diba kailangan ko pang mag high school para maka-college ako 'tapos magiging genetic engineer na ako. Gagamit ba si tito ng time machine para maging college student na ako? Eh wala naman siyang time machine 'tapos kung bibili din siya, wala siyang pera.
"Ano?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Ngumiti muna siya ng tipid sa akin 'tapos yinakap ako.
"Gusto kong gawin ang bagay na gusto kong gawin at dahil sa matanda na ako, gagawin ko na siya Sam at kapag hindi ako umalis ngayon, hindi ko na siya ma-mi-mission complete." kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at napatitig sa mukha niya. Nakakaawa ang tito ko. So balakid pala ako sa balak niyang gawin sa buhay niya? Napaka-selfish ko pala! Napakagat ako sa labi ko How sad truth is! Pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Strong ako diba? Hindi umiiyak ang strong na tao na tulad ko. Atsaka, sinakripisyo ni tito ang pangarap niya para sa akin kaya apat mag give way rin ako sa kanya.
Ngumiti na lang ako sa kanya. And with that smile of mine, pinapahiwatig ko na sa kanya na pinapayagan ko na siya. Ngumiti rin sa akin si tito and mouthed 'Thank you'
"Ano ba kasi ang gagawin mo 'to?" masayang tanong ko sa kanya but deep inside, ang sakit sa pakiramdam! Sobrang sakit! Iiwan na ako ng bestfriend ko. Kahit na palagi niya akong pinapagalitan at masakit siyang magparusa, masasabi ko na siya ang nagmahal sa akin ng lubusan... Kasi ang nanay ko, hindi ko alam kong mahal ba niya talaga ako. Mas gusto niya pa kasing magtrabaho sa malayo kaysa samahan ako dito sa Pilipinas. Feeling ko alibi lang niya ang pagtatrabaho niya sa ibang bansa dahil ayaw niyang malaman ko na hindi niya talaga ako mahal. Napatitig na lang ako sa tito ko para malaman ko kong ano ba ang gusto niya. Gusto ko kasing malaman kong napaka-reasonable ba na iwan niya ako para lang sa pangarap niya. 'Wag ko na nga lang isipin ang nanay ko. Badvibes siya!
"I want to serve God the Father Almighty the rest of my life..." nakangiting sagot niya.
-----
NAPANGITI ako ng maalala ko 'yun. Hindi ko alam kong bakit nag fa-flashback ako rito. Nag-aarange kasi ako ng gamit at nakita ko ang kwintas ko. Napailing na lang ako. Ganun na pala ang nangyari. Now I remember. Itinaas ko ang kwintas ko. Ang ganda pa rin niya at sigurado ako na kapag wala akong pera at isasangla ko 'to, tiyak tiba-tiba ako pero NO! Hindi ko 'to isasangla no! Napatitig ako sa isang box na nadoon. Napangiti ako at inilabas 'yung mga DVD's na nandoon. 'Resident Evil'
Niyakap ko 'yun at napahiga sa kama ko. "Hay Alice... Parang hindi ko yata magagawa ang promise ko sa 'yo na matutulungan kita na pabagsakin ang Umbrella Corporation. Sobrang hirap pala ang genetic engineering. Hindi kaya ng brain cells ko. At bukod sa mahirap na kurso siya, ang mahal-mahal pa niya hindi ko afford." At isa pa, sabi ng results ng NCAE ko, dapat daw sa fashion-fashion ako!
Oo!
Alam ko na para akong siraulo rito dahil kinakausap ko ang DVD na kayakap ko ngayon pero wag kayong ano?! NAG-E-EMO ako dito! Walang basagan ng trip pwede?!
Back to my pag-e-emo...
Saan na nga ulit ako? Tama result sa NCAE!
1
2
3
Action...
Tinaas ko 'yung DVD na hawak ko at ngumiti doon....
"Kaya napag-desisyon ko hindi na ako mag ge-gentic engineer, magiging civil engineer na lang ako. Alam ko na mahirap din ang kursong 'yun pero dahil sa tinamad ako pumila noong enrollment sa University na papasukin ko doon ako pumili. 5 lang kasi ang nakapila roon eh. Oo! Finally, naka-graduate na rin ako sa highschool at thanks to God dahil may naipasa akong isang entance exam sa 25 na school na pinag-entrance examan ko." hinalikan ko ang DVD na hawak ko at tumagilid ng higa 'tapos yinakap ko ulit 'yung DVD.
"Tingin mo Alice, may pag-asa bang maka-graduate ako sa kursong 'yun?" malungkot na tanong ko. "Ang bobo ko pa naman sa Math!" hay grabe! Ano ba kasing napasok sa utak ko at kinuha ko ang kurson---- *BLAG
Napabangon ako sa kama ko ng may biglang tumunog sa may labas ng kwarto ko. May parang nahulog-Scratch that! May nahulog talaga! Agad na tinago ko sina Alice at ang kwintas ko sa ilalim na kama at bumangon sa kama! Kinuha ko 'yung kahoy na nasa aparador. Kung nagtataka kayo kung bakit may kahoy sa aparador ko, well pareho tayo.
Lintek!
Kung sino man ang Ponchio Pilatong magnanakaw 'to lagot talaga sa akin. Oo magnanakaw! Ako lang kaya ang nandito sa bahay! Nasa 'kabilang bayan' si tito at Simon dahil sinundo si Andrew dahil dito na siya patitirahin ni tito!
Kaya humanda talaga sa akin ang magnanakaw na 'to!!
Walanghiya siya!
Una, sinira niya ang pag-e-emo ko! Second, pagagalitan ako ni tito sa pinagagawa niya! Inutusan pa ba naman ako ng lalaking 'yun na maglinis ng bahay dahil may bisita kami in character of Andrew!
Dahan-dahan akong pumunta sa pintuan at dahan-dahang binuksan 'yun at lumabas doon. Pumunta ako sa kusina. At ganun na lang ang paniningkit ng mata ko sa nakita ko! We have a pataygutom na magnanakaw! At sosyal ha! Sinusigurado talaga ang nutella na nasa ref! Walanghiya talaga siya! Akin 'yun!
Bumuwelo muna ako bago tinaas ang kahoy na dala ko bago sumigaw ng "MAGNANAKAW!!" at mabilis na tumakbo palapit sa magnanakaw para paluin siya
"Aray!" malakas na sigaw nung magnanakaw at pilit na lumalayo sa akin kaya ang ginawa ko ay pinagpatuloy ko ang pagpalo sa kanya. "Magnanakaw ka!" sigaw ko sa kanya habang pinapalo siya. Bawat palo ko, iniisp ko 'yung mga panahon na nanakawan ako sa divisoria kaya alam ko na habang tumatagal sumasakit ang palo ko! "Walang sinuman ang pwedeng magnakaw sa akin!" nakapikit na sigaw ko.
"Tama na!!" sigaw nung pinapaluan ko.
"SAMANTHA GUEVARA!" napapigil ako sa pagpalo ng marinig ko ang boses ng tito ko. Napatingin ako sa likuran ko at ganun na lang ang gulat ko na makita kong gulat na gulat ang itsura niya. Para siyang nakakita ng patay na katawan.
Pero... Bakit ang bilis naman nilang makabalik galing kabilang bayan? Akala ko gagabihin sila ni Simon. Kasi nagabihan kami kahapon eh!
"Tito..." tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Napalunok pa ako ng bigla niya akong tingnan ng masama. Bakit?! Bakit parang may ginawa akong hindi maganda?!
"Anong ginawa mo kay Andrew, Sam?!" galit na tanong niya sa akin.
Andrew?!
Nabitiwan ko 'yung kahoy na hawak ko at maang na napatingin sa sahig. And there he is... Andrew.
"Tulong..." nakangiwing hingi niya sa akin.
Oh my God! Lagot ako sa tito ko!!
AN: Now I understand. Kapag pala mag-uupdate ng story gamit phone, kailangang mag installed ng starry writing. Now, pwede ko ng dahan-dahanin sa pag update ang Bad Girl, good kisser using phone. noon kasi nagtataka ako paano, mag-uupdate kung gamit ang phone kaya hindi ako makaupdate rito! hehehhe