"PASOK..."
Alanganing napatingin ako kay Simon ng sabihin 'yun ni Andrew sa amin. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko sa ekspresyon ng mukha niya na parang ayaw rin niyang pumasok doon. Okay, nice one Simon, pareho kami ng naramdaman, ayaw naming pareho na pumasok sa bahay ni Andrew-Kung bahay ba talaga ang matatawag dito.
Hindi naman talaga ako lalaitera pero kasi YUCK!
YUCKNESS OVERLOAD ang bahay ni Andrew. Para lang kasing bahay-bahayan ang bahay niya eh. 'Yung roof kasi ng bahay niya, gawa sa sako 'tapos 'yung haligi naman ay gawa lang sa kartoon. Jusko! Imbes na maawa ako sa kanya hindi ko magawa, bakit?
Ang dumi ng paligid eh.
Hindi pa ba na-e-encounter ng lalaking 'to ang salitang proper hygiene o kaya ang cleanliness?
Atsaka, lakas ng immune system niya ha! Kasi kung ako ang nakatira rito, baka hindi ako kasing lusog... Napatingin kay Andrew at tinitigan ang katawan niya. Hindi ako magiging tulad niyang... hot?
Pero ha! Hindi ko siya pinagnanasaan! SWEAR! Uma-appreciate lang ako! Atsaka totoo naman talaga ang hot niya...
Yung pangangatawan niya, 'yung lalaking-lalaki!
"Diyan ka nakatira?" seryosong tanong ni Simon. Obvious naman siguro na si Andrew ang tinatanong niya 'no?
Alam niyo nakakapanibago ang lalaking 'to. Hindi ko siya nakitang ngumiti pagkatapos ng 'away scene' nila Andrew at ni Majinbo kanina. Alam niyo, binabawi ko na 'yung sinabi ko noon na bawas-bawasan niya 'yung pagiging palangiti niya kasi mas gusto ko pa 'yun kaysa sa ngayon. Feeling ko, siya si tito at sobrang nakakakilabot!
Tumigil sa pag-aarange si Andrew sa mga gamit niya na ewan ko kung bakit niya ginagawa 'yun. Diba sisante na siya? Yun kasi ang feeling ko... Kaya para saan pa ang ginagawa niya? Evictee na siya ng resort na 'to in short ex-employee na siya! Kaya ang dapat niyang gawin, mag-empake at mag babye dito!
Dahang-dahang tumingin sa amin si Andrew at tumitig kay Simon.
"Yes..." malungkot na sagot niya 'tapos bumalik ulit sa pag-aarange ng mga plato.
Narinig kong huminga ng malalim ang katabi ko.
"Saan ka natutulog?" seryoso pa ring tanong ni Simon kay Andrew.
"Minsan diyan sa loob pero 'pag umuulan sa may lobby ako ng resort natutulog kahit na pinapagalitan ako ni Auntie..." hinding lumilingong sagot niya sa tanong ni Simon.
"Andrew, kailan pa?" malungkot na tanong ni Simon na napakunot ng noo ko. Kasi parang nag-iiba ang tono niya at... lumalambot?
Naawa siya?
Well nakakaawa naman talaga ang lalaking 'to...
Pabagsak na binaba ni Andrew ang dala niyang baso at galit na galit na tumingin kay Simon. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagdugtong ng kilay ko sa ginawa niya. Kasi... Siya pa talaga ang may ganang magalit?! Sino ba gumawa ng hokus-pokus kaya nawala lahat ng meron sila?! Eh si semenarista na nga ang good.... sumaritan? samaritan? Ah basta! Isa siyang mabait na nilalang na may concern sa kanya!
Maturuan nga ang engot na 'to! Hinanda ko ang kamao ko para sa bakabakan namin!
"3 months after you left me here Simon!" matapang na sagot niya kaya napatigil ako sa iniisip ko paano siya mabugbog!
Manghang napatingin ako sa kanya. Aba't tingnan mo ang isang 'to! Saan na ang kuya niya kanina? "Sabi ko naman sa 'yo eh, hindi sila mababait na tao! Siguro sa 'yo pero sa akin..." sabi niya sabay turo sa sarili niya "Hindi sila mabait Si!" puno ng hinanakit na sabi niya. Napatitig ako kay Andrew...
Ahmmm... Ito ba ang tinatawag nilang hugot?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng katabi ko.
"Una, mabait pa sila sa akin..." sabi niya sabay talikod sa amin. "Silang lahat mabait sa akin actually, dahil nga binigay mo sa akin ang share ko kaya naging mabait sila pero dahil sa ang tanga ko! Ang tanga-tanga ko at ang bobo ko pa! Nawala ang lahat ng meron ako... tayo." malungkot na sabi niya sabay talikod sa amin. Hin di ko naiintindihan. Sinasabi niya ba na mukhang pera ang mga 'sila' na tinutukoy niya? Sino 'sila'?
"Si, I was so scared na iwan nila ako kasi pera lang paraan para maging mabait sila sa akin... kaya naniwala ako doon sa kaibigan ko tungkol sa negosyo nila! Na kapag nag-invest daw ako ng isang daang pesos, lalago daw 'yun ng limang daan sa loob ng isang lingo kaya ayun, ininvest ko lahat ng perang meron ako, pero after 5 months, bigla na lang nawala ang kaibigan ko at 'yung kaibigan niyang pinag-investihan ko!" galit na sigaw niya.
Ahhh. Uto-uto na lalaki!
Sira-ulo ba siya? Hindi ba niya naisip, paano lalago 'yung pera niya kong wala naman siyang binibentang gamit?
Biglang humarap sa amin si Andrew. "Oo Simon, Ubos na ang pera ko. Oo na wala na ang hacienda na 'tin, ang mansyon at higit sa lahat..." napatigil ako sa pag-iisip ng makita kong may lumandas na luha sa mga mata niya. "I disappoint you..." at tuluyan na siyang umiyak.
Tumingin ako sa gilid ko para matago ang pagkadiri ko sa lalaking 'to! Jusko! Kalalaking tao, umiiyak! But, I was amazed. Ang mga lalaki kasi ngayon, sobrang mapa-pride na tao, kahit nasasaktan na sila, hindi 'yan aamin, magugulat ka na lang bukas ng umaga, patay na sila, dahil nagpakamatay dahil sa depression.
Pero siya...
Oh God! He's crying!
Tinakpan ko agad ang bibig ko gamit ang dalawang kamay ko para mapigilan ang pagtawa ko sa engot na umiiyak sa harapan ko. Siraulo kasi! Kalalaking tao, umiiyak!!
Biglang lumapit si Andrew kay Simon at kinuwelyuhan niya ito. Naalarma naman ako pero si Simon sinenyesan niya akong 'Wag' kaya nag-behave ako. "Alam mo ba nagalit ako sa 'yo kasi what if kung nandito ka, siguradong hindi mangyayari sa akin 'to..." naitaas ko ang kilay ko sa sinabi niya. So kasalanan pa ni Simon? And speaking of Simon... Wala siyang sinasabi sa unggoy na 'to! Dapat mag reason out siya! O tingnan niyo, kung anu-ano na lang ang sinasabi ko!
Nakita kong hinawakan ni Simon ang braso ni Andrew at biglang nanigas ang engot at ganun na lang ang gulat ko ng biglang kinabig niya ito palapit sa kanya ng sobrang higpit kaya magkayakap na silang dalawa.
WTH?! Anong ginagawa ni Simon?! Is he gay?! Bakit niya--DAAAAAAMMMMMMNNNNN! Is he... kino-comfort niya si Andrew?!
Nalaglag ang panga ko ng masagot ang tanong ko ng tinap ni Simon ang ulo ni Andrew!
FACK!
"Andrew..." napatingin ako sa kanilang dalawa. "Bakit hindi mo ako kinontak?" malumanay na tanong niya.
"Kasi ayokong mag-alala ka pa kuya..." tumingin si Andrew sa kanya at ngumiti ng matipid. Kumalas siya sa yakap ni Simon at lumayo. "Simula bata pa tayo sinabi mo na sa akin na gusto mong mag pari, pero ng mamatay sina nanay at tatay, kinalimutan mo ang pangarap na 'yun para maalagaan ako. Kaya ng mabigyan ka ng opurtunidad, pinangako ko sa sarili ko na magiging matatag ako. Kakayanin ko lahat ng pagsubok ng buhay pero... hindi ko pala kaya kuya..." at tinakpan niya 'yung mukha niya gamit ang mga kamay niya.
"Akala ko kasi maayos ko pa..." umiiyak na sabi niya. "Akala ko kasi kaya kong maging tulad mo..." dugton niya pa. "Pero hi--
Hindi ko alam kong masyado lang ba akong pokus sa panonood sa ka-OAhan ni Andrew kaya hindi ko namalayan na nakalapit si Simon kay Andrew o talagang may super powers lang talaga siya na katulad ng kay Flash kaya mabilis siyang nakalapit kay Andrew at pagdilat ko ay nakayakap na siya sa lalaki.
"Andrew... shhh tahan na..." alo ni Simon kay Andrew. Napatitig naman ako sa kanilang dalawa. "Im so sorry hindi ko alam na ganito pala ang paghihirap na dinadanas mo rito..." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Simon. ASDFGHJKL!! WTF?! Bakit si semenirista ang humihingi ng sorry?
Nababaliw na ba talaga siya?!
As far as I remember si Andrew ang may kasalanan!
"Nandito na ako, aayusin natin lahat..." rinig kong sabi ni Simon.
Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Peste!
Don't tell me, bati na sila?
Agad-agad?
Atsaka, 'aayusin nating dalawa'?!
The hell!
Siya ang gumawa ng problema kaya siya ang mag-ayos nun! Bakit umeepal 'tong si Semenarista?! Feeling superman?
Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag maging kontrabida sa pag-e-emo nilang dalawa kaya napagdesisyunan ko na lang na umalis doon dahil kung hindi pa ako aalis, masasakal ko si Simon.
SWEAR!
Seriously, may mga tao pa ba talagang tulad niya?!
Sa henerasyon na 'to?! Kung saan pag-big, hugot, ALDUB, pastillas girl, OTWOL at Duterte ang bukang bibig at laman ng isip ng mga tao! Pinagti-tripan yata ako ng pagkakataon ha!
"Pero kuya, kaya pa ba nating ibalik lahat ng nawala sa atin?" rinig kong tanong ni Andrew.
"Gagawa ako ng paraan..." napatigil ako sa paglakad. What the hell?! Tama ba ang rinig ko? Nanlilisik ang matang tumingin ako kay Simon.
Nahihibang na siya!
Siya talaga gagawa ng paraan?
Naikuyom ko ang kamay ko. Simon is a stupid person! So STUPID!
Therefore...
.
.
.
.
I hate him!
.
.
.
I so hate him!!!