"SAM, IKAW BA TALAGA 'TONG TUMATAWAG?" hindi makapaniwalang tanong ng kuya ko sa kabilang linya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang ikatuwa 'yun o ipagmalaki. 5 years. Limang taon ng huli akong tumawag sa kanya kaya siguro nagtataka talaga siya kung bakit ako napatawag sa kanya. Huminga na lang ako ng malalim ulit,
"Oo kuya Harry ako 'to..." malumanay na sagot ko sa kanya. Hindi agad siya sumagot siguro shock.
Sino bang hindi?!
Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako close sa mga kapatid ko. Bukod sa hindi naman talaga kami close, hindi pa kami sa iisang bubong nakatira. Sa condo kasi ako nakatira dahil nagpa-practice akong maging INDEPENDENT na tao, 'tapos sila, nagtatrabaho sa abroad.
Si kuya Edward nga lang siguro ang matatawag kong close sa mga kapatid ko dahil siya lang ang malakas na umuwi dito sa Pilipinas at tuwing napapa-trouble ako, laging siyang nandiyan para tulungan ako.
"Ba't napatawag ka Sammy?" tanong niya. Inilipat ko sa kabilang tenga 'yung telepono ko at umupo sa kama ko. Ito na... Road to being mayaman! Napangiti ako sa naisip ko!
"Kuya..." simula ko. "Kuya may kaibigan kasi ako, may problema siya---
"SAMANTHA!"
"Ahhhh!" napatili ako ng biglang bumukas ang pinto ko. Masamang tinitigan ko ang tito ko.
"Tito!" inis na sigaw ko sa kanya. Nakakadalawa na siya ha! Gusto niya ba akong mamatay sa niyerbos?!
"Sino 'yan?" seryosong tanong niya sa akin habang nakatitig sa cellphone ko. Napatingin naman ako sa cellphone ko na nasa kanang kamay ko.
"Ahm si kuya..."alanganing sagot ko sa kanya. Si kuya naman talaga 'to pero bakit kinakabahan ako? Shunga lang?!
"Sinong kuya?" seryosong tanong niya 'tapos lumapit pa siya sa akin.
"Harry..." sagot ko sa kanya. Huminto siya sa paglapit sa akin at pinangnikitan ako ng mata. Tss! Tusukin ko mata niya eh!
Mabilis na kinuha niya ang cellphone ko at sinagot ang tawag ko. Napatingin ako ng masama sa kanya. Tsk! Walang manners! Tapos tsismoso pa! Inis na inirapan ko siya ng mapatingin siya sa akin at padabog na sumampa sa kama ko.
Ano naman kaya ang gagawin niya sa cellphone ko?
"Oo ako na 'to Harry..." rinig kong sabi ni tito. "Wala... Wala namang problema dito, nag-iinarte lang 'tong si Samantha.." napangiwi ako sa sinabi niya! Wow ha! Ako, nag-iinarte?! Kailan ako nag-inarte?! My Ghad! Aish! Sipain ko 'tong lalaking 'to eh! "Sige... Sige... Sabihin mo sa nanay mo na okay lang ang lahat dito..." at 'yun ang huling linyang nasabi ng tito ko dahil may biglang nagpaputok ng b***l at namatay siya sa harapan ko. The end! Charot lang!
Pinatay niya ang tawag ng matapos niyang sabihin 'yun at binalik sa akin ang cellphone ko. Ngumiti ako sa kanya ng inabot niya ang cellphone ko. Buti na lang talaga hindi mind reader 'tong tito ko dahil kung mind reader pa 'to, lagot na talaga ako! Pero feeling ko naramdaman ni tito na may naisip akong hindi maganda tungkol sa kanya. Pinangnikitan ako ng mata eh!
"Sam ha..." mapanganib na tawag niya sa pangalan ko. "Sinasabi ko sa 'yo, kung ano man 'yang masama mong plano tigilan mo, makuha ka sa pananakot Samantha."dugtong na pananakot niya. Napalunok na lang ako.
Itutuloy ang plano o hindi?
SIMON'S POV
"SAAN KA PUPUNTA?" napapitlag ako ng may biglang magsalita sa likuran ko. Napatingin agad ako doon. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong si Sam lang pala. Humarap ako sa kanya para sagutin 'yung tanong niya.
"Sa kabilang bayan..." tipid na sagot ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya at tinitigan ako ng masama. Napangiti na lang ako ng lihim sa ginagawa niya. Hindi ko alam, pero ang cute niyang tingnan kapag gingawa niya 'yun. Para kasi siyang batang nag-iisip paano magkagante sa kaaway niyang nagnakaw ng loliipop sa kanya eh...
"At ano naman ang gagawin mo sa kabilang bayan aber?" mataray na tanong niya sa akin. "Tsaka saan niyang kabilang bayan na 'yan?! " masungit na tanong niya.
Teka lang... Bakit para siyang nanay kung makapagtanong? Eh kung tutuusin, mas matanda pa ako sa kanya... Dapat ko pa siyang pagalitan dahil hindi niya ako ginagalang? Pero wala naman kasi ako karapatan. Hindi ko nga alam kung magkaibigan na kami ni Sam kasi hindi ko naman alam kung seryoso ba siya ng sinabi niya 'yun sa akin noon.
Umiling na lang ako. Kung sinabi ni Sam na magkaibigan kami, edi magkaibigan kami. Atleast may naging kaibigan ako bago maging pari. Napangiti ako sa naisip ko. Malapit na. Ilang araw na lang, tama, 25 days. Tumingin ako sa kanya nakatingin pa rin siya sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sinagot. "May nakapagsabi kasi sa akin na nasa kabilang bayan si Andrew kaya pupuntahan ko siya..."
Ako lang ba, pero mabilis na nakalapit sa akin si Sam. Nanlaki ang mata ko at napaatras. Naman kasi! Ang lapit ng mukha niya sa akin. "Sam..." kabadong tawag ko sa kanya. Muntik ko na kasing mahalikan ang noo niya kanina sa sobrang lapit!!
Bigla akong nanigas ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Nanlaki ulit ang mga mata ko. Jusko! Sana walang makakita sa amin ngayon, baka kung ano pang isipin nila! Paano ba naman kasi parang nakayakap na si Sam sa akin at ako naman ay parang hahalikan siya dahil nakayuko ako sa kanya at nakatitig sa mukha niya. Paano na lang kung makita kami dito ni Father Ismael? Iniwas ko na lang ang mukha ko sa mukha niya.
"Bubugbugin na ba natin siya?" excited na tanong niya. Napatingin ako sa kanya.
"Ano?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Mabilis na binitiwan niya ako kaya nakahinga ako ng maluwag. Sinapo niya ang ulo niya at parang problemadong tumingin sa akin. "Hay naku..."problemadong saad niya. Nameywang pa siya sa harapan ko. "Edi ano pa! Edi ang part na susugudin mo 'yang Andrew na 'yan dahil sa ginawa niya sa mansion at hacienda niyo 'tapos bubugbugin mo siya!" sigaw na sabi niya sa mukha ko. Napapikit ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko at nagulat na lang ako ng bigla niya akong yinugyog!
"Sam..."pigil ko sa kanya. Ang hyper naman ata niya!
Tumigil naman siya kaya dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakakunot ang mukha at nakanguso 'tapos 'yung kamay niya, 'yung isa nakakuyom at sinusuntok 'yung palad ng isa pang kamay niya habang lumakad. Hindi ko napigilan ang mapangiti sa ginagawa niya.
"Pero dahil sa ayaw mong gawin 'yun dahil alam mo na, natatakot kang magka-bad record dahil alam mo na, magpapari ka kaya ako ang uutusan mo at ako!" tumingin siya sa akin pagkatapos."Ako..." sabi niya sabay turo sa sarili niya. "Si Samantha Guevara ay buong pusong tutulungan ka, para sa ikakabuti ng dadamin mo at ekonomiya ng Pilipinas!" malakas na sigaw niya.
At wala na. Napatawa ako. Ghad Sam! Alam ko na dapat kung i-correct ang iniisip ni Sam dahil mali 'yun at hindi naman talaga 'yung sadya ko kay Andrew. Pero kasi...
Lumapit siya sa akin kaya napatigil ako sa pagtawa. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng bahay. "Tara na boss!" sabi niya pa.
Napailing na lang ako.
Hay... Sam... Sana 'wag mong pagsisihan ang pagsama mo sa akin.
Sam's POV
AYOKO NA!
OO capslock talaga para intense!
My God!
Jusko! Gusto ko ng umuwi! Ayoko na!
Bakit?
Define Kabilang bayan guys?
According to my experience, Kabilang bayan is maglakad ka ng 2 oras, umakyat at bumaba ng dalawang bundok 'tapos sumakay ka ng bangka na ewan dahil pinagkabit-kabit na kahoy lang naman ang sinasakyan namin kanina eh para makapunta sa kabilang bayan na 'to!!!
ASAR!
Ang sakit na ng paa ko! Pagod na ako! At higit sa lahat, gutom na ako!
Ahhhhhh!
Sana totoo na lang talaga ang magic carpet ni Aladdin! Para hindi na mapagod ang mga Diyosang katulad ko! Nakaka haggard! Paano na lang kung pumangit ako?! Oh my God!
Hindi naman sa nag rereklamo ako at nag-iinarte rito, dahil ginusto ko naman 'to eh! Nag-volunteer pa nga ako diba?! Pero nakakainis lang eh!
Kung alam ko lang! Kung alam ko lang talaga! Hindi ako mag pa-pants at mag do-doll shoes! Jusko! Hindi naman kasi ako inform na ganito ang paglalakbay papuntang kabilang bayan! Akala ko kasi sasakay kami ng pedicab o magba-bike kami! Eh kung alam ko lang na ganito pala, edi sana nag-short at nag rubber shoes ako, hindi ganito! Asar!
Napatingin ako kay Simon na nasa unahan ko. Wow ha! Kung makalakad siya kanina, parang wala siyang kasama! Ang bilis maglakad eh! Lintek!
"Hoy Simon! Malayo pa ba?!" sigaw na tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin 'tapos ay ngumiti!
"Malapit na..." nakangiting sagot niya sabay turo sa may harapan niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya! Di nga?! Nakarating na kami?! Napangiti akong malaki at patakbong lumapit sa kanya. Yes! Bakbakan na! Humanda ka na, Andew!
Hapong-hapong napakapit ako sa braso ni Simon ng makalapit ako sa kanya. Grabe hingal na hingal ako! Napayuko ako at tumingin sa doll shoes ko at pantalon! Napangiwi na lang ako sa sobrang dumi! Pinagpagan ko na lang 'yung pantalon ko at tinaktak 'yung doll shoes ko para hindi naman ako na mapagkamalan na yagit! Buti na lang talaga hindi nadumihan ang white long sleeve ko. Pero, isa lang ang masasabi ko, mapeperahan na naman ako ng Ariel at Downy nito! Tsk! Tsk!
"Grabe, ang laki ng pinagbago dito..." amaze na sabi ng kasama ko na napakunot ng noo ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nakita ko siyang manghang nakatitig sa may harapan niya kaya sinundan ko ang tinitigan niya at....
OH.MY.GOD.
Napanganga ako sa sobrang ganda.
WORTH IT!
Baby it's worth it!
Napaka-worth it ang maala-amazing race na paglalakbay naming sa kabilang bayan na 'to!
Grabe!
Hindi ko akalain na may ganito sa lugar na ito...MALAMANG! Napangiwi na lang ako sa naisip ko. Malamang sa malamang Samantha na hindi mo alam na may ganito Sam, hindi ka tagadito 'day!
Pero kasi sa baba ng bundok, may isang maliit pero sobrang gandang resort! 'Tapos may falls pa! May ganito pa talaga... Akala ko mga edited lang 'yung nakikita ko sa mga movie pero mali pala ako!
Pero!!
Seriously?!
Sinong sira-ulo ang nagpangalan ng Kabilang bayan sa lugar na 'to?! Lasing ba siya ng ginawa niya 'yun? O nanonood siya ng AlDub kaya para siyang baliw?! God! This is a paradise! Dapat paradise ang tawag sa lugar na 'to... Napailing na lang ako.
"Si, nandyan ba si Andrew.." mahinang tanong ko sa kanya. Wow! Si? Close kami?! Tumingin naman siya sa akin at para akong natakot bigla sa kanya. Napalunok ako. He look so serious. Anong nangyari sa lalaking 'to?!
"Oo Sam, nandyan si Andrew..." madiin na sabi niya at tumingin ulit siya sa harapn namin.
Napalunok na lang ako.
Okay... May something rito!
--------
GRABE! Ang ganda talaga ng resort na 'to! Lumingon-lingon ako para mag search ng gwapo! Kaso wala akong ma-spotan eh!
Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad-lakad.
Ang totoo niyan nililibang ko ang sarili ko. Kanina ko pa kasi gustong lumusong sa pool kaso wala naman akong dalang damit! Kaya ito, inggit na inggit ako sa lumalangoy sa magandang pool na nasa harapan ko.
Simon?
Nasa tabi-tabi lang 'yun.
Matapos kasi naming bumaba rito ni Simon napagdesisyunan niya na siya na lang ang maghahanap kay Andrew. Hindi ko na rin pinilit ang sarili ko at 'yung reason ko kong bakit hindi ako sumama sa kanya. Natakot ako bigla sa kanya eh! Totoo nga siguro ang sabi nila na sobrang nakakatakot 'pag bigla na lang naging seryoso ang mga taong tulad ni Simon.
Hindi mo kasi alam ang kaya nilang gawin.
"Ouch!" nanlaki ang mata ko ng may biglang magsalita sa harapan ko ng ganun. Mabilis na napaatras ako.
Napatingin ako sa harapan ko. Wala naman akong nakita. Naramdaman kong may gumalaw sa paa ko at ganun na lang ang gulat ko sa natapakan ko. May natapakan akong kamay! Kamay ng babaeng nag sun-sun bathing!
"Ay sorry miss!" hinging paumanhin ko.
Tumingin naman sa akin ang babaeng 'yun at hindi na ako nagulat ng tingnan niya ako ng masama kasi kasalanan ko naman talaga. Naglalakad ba naman kasing wala sa sarili... Pero ang nakakagulat ay ang ginawa ng babaeng 'to. Kinuha niya 'yung baso ng juice na nasa may kanan niya at nagmamadaling tumayo 'tapos tinapon sa mukha ko ang juice.
Na-shock ako sa ginawa niya! Malamang!
"Tanga!" mataray na sabi niya sa akin. "Look have you done to my nails!" sabi niya pa sabay taas ng kamay niya at pinakita sa akin ang kuko niya. Wala naman nangyari sa kuko niya. Hindi naman nasira ang manicure ng kuko niya kaya... Hindi agad ako nakapagsalita. Napatingin ako sa babaeng kaharap ko. How dare her?! Damn! Naikuyom ko ang kamay ko. Calm down Sam. Kasalanan mo rin naman kasi kaya tanggapin mo ang dakdak ng babaeng 'to. Tiis-tiis din pag may time.
"Alam mo bang bagong manicure 'to?! Ghad!" tiningnan niya ako ulo hanggang paa. "Walang kwentang mga guards. Ilang beses ko na bang sinabi sa kanila na 'wag magpapasok ng mga taga-bundok sa resort!" at naglakad siya palayo sa akin.
Para akong nagising sa sinabi niya.
Ako?
Taga-bundok?
Sa gandang kong 'to?!
Pinahid ko 'yung juice gamit ang kamay ko. Tiningnan ko 'yung babae ulo hanggang paa habang naglalakad siya. Damn! Hindi siya maganda! Hindi siya seksi at hindi siya makinis! Maputi lang siya at sakang siya! Kaya damn! WALA SIYANG KARAPATANG MAG-INARTE!
"Hey b***h!" malakas na sigaw ko sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
Take note: Tumingin siya sa akin with a shock expression.
Humanda ka sa akin ngayon. Tumatanggap ako ng pagkakamali pero hindi ako mabait para magpaka-api.
"Anong tinawag mo sa akin?" gulat na tanong niya sa akin.
Napangiti ako. Gusto niyang ulitin ko pa talaga ha? Pwes..
"b***h!" madiin na sabi ko. Naningkit ang mata niya sa sinabi ko at lumapit sa akin. Hindi ako nagpatinag sa kanya.
Buti na lang talaga kaming dalawa lang ang nandito kaya hindi na ako magpipigil pa!
"How dare you?" mataray na tanong niya sa akin ng makalapit sa akin. Tinulak pa niya talaga ako?! "Kilala mo ba kung sino ako?!" sasagot sa ako ng hindi pero ang bibig ng babaeng 'to, mabilis. Dumakdak ulit! "My mother owns this resort at pwede kitang ipadampot sa mga guards namin?!"
Wow! Tinakot pa ako ng babaeng 'to no?! I smirked at her at sinampal siya ng malakas. Napatulala siya sa ginawa ko. Hinawakan ko ang buhok niya para mapalapit siya sa akin. Tinatamad kasi akong lumapit eh!
"Tingin mo ba may pakialam ako kong sino ka..." bulong ko sa kanya. "Wala akong pakialam kung kayo ang may-ari ng resort na 'to! Basta ang alam ko, natapakan ko ang kamay mo at humingi ako ng tawad sa 'yo pero nag-iinarte ka..." madiin na sabi ko sa kanya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok niya. Inilapit ko sa kanang tenga niya ang bibig ko at binulungan siya. "Hindi mo ako kilala, siguro pwede mo akong ipadampot sa mga guards ng mama mo pero ako, pwede kitang ipakulong o 'di kaya ang buong angkan mo, ganun ako kayaman..." madiin na bulong ko sa kanya sabay bitiw sa buhok niya.
Mabilis na tumalikod ako at naghanap ng CR. Nang may nakita ako agad akong pumasok doon at sumandal sa pintuan. "God!" hinihingal na sabi ko. Nagmamadali akong pumunta sa may sink at binuksan 'yung gripo. Naghilamos agad ako roon. Napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko. Nakita ko ang mukha ko doon. Malamang! May iba pa ba, Sam?!
Napangiti na lang ako at huminga ng malalim. Relax, Sam. Tapos na okay. Huminga ulit ako ng malalim.
Pesteng buhay 'to oh!
Kung kailan nagbabagong buhay na ako, may mga tulad ng babaeng 'yun, umeepal sa buhay ko.
Naalala ko na naman 'yung babaeng kanina. Salamat talaga sa Maykapal at napigilan ko ang sarili ko. Ngating-ngating pa naman ako kanina na tumalon sa pool kasama siya'tapos lulunurin ko siya doon.
Mama niya daw ang may-ari nitong resort. Bigla akong natauhan doon. Mama daw niya ang may-ari ng resort. Napatingin ako sa buong CR. Oo! Buong CR.
Maputi.
'Tapos malinis!
Napangiti ako.
Dahan-dahan kong kinuha ang aking sandatang tentenententeten.... Red lipstick!!
Tinanggal ko ang takip nun at gumawa ng work of art! Umakyat ako sa may lababo at tinapaktapakan 'yun.
Naglakad ako ng 2 oras, umakyat at bumaba ng dalawang bundok 'tapos sumakay ng bangka na ewan dahil pinagkabit-kabit na kahoy lang naman ang sinasakyan namin kanina para makapunta dito 'tapos ganito, mabu-bully lang ako?
Bwisit!
Humarap ako sa may salamin at pinagda-drawingan 'yung pader na nasa taas ng salamin. Bahala na maubos ang lipstick ko. 150 pesos lang naman 'to eh! Nang makuntento ako ay bumaba na ako sa may lababo.
Napatingin ako sa ginawa ko. HAHAHA! Napangiti ako.
Ha! Akala mo ikaw lang ang maldita sa mundo?! Pwes nagkakamali ka!
Ngiting-ngiting tumalikod ako sa masterpiece ko at niready ko ang pang-acting skills ko. Shucks! Siguro pagiging artista talaga ang calling ko!
Binuksan ko 'yung pinto ng CR.
"Oh my God!" maarteng saad ko kaya hindi nakakapagtaka na may tumingin sa akin. May maliit kasing tindahan ng mga seafood ang nandoon.
"So kadiri naman ng CR nila dito!" at nagmamadaling umalis ako doon at ng makalayo ako doon ay napasandal ako sa may pader. "Hahaha!" tawa ko. Ano ka ngayon, babaeng anak ng resort?!
"Sam..." napatigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang boses na 'yun. Napatingin ako sa gilid ko.
"Simon..." nakangiting bati ko sa kanya at ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko at bigla akong tumakbo palapit sa kanya at yinakap siya ng mahigpit.
"Sam..." shock na tawag niya sa pangalan ko. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pabirong sinuntok siya sa balikat niya.
"Uy nakita mo na si Andrew?" simpleng tanong ko sa kanya. Umiling lang siya sa akin.
"Hindi pa eh..." malungkot na sabi niya.
"SABI MO NILINIS MO NA ANG MGA BANYO?!" sabay kaming napatingin ni Simon ng may malakas na sumigaw sa pinanggalingan ko kanina. At dahil chismosa ako, hinawakan ko ang isang braso ni Simon at hinila ko siya pumunta kami doon.
Nakita namin ang isang matabang babae na may edad na at pinapagalitan ang isang lalaki na tingin ko ay limang taon ang tanda sa akin.
Narinig kong napasinghap si Simon na ngayon ay nakatitig sa dalawa.
"Sorry po tita-
"Tumahimik ka!" sigaw nung babae.
Napangiwi naman ako. Grabe! Ang lakas na nga ng sigaw niya, may tumalsik pang laway pero nakakaawa 'yung lalaki ha. Marami kasing nakatingin sa kanya ngayon eh.
"Napakasimpleng trabaho Kyle hindi mo pa magawa! Panatilihin mo lang malinis ang banyo..."
Bigla akong nanigas sa sinabi ng babae.
INOSENTE PO AKO! HINDI AKO ANG GUMAWA!
Napatingin ako sa babae 'tapos tumingin doon sa lalaki. Napalunok ako.
Lagot.
Parang ako yata ang may kasalanan kong bakit siya pinapagalitan eh...
"Sorry po talaga..." hinging paumanhin nung lalaki. "Pero tita nilinis ko pa talaga 'yun kanina eh..." sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin. Totoo 'yun.
Malinis nga ang banyo kanina.
Gusto kong tulungan ang lalaking 'yun pero paano?
Aaminin ko na ako ang salarin?
Tiyak na ako ang pagagalitan ng balyena na 'to!
"At magsisinungaling ka pa talaga?" inis na tanong nung babae. "Tsk! Eh kanino mo pa ba makukuha ang ugaling 'yan, edi sa mga pinalak-
"Hoy babaeng balyena na pumuputok ang lipstick sa labi!" galit na sigaw nung lalaki na napasinghap sa akin. Wow! Nag super sayan siya dude! Napatingin ako sa balyena-Erase! Dapat Majinbo na ang codename ko sa kanya. Dragon ball 'to guyz! Nakanganga siya habang gulat na nakatingin kay amm...Vegeta? Goku? Sino ba ba ang pipiliin ko? Bida ba o kontrabida?
"'Wag na 'wag mong idadamay sina tatay at nanay ko!" galit na sigaw niya habang dinuduro si Majinbo. "Kung may sinungaling man dito, ikaw 'yun! Hindi ka lang sinungaling, manloloko pa! Alam mo bang sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo at sa anak mong mahadera! Akala mo kong sino--*PAK"
Sinampal ni Majinbu si Gohan. At ang kawawang si Gohan tulala dahil sa impact! Gosh! Kailangan ko siyang tulungan! Ako pa naman ang may kasalanan kaya pinapagalitan siya ni Majinbo.
"Wala kang utang na loob!" sigaw nung babae. Tinaas ulit ni Majinbo ang kanang kamay niya para sampalin si Gohan kaya hinanda ko na rin ang sarili ko para maitulak si Majinbo mamaya 'yun lang kasi ang naiisip kong paraan para masagip si Gohan.
"Subukan mo auntie!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Simon sa gilid ko. Na-freeze si balyena at dahan-dahang tumingin sa amin-kay Simon pala. Napatingin din ako sa kanya.
"Si..." aagawin niya ba ang role ko?
"Simon..."
"Kuya..."
Sabay na sabi nila Majinbo at Gohan. Napatingin ako sa kanilang tatlo. Magkakilala sila? Gulat na gulat ang itsura ng dalawang taga planet yekok habang nakatitig kay Simon. Si Simon naman, seryosong nakatitig kay Majinbo.
"Magkakilala kayo?" bulalas ko habang pabalik-balik ang tingin sa kanila.
At nakakainis lang! Hangin lang ang role ko dito! Hindi ako pinansin eh! Aish! Batukan ko sila eh!
Unang nakabawi sa gulat si Majinbo at ngumiti kay Simon at lumapit pero biglang umatras si Simon kaya tumigil sa paglapit si Majinbo.
"Nakauwi ka na 'Mon?" nakangiting tanong ni Majinbo.
"Oo tita..." sarcastic na sagot ni Simon. "Nakauwi na ako at kitang-kita ko kung ano ang pinaggagawa mo dito..." seryosong dugtong niya. Napalunok na lang ako. Damn! Ganito siya kanina eh! 'Yung bagong bumaba kami dito. HashtagBeastModesiFutureFather
"Kuya..." sabi ni Gohan na parang maiiyak na habang nakatitig kay Simon.
Tumingin naman si Simon sa kanya.
"Kyle Andrew A. Del Rosario, marami kang ipapaliwanag sa akin." madiing saad ni Simon.
Napatitig agad ako kay Gohan-este Andrew. So siya pala si Andrew.
So...
Bubugbugin ko na ba siya?