Three

1503 Words
SAM'S POV "SAM!" napalingon ako sa likuran ko ng may tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako ng malaki nang makita ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Congratulations Samantha! Nakita mo na ang hinahanap mo! "Ismael!" malakas na sigaw ko. Tumakbo ako palapit sa kanya at yinakap sya ng mahigpit ng makalapit ako sa kanya. Grabe! Miss na miss ko na sya! "Namiss kita Ismael..." sabi ko sakanya sabay subsob ng mukha ko sa dibdib nya. He just chuckled. Napakunot tuloy ang noo ko. Bakit ba kasi sya tumawa? Ano ang nakakatawa sa sinabi ko? May nakakatawa ba? "Ikaw na bata ka, hindi ka pa rin nagbabago..." sabi nya sabay haplos ng buhok ko. Yinakap ko lang sya ng mahigpit. Grabe! Namiss ko siya ng bonggang-bongga! "Ismael, saan ka ba galing?" parang batang tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kong saan-saan sya nagpupunta! Sampung taon Walang text, walang tawag at wala akong balitang natanggap tungkol sa kanya 'tapos ngayon, malalaman kong pari na sya. Tss! Oo, parang akong dyowang iniwan nya pero naman kasi, sya ang bestfriend ko. Naging tatay-tatayan ko rin sya, 'tapos bigla na lang syang nawala! Kasalanan ko rin naman kasi, sinabi ko sa kanya na wala syang mahihita sa Maynila kundi AIDS kaya maghanap sya ng lugar na pwedeng paghasikan ng kasamaan! Kaya ayun... Lumayo sya ng kaunti sa akin at tinitigan ako. Ulo hanggang paa! Napangiwi ako. Ganito ba talaga sa probinsya? Tinitigan ka ng ganun. Sus! Kung sa syudad 'to nangyari, kanina pa sya nakatihaya sa lupa at walang malay-tao! OOTD ang tawag sa damit ko noh! "Sam, kailan ka pa natutong mag-suot ng ganiyan?" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Hehehe! Napakamot ako sa ulo ko. Kasi nung huli kaming nagkita T-Boom ako, Oo tomboy ako-yata! Hindi ko alam... One of the boys kasi ako dati. Lalaki kasi lahat ng kaibigan ko at nakakadiri naman sigurong tingnan no, na 'yung mga kaibigan mo naka-jersey at t-shirt lahat 'tapos ikaw naka short-short at sleveless o 'di kaya mag dress-dress. Ano muse-muse lang ang peg ko?! Atsaka isa pa, umiiwas din ako na mabastos noon! Kaya akala ko talaga na one of the boys ako... Pero nagbago ang lahat... Pinasali kasi ako sa sagala ni mama sa amin noong 15 ako kaya 'yung mga kaibigan ko, gustong maging more than friends kami, naging manliligaw ko sila 'tapos... Hay... Haba hair moment ko ang mga panahon 'yun. Napailing na lang ako... "Nang magkapera ako!" sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi, pagkatapos nung sagala, may kumukuha sa akin para maging modelo at dahil doon nagkakapera ako... Pero nakakainis minsan eh! 'Yung feeling na nagmodelo ka para kumita ng pera, pero ikaw 'yung naperahan ng pesteng kumuha sa 'yo... At nangyari 'yun sa akin. Pinagbenta ako ng ticket sa isang fashion show 'tapos ng hindi naubos ang ticket na binebenta ko, hindi ako pinasali sa pesteng fashion show na 'yun. KAINIS! Umiling lang si tito sa akin at inakbayan ako. "Tara! Kain tayo..." napangiti ako. Ayos! Kainan part 2 "May ipapakilala rin pala ako sa 'yo..." nakangiting sabi nya. Wow! May ire-reto ba sya sa akin? Ayos! Akalain mo 'yun, nakabakasyon na nga ako, may magiging boyfriend pa ako. Masaya kaya magkaroon ng boyfriend. Laging may manlilibre sa 'yo kapag wala kang pera. Maghahatid sa 'yo pauwi at 'yung boyfriend mo ang magbabayad ng pamasahe mo 'tapos may buwan-buwan kang natatanggap na regalo-'Yun ang lagi kong nakikita sa mga kaklase kong may jowa! Naglakad na lang kami papunta doon sa may bahay-Yup! Bahay! Dahil para sa akin 'yun ang totoong bahay! Konkreto eh! Pumasok kami doon. "Sam, asan pala gamit mo?" tanong nya sa akin pagkapasok na pagkapasok namin doon sa bahay nya. Hala! Tama pala! "Nasa isang bahay mo..." sagot ko sa kanya. Sinuyod ko ng tingin ang sala nya. Ang boring. TV lang at isang mahabang sofa ang nandoon. "Ah ganun ba..." sabi nya habang tumatango. Tumingin ako sa kanya sabay ngiwi. Ganun nga. Naglakad ulit kami... Tingin ko sa kusina kami papunta, naamoy ko kasi ang mabangong amoy ng isang masarap na ulam... Hinila ko si tito doon.... Napanganga ako sa bumungad sa akin sa kusina. PAGKAIN! Maraming pagkain sa mesa. Agad na umupo ako doon sa isang upuan. Hahaha! Kakain na ako! Kukuha na sana ako ng plato at kutsara ng magsalita ang tito ko. "Sam, maghugas ka muna ng kamay pagkatapos magdadasal pa tayo..." Ahhh .. Tama! Kailangan pala 'yun. Tumango na lang ako sa kanya. Tumayo ako at lumapit sa lababo. "Oh, nandito ka na pala..." rinig kong wika ni tito. Napakunot ang noo ko. Hindi ko na tiningnan 'yung kinakausap ni tito, busy ako eh. Busy ako sa panghuhugas ng kamay habang kumakanta ng happy b-day sa utak ko. Baka ma-out of tune ako at hindi maging one hundred percent bacteria free ang kamay ko. Safeguard pa naman ang gamit kong sabon. Napangiti ako ng matapos ako sa paghuhugas ng kamay. Kasi time for kainan na! Nakangiting humarap ako kina tito at sa kaibigan nya. "Tapos na ak-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita ko 'yung lalaking kasama ni tito. Nanlaki ang mata ko. Bwisit! Ano ang ginagawa nya dito?! Sinusundan nya ba ako?! 'Yung lalaki, 'yung lalaking may pagnanasa sa akin... Paano sya nakapasok sa simbahan? Er sa bahay ni tito pala! "Ano ang ginagawa mo dito?!" galit na tanong ko doon sa lalaki! Ano? Gusto nyang maghasik ng kasamaan dito?! Hindi ako papayag! "Sam, kilala mo pala si Simon?" manghang tanong ni Ismael sa akin! Ismael ulit ang itatawag ko sa kanya sa ngayon mamaya na ang tito. Napatingin ako sa lalaki. Simon ha? Simon pala ang pangalan nya. "Hindi!" madiing sagot ko sa kanya. Lumapit ako kay tito. Nakaupo sila sa upuan at magkatabi sila ni Simon. Tinitigan ko ng masama si Simon. Ginagamit pa nya ang tito ko sa kasamaan nya ha! Humanda sya! "Tito, bakit mo sya pinapasok dito?!" inis na tanong ko sa kanya. Bakit ang dali nyang maloko? Diba pari sya? Hindi ba nya nase-sense ang kasamaan na nakapalibot sa lalaking 'to?! Baka mamaya, kapag nakatalikod sya, ni re-r**e na ako ng lalaking 'to! Ahhh! Napayakap ako sa sarili ko habang iniimagine ko ang lalaking 'yun na hinahawakan ang katawan ko habang hinahalikan ako ng marahas... EW! YUCK! Kahit na gwapo sya, ayoko sa kanya! Tumingin sa akin si Simon 'tapos nagmamadaling yumuko! Napangiwi ako. Tama lang 'yun! Dapat na mahiya sya! Gago sya eh! "Malamang semenarista sya at sa simbahan na ito, dito nyang magpa-ordena bilang bagong pari..." napatulala ako sa sinagot ng tito ko. Ano daw? Semenarista? Napanganga ako. Napatingin ako sa lalaking nagngangalang Simon-s***h-inosente boy-s***h-semenarista....Nakayuko lang sya. Natigilan ako sa sinabi ni tito. Semenarista?  Ano nga ulit ang semenarista? Sila ba 'yung nagpapa-seminar? Teka parang hindi 'yun ah... Parang ang semenarista ay 'yung nag-aaral ng theology, anthropology at philosophy ng ilang taon para maging.... pari? Kung ganun, magpapari sya? Galing! 'Tapos hinalikan ko sya sa lips? Kanina? Sobrang galing! Ahhhhhhhhh!! Ano ang ginawa ko?! Hindi ko alam kong ilang minuto ako nakatitig sa lalaking 'yun. Limang minuto o higit pa siguro, basta ang natatandaan ko, tinapik ni tito ang mukha ko at sinabing: "'Wag ka ng humirit dyan, magpapari 'yan..." Kaya bigla akong napasigaw ng bongga! NO WAY!!!!!! Pari sya!!! Jusko!! Isa akong temptasyon! Napahawak ako sa labi ko. Isa itong makasalanan. Kagamitan ni tukso para hindi matuloy ang lalaking 'to sa plano nya! Plano nya sa pagpapari! "Ew! Yuck!" nandidiring sabi ko. Dumura-dura pa ako-Pero walang laway na lumalabas ha! Nag cha-char char lang na dumudura dito! Isama na din na 'tin na umaakting ako na parang nasusuka! "Sam! Ayos ka lang?" concern na tanong sa akin ni tito Ismael... Umiling lang ako. "Ano ang nangyayari sa iyo?!" kinakabahang tanong ng tito ko. Nakita kong napatitig sa akin ang lalaking 'yun pero agad naman nyang iniwas 'yun... Hanggang kailan syang magiging ganun? Ang ADIK nya ha! " 'To, misahan mo ako..." mahinang sabi ko sa kay tito. Parang naubusan ako ng lakas sa nalaman ko. Oh my gosh! Anong ginawa ko? Napakunot naman ang noo nya. Alam ko na nawe-weirduhan ang tito ko sa pinagsasabi ko... At hindi ako magtataka kung bebenditahan nya ako mamaya at sabihan na nasapian ng masamang espiritu!! "Huh?" naguguluhang tanong nya. Tumingin ako sa kanya. Hinawakan ko ang mukha nya. "MISAHAN MO AKO TITO!" sigaw na sabi ko sa kanya sabay alog. Kailangan 'yun para maalis lahat ang mga bagay na may kaugnayan sa halik nya. Ahhhhh!!! Grabe na 'to! Magpapari sya 'tapos hinalikan ko sya! MALI 'yun! Sobrang mali! Tumakbo agad ako papunta sa lababo at kinuha 'yung sabon. Kailangan maalis ang ala-ala! Ang ebidensya! Ang MARKA!! Ahhh! "Sam..." tawag ng tito ko. Tinaas ko lang 'yung kanang kamay ko at nag-stop sign! Mamaya na sya magsalita! Please lang, may mahalaga akong gagawin!! Agad na kumuha ako ng tubig sa balde na nasa harapan ko. Hindi na ako nag gripo-gripo! Kailangang mawala 'yun! Agad na binasa ko 'yung bibig k-Parang mali. Bakit nauna ang sabon sa tubig? Nanlaki ang mata ko ng may biglang humawak sa bewang ko at pinaharap sa mesa. Sumalubong sa akin ang concern na mukha ni tito Ismael... "Sam, ayos ka lang ba-" "Hindi tito!" putol ko sa sasabihin nya. "Ano ba kasi ang nangyayari sa 'yo?!" concern na tanong nya. Nangyayari? Nanlaki ang mata ko at sinalubong ko ang titig nya. Hinawakan ko ang mukha nya ulit. "NASAPIAN AKO NG MASAMANG ESPIRITU!" nakangiting sabi ko sa kanya sabay kanta ng 'I wanna be your bestfriend...' -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD