Two

3832 Words
10 HOURS AGO SAM'S POV "Kuya isang order pa!" sigaw ko kay kuya bartender pagkababa ko ng beer ko. Yup! Beer! Pang mayaman lang kasi ang wine at 'yung mga pesteng sobrang mahal na inumin na 'yan! Mahirap lang ako! Tumingin lang sa akin si kuya bartender at tumango. Ngumiti lang ako sa kanya at nag-okay sign. Good! Damn! Kailangan kong magparty-party ngayong gabi dahil bukas wala na ako sa SIYUDAD kundi nasa BUKID na ako! Aalis kasi at papunta sa ewang lugar kung nasaan ang pariwala kong tito Ismael.... Hahaha. Napangiti na lang ako ng pinalitan nila 'yung music na pinatugtog nila. Tinaas ko 'yung hintuturo ko at parang baliw na winagayway 'yun. Tsk! Feeling musician ako! "Miss ito na ang order mo..." napatingin ako sa harapan ko. Si kuya bartender! Hawak nya 'yung beer na inorder ko! Nginitian ko lang si kuya bartender. "You like that song?" Napanganga ako sa tanong nya. Sosyal! English speaking siya! Pero... Wala akong planong makipagkwentuhan sa kanya... Tanga eh! Sa tingin nya, kung hindi ko gusto 'yung kanta, ikakaway ko ba 'yung kamay ko? I just rolled my eyes. Tumango lang ako sa kanya at kinuha 'yung beer ko. Agad na kinuha ko 'yung pera na nasa bulsa ko at binigay sa kanya 'yun lahat... Yup lahat! Mabait kasi si kuya sa akin eh... Kahit mukha akong hindi 18 years old, binigyan niya pa rin ako ng drinks! 'Yung ibang bar kasi kailangan ko pang magpakita ng ID para maniwala silang 18 na ako! "Kuya bayad ko..." sabi ko sa kanya pagkalagay na pagkalagay ko sa pera doon sa counter... Bumaba ako sa upuan at tumingin sa kanya. "Ahh... Miss, sobra 'tong bayad mo..." sabi nya sa akin. "Edi sa 'yo na ang sobra..." nakangiting sabi ko sa kanya sabay talikod. Ang daming arte! Kunin nya na lang kaya 'yun! Buti nga binigyan ko siya ng ganoon! Hmp! Umalis na ako pero binitbit ko 'yung isang beer na binili ko! Syempre 'yung may laman! "~The best day of my life~" kanta ko habang naglalakad. At no! 'Yun linyang lang 'yun ang kinakanta ko at sinasabay ko 'yun sa original na kanta...Eh, sa 'yung lang ang alam kong linya sa kantang 'yun eh.. Kinanta ko 'yun hanggang makalabas ako sa bar. Napangiti ako. Galing! Hapon pa pala! Tsk! Dapat pala mas nagtagal na lang ako sa loob. Tsk! Tsk! Mamaya pa kaya akong nine thirty aalis eh... "~The best day of my life~" kanta ko ulit pagkalabas na pagkalabas ko sa bar. Tinaas ko 'yung bote ng beer na bitbit at winagayway. Napatigil ako sa paglalakad at ngumiti. "Cheers!" sigaw ko habang nakatingin sa puno. Wala na! Lasing na ako! Ilang bote ba ng beer ang ininom ko? Kainis naman oh! Amoy beer din ang hininga ko. Iinumin ko na sana 'yung beer nang may humawak sa kamay ko at kinuha 'yung beer ko. "Uy!" sigaw ko sabay huli nun pero nailayo na nung kung sino ang beer ko. Inis na lumingon ako sa likuran ko at handang makibakbakan sa Ponchong Pilatong kumuha ng beer ko. Pero... ganun na lang ang kabang naramdaman ko ng makita ko ang kuya ko doon... Lintek! "Kuya Edward..." kinakabahang tawag ko sa pangalan nya. "Ano 'to, Samantha Guevara?" galit na tanong nya sabay 'tapon nung beer sa lupa. Napatingin ako sa beer na binili ko...Sayang! Kaunti pa kaya ang naiinom ko. "Hapon na hapon, umiinom ka!" galit na sabi nya sa akin. Napalunok ako. "Pasok sa loob ng kotse!" ma-owtoridad na utos nya sabay turo sa kotse nyang nasa tabi lang nya. Agad na pumasok ako doon. Sumunod naman siya! Padabog na pumasok sa kotse si kuya Edward. "Ghad Samantha! Hindi ka ba titino?!!" tinakpan ko lang ang tenga ko ng marinig ko syang nagsimulang maglitanya. Naman oh! Hindi man lang nya ba ako na-miss?! Bakit litanya agad?! Wala man lang bang kiss at hug?! Kainis naman oh! Guys... Kuya Edward ko... Siya ang pinakamalapit kong kapatid. Actually malapit naman talaga ako sa mga kapatid ko. Pero kasi.. Aish! Hindi ko alam! Minsan para akong alien. Matatalino sila pero ako, hindi. Mabait naman sila, 'yung nga lang 'yung mga taong nakapalibot sa kanila, no comment... Kaya tuwing magkasama kami, hindi talaga naiiwasang ikumpara kami sa isa't-isa. At doon ako naiinis kaya minsan ayokong sumama-sama sa kanila! "'Ya? Bakit alam mo kung nasaan ako?" tanong ko na lang bigla sa kanya. Tumahimik siya sa paglilitanya at seryosong tumingin sa akin. "May kaibigan ako sa loob..." sagot nya. Kitams! Lakas makapaglitanya sa akin na bakit hapon pa lang, umiinom ako, 'tapos sya... Hay. But atleast nagbago na siya ako, nagsisimula pa lang ako. "Sam, aalis ka raw mamaya?" tanong ni kuya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. "Bakit?! Minsan nga lang tayo magkita 'tapos aalis ka?" malungkot na sabi nya. Sa America kasi sya nagtatrabaho kaya madalang silang umuwi dito sa Pilipinas. 'Yung tatlo ko pang kapatid, nasa America rin, doon sila nag-aaral para sa mga masters nila at balang araw-kung dadating man 'yun... Doon na rin daw ako mag-aaral. Ayoko roon! "Nag-away na naman ba kayo ni mama?" ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot. Ayoko namang ikwento sa kanya ang nangyari! Mababadtrip lang ako! "Sam, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi mo kasalanan kong bakit nasira ang pamilya namin..." yumuko lang ako. "Kuya please..." awat ko sa kanya. Ayokong pag-usapan 'yun. Kasi kahit ilang beses nyang sabihin 'yun, alam ko ang totoo, kasalanan ko ang pagkasira ng pamilya nila. Narinig ko lang siyang huminga ng malalim. "Okay Fine..."napipilitang sabi nya. "Punta na tayo sa baha- "No!" Hininto nya ang sasakyan at tumingin sa akin. "Bakit?" naguguluhang tanong nya. "Ihatid mo na lang ako sa bus station... aalis na ako." Dahil nandito na si kuya Edward... Ibig sabihin, nandito na rin si Alicia... Ayokong magkita kami! Ang babaeng 'yun! Baka magsakalan lang kami! "Pero 'yung mga gamit mo..." apela nya. "I-te-text ko na lang si manong na ipadala 'yun sa terminal..." imporma ko sa kanya. "Nasa maleta ko na naman lahat ng gamit ko at nandoon lang 'yun sa kama ko inilagay." seryosong sabi ko sa kanya. Sabi ng ayokong umuwi eh! 'Tapos ikaw kuya... Aish! Ayokong magalit sa 'yo kaya pwede ba! Asar! "Sam..." hahawakan na sana nya ang kamay ko kaya agad na nilayo ko 'yun. Narinig kong huminga sya ng malalim. Huminga sya ng malalim. "Okay, fine..." at inistart nya ulit 'yung kotse niya. "Pero, tandaan mo Sam, mahal ka namin..." rinig kong sabi nya. Edi mahal ko rin kayo... Umakto na lang ako na walang narinig at tumingin sa labas ng bintana ng kotse nya. Mahal? Tsk! Alam ko, baliw! ————— 3 hours "BWISIT! Bwisit!" paulit-ulit na sabi ko habang nilalakad ang pesteng daan na 'yun. Block 14 Lot 1 Tumingin ako ulit sa harapan ko. Ginagago ba nila ako?! Bakanteng lupa 'tong nakikita ko! Asar! Kanina pa ako dito ha! Pinagtitripan ba nila ako?! Napaupo ako sa gilid ng kalsada at yinakap 'yung maleta ko. Napatingin ako sa relo ko. Alas nwebe na! Gutom na gutom na ako. Wala kaya akong kinain kagabi. Bwisit! Asan ba kasi ang ibang pera ko? Limang libo lang ang nasa pitaka ko at dahil sa katangahan ko naubos na! Ano ba kasi ang naisip ko at may hotel-hotel pa akong nalalaman?! Hayst! Pagminalas ka nga naman! "Hija?" napaangat ako ng mukha ng may nagsalita sa may harapan ko. Sumalubong sa akin ang isang nakangiting matanda. "Po?" tanong ko. Char! 'Po?' Ang galang ko. "Ahhh, kanina pa kita nakikitang palakad-lakad dito... May hinahanap ka ba hija?" tanong nya. Agad na tumango ako. Napansin niya? Salamat naman! Atleast may mahihingnan ako ng tulong! "Opo!" sagot ko. Hindi na ako mahihiyang magtanong noh! "May kilala po ba kayong Ismael Dion?" tanong ko. "Ay si Father hija..." Napatulala ako sa sinagot ni lola. Father? As in pari... Weh? "Pari po siya?!" gulat na tanong ko. What the heck! Noong huli kaming nagkita, naglaro pa kami ng tong-its ah! 'Tapos ngayon... Kaya ba sampung taon kami hindi nagkita dahil nagpari siya?! Aish! Weh?! Talaga?! Tumango lang sa akin 'yung matanda. Napanganga ako. Pari sya? Real na real?! Wow! "Nasa bahay nya siguro'yun ngayon. Wala kasing misa eh..." sagot nung matanda. Napangiwi naman ako. Kasi naman, nasa bahay daw...Asan ang bahay niya dito sa bakanteng lupa?! "Saan po ang bahay niya?" tanong ko sa kanya. Mag-pretend na lang ako na hindi ko alam. Nice! Madaming pagkain 'yun sa bahay niya malamang! Diba may mga offerings na prutas, bigas, noodles at sardinas? Galing! Tama pala ang pinuntahan ko! Hindi ako magugutom! May tinuro 'yung babae kaya agad na tumingin ako. Agad namang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Bahay-kubo? Mali yata ang tanong ko kanina. Dapat ang tinanong ko, 'Saan ang bahay kubo nya?' Grabe! Dyan ba ako matutulog?! Eww! Iniisip ko pa lang ang mga lamok na kakagat sa beautiful body ko, kinikilabutan na ako! Umuwi na lang kaya ako? Atsaka, Lot 15 ang nakasulat sa sign ha... Bwisit! Mapapatay ko talaga si kuya Edward!! "Ahhh hija, kaanu-ano ka ni father?" tanong sa akin nung matanda. Napatingin ako sa kanya. "Ahh... Pamangkin niya po ako..." nakangiting sagot ko. Proud pamangkin here! Syempre pari sya eh! Lakas kaya makabanal 'yun para sa akin! "Talaga?" hindi naniniwalang tanong niya sabay tingin sa akin ulo hanggang paa. Aba't! Mas mabilis pa kay flash ang pagtaas ng isang kilay ko dahil sa ginawa ng matandang 'yun. Bakit ganyan siya makatingin? Nakakainis siya ha! "May problema ba lola?" mataray na tanong ko sa kanya. Umiling lang siya. "Tsk! Tsk! Iba na talaga ang mga kabataan ngayon..." rinig kong sabi nya. Dismiyadong tinitigan ulit ako ng matanda 'tapos tumalikod sa akin. "Habang tumatagal, paikli ng paikli ang mga damit nila na halos nakahubad na sila..." dugtong na bulong-hindi bulong 'yun! Rinig na rinig ko eh! Naglakad palayo sa akin ang matandang 'yun. Inis na tinitigan ko 'yung dinaanan niya. Grabe! Grabe talaga si lola! Tss! "Lola, for your information, ito ang makabagong damit ngayon, K-POP style nga ang tawag sa suot kong 'to eh!" sigaw ko sa kanya pero useless eh, wala na siya. Okay lang din! Ayokong mambastos ng matanda. Kaya ang ginawa ko na lang ay sinipaan ang kawawang bato na nasa harapan ko. Galing ng matandang 'yun, dinagdagan ang badvibes na nakapalibot sa akin! Thank you LOLA HA?! Tss! Kainis! Hinila ko na lang 'yung maleta ko at binitbit papunta sa bahay kubo. Gutom na ako! Napahinto lang ako sa paglapit ng biglang ma-stuck ang isang g**o ng maleta ko. No way! Inis na tinitigan ko 'yung lupa! Kainis naman oh! Ano 'to?! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana?! Aish! Anong tingin ni tadhana, hindi ko sya kakalabanin? Pwes, nagkakamali sya! Modernong katipunera kaya ako! Bahala na kung ano ang man ang mangyayari sa pesteng maleta na 'yun basta ako, hinila ko sya in full force level at napangisi ako na maging successful 'yun. Tinuloy ko na lang ang paglapit sa pesteng bahay kubo na 'yun. Kasi naman gutom na gutom na ako!! Kaya please lang, sana walang ng humarang. Parang gumuho ang mundo ko ng may makita akong CLOSE sa pinto ng bahay kubo ni tito. What the hell?! "Arghhhhhhhhhhhh!" inis na sigaw ko. "What the hell?! Gutom na gutom na ako! Kaya please!!! 'Wag kang magloko!!!" inis na sigaw ko sabay tapon ng maleta ko sa pintuan. Again, na-freeze bigla ang mundo ko dahil sa effect ng ginawa ko. Wasak! Nawasak 'yung pintuan. Natatarantang napaatras ako. Jusko! "Hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya..." paulit-ulit na sinasabi ko habang umaatras. Hindi ko naman talaga kasalanan. My hungerness! Tama! 'Yun ang may kasalanan sa nangyayari sa akin ngayon! Diba nga 'pag gutom ang tao, may magagawa talaga tayong imposible?! Oo ako na talaga ang kinakabahan! Napasigaw ako ng bonggang-bongga ng bigla akong matumba. Bwisit! May maliit na bato kasi akong natapakan kaya ayun... Bumagsak ako sa lupa! Naka-heels kaya ako! "Aray!" napahawak ako sa pwet ko. Kumirot kasi ng bigla akong tumayo. Naman oh! Ang sakit ng pwet ko. Pinilit kong tumayo at dahil masakit ang paa ko para akong robot na siraulo! Humawak ako sa pisi sa may harapan ko. Ay mali! Sampayan pala 'yun. Humawak ako doon para doon kumuha ng lakas para mabalanse ko ang tayo ko-Pero malas siguro talaga sa akin ang araw na 'to dahil biglang naputol 'yung pisi at napasubsob ako sa lupa! BWISIT!! Inis na napaangat ako ng mukha at tumingala sa langit! "Ano?! May ikakamalas pa ba ang a-OUCH!" sigaw ko. Lintek! May tumama na kong ano sa likuran ko na sobrang tigas. Tiningnan ko 'yun. Buko! 'Yun ang nakita ko. Aish! Guso ko tuloy mapaiyak. Bakit ba kasi nangyayari 'to sa akin? Gusto ko lang naman kumain... Gutom na gutom na ako! Inilagay ko 'yung dalawang kamay ko sa mukha ko. Ayoko ng bumangon. Baka mamaya ano pa ang mangyari sa akin. Ilang minuto akong ganun. Parang nakatulog nga ako eh basta ang alam ko lang may tumapik sa braso ko kaya nag-angat ako ng mukha. Sumalubong sa akin ang isang matandang babae-Hindi 'yung matanda kanina ha! "Hi po..." nakangiting bati ko. Kumaway pa ako sa kanya. Dapat friendly ako, pari kaya ang tito ko. Tumitig lang sa akin 'yung matanda. "Hija ano ang ginagawa mo dyan?" naguguluhang tanong sa akin ni lola. Ano sasabihin ko sa kanya ang totoo? ASA! "Ano kasi lola, hinihintay ko si tito kaso ang tagal nya eh kaya natulog na lang po ako..." nakangiting sabi ko sa kanya. Ang lame ng rason ko! Tinitigan lang ulit ako ng babae but this time... Tingin ko, na we-weirduhan siya sa akin. Sino naman kasing tanga ang matutulog sa lupa?! Ako lang 'yun! "Hija, wala si Father dito.... Nasa kabilang bayan siya nag mi-misa..." mahinhin na sagot ni lola. Teka! Nagmimisa? Napakunot ang noo ko sa sinabi ni lola number two, itong kausap ko. Eh sabi ni lola number one, 'yung lola kanina sa daan na nasa bahay si tito dahil walang misa 'tapos ngayon... Ano ba talaga ang totoo? "Atsaka isa pa hija, pagkatapos ng misa niya, hindi siya dito uuwi, sa simbahan. May maliit na bahay kasi siya roon sa likod eh!" Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi ng matanda 'yun. Kung ganun, pinagtripan lang ako ni lola number one? "Bakit po siya sa bahay niya sa may simbahan uuwi?" tanong ko na lang sa kanya. Kasi naman, kung nandoon siya, kailangan ko pang pumunta doon sa bahay number two nya, 'yung nasa simbahan. Wow! Daming bahay ah! Siya na talaga! "Sira ang bahay niya eh!" sabay turo doon sa pintuan. Napaupo agad ako ng maayos sa narinig ko. Kung ganun, sira na pala 'yung pintuan, mas sinira ko lang. Napalakpak ako bigla. HAHAHAHAHA! Safe ako! "Talaga ho?" masayang tanong ko. "Oo! Kaso..." nakita kong lumukot ng mukha nung babae ng mapatingin ulit sya pinto "Parang mas lumala yata ang sira nito..." malumanay na sabi nya. Napalunok na lang ako. Tumayo na lang ako. Thanks! Hindi na masakit ang katawan ko! Ang mabuting gawin ko ay umalis na lang dito. Tama! "Ah! Lola, nasaan po 'yung simbahan dito?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Ahh hija..." tumingin lang sa akin si lola sabay ngiti. "Nasa likuran mo lang hija...." nawala ang ngiti ko sa sagot nya. Nasa likuran ko lang? Weh? Tumawa na lang ako para mabawasan ang kahihiyan na nararamdaman ko sa buong katawan ko. Bwisit! Lumingon ako sa likuran ko. Napanganga ako. Simbahan nga! Bakit hindi ko napansin 'yun kanina? Hinarap ko si lola. Tutal nahiya na ako kanina, lulubusin ko na... "Ah lola, may pagkain po ba kayo?" tanong ko. Oo na! Ako na ang makapal ang mukha! Pero kung hindi ko kakapalan ang mukha ko, mamatay ako sa gutom! Jusko! Gutom na gutom na ako! Ngumiti lang sa akin si lola at may kinuha sa bulsa nya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Tingin ko tuloy biglang lumiwanag ang paligid ko at may mga anghel ang nagsilabas at kumanta ng 'Hallelujah, Hallelujah!' Tinapay. 'Yun ang inilabas ni lola. "Ito hija oh, sayo na lang 'to..." walang patumpik-tumpik na kinuha ko 'yun at binuksan. Kinain ko agad-agad. Gutom ako! Kaya 'wag kayong epal! "Salamat lola..." sabi ko sa kanya kahit punong-puno ng tinapay ang bibig ko. "Walang anuman hija... Sige kumain ka lang dyan, at ako pa ay maglilinis dito sa bahay ni Father...." sabi nya. Kumaway lang ako at tinuloy ang pagkain ko. Grabe! Tinalo ko pa yata ang mga pulubi sa kalsada sa inaasta ko ngayon. Napangiti ako ng mabusog ako sa kinain ko. Nagpasalamat rin ako dahil hindi man lang ako nabulunan kasi kung nabulunan ako, patay na siguro ako ngayon. Wala akong dalang tubig eh! Bibili na lang ako ng cold water sa tindahan na makikita ko mamaya. Mura pa 'yun eh! Naglakad na lang ako papunta sa simbahan na nakangiti! Whoot! Whoot! Busog na ako! Congratulations Samantha Guevara! Napahinto ako sa paglalakad ng may ma-realize ako. Napatingin ako sa sarili ko. Ang dungis ko! Sinong hindi madudungis?! Isa-isahin ko kaya ang nangyari sa akin ngayon. Kailangan kong maging presentable. Nag-ikot-ikot ako para maghanap ng gripo o poso na pwede kong pagkunan ng tubig na panglinis sa katawan ko....Kaso wala akong makita. Napatingin ako sa rebultong anghel na ngayon ay nakatingin sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay. "Tingin-tingin mo?!" galit na tanong ko sa kanya. Napangiwi lang ako ng mapatingin ako sa labi nya, nakangiti sya. Aba't! Napansin kong may dala syang cup kaya tiningnan ko 'yun. Ganun na lang ang pagngiti ko na may lamang tubig 'yun. Hinawakan ko 'yung cup! Napasigaw ako ng mapagtanto ko na natatanggal pala 'yun. Ayos! Agad na kinuha ko 'yung cup at dinala sa may likod. Syempre 'yung walang makikita sa gagawin ko. Napakunot ang noo ko ng may makita akong hose. Sinundan ko 'yun at ganun na lang ang pasigaw ko sa nakita ko. "Huli ka balbon!" sigaw ko. Gripo men! Tatanggalin ko nasa 'yung hose ng makita ko 'yung fountain ni Virgin Mary. Napangiti ako. Alam ko na ang gagawin ko. Inilagay ko sa baba 'yung cup malapit sa gripo. Tinapon ko 'yung dulo ng hose malapit sa fountain 'tapos ay ini-on 'yung gripo. Pumunta ako sa fountain at dahil malakas ang agos ng tubig, inilagay ko doon sa circle na bandarilya ang hose at ginamit ko ang dalawa kong kamay para magsalok ng tubig doon pagkatapos nun ay binasa ko 'yung mukha ko. Naghilamos ako. Napalatak ako ng mabasa 'yung jacket ko kaya hinubad ko 'yun. Sexy ako kaya hindi ako dapat mahiya sa see through na damit na suot ko. Lumapit ako sa gripo at tinaggal ko 'yung hose. I twist it para lumabas ang tubig doon. Napangiti ako. Galing ko! Inilapit ko 'yung ulo ko sa gripo ko. Kailangang basa ang buhok ko para 'pag nagkita kami ni tito, fresh ako. Baka ano pang masabi nya sa mga taga-SYUDAD! Nang tapos na ako, kinuha ko 'yung jacket ko na inilagay ko sa ulo ni Virgin Mary at pinunas sa buhok ko 'yun. "Ayos!" Kinuha ko 'yung cup ni 'angel' at nilagyan ng tubig 'yun. Bad breath ako. Kinuha ko 'yung sepilyong nasa sa jacket ko, sosyal ang toothbrush na ito, galing 'to sa hotel na pinag-stayan ko may kasama pa nga 'tong toothpaste eh! At 'yun nagsepilyo ako doon! Nang tapos na talaga ako. naglakad ako papunta kay 'angel', ibabalik ko lang sa kanya 'yung cup nya noh.... Hindi ako magnanakaw. Nanghihiram lang ako sa gamit nya. "Oh! Guardian angel ibabalik ko 'yung cup mo..." sabi ko sa rebulto. Inilagay ko 'yung cup doon at tumingin sa salamin ng simbahan. Ayos! Presentable na ako. Pwede na akong makipag-usap kay tito. Napakunot ang noo ko ng may mapansin ako. May lalaking nakatitig sa akin. Napataas ang kilay ko. Hindi ako feelingera pero hindi ako inosente. Sa gandang kong 'to, marami na kaya ang nagtangkang maka-score sa akin. Lumiko ako para masiguro ko kung may balak ba sa akin ang lalaking 'yun. Kung susundan niya ako, totoo ang hinala ko. Kung mali ako, edi ako na feelingera! Tumago ako sa likuran ni 'angel' at ganun na lang ang pagkadismayado ko. May balak nga sa akin ang lalaking 'yun! Nakita kong parang hinahanap ako ni lalaki kaya lumabas ako sa pagkatatago ko. "Tsk! Tsk! Alam mo bang masama ang maging stalker? Nasa simbahan pa naman tayo..." nakakalokong tanong ko sa kanya. s**t! Ang gwapo! Sayang! Nanlaki ang mata nung lalaki. Grabe! Kahit mukha syang ewan ang gwapo pa rin sya. Sayang! Ang nakakainis pa, inosente ang mukha nya! 'Yung tipong walang alam sa mundo ng kadiliman! Akala mo lang pala 'yun! Kasi alam na alam ng lalaking 'to ang galawan ng mga taong halang ang bituka! Isa kasi siya roon! "Tsk! Tsk!" napasandal na lang ako kay 'angel'. Sayang talaga. Ang gwapo nya! Ba't ba naging sira-ulo 'to?! Wala na ba talagang matino ngayon sa mundo? I just crossed my arms. Hindi agad nakapagsalita ang lalaki. Lihim akong napangiti. Nag-iisip 'yan ng idadahilan... Nahuli kasi eh! Psh! "Kasi naman miss akala ko naliligaw ka kaya nilapitan kita..." Parang nagpating ang tenga ko sa sinagot ng lalaking 'yun. Naliligaw? Ows? So kasalanan ko pa?! Sapakin ko kaya sya?! Pinagtitripan nya ako eh. Pero okay lang, kaya kong sakyan ang trip nya.... Nginitian ko lang sya. "Ows?" hindi naniniwalang tanong ko sa kanya. Tumayo ako ng maayos at tinitigan sya. Naglakad ako palapit sa kanya. Gusto kong mapangiwi sa ginawa nung lalaki... Umatras? Umatras sya... Kaya napahinto ako sa paglapit sa kanya. Ano 'to, karererin nya nya ang pagiging feeling inosente sya? Nainis ako ng bongga dahil sa naisip ko. "Alam mo.... " inilapit ko sa kanya ang mukha ko. "SMB..." napaisip ako bigla sa pinagsasabi ko. Tama ba ang pagkakagawa ko ng sentence? Tsk! 'Wag ko na ngang isipin 'yun! Kumunot ang noo nya. Bwisit! Ano feeling biktima rin siya? "SMB?" naguguluhang tanong niya. Hindi, BMB?! Kainis! Kailan ba siya titigil sa pagpapanggap niya bilang inosente? "Style mo bulok!" inis na sigaw ko sa kanya. Tinampal ko pa ang noo niya. Nangigigil na ako eh. Hinawakan lang niya 'yung noo niya pagkatapos ko 'yung gawin 'tapos kunot ang noo nakatitig sa akin. Aba't! "Sus! Kunwari ka pa na hindi mo alam!" nakangiting sabi ko.Gusto niya ng laro ha! Hindi man lang nag-iba ang reaksyon ng mokong na 'yun. May bigla akong naisip-isang kapilyahang ideya. Kung umaakting siya as inosente, well ako, I will act as a bad girl na handang akitin siya... YUCK! EW! "Alam mo, may ibibigay ako sa 'yong bagong style ..." nakangiting sabi ko sa kanya. Puno 'yun ng kalandian. Kaya nga ganun na lang ang pagsasalamat ko at hindi ako nasuka sa pinagagawa ko! "Wala kasing maniniwala na kaya mong gawin 'to dahil mukha kang inosente... Para kang pari..." nakangiting dugtong ko sabay kindat sa kanya. Totoo naman eh. Pero ang gago, tinaasan lang ako ng isang kilay 'tapos parang naguguluhan sya sa pinagsasabi ko. Bwisit! Kung wala kami sa simbahan ngayon, sinakal ko na talaga ang lalaking 'to! "Ano bang pinagsa— HIndi ko hinintay ang sasabihin nya. Bwisit sya eh! Hinila ko sya at hinalikan sa lips. Mariin at mapusok. Nagulat ako sa ginawa ko. What the hell?! And mas lalong nagpagulo sa akin. Parang nanigas 'yung lalaki sa ginawa ko... Teka... Parang may mali. Hindi niya ako hihilahin para halikan ng mas mariin at mapusok? Pero... Hindi ako papayag. Dahil kahit kailan walang sinuman ang pwedeng manloko sa akin!! Bwisit! Yinakap ko siya pagkatapos at tinapik ang likod niya para i-comfort siya. Agad na inilayo ko ang mukha ko sa kanya para matitigan ko ang mukha nya. Gulat na gulat pa rin ang itsura nya. Bwisit talaga! Kailan ba talaga sya titigil sa ppag aarte niyang inosente siya? Hinawakan ko ang lips niya gamit ang thumb ko and I trace his lip. "Tsk! Tsk! Ang dry kasi ng lips mo kaya binasa ko..." nakangiting sabi ko. Hinintay ko ang magiging reaksyon nya pero wala pa ring nagbago. Kainis! Pinisil ko 'yung lips nya para may mangyari... pero wala. Kinindatan ko ulit sya. wala pa rin. Nakakainis na siya ha! Natuod na ba siya?! Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at... "Gamitin mo 'yun sa susunod na bibiktimahin mo ha..." bulong ko sa kanya sabay talikod. Ngayon, naguguluhan ako, inosente ba talaga siya? Pero kasi... Ay ewan! Tinaas ko na lang 'yung isang kamay ko at nag dirty finger sa kanya. Walang kwentang tao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD