One

1395 Words
Simon's POV "Okay lang ba ang kwartong 'to?" tanong sa akin ni manang-Ano nga ulit pangalan niya? Nakalimutan ko eh! Teka, natanong ko ba ang pangalan niya? Parang hindi ko maalala na tinanong ko ah! Hindi kasi ako nakikinig masyado sa pinagsasabi niya. Busy kasi ako sa pagtingin sa kabubuuan ng kwartong tutuluyan ko. Binusisi ko iyon ng mabuti dahil dito ako hanggang isa o dalawang buwan o sobra pa doon. Tingin ko bago lang siya rito, hindi ko kasi siya kilala eh... Tumango na lang ako sa kanya. Si Father na lang ang tatanungin ko tungkol sa pangalan niya. "Sige iwan na kita hijo..." paalam niya sa akin. Tumango lang ulit ako sa kanya. Lalabas na sana siya sa kwarto nang may natandaan ako. "Ahhh, nanay, nasaan po si father?" tanong ko sa kanya. Tumigil sa paglalakad si manang at tumingin sa akin. "Si father ba kamo? Ay hijo! Ayun nasa bahay niya. Dumating kasi ang pamangkin niya eh! Pero baka mamaya nandito na 'yun..." Napatango na lang ako. Kung ganun, magkikita na kami ni Father Ismael! Sa wakas! Napangiti ako ng malaki... Napakarami ko kasing ikukuwento sa kanya. Napahimas ako sa batok. Ilang taon na ba ang lumipas ng huli kaming magkita? 5 years? 6 years? 7 years? Napailing na lang ako. Humiga ako sa kama ko. Grabe! Wala pa ring nagbago rito. Ako lang yata ang nagbago. Kasi noon, isa lang akong payat na sakristan pero ngayon ilang araw na lang, oordinahan na ako bilang pari. Ang saya! Bumangon ako sa pagkakahiga at nagpalit ng damit. Sinuot ko 'yung white t-shirt na dala ko at nagsuot ng cargo short. Lumabas ako sa kwartong tinutuluyan ko. Gusto kong makita kung ano ba ang mga pinagbago-kung meron man sa simbahan. Hindi ko kasi siya nasuri kanina eh. Walang pinagbago ang simbahan. Aside sa kulay ng pintura ng simbahan, wala na. Napangiti ako. Hindi pa rin pala siya nagbabago! Kaysa gamitin niya 'yung pera sa offering para ipaayos ang simbahan, ginagamit nya 'yun para makatulong sa mga taong naghihirap dito sa lugar na 'to. At maghihitay lang siya sa mga taong may mabubuting puso na mag donate o 'di kaya mag initiative na mag paayos sa simbahan. Kaya nga siya ang idolo ko eh... Kaya heto ngayon ako... Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong babae sa fountain ni Virgin Mary na parang.... naghihilamos? Totoo ba 'tong nakikita ko?! Kinusut-kusot ko ang mata ko! At oo, tama nga ang nakikita ko! Hindi ako namamalikmata! Nandoon ang hose ng gripo sa bandarilya ng fountain at doon siya sumasalok ng tubig! Jusko! Napa-sign of the cross ako sa wala sa oras. Bigla kasing hinubad noong babae ang suot niyang jacket at halos makita ko na ang kaluluwa niya dahil sa suot niyang damit! See through 'yun na itim at 'yung dibdib lang niya ang tinatakpan ng damit niya! 'Tapos sobrang iksi pa ng short niya at nakatuwad pa ang babaeng 'yun dun sa fountain. Juskong mahabagin! Inilagay niya pa ang jacket niya doon kay Virgin Mary! Naliligaw ba ang babaeng 'to?! Hindi yata sa simbahan punta niya eh... Nanlaki ulit ang mata ko nang umalis siya sa may fountain at lumapit sa may gripo. Biglang tinanggal noong babae 'yung hose ng gripo na malapit sa pinagtitirikan ng kandila. Pinaagos niya muna ang tubig sa gripo pagkatapos ay sinalod niya ang buhok niya sa tubig na para bang naliligo! Jusko! Ano 'to?! Naliligo siya doon sa gripo?! Na nasa harap ng entrance ng simbahan at nasa tabi ng kandila?! Kung saan humiling at nagpapasalamat ang mga tao?! Binababoy niya ang simbahan! Nang matapos basain nung babae ang buhok niya. Tumayo ito at ginamit niyang towel 'yung jacket niya. Iniwan niya lang 'yung hose pagkatapos ay tinanggal ang hose sa gripo. Kaya doon na mismo umaagos ang tubig sa gripo. May kinuha siya sa may tabi ng gripo.... Napamaang ako ng makita ko kung ano 'yung kinuha niya! 'Yung cup.... 'Yung cup na lalagyan ng holy water doon sa may rebulto sa... Jusko! Nanlaki ulit ang mata ko nang lagyan niya 'yun ng tubig tapos may nilabas siyang toothbrush at nag-sepilyo doon. Ano ba ang trip ng babaeng 'to?! Napatampal ako sa noo ko. Ganito na ba talaga ang kabataan ngayon? Eh bakit hindi sila tumulad sa akin?! Jusko naman eh! Hindi man lang ba niya kayang respetuhin ang simbahan?! Pagkatapos niyang magsepilyo, sinampay niya ang jacket niya doon sa bandarilya sa pinagtitirikan ng kandila at sinuklay-suklay ang buhok niya. Jusko talaga! This girl is impossible! Nang matapos siya sa ginagawa niya ay naglakad ulit 'yung babae dala-dala 'yung cup. Nanakawin niya? Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at sinundan ko ang babaeng 'yun. Napangiti ako ng makita kong binalik niya 'yung cup sa rebultong anghel na nasa tapat ng pintuan ng simbahan.... Kaya nakahinga ako ng maluwag sa ginawa niya. Hay... Buti naman ay may ginawang maganda ang babaeng 'yun... Pero agad namang napakunot ang noo ko ng maglakad ulit ang babae at lumiko... na para bang papasok siya sa loob ng simbahan. Tumakbo agad ako papunta sa babaeng 'yun. Ano?! Papasok siya na ganun ang suot niya?! Mahiya naman siya sa suot niya! Nagulat ako ng pagkalapit ko wala na doon ang babae... Nasaan siya? Bigla na lang siyang nawala! Ano? Multo ba siya? Napalinga-linga ako. "Tsk! Tsk! Alam mo bang masama ang maging stalker? Nasa simbahan pa naman tayo..." napagitla ako ng may nagsalita sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at napasinghap ako ng makita ko 'yung babae na ngayon ay nakatingin sa akin at naka-smirk... "Tsk! Tsk!" sabi nung babae at sumandal sa rebultong anghel... Mamaya-maya, she crossed her arms... Hindi ako nakapagsalita para akong na-estatwa. Napailing ako at inayos ko ang takbo ng utak ko. Kailangan kong magsalita. Kailangan kong mapagsabihan ang babaeng 'to! "Kasi naman Miss, akala ko naliligaw ka kaya nilapitan kita..."seryosong sabi ko. Pero imbes na matakot ang babaeng 'yun... Nginitian lang niya ako... "Ows?" hindi naniniwalang tanong niya. Tumayo siya ng maayos at tinitigan ako. Mayamaya ay naglakad palapit sa akin ang babaeng 'yun. Huminto lang siya sa paglapit sa akin nang umatras ako. Kinabahan kasi ako bigla kaya nagawa ko 'yun.... Ano ba kasi ang gagawin ng babaeng 'to? Baka bigla na lang niya akong sakalin! At kung makalapit siya sa akin, parang ako pa 'yung may ginawang masama! "Alam mo..." inilapit niya 'yung mukha niya sa akin... "SMB..." dagdag niya. Kumunot ang noo ko. "SMB?" naguguluhang tanong ko. San Miguel Beer? Lasing ba ang babaeng 'to? Kaya nagdedeliryo siya ng alak? "Style mo bulok!" sabi niya sa akin sabay tampal ng noo ko. Agad na hinawakan ko 'yung noo ko pagkatapos niyang gawin 'yun. "Sus! Kunwari ka pa na hindi mo alam!" nakangiting sabi niya. "Alam mo, may ibibigay ako sa 'yong bagong style... para sa 'yo... Wala kasing maniniwala na kaya mong gawin 'to dahil mukha ka pa namang inosente... Para kang pari..." nakangiting sabi niya sabay kindat sa akin. Tinaas ko lang ang isang kilay ko dahil sa pinagsasabi ng babaeng 'to. Hindi ko kasi siya maintindihan... "Ano pang pinagsa- Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa ng babaeng 'yun... She.... Hinalikan niya ako! Hinalikan niya ako sa lips! Sobrang bilis ang pangyayari... Hindi ko alam kong ano ang nangyari basta ang alam ko lang ay hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan ako ng babaeng 'yun.... Mariin. Mapusok. Napatulala ako sa ginawa niya. Naramdaman kong nagkahiwalay sa pagkakadikit ang mga labi namin pero hindi ako binitawan ng babae, yinakap niya ako. Naramdaman kong tinapik-tapik niya ang likod ko. 'Tapos ay inihiwalayan niya ang katawan niya sa akin at tinitigan ang mukha ko. Napatitig ako sa mata niya. Hindi ako makagalaw. Gulat na gulat pa rin ako eh! Napagitla ako ng hinawakan niya ang lips ko gamit ang hinlalaki niya. "Tsk! Tsk! Ang dry kasi ng lips mo kaya binasa ko..." nakangiting sabi niya sa akin habang pinsil-pisil niya ang labi ko. Binaba niya ang kamay niya at ganun na lang ang pagkagulat ko ng bigla niya akong kinindatan. Tinapik niya pa ang balikat ko uli at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko... "Gamitin mo 'yun sa susunod na bibiktimahin mo ha..." bulong niya sa akin at mabilis na tumalikod. Naglakad siya palayo sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makalayo-layo na siya sa akin ay tinaas niya 'yung kanang kamay niya at nag-dirty finger sa akin.... Jusko! Ang babaeng 'yun! Tukso ba ang tawag sa babaeng 'yun?! Kailangan kong makita si father hindi para kumustahin siya kundi para magkumpisal! Kasi sa harap mismo ng simbahan, ginawa ko ang bagay na 'yun.... Jusko! Hindi ko dapat hinayaan na gawin sa akin ng babaeng 'yun ang bagay na 'yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD