Sam
"Hija, hindi pwede! Ilang oras ka pa lang nagtatrabaho dito, magka-cash advance ka na?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni ate. Sya 'yung may-ari ng karinderya, 'yung karinderyang pinagtatrabahuan ko ngayon!
O gulat kayo no? Ang dali kong makahanap ng trabaho!
Sus! Ako pa! Masyado kaya akong magaling at maabalidad na tao kaya madali lang sa akin ang mga bagay-bagay!
Actually wala naman silang choice eh, nakalagay sa labas na 'Wanted:Tindera' sa karinderya nila at napag-alaman ko na kailangan talaga nila ngayon ng tindera dahil may sakit 'yung pamangkin ni ate kaya... ANG SWERTE ko talaga! Ang mas talagang naging okay eh, malapit lang sya sa simbahan kaya pwede akong mag cutting!
Galing!
Pero, kainis! Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi nya. Bakit? Ginawa ko naman ng maayos ang trabaho ko? Kaya bakit hindi ako pwedeng mag cash advance?
Aish!
Tumango na lang ako sa kanya. Ngumiti lang sa akin ni ate. "Babalik na po ako doon..." paalam ko sa kanya. Hinintay ko ang salitang 'Sige na nga papayagan na kitang mag cash advance, nakakaawa ka eh...' Pero kahit na umabot sa mukha ko ang varicose veins hindi ko maririnig sa kanya 'yun.
Tumalikod sya sa akin eh!
"Sorry talaga hija ha...." sabi nya ng makatalikod na sya sa akin 'tapos naglakad na sya paalis. Psh! Napanguso na lang ako! Hindi ba uso sa kanila ang salitang 'habulin mo at amuin mo'?! Tsk! Wala na talaga akong magagawa! Umalis na sya eh! Ang arte ko kasi! Limang piso lang naman ang kailangan ko! Bibili kasi ako ng ice cream.
May dirty ice cream kasi sa harapan ng karinderya ni ate kaya... Hay... Napakamot na lang ako sa ulo ko. Bakit ba kasi naisipan ni manong sorbetero na i-display ang tindang ice cream nya sa harapan ko?! Kumakain kasi si manong sorbetero sa karinderya eh! At sa maniwala't kayo sa hindi, kanina pa sya dito! Para bang nanadya sya na i-display doon ang tinda nya! Aish!
Lintek!
"Isa pang kanin hija!" order nung isang lalaki na kanina pa na nandoon. Napangiwi na lang ako. Kung makautos, akala mo kung sino?! Sus! Mas mayaman kaya ako sa 'yo! Mayamang walang pera sa ngayon!
"Opo!" sigaw na sagot ko sa kanya. Wala naman kasi akong magagawa. Naghanap ako ng trabaho kanina at nakahanap naman agad, so dapat lang na kailangan kong pagbutihan! Ayokong mag ka-bad records kasi 'pag gumraduate ako sa college, kung mangyayari man 'yun, gagawin kong reference si ate! Pumunta ako sa mini-counter nila sa karinderya. Tingin ko ito 'yung counter para sa mga cashier, nandito ang perang kinita nila eh! Bilib rin ako kay ate! Tiwalang-tiwala sya sa akin kahit bago nya pa lang akong kilala! Napatingin ako sa kita nila! Ang daming beinte pesos!
Mangupit kaya ako?
Agad na napailing ako.
Tsk!
Wala sa bokabularyo ko 'yan! Natatakot kasi ako sa balik ng karma! Kasi 20 pesos lang ang nakupit ko pero si Karma pinasagasaan ako at nakabayad ako ng 100, 000 pesos sa hospital kaya wala rin! Okay na ako dito!
Maghihintay na lang ako ng isang linggo!
Oo linguhan ang sweldo dito at 350 kada linggo ang sweldo ko. Hindi na masama noh?
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Bwisit! Si kuya, 'yung lalaking nag-order ng kanin! Lagkit makatitig sa legs ko! KADIRI! Napatingin kasi ako sa harapan ko at ganun na lang ang gulat ko na nakatitig sya sa legs ko...
Ew!
Hindi ko na lang sya pinansin at nagsalok na lang ng kanin sa Tupperware. Sarap lagyan ng lason ng kanin nya mga 'tol. Pero 'pag ginawa ko 'yun, mapapasama naman si ate kaya No!
"Ito na po kuya..." nakangiting sabi ko sa kanya sabay bigay nung kanin nya. Nginitian ko pa talaga sya ano? EW!
Ngumiti lang din si kuya sa akin sabay kuha nung plato nya. Ganun na lang ang panlaki ng mata ko na pati kamay ko hinawakan nya. Bwisit! Pumaparaan! Dahan-dahan nyang pinadaus-dos ang kamay nya para mahawakan 'yung plato at kinuha 'yung plato nya sa akin. Nandidirinig tinitigan ko sya. Napangiwi ako. Kinindatan nya kasi ako! Kinilabutan tuloy ako!
Lord!
Gusto kong patayin ang lalaking 'to, kaya please lang po, tulungan nyo po akong kontrolin ang sarili ko. Kasi naman 'pag gumawa ako ng kalokohan dito, madadamay ang tito ko. Bwisit! Dapat binitbit ko na lang 'yung mga katropa ko sa Maynila para 'pag may nagtangkang gumawa ng masama sa akin gaya nitong isa, 'yung mga katropa ko na ang bahala sa kaniya.
I just rolled my eyes at him!
Kung may magsasabing hindi ko dapat ginawa 'yun, please lang SILENCE! Langya nyang nagpauso ng 'Customer is always right!' Bwisit!
Ew!
GUSTO KONG MASUKA!
Yuck talaga sya!
Kung makaganun akala mo kung sinong gwapo? Eh tingin ko nga na kahit anong gawin nyang pagpapagwapo, kahit kailan hindi sya makakatuntong sa salitang gwapo eh, pwera na lang kung magpa-plastic surgery sya!
Nagmamadaling pumunta ako sa dishwashing area. Ay uy! 'Yung pinaghuhugasan ng plato ng pinagkainin in Filipino! Kailangan kong hugasan ang kamay ko. Baka madaming virus si 'Boy kanin' at magkasakit pa ako. Nakita ko naman si ate doon na nanghuhugas ng plato.
O diba parang baliktad? Mukha tuloy akong amo! Kasi naka-short at naka-sleveless ako 'tapos sya, nakapalda ng sobrang taas 'tapos ang haggard pa ng mukha nya! Pero bilib ako sa kanya. Kasi ang itsura nya, parang pinagsisigawan na 'Hardworking' syang tao!
Ako? Magandang bakasyonista na part-time tindera!
"Oh hija!" gulat na sabi nya ng makita ako. Kumaway lang ako sa kanya at ngumiti. Lumapit ako sa kanya "Ba't nandito ka?" tanong nya.
"Manghuhugas po ng kamay kasi po 'yung isang customer doon hinawakan ang kamay ko." sumbong ko sa kanya.
Umiling lang sa akin si ate 'tapos huminga pa sya ng malalim. "Hay naku! Si Juan na naman.... Pag pasensyahan mo na 'yun hija ha... Ganun lang talaga 'yun..." hinging paumanhin nya. Napakunot tuloy ang noo ko.
Kasi naman! Para saan ang paghingi ng paumanhin nya? Para doon sa lalaking sinasabi nyang Juan?
Tsk!
Mabilis pa sa alas kwatro na bumalik ako doon sa may counter. "Oh hija akala ko ba manghuhugas ka ng kamay?" tanong nya.
Nakangiting lumingon ako sa kanya.
"Mamaya na lang po... May gagawin lang ako!" nakangiting sabi ko sa kanya. Kumunot lang noo nya. Binuka nya 'yung bibig nya na para bang may sasabihin sya pero umalis lang ako. 'Wag na syang makialam sa gagawin ko!
Sinabi ko bang hindi ako dapat gumawa ng hindi maganda dahil madadamay ang tito ko?
Kung oo, KALIMUTAN NYO NA!
Sinungaling akong babae kaya 'wag kayong maniniwala sa akin! Lumapit ako sa counter at agad na kinuha 'yung pitchel! Itatapon ko sa mukha ng m******s na lalaking 'yun!
Sam! Ang mga taong manyak, ay salot sa mundo! PATAYIN MO SYA SAM! LUNURIN MO SYA GAMIT ANG TUBIG NG PITCHEL!
Hikayat ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Hinarap ko 'yung lalaki—
"Simon?!" gulat na bulalas ko. Agad na binalik ko 'yung pitchel sa kinalalagyan nya kanina! Bwisit! Ano ang ginagawa nya dito? Sinundan nya ba ako? Tiningnan ko 'yung lalaking m******s, wala na sya. Nakahinga ako ng maluwag. Thank you Lord for the help.
Ngumiti lang sya sa akin at kumaway. Letche! Napatingin ako sa likuran nya. May mga babaeng bigla na lang kasing humagikhik na akala mo nakita si Zac Efron ng personal! Ganun na lang panlaki ng mata ko ng makita ko 'yung mga higad.
Nga naman oh! Si tadhana, sobrang mapaglaro!
"Hi! Samantha!" bati ni Simon sa akin. Ngumiwi lang ako sa kanya. KAINIS! Bakit buong pangalan ko ang sinabi nya? Magiging instant sikat ako nito eh! Atsaka nakakadiri pakinggan ang Samantha. Tunog babae talaga! Gusto ko Sam lang para mag-iisip 'yung mga tao kung lalaki ba ako o babae. Gusto kong magpa-mysterious eh? Bakit may papalag?
Umiling lang ako. May problema akong dapat solusyunan!
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Binabantayan ka..." nakangiting sagot nya.
Nanlaki naman ang mata ko. GAGO SYA! Anong tingin nya sa akin bata?! Halikan ko kaya ulit sya 'yung French kiss! Tingnan lang na 'tin kung matawag pa nya akong bata!
Biglang bumaha ng kulay pula sa paningin ko ng biglang umupo 'yung mga babae. 'Yung sa simbahan. Tumabi sila kay Simon.
Landi!
Agad na napataas ang isang kilay ko.
"Hi!" nakangiting bati nung si 'Anne Curtis' sa kanya. Katabi nya doon 'yung... Basta! Sila 'yung mga HIGAD!
Tumingin sa kanila si Simon... TAKE NOTE: Nakangiti sya! Nakangiti syang tumingin sa mga higad na 'yun! Napailing na lang ako.
"Hello..." masayang bati nya rin.
Jerk!
Bwisit!
Tumalikod na lang ako sa kanila. Wala akong pakialam kong ano man ang mangyari sa kanya! Ang mabuting gawin ko, ay hugasan 'yung kamay ko. Para maalis 'yung virus ni 'Boy Kanin'. Naglakad na lang ako papunta sa kusina at ganun na lang ang gulat ko ng may humawak sa braso ko at tinakpan ang bibig ko.
Nanlaki agad ang mata ko.
Shit!
Ano 'to?!
"Wag kang sisigaw miss..." mahinang wika ng isang lalaki na para bang galing sya sa impyerno. Kinalibutan ako. Nanlaki ang mata ko ng bigla nyang kinagat ang tenga ko.
Shit!
Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!
Tulong!!!!!!!!