Seven

1733 Words
Sam's POV "Inakit nya po ako!" Napatawa lang ako ng malakas ng isigaw ng gagong 'yun ang salitang 'yun... Wow! Ang lakas ng loob nyang sabihin 'yun! Sa harapan ko pa talaga ha? Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Sa gandang kong 'to at sa pangit nyang 'yan.... Aakitin ko sya? Tiningnan ko ulit sya. Wow! Gwapo mo kuya! Tumawa ulit ako. Grabe! 'Yung kakapalan ng mukha nya, 'di ko matantya! Wow! But I guess, pinaghalong encyclopedia at dictionary ang kakapalan ng mukha nya ha! O baka mas malala pa dun! Grabe! Jusko! Whooo! Galing! Talaga ni Boy kanina! Tinitigan ko sila kuya pulis, si ate na may-ari ng karinderya, 'yung mga tanod na umawat sa akin kanina at higit sa lahat si Simon. Nakataas ang isang kilay nila habang nakatingin kay 'Boy Kanin' a.k.a. Juan Manyakis.... Pati sila hindi makapaniwala! Naman! Sino bang maniniwala sa gagong 'to? Mga taong taga-Human rights? Nabugbog ko eh! Kasi sabi nila kahit may kasalanan ang isang tao wala daw karapatan bugbugin... Sus! Wala sila sa posisyon ko kanina! O diba may connect ang pinagsasabi ko?! Laki! Sobrang laki ng connect! PLEASE INSERT THE WORD SARCASTIC! "Sigurado ka ba dyan Juan?" naniniguradong tanong sa kanya ni kuya Pulis sa kanya. Tumingin sya sa akin at napa-smirk ako. Galing ko talaga! Pwede na akong mag-applay na maging ka-tropa ng mga pangit na lalaki sa wrong turn! Galing kong mang-t*****e! Napangisi na lang ako ng maaalala ko 'yung nangyari kanina... Pumiglas ako ng bongga para makawala sa pagkakahawak ng kung sino mang adik ang nakahawak sa akin. Kasi una sa lahat, ang baho ng kamay nya. Pangalawa, hindi ko carry ang pawisan nyang braso at higit sa lahat ayokong ma divirginize ng isang adik! In full force level, inapakan ko ang paa nya kaya nabitawan nya ako. Agad na siniko ko sya sa mukha! Gago sya! Anong akala nya sa akin si Mara? Si Flor de Luna? Flordeliza? Pwes nagkakamali sya! Ako kaya si Amor powers original! Bwisit! Para saan pa at nag-aral ako ng karate ng isang taon, kung hindi ko ma-aplay sa totoong buhay?! Kaya humanda sya! Agad na naghanap ako na pwedeng ipalo sa ulo nya. Napangiti ako sa nakita ko. Kutsilyo! Kukunin ko na sana 'yun ng may humila ng buhok ko kaya napasigaw ako. Shet na naghihinagpis! Ang sakit ng ulo ko! Pero hindi 'yun ang issue dito! Bagong rebound kaya ang buhok ko kaya.... Bwisit! "Bwisit na babae!" inis na sigaw nung lalaking may hawak ng buhok ko... Kung hindi ko lang iniisip ang buhok ko baka tumawa pa ako sa sinabi nya... Ako? Bwisit? Wow! Humarap ako sa kanya para suntukin sya sa mukha at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si 'Boy kanin'! Aba't gago sya ha! Sinuntok ko sya ng malakas sa ilong kaya nabitawan nya ulit ako. Kinuha ko 'yung kalan at pinagpalo-palo ko 'yun sa mukha nya. "Bwisit! Bwisit! Bwisit! BWISITTT!" inis na sigaw ko habang binubugbog sya. Sinipa! Sinuntok! At pinalo ko sa kanya 'yung kalan! Bwisit sya! Paulit-ulit na ginagawa ko 'yun sa kanya at tuwing ginagawa ko 'yun lagi lang syang sumisigaw ng 'Aray!'! Malamang! "Ano ang nangyayari dito?!" Napatigil ako sa pagsipa sa kanya ng may biglang sumigaw sa harapan ko... "Ate?" bigla kong naibaba ang kalan. Napatingin ako sa diswashing area nya. Napalunok ako. Lagot! May nabasag na mga baso at plato... Tatanggalin nya ba ako sa trabaho dahil dito? "Hija?" hindi ko alam kong concern ba sya o galit sa pagtawag nya sa akin. Pero nasa kritikal na kondisyon ang trabaho ko sa kanya... Bigla syang tumingin sa may sahig... "Juan?" naiinis na sabi nya. Tumingin sya sa akin. "May ginawa ba syang hindi maganda sa 'yo hija?" concern na tanong sa akin ni ate. Tumango lang ako. Tinitigan nya ng masama si Juan a.k.a 'Boy kanin'. "Juan!!!" galit na sigaw nya sa pangalan ni 'boy kanin'. Nagmamadaling lumapit sa akin si ate at ganun na lang ang gulat ko ng hinawakan nya ang kwelyo nung polo-shirt ni Juan at hinila palabas. Sumunod naman agad ako sa kanya. "Ate..." concern na tawag ko sa kanya. Nung gagawin nya kay 'Boy kanin'? Nanlaki ang mata ko ng pagkalabas na pagkalabas nya ay tinulak nya si Juan. "Bwisit kang m******s ka! Nang dahil sa 'yo nanginginig sa takot ang pamangkin ko! Ayaw ng magtrabaho rito!" galit na sabi nya sabay sipa sa mukha ni Juan. Napalunok ako. Astigin si ate! Napangiti ako sa realization na 'yun! I-a-add friend ko 'tong si ate sa f*******: mamaya. Maghahanap lang ako ng WiFi tutal pwede namang mag-sss doon sa cellphone ko eh! "'Tapos ngayon, tinitira mo naman 'tong pamangkin ni Father?!" dugtong nya sabay hawak nung buhok ni Juan at nginudngod nya sa semento ang mukha ni Juan. Napangiti ako! IDOL KO SI ATE!!! Yeah boy! Walang panama sa kanya si Amor powers original! Tumingin si ate sa akin kaya napatayo ako ng maayos. "Hija! tawagin mo si Bobong 'yung pulis na kapatid ko na sa likod lang sya ng kusina.... Nag ba-barque!" Sumaludo ako sa kanya. "Opo ate!" at nagmamdaling tumakbo ako papunta sa likod ng kusina nya. Agad ko namang nakita si Bobong! Kilala ko sya. Sya kaya ang nag-alok ng trabaho sa akin. "Bobong!" sigaw ko sa kanya. "O, bagong tindera ni ate Lisa..." nakangiting sabi nya. Bwisit! Tinutukso naman ako ng gagong 'to. Matatawag kong new found friend ko si Bobong! Secret lang na 'tin to, pero nag-pulis ang gagong 'to dahil idol nya si Darna! "Anong kailangan mo? " napabalik ako sa wisyo ng tinanong nya 'yun! Shet! Kailangan pa lang ng resbak ni ate... "Nasaan pala si ate Lisa?" kunot ang noong tanong nya sa akin... Napangiti ako. Lisa! Itatak ko sa maliit kong utak ang pangalan nya. Pero mamaya na ako magpakasaya dahil alam ko na ang pangalan ni ate. Kailangan nya ng tulong namin! "Si ate Lisa pinapatawag ka! Nasa harap sya ng karinderya at binububog si Juan!" imporma ko sa kanya. Umaakting pa ako na may sinusuntok ako! Malamang! Para ano, may 'interaction'? Wow! Connect?! Agad naman syang tumayo at nagmamadaling tumakbo papunta doon. Napangiwi ako. Galing iniwan nya ako! Napatingin ako sa barbeque na naluto nya. Lumingon-lingon ako. Wala naman sigurong masama kung kukuha ako ng isa diba? Yumuko ako at kumuha ng isang barbecue. Mabilis na kinain ko 'yun at nagmamadaling pumunta ako kina ate Lisa! Rambulan na 'to! "Tatawag muna ako ng tanod ate..." rinig kong sabi ni Bobong sa kanya. Kararating ko lang kasi at hindi ko alam kong ano na ang nagyayari. Ang nakikita ko lang ay si ate nakalukod at nakahawak sa dalawang kamay ni Juan na ngayon ay nakadapa sa semento. Kainis! Na-miss ko ang c****x ng away nila. Ending na eh! Napagitla ako ng may humila ng t-shirt ko! Shit! Inis na tumingin agad ako sa gilid ko. Bwisit! Mga tsismosong maging updated sa mga bagay-bagay eh! "Simon?" gulat na tawag ko sa pangalan nya. Tsismoso pala 'to eh! "Ano ang nangyayari dito?" tanong nya sa akin. Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Secret!" mataray na sagot ko sa kanya. Kitang-kita nya kung ano ang nangyayari 'tapos magtatanong sya? Gago! "Bitiwan mo ako!" sigaw ni Juan kaya napatingin ako doon. Nanlaki ang mata ko ng makita kong buong pwersa nyang tinulak si ate Lisa. Napasinghap agad ako sa ginawa nya. Gago sya! Pati matanda! Wala syang kwentang tao! Nagmamadaling lumapit ako sa kanya... "Samantha!" rinig kong sigaw ni Simon! Lintek! Mas dumagdag pa ang inis ko! Sabi ng just call me 'Sam' Samantha ka dyan! Hinawakan ko ang buhok ni Juan at nginidngod ko ang mukha nya sa semento. Bwisit sya! "Bakit mo sinaktan si ate Lisa?!" galit na sabi ko sa kanya sabay hila noong buhok nya. "PANGIT KA!" dugtong ko sa sinabi ko kanina 'tapos sinuntok ko ang mukha nya! Bwisit! Bwisit!  Sana mamatay sya! "Ahhhhhhhhhhhhhhhh!" mahabang sigaw ko..... "Samantha!" napalingon ako sa likod ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko. "Tito?" agad na lumapit ako sa kanya at yumakap. "Sorry..." mahinang sabi ko sa kanya. Kasi naman nasabit sya sa problemang 'to! Baka may masabing hindi maganda sa kanya dahil sa akin. 'Tapos masira ang pangalan nya at patalsikin sya sa pagiging pari... Tumingin naman sya sa akin at hinawakan ang mukha nya... "Silly Samantha!" natatawang sabi nya. "Bakit ka humihingi ng sorry, wala ka namang kasalanan diba?" pambalubag loob na tanong nya. Tumango ako sa kanya. Wala naman talaga akong kasalanan... Siguro? Hindi ko naman alam! Gusto kong umiyak kasi feeling ko ang bobo-bobo ko. Simpleng tanong hindi ko masagot! Bwisit! Pero pinipigilan ko ang sarili kong mapaiyak. Ayoko! Ang pangit ko kapag umiiyak ako 'tapos madami pang tao rito... Naramdaman kong may humawak sa balikat ko napatingin ako doon. Lintek! Si Simon naman! Bakit ba sumunod ang gagong 'to sa presinto? Sulpot pa sya ng sulpot! Naiinis na ako sa kanya ha! EPAL kasi sya eh! "Okay ka lang?" tanong nya sa akin. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Manhid na nga sya, tanga pa! "LA KANG PAKE!" inis na sabi ko sa kanya sabay tabig ng kamay nya sa balikat ko. FC! Inirapan ko lang sya at padabog na umalis doon. "Sam!" tawag sa akin ni tito. "Uuwi na ako sa bahay mo tito!" paalam ko sa kanya. Simon's POV "Mon..." tawag sa akin ni father. Tumingin naman ako sa kanya. "Po?" "Pagpasensyahan mo na si Sam... Ayaw nya kasing makita ng iba na mahina sya..." ngumiti lang ako sa kanya. Alam ko naman 'yun eh. Kanina kasi para na syang iiyak pero ng lumapit ako sa kanya, naging mataray ulit sya... Siguro kasalanan ko rin. Hindi na dapat ako nakisali sa kanila ni Father... Napabuntong hininga na lang ako. "Susundan ko na lang sya Father...." suggest ko sa kanya. Baka kasi mapano pa sya eh. Alam ko naman na kaya nya ang sarili nya, pinatunayan nya nga 'yun kanina eh, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Kasi nga diba, magkaibigan na kami... Ngumiti lang din sya sa akin... "Mabuti pa nga...." Hindi ko talaga maiwasang humanga sa kanya. Akalain mo, sa payat nyang 'yun, napabagsak nya si Juan? Kapayat-payat na babae pero ang lakas sumuntok 'tapos ang angas-angas nya pa kanina! Tingin ko naturuan nya ng leksyon si Juan. Kilala ko si Juan. Kalaro ko 'yun noon eh. Hindi ko nga lang alam kung ano ang nangyari sa lalaking 'yun at naging ganyan na sya ngayon. Siguro, masasabi ko na bata pa talaga si Juan manyak na talaga sya pero hindi ko inaasahan na aabot sya ng ganun. Sinabi kasi ni Sam kanina na tsinansingan sya ni Juan 'tapos ...Napabuntong hininga na lang ako. Sinundan ko na lang si Sam. Sam's POV Dumeritso ako sa banyo pagkapasok na pagkapasok ko sa kwartong tinutuluyan ko. Kailangan kong maligo! Stress na stress na nga ako, ang baho ko pa... Letche! Hinubad ko lahat ng suot ko. Sinuklay ko ang buhok ko bago pumasok sa banyo. Tsk! Kapag itong buhok ko na-damage, reresbakin ko talaga si Boy kanin! Pumasok na lang ako sa banyo..... Sana pagkatapos nito, wala ng malas na dumating sa buhay ko! Sana last na 'to! Kasi sa nangyari ngayon, na-realize ko na, mapapahamak ang tito ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD