Eight

1322 Words
Simon's POV Kunot ang noong sinuyod ko ng buong tingin ang sala... Walang akong Samantha na nakikita. Na sobrang imposible! Nauna kaya sya! "Sam!" tawag ko sa kanya. Wala man lang ako nakarinig na sagot mula sa kanya. Nasaan kaya sya? Pumunta na lang ako sa kusina para ilagay 'yung pinamili ko sa mesa. Naku! Baka matunaw 'tong binili kong ice cream para sa kanya. Hindi kasi agad ako umuwi at pumunta muna ako ng Convenience store para bumili ng ice cream. Kasi ito naman ang puno't dulo ng lahat. Kung binilhan ko lang sya hindi na sana sya naghanap ng trabaho na kung saan sa trabaho nya, nakilala nya si Juan at umabot ang pangyayari sa ganun. Kasi naman si Father, inutusan ako na 'wag daw ibigay lahat ng gusto ni Sam lalo na 'pag tungkol sa mga luho nya... "Sam!" tawag ko ulit sa pangalan nya. Hindi ulit sya sumagot. Napakunot tuloy ang noo ko. Nakapagtataka naman kasi... Nauna kaya syang umuwi, eh bakit hindi sya sumasagot? Hindi ba sya dumeritso sa bahay? O ayaw lang nya talagang sumagot dahil ako 'yung tumatawag sa kanya? Napabuntong hininga na lang ako. Galit yata sya sa akin! Pero.. 'Yung ice cream... "Samantha!" tawag ko ulit sa kanya. Pumunta ako sa may sala. Wala pa ring sumagot. Napabuntong hininga na lang ako. Baka siguro may pinuntahan pa sya at hindi sya dumeritso sa bahay. Napatayo ako sa pagkakaupo ng may narinig akong kalampag sa may kusina. Baka 'yung pusa ni manang Selda! Naku! Baka pinakialaman 'yung binili ko... Maglalakad na sana ako ng may biglang sumigaw sa likuran ko. "Hoy!" napapitlag ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Nagulat ako doon ha! Akala ko kasi ano na?! May kwentu-kwento pa naman noon na may mga 'unlike ours' a.k.a. multo dito sa bahay ni Father. Humarap ako at ganun na lang ang gulat ng makita ko si Sam... Ang weird lang no?! Hinahanap ko sya, 'tapos ngayon na nakita ko sya, nagulat ako? Napailing na lang ako. Simon... i-tuwid mo nga ang utak mo! "Bakit ba tawag ka ng tawag sa pangalan ko? May kailangan ka ba?" inis na tanong sa akin ni Sam. Napatingin ako sa kanya. Agad na nanlaki ang mata ko! Hindi ko kasi sya nakita kanina-Mali hindi ko napansin yung damit nya-Hindi! Ano! Aish! Ano ba ang pinagsasabi ko?! Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya at napahimas na lang ako sa batok ko. Okay... Kalma lang... Hindi ko napansin na...Nakatapis lang sya ng twalya! Napalunok ako. Dahan-dahan na tumingin ulit ako sa kanya. Tinitigan ko sya ulo hanggang paa. Nagulat ako ng mapatingin ako sa mukha nya, nakataas ang isang kilay nya 'tapos pinamaywangan nya ako. "Tingin-tingin mo?!" sigaw na tanong nya sa akin. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Ano ba 'tong si Sam?! Bakit hindi sya nagdamit?! 'Yung MATINONG damit ha! Tumalikod ako sa kanya. "May binili akong ice cream para sa 'yo..." mabilis na sagot ko sa kanya at nagmamadaling naglakad ako papunta sa kusina. Aish! Ano ba ang ginagawa ko?! Sam's Pov Napailing na lang ako habang tinitigan si Simon. Iwan ba ako? Psh! Tsk! Tsk! May kaadikan din 'tong si Simon eh. Tinawag-tawag ako. 'Tapos ng magpakita ako, bigla na lang umalis? Psh! Napatingin ako sa suot ko. Bwisit! 'Yan tuloy nakita nya akong nakatapis lang. Hindi kasi makahintay... Hay... Ang adik lang talaga! Psh! Pero may ano daw ... Ice cream? Napangiti ako ng malaki. Galing, nakabugbog lang ako, may ice cream agad ako! Bumbogbog na lang kaya ako everyday para may ice cream ako? Ma-try ko nga... Pero dapat ano... Sa malayong lugar hindi dito... Tama! Tama! Masisira ang tito ko eh! Susundan ko na sana sya ng maalala ko na nakatapis lang pala ako ng twalya. Hayst! Dapat pa pala akong magbihis baka kasi may makakita sa akin 'tapos kasama ko si Simon at may isipin sila na nagchuchuchu kami dito! Kami lang kayang dalawa dito.. Atsaka isa pa, baka sabihan ako ng iba dyan na temptasyon ako. ASA! Nagmamadaling pumunta ako sa kwartong tinutuluyan ko at agad na kinuha ko 'yung damit ko-Ang damit na sobrang mahal! Bwisit! Kasi matatawag ko talaga na akin ang perang ginamit sa pagbili nun dahil pinag-ipunan ko 'yun ng isang taon... Na sobrang mahirap palang gawin sa panahong 'to... Ang pinagmamalaki kong EXO shirt! 'Yung kay Luhan...Please insert *wink *wink, sa mga di-sosyal, lagyan nyo po ng kindat! Oo ako na ang maka-Kpop! Kasi naman ang ganda kasi ng mga tinda nilang mga items eh kaya hindi ko mapigilan na hangaan sila. Oh diba may connect? Galing! Basta! Sinuot ko na lang 'yun-Oo! Naka-panty naman kasi ako eh, kanina pa. b*a? 'Wag na! Pagabi na naman kasi ... Atsaka, hindi naman mahahalata, flat chested kaya ako! Feeling ko nga, lalaki ako 'pag ganito ang suot ko. At ako si Luhan! Bakit may papalag?! Mukha naman babae 'yun eh, kaya okay lang! Mas maganda pa nga 'yun sa akin kung mag-long hair 'yun... Psh! Ang sakit talaga ng katotohanan! Kaya nga masasabi kong unfair si Life, Psh! Mag-emote ba si Samantha Guevara? Guys...HashtagConfuse! and hashtagEmoterangBakasyonista Napa-aprub sign na lang ako ng matapos ako sa pagbibihis. Binun ko lang 'yung buhok ko. Lakas maka-hot ang bun na hairstyle eh... Nagmamadaling pumunta ako-wait! 'Yung cellphone ko! Kinuha ko 'yung cellphone ko at pumunta sa kusina. Nakita ko si Simon na naglalagay ng ice cream doon sa baso. Galing! Ang bait nya. Dalawa kasing baso ang nakalagay doon. Kung ganun, nag prepare rin sya sa akin? Aww... Na-touch naman ako ng SLIGHT! "Nandito ka na pala..." sabi nya sa akin ng mapatingin sya sa akin. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti sya sa akin... Napapansin ko, palangiti si Simon. Gumawa kaya ako ng paraan para umiyak sya? Para tuwing nagkikita kami, marinig ko syang magmura! Para maiba lang. Kasi tingin ko, kahit na magka-gyera dito, nakangiti pa rin sya... Sige hanap nga ako ng time para magawa ko 'yung evil plan na 'yun pero 'wag kayong mag-expect masayado, CLOSE sila ng tito ko... Baka ako ang umiyak 'pag nagkataon! Umupo na lang ako doon sa bakanteng upuan at binigay nya sa akin 'yung basong may laman na ice cream... "Thanks..." nakangiting sabi nya sa akin. Ngumiti lang sya sa akin. SABI KO SA INYO EH! PALANGITI SYA! ANO PAIYAKIN NA 'TIN SYA?! "Kain na tayo.." sabi nya. Isusubo na sana nya 'yung ice cream kaya napasigaw ako. "STOP!" pigil ko sa kanya. Parang na-pause sya sa pagsubo nung ice cream at dahan-dahan na napatingin sa akin. "Bakit?" naguguluhang tanong nya. Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko... "Kukunan ko muna..." nakangiting sabi ko sa kanya... Kinuha ko 'yung baso nyang may lamang ice cream at inilagay sa mesa katabi nung baso ko na may laman ring ice cream. Naghanap ako ng anggulo na sobrang ganda na magiging resulta ng picture... Napangiti ako at nahanap ko ang direksyun na 'yun at kinuhaan ko 'yun ng picture. Umupo ako sa upuan at sinave ko 'yung nakuha kong picture. Ganda! Lalo na 'pag selecta! Sarap kaya ng 3 in one nila! Mura pa! "Hastag, stress reliever!" nakangiting saad ko habang nakangiting inilagay ko 'yung cellphone ko sa mesa at kinuha ko 'yung ice cream ko... Nakita ko namang kinuha ni Simon 'yung sa kanya. "Simon, matanong ko lang, birthday mo ba? May ice cream eh..." nasabi ko bigla sa kanya. Nga naman, kaya ito siguro ang dahilan kaya hindi nya ako binilhan kanina, gusto nya kasi isabay ngayong gabi... Tumingin ako sa kanya hindi ko kasi sya narinig na sumagot. Napangiwi na lang ako ng tumingin ako sa kanya, ngumiti lang sya sa akin. Bwisit! "Alam mo ang weird mo..." Sabi nya sa akin. Tsk! Hindi naman 'yun ang sagot nung tanong ko. Atsaka, laitin ba ako?! Ako? Weird? Tsk! Sa gandang kong 'to?! "Hingi ka ng hingi ng ice cream, 'tapos ng meron na..." hindi nya na tuloy ang sasabihin nya dahil bigla na lang syang umiling at tumingin sa ice cream nya. "Ano?" tanong ko. Magsasalita 'tapos hindi tatapusin. Tsk! "Kalimutan mo na lang 'yung sinabi ko..." mahinang sabi nya. Napangiwi na lang ako. "Ikaw ang weird Simon hindi ako...." madiin na sabi ko sa kanya. Kinain ko na lang 'yung ice cream ko. Psh! Totoo naman talaga eh! Hindi ako ang weird! SYA ang weird! Hindi tinatapos ang sinasabi nya!! Adik! ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD